NALAMAN ni Harry na nagpunta ng China ang pinsan niyang si Chester. Minabuti niyang huwag munang bumalik ng Singapore. Umaasa siyang babalik si Chester bago ang kaniyang scheduled flight pauwi at magkakaroon sila ng masinsinang usapan.

Umaasa rin siyang magbabago ang isipan ng magkapatid na Tata at muling i-consider ang business proposal niya. Sa parteng ito ay hindi siya confident. Kilala kasi ang magkapatid na firm sa kanilang binibitiwang desisyon pagdating sa negosyo. Pero ipapakita pa rin niya ang kaniyang presensiya sa dalawa.

Kahit paano ay hindi na siya sinusundot ng kaniyang konsensiya tungkol kay Ivana Smith. Nasaktan siya sa pagsampal ng babae sa kaniya pero lumuwag naman ang kalooban niya dahil doon. "Please talk to me," ang huling mensahe niya sa asawa.

Kagabi ay natutukso siyang utusan si Cohen para kausapin nito si Jemima sa pag-aalalang baka may nangyaring hindi maganda sa babae. Baka kasi nasobrahan na naman ito ng kaiiyak dahil sa pagseselos. Pero minabuti niyang panatilihin itong usapang mag-asawa.

Hinahagod niya ng mga daliri ang ulo habang umiinom ng tsaa. Masakit ang ulo niya ngayon. Napuyat siya sa kaiisip sa asawa.

Nabigla siya nang biglang tumunog ng malakas ang kaniyang cellphone. Nakalimutan niya na naka- full volume ito kagabi. Gusto niya kasing marinig ang pag-ring nito habang natutulog siya, sa pagbabakasakaling tatawagan siya ni Jemima. "Hello, honey," nilambingan niya ang boses. Ayaw niyang kumprontahin sa telepono ang asawa.

Hindi kumibo ang nasa kabilang linya.

Lalo pa niyang nilambingan ang boses niya, "I miss you, my queen. Do you miss me, too?" Naririnig niya ang paghinga nito. "You were out of reach. Do you want to come?"

"I was hurt," panimula niya, "and jealous. You kept it hidden from me. You could have been honest, don't you think?"

Hindi maalis ni Jemima ang pagkainis habang nagsasalita. Hindi pa sana niya kikibuin ang asawa, dinaig lang siya ng konsensiya niya sa ginawa niyang paninikis sa asawa. Naalala niya kasi ang payo ng mga magulang na huwag patagalin ang misunderstanding nilang mag-asawa.

"Why were you hurt? I did nothing wrong. Yes, I went to see her, but we didn't push ourselves to more than our limitations. Hey, I'm not forgetting that I'm a married man. I deserve your trust, don't you think?" Gusto niyang sawayin ang sarili pero huli na nang mapansin niyang may tono ng pagkairita ang pagkakawika niya sa asawa. Ayaw pa naman niyang lumala ang hindi nila pagkakaunawaan.

"Are you mad at me? I can't trust you if you keep things secret from me. Why can't you tell me your plans? Aren't you just being too defensive?"

Nangyari na ang iniiwasan niyang mangyari. May himig ng sama ng loob na ang boses ng asawa niya. Mukhang naiiyak na ito. Paano niya ipapaliwanag ang lahat nang maunawaan siya nito?

"Jem, maybe it's better that you'd come. I'll explain everything to you." Inaalala niya ang pagbubuntis nito. Ayaw niyang maging sobrang emotional ang asawa.

"I can't travel with my eyebags." Suminghot-singhot ito. "I only slept for two hours! My mind was killing me while you're there having the time of your life at the palace with that woman! How could you do this to me? You're so inconsiderate!"

"Am I who's being inconsiderate here? I'm here doing everything I can for the company, for us, while you're there dwelling with your nonsense imaginations! Could you stop acting like a spoiled girl and start thinking reasonably?" It was a sudden outburst. He flared up. And he couldn't take it back. All he can do is hear her cry before she end the call.

Gusto na niyang umuwi. Pero hindi pa niya nagagawang lahat ang ipinunta niya rito. Kailangan niyang makausap si Chester Singh.

Inihilamos niya ang mga kamay. Sa ngayon ay kailangan niyang tiisin ang kagustuhang makita ang asawa. Umaasa siyang mahihimasmasan ito at muling makipag-usap sa kaniya.

SA KABILANG DAKO ay nalaman ni Chester ang ginawang pagtanong-tanong ni Harry tungkol sa kaniya. Napapaisip siya.

Wala naman sana siyang plano noon na mag-resign sa Good Era Rubber and Tire Company. Masaya na naman siya bilang bise presidente ng kumpanya. Gusto niya ang ginagawa niya araw-araw at kasundo niya ang mga katrabaho niya. Bukod sa financial ay may emotional investment na rin siya sa naturang kumpanya. Minahal niya at inalagaan ito.

Pero labis siyang nasaktan nang maisip niyang ginawa lang siyang panakip-butas ni Jemima, at sa isipang tinraydor siya ng mag-asawa. Iyon pa naman ang panahong inalis na niya ang emotional barrier niya sa mga Sy.

