The Billionaire's Prize Wife -
Chapter 28
AGAD na nilapitan at niyakap ni Harry ang asawa. "Sshhh! I told you about it, didn't I?"
Kumalas si Jemima sa pagkakayakap ng asawa. "But it's different when I see it in my eyes!" Umiling-iling siya sa asawa. "I can't take it, Harry! I can't bear to see any of it!" Walang lingon-likod siyang lumayo sa asawa. Hindi na ipinilit ni Harry ang kagustuhang makapagpaliwanag sa asawa. Hinayaan na lang niya itong iwanan siya.
Natagpuan ni Jemima ang sariling pumipila para sumakay ng cable car. Tinakpan niya ng jacket at bag ang maliit na umbok sa kaniyang tiyan. Nalungkot siya nang makita ang ilang romantic couples na pumipila rin. Naalala niya si Harry. Pinahid niya ang sumungaw na luha sa kaniyang mata.
Habang sakay ng cable car ay sinulyapan niya ang magandang tanawin sa ibaba. Mula sa Mount Faber Station, nadaanan nila ang Keppel Harbour at Singapore Cruise Terminal. Napabuntunghininga siya. Alam niya kasi na ang Adventure Cove Waterpark na ang susunod niyang madadaanan. Ito pa naman ang gusto sana niyang iungot kay Harry na pasyalan nila. She felt empty, then she cried. Naaalala niya ang mahigpit na yakap ni Harry sa kaniya noong kasama niya itong sumakay ng cable car. Ang romantic ng eksena nilang iyon. Pero mag-isa na lang siya ngayon. Wala nang Harry na nakapulupot ang mga bisig sa kaniyang katawan. Wala na ang mainit na halik at paglalambing ng asawa niya. Tuluyang naglaglagan ang ang mga luha ni Jemima. Mag-isa lang siya sa loob kaya malaya niyang nailabas ang damdamin niya. Hindi na niya namalayan na dumaan at lumampas na ang sinasakyan niya sa Universal Studios ng Singapore.
Samantala, abala si Harry sa pakikipag-usap kay Cohen. Tina-track nila ang mobile phone ni Jemima.
Nagulat si Jemima nang makita niya si Cohen pagbaba niya ng cable car.
"I'm not going home, Cohen."
"I understand, madam. But can you give me a second?"
Pinagbigyan ni Jemima ang request ni Cohen na mag-usap sila.
"I understand that you don't like him anymore. But you can't go away from him. It's a breach of your contract. Your parents will suffer the consequences of your actions."
Natigagal si Jemima. Nawala na sa isip niya ang kontratang pinagkasunduan nila. Nawala sa isip nila na arranged marriage ang nangyari sa kanila, na hindi sila kagaya ng ibang mag-asawa na kusang nagpakasal dahil nagmamahalan. Tila may punyal na iniunday sa puso ni Jemima sa realization niyang ito.
"You have to go home, madam. You can ignore him inside your home but not in front of other people."
Walang imik na sumama si Jemima kay Cohen. Wala nga pala siyang magagawa kundi ang patuloy na gampanan ang pagiging asawa ni Harry Sy, gusto niya man ito o hindi.
Habang nagda-drive ay bumubuntunghininga si Cohen. Totoo naman ang lahat nang sinabi niya sa babae. Pero naniniwala siyang hindi na iyon ang dahilan ni Harry kung bakit ipinasundo niya ang asawa nito.
Kilala niya si Harry. Marami itong naging babae pero pawang fling lang ang lahat ng iyon. Alam niyang wala siyang niligawan o pinaasa sa mga iyon. Ngayon niya lang ito nakitang ibinuhos ang atensyon sa isang babae. Kay dali nitong nakalimutan ang galit nito kay Jemima. Batid niyang hindi lang asawa sa pangalan si Jemima para kay Harry.
Inalalayan ni Cohen sa pagbaba ng kotse si Jemima. "Ma'am, please don't forget your role as his wife," nakita niya ang kawalan ng gana sa mga mata ng babae. "Be strong, madam." Mahinang tango lang ang isinagot ng babae.
Pagpasok niya ng condominium unit ay sinalubong siya ng yakap ng lalaki. "Where have you been?"
Kumalas sa pagkakayakap ang babae. "Harry, from now on, please don't pamper me. It makes me weak. It makes me forgetful." Tumalikod siya sa asawa, nilalabanan ang pagtulo ng luha.
