The Crazy Rich Madame
Chapter 32; Celia

Mataman na pinagmasdan ni Vladimyr habang pinakikiramdaman ang lalaki na lumabas mula sa bahay ni Leona. Gwapo din ito at may malakas na dating.

'Pero mas gwapo si Luvien. Mas maganda ang ilong, mas perpekto ang hubog ng labi at mas nakaka akit ang kislap ng mga mata. Kesa sa lalaking to na umaapaw ang kayabangan sa hitsura.' aniya sa isip. 'Fuck! Bat ko ba pinagko-compare ang dalawang to?' agad niyang saway sa sarili at lihim na napairap.

'Wala naman akong pakialam sa lalaking yon!' sambit pa niya sa isip.

Sa unang tingin, kung di ka sanay makiharap sa mga katulad nila, kakabahan ka dahil sa nakakatakot nilang aura.

Titingnan ka mula ulo hanggang paa. Na tila ba sinusuri ang buong pagkatao mo.

Matalim at mapanuri ang mga mata nitong sinalubong ang tingin ni Vladimyr. At sa ilang segundo, ay nag tagisan sila ng tingin kung sino ang unang susuko. Pero ang lalaki din ang unang nag iwas. Ang mas nakakagulat doon ay biglang yumakap ang kapatid ni Leona sa lalaki na parang asawa niya ito.

"Victor...." dinig ni Vlad na usal ni Leona. Pero di ito tinapunan ng tingin ng lalaki.

Nilingon ni Vladimyr si Leona na noon ay nangingilid ang luha.

"I'm Vladimyr, Mr.?" Agaw niya sa atensyon ng magkayakap.

"Siya si Victor Devera.... a-asawa ko"

Halos pa bulong na sabi ni Leona ang huling mga salita. Pero di iyon nakatakas sa pandinig ni Vlad. Napakurap si Vladimyr at hindi makapaniwalang nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawa. Kina Leona at Victor. Di niya naiwasang mapailing sa pagkadismaya si Vladimyr. Andito siya para mag observe, hindi niya akalain na mas malala pa makikita niya.

"Asawa mo?" Bakas pa rin ang pagtataka sa tono ni Vladimyr.

Tipid na tumango si Leona.

"Wow. Mukhang mas close pa ang kapatid mo sa asawa mo kesa sayo?" paklang natawa si Vladimyr sa dalawa. Bigla naman kumalas ang babae sa braso ng asawa ni Leona saka inis na inis na umiwas ng tingin. "So, paano Leona? I have to go now frenny" aniya kay Leona sabay hagod muli ng mapang uri na tingin sa kapatid at asawa niya sabay ngisi ng nakaka loko. "Mag-iingat ka Leona...."aniya rito. Tumango naman ito.

"Balita ko, ang mga ahas ngayon di lang sa gubat nakatira" she chuckled in a mocking manner. Tiningnan niya muli ang kapatid ni Leona mula ulo hanggang paa saka muling nagsalita,"Madalas ang mga ahas ngayon...nasa paligid lang, nakakasama mo na nakaka usap mo pa."

"Y-you!!" Biglang singhal ng babae sabay duro kay Vladimyr.

"Oops.... tinamaan kaba?" Tinawanan niya ang kapatid ni Leona ng nakakaloko. Dahilan para lalong magalit ito at di na maitago iyon sa mukha.

Biglang lumapit ang kapatid ni Leona kay Vladimyr at nanggagaliti iyong dinuro si Vlad.

"How dare you! Umalis ka na dito bago kita ipatapon sa mga guwardiya namin!" Galit na sigaw nito. "Isama mo na rin itong kapatid kong hilaw-ahh!"

Hindi na naituloy ng kapatid ni Leona ang sinasabi at napasigaw ito nang biglang hulihin ni Vladimyr ang kamay nito, hinila ni Vladimyr ang braso ng babae sabay ikot kasabay ng pagkapilipit ng braso nito sa likod.

Sabay na nagulat si Leona at si Victor dahil sa ginawa ni Vladimyr, tangka nilang tutulungan si Celia ngunit mas hinigpitan pa ni Vladimyr ang pagkakakapit niya sa braso ni Celia.

"Ah! Bitawan mo ako bwisit kang babae ka! Pagsisisihan mo itong ginawa mo sa'kin, impakta ka!" Mangiyak ngiyak sa galit na sigaw nito habang nakangiwi at malakas na napapadaing. "Madam!" Natatarantang sambit ni Leona.

"Shit! Let her go! Celia!" Nag-aalalang sambit ni Victor. "What are you doing? Let her go!"

Dinig ni Vladimyr ang mga pag awat mg dalawa pero hindi niya pinansin ang mga ito. Lalo niya pang pinilipit ang braso ni Celia, dahilan para lalong mapangiwi at mapaiyak ito. "Oh my god! Let go of me-ack!"

"Later, darling... I just want to remind you, pipiliin mo ang duduruin mo. Ikaw rin, bala mabawasan yang daliri mo..." She tauntingly said in her ear. Which made Celia's hair rise from fear. Vladimyr let Celia go and does a sarcastic chuckle. Celia immediately run to Victor that the latter quickly qrap his arms around Celia's body.

"Get out!" Victor angrily said.

Vladimyr only shrugs.

"If anything happens, my dear friend.... don't hesitate to call me" mahigpit niyang bilin sa bagong kaibigan na si Leona. Marahan iyong tumango bilang sagot. Paatras na lumayo si Vladimyr sa mga ito. Kumaway muna siya kay Leona bago tumalikod.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report