Ilang taon din niyang pinanatiling professional ang pakikitungo sa mga Sy. Umiwas siya sa pamilya nina Harry mula nang malaman niyang mismong si Samuel Sy ang may kinalaman ng pagkawala ng tiyahin niyang si Benita Sy.

Si Benita ang paborito niyang tiyahin noon, kaya labis siyang nasaktan nang mawala ito. Kasama siya ng kaniyang mga magulang sa paghahanap sa tiyahin niya noon. Namatay na lang ang kaniyang ina na nangungulila sa kaniyang tiyahin. Saka pa lang naisipang magtapat ni Samuel Sy sa kanila ng kaniyang ama. Humiling ito ng kanilang pananahimik kapalit ng pagpapaaral nito sa kaniya.

Napabuntunghininga siya sa pagbabalik ng mga alaala sa kaniyang isipan. Malinaw pa sa kaniya ang mukha ng kaniyang ina habang nakaratay ito sa ospital at hinahanap ang kapatid nitong si Benita habang nakayuko si Samuel Sy sa isang sulok. Hindi niya sigurado kung ipinagtapat ng kaniyang tiyuhin ang totoo sa kaniyang ina.

Naaalala pa niya ang huling pag-uusap ng kaniyang ina at ni Samuel Sy. Hirap na noon sa paghinga ang kaniyang ina pero ipinatawag nito ang kaniyang tiyuhin.

"Hindi ka liligaya kung hindi mo aalisin ang galit sa puso mo. Kailangan mong matutong magpatawad at magtiwala." Ito ang narinig niyang sinabi ng kaniyang ina kay Samuel Sy.

Ilang beses din niyang nakita ang pagtulo ng mga luha ni Samuel Sy mula nang namatay ang kapatid ni Benita. Ang alaalang iyon ang naging dahilan niya ng pamamalagi niya noon sa ilalim ng mga kamay ni Samuel Sy sa kabila ng mga pagdaramdam niya noon.

Nang namatay ang kaniyang ama ay nagpatuloy siya sa pagsunod sa kaniyang tiyuhin kahit na naramdaman niya ang pagkawala ng amor sa kaniya ni Harry. Kailan lang ay nagkasundo silang muli, pero nauwi lang din ito sa pagsama ng kaniyang kalooban.

Ngayon ay siya na ang bise presidente ng numero unong kakumpitensiyang kumpanya ng mga Sy at Te. At ngayon ay hinahanap siya ni Harry Sy, si Harry na ni minsan ay hindi niya kinakitaan ng pagtitiwala sa kaniya, si Harry na itinuring siyang karibal at kakumpitensiya.

Napatingin siya sa malayo. Tinitimbang-timbang ang gagawin.

Nang mapatitig siya sa paligid na natatakpan ng snow ay naisip niyang lumabas. Nag skiing siya. Nakipaghuntahan siya sa mga estranghero.

Nang mapagod ay naglaro siya ng snow ball. Natatawa siyang nalulungkot sa mga bagay na bumalik sa kaniyang alaala.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Hindi lang isang beses silang naglaro ng snowball nina Harry noong mga bata pa sila. Bilang magpinsang- buo at nasa iisang siyudad lang sila nakatira, at bilang nag-iisang kapatid ng nanay niya si Benita Sy ay isinasama siya noon ng mga Sy kahit saan sila magbakasyon. Naging magkalaro sila noon. Magkaibigan.

Wala nga pala siyang itinuturing na malapit na kaibigan bukod kay Jemima at sa mga Sy. Naging masyado siyang abala sa pagsisikap na maging outstanding student. At nang ma-hire siya sa kumpanya ng mga Sy ay nag- focus siya na mapanatiling sukbit ang best employee award ng kumpanya.

Nakapagdesisyon na siya. Panahon na ngayon para harapin niya ang lahat nang itinago niya sa sulok ng puso niya. Bibigyan niya ng kapanatagan ang sarili. Gusto niyang maranasan ang payak at tunay na kaligayahang nakikita niya noon sa mga magulang niya.

....

HABANG naglalakad si Harry sa loob ng Taj Mahal Palace kasabay ng ilang turistang ang pakay ay ang makita ang makasaysayang musoleo ay hindi niya maiwasan ang mapatingin sa mga paa ng mga babae. Naaalala niya ang asawa sa mga ito. Naisip niya na kung kasama niya ngayon ang asawa ay malamang na ngingiti lang ito habang naglalakad nang walang panyapak. Mahilig kasi si Jemima na magpaa, lalo na sa dalampasigan at sa loob ng condominium unit nila. Nakaramdam siya ng tila kurot sa dibdib. Hindi niya tiyak kung saan patutungo ang pagsasama nilang mag-asawa. Umaasa siyang maglulubag na ang loob ng babae at mabawasan ang pagiging emotional nito ngayon. Habang nakikinig siya sa usapan ng mga kasamang turista kung gaano sila humahanga sa pagmamahal ng dating Emperor Shah Jahan sa asawa nitong si Mumtaz Mahal kung kaya't itinayo ang palasyong ito ay naghalo ang kalungkutan at pagkadismaya niya sa sarili. Pakiramdam niya ay isa siyang walang kuwentang lalaki at hindi nababagay na mahalin o magkaroon ng asawa.