Bumuntunghininga na lang ang lalaki. Hahayaan niya muna ang asawa sa gusto nito. Hihintayin niya ang araw ng paghupa ng emosyon ni Jemima tungkol sa video na iyon.
Lingid sa dalawa ay naging laman ng social media ang eksena nila kanina sa mall. Nakita ito ni Ivana. Nakita niyang kuha ito habang ipinapalabas ang tungkol sa video nila ni Harry. Napangisi siya. Ramdam niya ang pagwawagi. Tila nagdidiwang pa siya na hinimas-himas ang kaniyang imaginary crown. 'Wait for more. I'm just starting.'
UMIIBIS pa lang ng kotse sina Harry at Jemima sa parking lot ng company building nila ay sinalubong sila ng isang grupo ng reporters.
"Mr. Sy, what can you say about the trending video of you and Miss Ivana Smith?"
Umiwas sa nagtanong si Harry, sa halip ay inakay niya papasok ng building ang asawa.
Ayaw silang tantanan ng reporters.
"Why are you kissing another woman, Mr. Sy? Are you not contented of your wife?"
Hindi pa rin sumasagot si Harry. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad, akay ang asawa. Nagtatagis ang kaniyang bagang sa kinasusuungang iskandalo. "Mrs. Sy, what can you say about your husband's extra marital affair?"
Malinaw kay Jemima kung ano ang role niya bilang asawa. Kung hindi sumasagot si Harry sa reporters, puwes, siya ang sasagot. Hinarap niya ang mga ito.
"Before you conclude that my husband is having an extra marital affair, have you asked the woman involved why she had to be there? My husband was waiting for me. He thought it was me who was knocking at the door. He wanted to surprise me with a kiss."
Nagkatinginan ang reporters sa inilahad ni Jemima.
"Yes, he's that romantic, because we are a happy couple. But that woman suddenly appeared. We don't know who took the video. What we know is that Miss Ivana Smith was banned in that hotel per my husband's request. So now, do you still think that Harry Sy is having an extra marital affair with that woman?"
Nagbulung-bulungan ang mga tao sa paligid. Nagkani-kaniya sila ng komento sa narinig kay Jemima.
"But your video is trending on social media, why did you cry?" ani ng isang reporter. Ipinakita niya ito kay Jemima.
Napalunok ng laway si Jemima. Hindi niya inaasahang sa isang iglap ay malalagay sa alanganin ang status ng kaniyang asawa dahil sa naging pagkilos niya doon sa mall. Nakalimutan niyang nasa public place sila noon. Minabuti ni Harry na siya naman ang sumagot sa naturang tanong ng reporter.
"If you will see a video of your partner kissing another person, will you be happy? It was a natural reaction of a wife. Her love for me was clear, if you can see it. Now if we may be excused, she can't take too much stress as she is pregnant." Hinawakan niya sa kamay ang asawa.
Hinayaan ni Jemima na nakahawak si Harry sa kaniyang kamay habang naglalakad sila. Malinaw sa kaniya na part ito ng pagiging mag-asawa nila.
Tinantanan na sila ng reporters dahil sa isinagot nila sa mga ito. Payapa silang nakaakyat ng elevator.
Sinalubong silang dalawa ni Cohen.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Your father wants to see you both."
Nagkatinginan ang mag-asawa. Kapuwa sila kinakabahan.
Sa loob ng opisina ni Samuel Sy. Mataman niyang tinititigan ang mag-asawang nakaupo sa kaniyang harapan.
"You disappoint me," sabi niya sa harap ng mukha ni Harry. Umiling-iling pa siya. How can you cover this up? By this time, there's a huge percent of chance that we will not get the People's Choice Award. And, if we can't prevent it from happening, our sale will go down, way down than you can imagine! We might be bankrupt because of that horrible video." Huminga siya ng malalim bago tuluyang nagsalita, "am I just exaggerating? Do you think it's not possible? Do you think that our competitors will not capitalize on it?"
Lumunok ng laway si Harry. "I'm sorry, Dad. I'll fix it."
"Good. But not good enough. I don't want a mere fixation. Make things better. You must capitalize on it instead of letting others do the trick."
Hindi pa man malinaw kay Harry kung paano niya gagawin ang huling tinuran ng kaniyang ama ay sumang-ayon na siya dito. Hindi rin naman siya tatantanan ng kaniyang ama kung hindi niya ito sasang-ayunan.
