The Crazy Rich Madame -
Chapter 30; She is Rich.
Pagdating sa carpark ay agad na kinuha ni Vladimyr ang susi sa sling bag niyang gawa ni Lady Cee. Kilalang Designer ng mga luxury gowns sa Southland. Nitong nakaraang taon, pinasok na rin nito ang paggawa ng mga bags at wallets at Sapatos. Na kaibigan din niya. At ang sling bag na gamit niya ngayon ay regalo ni Lady Cee sa kaniya. Dinadayo rin ng mga mayayamang tao ang shop nito sa ECC dahil kilala ang commercial center sa buong southland pati na ang katabing mga bayan.
Dumeretso sa naka-park na Lamborghini si Vladimyr. Binuksan iyon at maingat na sumakay. Sinenyasan niyang sumakay si Leona na noon ay halos lumuwa ang mga mata habang lumilibot ang tingin sa lahat ng mga nakahelerang sasakyan na naroon. Puro mga luxury cars.
"Saan ang bahay mo? Let me take you home." aniya habang ini-start ang engine.
"Wag na, madame" tanggi ni Leona. Bakas ang hiya nito sa mukha.
"No. I insist. Gusto kong malaman kung saan nakatira ang bago kong kaibigan." Ngumiti si Vladimyr. Ngiting hindi mo nanaisin makita. Ngiting magdudulot ng pangangatog ng tuhod.
Walang nagawa ang si Leona kundi ang pumayag. Baka kasi magalit ito. Nakaka takot pa naman ang hitsura niya kanina. Para siyang isang mabangis na tigre na handang lapain ka kapag nagalit.
Vlad drove her car to Leona's house. They entered a luxury subdivision na may malaking bahay. May malawak na driveway at maraming guwardiya.
As Vladimyr drove along the main road, she remembered what Leona said before the woman gave her, her lost purse.
"You said you saw my purse on a building, am I right?"
"Yes" tumango si Leona.
"What are you doing in that building, then?"
"It happens that I visited the building two weeks ago, and I saw some broken walls and shattered debris on the second level, so I tried to look further...I felt bad but I saw your purse." "Don't you realize that it maybe dangerous to go there?" Tanong niya muli.
"Nope. Not at all. Yung building na yon, sa lolo ko. Gusto niyang ipagawa yon para sa mga apo niya, but..... he got sick and after a year, he passed" malungkot na sabi ni Leona. Ramdam ni Vlad ang nararamdaman ni Leona ngayon. Ganyan din siya kahit matagal nang wala ang mommy niya.
"I see...."
Tanging tugon lang ni Vladimyr.
"Sabi ko na nga ba..... mayaman ka"
"What do you mean?"
"I sense it" aniya habang nag da drive. "Anong ibig mong sabihin?"
"Na mayaman ka din, halata sa kilos mo"
"Hindi naman ito sakin, sa asawa ko to" Tumango si Vlad.
"So, saan ang bahay niyo?"
Tinuro ni Leona ang gilid ng daanan.
"Ibaba mo na ako dito, Madam."
"Diyan na ba bahay niyo?"
Umiling so Leona. "Hindi, madame pero kase ayokong makita nila na may bago akong kakilala" nag aalangan na sagot nito.
Nangunot ang noo ni Vlad. Pakiramdam niya may kakaibang pinagdadaanan ang bago niyang kaibigan. Kaya nagpumilit siyang ihatid mismo ito sa talagang bahay nito para alamin ang sitwasyon nito sa bahay nila. Kung hindi siya nagkakamali, mukhang biktima ng bullying ang si Leona.
Ayaw ni Vladimyr sa lahat ay yung mga binubully. Naranasan na niya iyon sa kamay ng madrasta niyang si Pristina kaya galit siya sa mga abusadong tao.
Habang papasok ng papasok ang sa sasakyan napansin ni Vlad ang pagkabalisa ni Leona. Mariing naka kuyom ang kamay nito at bakas ang pag aalala sa hitsura.
"Malapit na ba tayo?" Pakli niya dito pero parang di siya narinig ni Leona.
"Leona?"
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report