MALALIM ang iniisip niya habang nasa loob siya ng restaurant. Naisip niyang kausapin ng masinsinan ang asawa pag-uwi niya. Ibabalik na niya ito sa mga magulang nito. Isusuko na niya ang kaniyang karapatan bilang asawa nito. Handa na siyang tanggapin ang kaniyang kabiguan. Tanggap na niya na hindi siya nababagay na magkaroon ng emotional relationship.

Hindi niya inaasahan ang paglapit sa kaniya ng isang babae. Naka-office attire ito at nakalugay ang malago at makintab nitong itim na buhok. Ngumiti ang magandang babae at nakita niya ang perpekto nitong ngipin. "Hello, Mr. Sy, I'm Noerna Khan, Mr. Yash Tata's executive secretary. The brothers have a message for you."

Nagkamay muna silang dalawa at pinaupo niya ito bago niya tinanong, "what is it?" Umaasa siya ng isang himala.

"I came here to tell you that they appreciate your presence but they are staying firm on their decision. They sent me as an extension of themselves. I am ordered to tour you around as their appreciation on your effort." Mukha namang pormal ang babae, at kasama naman nito ang kaniyang driver, kaya nagpaunlak siya sa imbitasyon nito.

Sakay ng isang Rolls Royce, nag-ikot sila sa sentro ng Mumbai. Binusog niya ang mga mata sa mga bagong tanawing dinadaanan nila. Hinayaan niya ang babaing magdesisyon kung saan siya nito dadalhin.

Natagpuan niya ang sariling nasa loob na ng isang bar. Hindi siya makapaniwala na ito ang lugar na pagdadalhan sa kaniya ng babae.

Sa labas ay inakala niyang puro restaurant lang ang nakahilera. Ngayong nasa loob na siya ng bar ay tila biglang nagbago ang atmospera ng paligid. Naka dim light ito. Sinalubong sila ng nagseseksihang mga babae. "Welcome!" "Do the brothers know this place?"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"No," she smiled wryly. "They don't even know it exists, I guess."

"They don't?" "Then why the heck we're here?' Gusto niya pa sanang magtanong pero tumahimik na lang siya. Nakita niya kasing excited na itong sumayaw.

Tawa nang tawa ang babae habang nakikipagsayaw sa kaniya. Tila hindi nito napapansin ang kawalan niya ng ganang sumayaw.

Pag-upo nila sa table ay may ka-table nang hospitality girl ang kanilang driver. He felt awkward lalo nang kumandong na ang babae sa driver. Aalis sana siya sa pagkakaupo pero isiniksik na siya ng mga babaing kasama ni Noerna Khan. Kung nangyari ito noon, wala siyang pakialam kung mapahiya ang mga kasama niya. Hindi siya mapipilit to go with a crowd na hindi niya feel. Pero ngayon ay nakakapagpasensiya siya.

Magaganda naman ang mga babaing dinala ni Noerna para sa kaniya. Pero hindi niya ito ipinagpapasalamat. Minabuti niyang ituon ang pansin sa pag-inom, umaasa siyang kusang mawalan ng gana sa kaniya dahil sa kaniyang ipinapakitang coldness ang mga katabing babae at magsialisan.

Hindi niya paborito ang alak na iniinom niya ngayon. In fact, hindi niya ito gusto. Pero pinagtitiyagaan niya ito kaysa harapin ang mga babaing nakatunganga sa kaniya.

Lingid kay Harry ay may kumuha ng larawan nila ngayon.

Nang magsimulang maglakbay ang kamay ng isang babae sa hita ni Harry ay napapitlag siya. Tumayo siya at walang lingon-likod na umalis. Hindi na niya kayang magtagal pang makasama ang iniwang grupo.

"Mr. Sy!" Humihingal na hinabol siya ng secretary. "Mr. Sy, please wait!"

Hinayaan niya itong humabol sa mabilis niyang paglalakad. Nang pasakay na siya nang taxi ay muling sumigaw ang babae. "Mr. Sy, I beg of you!" Nilingon niya ito. "Please wait!" Nakita niyang naiiyak na ito kaya hinayaan niya itong makalapit sa kaniya.

"Please give the brothers my appreciation. This night is indeed unforgettable," he said it with a poker face.

"Mr. Sy, I'm sorry. I thought you were looking for this kind of place."

Umarko ang isang kilay niya. Paanong naisip ng babaing ito na gusto niyang pumasok sa ganoong lugar gayung nagri- relax siya kanina sa isang palasyo.

"Do you often go there with a stranger?"

Tumungo ito bago nahihiyang sumagot. "Often times, sir. Most of our clients wanted to in places like that. Some of them even asked for more."

"And you oblige?" Naninita na ang tingin niya sa babae, pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan ito. Muli siyang nag poker face nang pumormal ng mukha ang babae.

"Mr. Sy, the brothers don't know of the extra mile I'm doing for them. I just believe that if their clients are happy, then they will all be happy."

Sa narinig ay walang imik siyang lumulan ng taxi.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report