Si Jemima naman ang tinitigan ni Samuel Sy sa mata. Nakikita niya ang pagkabahala sa mukha ng babae.
"I like what you did back there. You stood up for your husband." Nginitian niya ito, kapagkuwa'y seryoso niya itong tiningnan sa mata, "but it must not stop there. Like what I just told your husband, you should capitalize on it for our benefit." Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Jemima, "my child, I would like to see your bravery and strength on this. Do it for our future. Make us proud."
Hindi pa nagsi- sink in kay Jemima kung ano ang saktong pinapagawa sa kaniya ng biyenan, pero nauunawaan niyang kailangan niyang sumang-ayon. Ito naman ang pinasok niyang kontrata, gawin ng buong kagalingan ang kaniyang role bilang asawa ni Harry.
Kahit nasa gitna ng trabaho ay hindi mapalagay si Jemima. Mataman niyang pinag-iisipan kung ano ang kailangan niyang gawin ngayon para sa kumpanya, kung ano ang papawi sa gusot na idinulot ng video na iyon.
Minabuti ni Harry na personal na puntahan ang isang proyekto ng Good Era Tire and Rubber Company. Isa itong pagtitipon ng mga kabataang may talento sa palakasan. Multi culture ito. Dahil mga indiyano ang may malaking porsiyento ng bilang ng attendees, si Chester Singh ang itinakdang maging speaker dito.
"I've heard that Chester is out of the country. Who will speak in his behalf?"
Nagpalinga-linga muna si Cohen bago sumagot. "It might be Mr. Raja, sir. He's coming here to join the conference tomorrow, so I guess Mr. Singh asked him to do the speech since they are close."
Tumango-tango naman si Harry. Mukhang mabigat ang magiging usapan nila sa conference bukas. Ganito lagi kapag pinapatawag ng kaniyang ama ang mga manager sa iba't ibang bansa. Tiyak na darating din ang kaniyang biyenan. Napabuntunghininga siya.
"Harry!"
Nagitla si Harry nang makitang papalapit sa kaniya sina Sheena at Shelly.
"Ladies, why are you gere?" Alanganin siyang humarap sa dalawa. Humakbang naman palayo sa kanila si Cohen.
"We're here to see you, of course," magiliw na sagot sa kaniya ni Shelly.
Nahagip ng kaniyang paningin sa may 'di kalayuan sa kanila si Ivana Smith. Paanas niyang kinausap ang dalawa, "are you here to put me down? Are you part of this scandalous accusation?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "No, Harry, we're here as your friends."
Napansin ni Harry na malikot ang mga mata ni Sheena habang nagsasalita ito.
"I'm not buying it. If you, girls are up to destroy me, I hope you're aware of its consequences."
Sa pagkakataong ito ay papalapit sa kanila si Mr. Raja. Nahalata naman ni Harry ang pagiging uneasy ng magkapatid.
"If you're really my friends, you should have not come. Not this time. You know what's happening to me now. Please be reasonable." "We're here to comfort you, Harry," wika naman ni Shelly.
Umiling-iling si Harry. "It will be uncomfortable on my part." Tinalikuran na niya ang dalawa. Sinalubong niya ang ama ng magkapatid.
"Mr. Raja, nice to see you here." They shook hands. "So you're bringing your girls anywhere now."
"They said you called them to come."
Natigilan si Harry sa narinig. Tinapunan niya ng tingin ang magkapatid. "Did I?"
Hindi agad nakakibo ang magkapatid.
"I'm sorry, I must have forgotten it. I am loaded of work. I just came here to see you."
"Oh, thank you!"
Bago umalis ay nilingon ni Harry ang magkapatid. "I'll make it up to you, girls. I'll send my brothers here, okay?"
Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang magkapatid. Kailangan na niyang makaalis bago siya malapitan ni Ivana.
May inimbita silang reporters para sa event na ito. Presko pa sa mga ito ang video nilang iyon ni Ivana.
"Harry!"
Nagkunwari siyang hindi niya naririnig ang boses ni Ivana. Wala siyang balak na bigyan ito ng pagkakataong makuha ang atensyon ng mga tao at his expense. "Harry!"
Nagtagis ang bagang niya. Bakit ba siya sinusundan ng malas ngayon? Nagdadalawang-isip siya kung lilingunin niya ba si Sheena o hindi.
"Harry!"
Napahinto siya sa paglalakad. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng kaniyang asawa. Minamalas nga ba talaga siya ngayon?
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report