The Crazy Rich Madame -
Chapter 39: The Bastard
Ramirez Residence
"How dare you! Vraquiel! I'm your mother! Bakit mo kinakampihan ang bastarda na yon ha!" Malakas na singhal ng ina kay Vraq.
"Because she deserves to be treated well in this family! Anak din siya ni dad! Ramirez din siya and don't blame her for dad's mistake!" Vraq angrily replied. Her tears begin to mist the corners of her eyes. Ayaw niyang sagut-sagutin ng ganito ang mommy niya. Pero, para sa kanya, sobra-sobra na ang pang-aalipusta niya kay Vlad.
---
Malayo pa ay dinig na ni Vladimyr ang malakas na boses ng step mother niyang si Pristina. Napa 'tsk' siya dahil naghuhuramintado na naman ito dahil pinagtatanggol siya ng kapatid niyang si Vraq. "Naku naman..." Naiiling niyang bulong.
Vladimyr sighed disappointedly. Heto na naman ang bunganga ng madrasta niya. Siguradong katakot-takot na namang matatalim na salita ang ibabato sa kanya nito kapag nakita siya nito sa loob ng pamamahay nila. 'Well, she's not here for her. She's here for her sisters.... if her step mom hates her, she will confidently tell her that the feeling is mutual.'
She chuckled at the silly thoughts running in her mind.
Kung noon, manginginig na ang tuhod niya sa takot kapag nakikita niya ang madrasta niya. Ngayon, she replace her very funny. She looks like an angry clown.
As she almost reached the cosy and wide dining room, filled with luxury dining utensils and materials. She plastered a gleeful smile and greeted her step mother and sisters.
"Hello my beloved sisters!" She ran towards the two and hugged them. That hug is genuine. She felt the warmth when she heard Vraq was trying to defend her heartily.
May idea siya na pinagtatanggol siya ng dalawa niyang kapatid. Dahil madalas itong ipamukha sa kaniya ng madrasta niya noon. Pero di niya expect na ganito ka-determinado si Vraq na ipagtanggol siya mula sa ina. "Hey...cheer up...." She giggled. "You're looks awful when mad" she laughed.
"Jeez.... never mababawasan ang ganda ko kahit galit ako noh!" Mataray na sagot ni Vraq pero niyakap niya lang ulit ito at pinakalma. Ganun din si Vlex. Na ngayon, ang kalmado niyang hitsura ay bakas na ng inis. "Para sakin ba to?" Nakangisi niyang tanong sa dalawa sabay dampot ng sweet potato fritter.
"Mhmmm sarap?" Usal niya habang ngumunguya. Di niya pinapansin ang matalim na tingin ng step mother niyang nanigas bigla sa kinatatayuan at ramdam niya ang pagsunod ng matalim nitong tingin sa bawat kilos niya na parang libo- libong itak ang itinatarak nito sa katawan niya.
After sitting on the vacant seat on the bottom of the table, where their father's seat was the family's head.
Sinadya niyang gawin iyon para i-provoke ang madrasta niyang si Pristina. Gusto niyang sumabog ito sa galit kaya siya naupo doon.
At sa itsura nito, konting konti na lang ay sasabog na ito na parang dinamita.
'Who cares?'
Kumuha muli si Vladimyr ng sweet potato fritter at magana na kumain.
It was her sister's effort to prepare this memorable food for her kaya wala siyang sasayangin. Kung kailangan, iuuwi niya ito at kakainin. Walang pwedeng sumalo kundi ang anak niya at i share sa mga ito ang mga alaala ng mga auntie nila mula sa pagkain iyon.
"Ano pang tinatayo-tayo niyo diyan? Hindi ba kayo kakain?" Sita niya sa dalawang naka tayo lang sa tabi niya na parang mga kaliwa at kanan niyang kamay. Nag aabang ng mga bagong instructions mula sa kanya.
Sa ayos ni Vladimyr sa silyang yon, parang siya ang kinatatakutang chairman sa loob ng isang conference room. Agad na umupo ang magkapatid at magsimulang kumain.
Di sa kabastusan, pero ayaw na nilang magpatuloy ang pagtatalo between Vraq and Pristina.
As they happily ate together; ignoring their mom, it was a clear insult towards the woman still standing a few steps away from Vlex. Their mom.
Shooting daggers towards Vladimyr who doesn't give any glance at her which made her heart incredibly furious!
"I can't believe you are this thick-skinned bastard who has the guts to enter my house" Mrs. Pristine mocks Vlad. Her arms crossed over her chest looking at Vladimyr with disdain.
"Matagal ko nang alam yan, ma'am" nakangising sagot ni Vladimyr habang hawak ang isang hiwa ng hilaw na mangga na isinawsaw sa maanghang at matamis na bagoong.
"Wala ka na ba'ng ibang pwedeng itawag sakin bukod sa makapal ang mukha, bastarda, salot, walang silbe...ano pa nga ulit yon?..." Tuloy tuloy na sabi ni Vlad sabay kagad sa malutong na mangga. Napangiwi pa siya ng konti dahil sa maasim na lasa niyon at ang maanghang na bagoong. Habang nag iisip pa ng ibang mga di magandang tawag sa kanya ng madrasta.
"Mhmm.... sarap talaga nito! Thank you nga sis ah" Mahina niyang sambit habang malapad na naka ngiti at nilantakan ang manggang hilaw.
"Pwedeng mag-isip ka naman ng iba..... yung kakaiba.... yung masasaktan naman ako...
nakakasawa na kase yang mga tinatawag mo sakin eh, nakaka umay!" Natatawa niya pang dagdag.
Hindi makapaniwalang napa-nganga ang ginang sa sagot niya. Bahagyang naka awang ang bibig nito at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Vladimyr.
"Kung wala kang maisip, itikom mo nalang ang bibig mo 'Ma'am'..... ang pangit kase ng mga lumalabas diyan..." may pandidiring sabi pa ni Vlad sabay kuha ulot ng hilaw na mangga at bagoong.
"Wala ka talagang modo! Manang mana ka sa ina mo na asal eskwater! Mga walang pinag aralan!" Sa wakas nakahanap din ang ginang ng mga salitang ibabato niya kay Vladimyr. Tulad ng inaasahan niya, nanahimik si Vladimyr at natigilan. Lihim na napangiti ang ginang at sinamantala ang pagkakataon para insultuhin pa muli si Vlad.
"Dapat ka lang talagang mawala sa landas ng pamilya ko dahil isa ka din kaladkaring babae na kung kani-kanino nagpapabuntis!" Taas noong panghahamak pa nito. "Baka mahawa pa sa'yo ang mga anak ko!" Singhal pa ng ginang. "Vraquiel! Vlexiane! Lumayo kayo sa bastardang yan at baka mahawa pa kayo sa kalandian niyan! Bilis tayo diyan!" Nagmamalaking utos ng ginang pero di natinag ang dalawa. Tiningnan lang ng mga ito ang inang nagngingitngit sa galit at agad din ibinalik sa pagkain ang atensyon.
Dahil may mga anak si Vladimyr sa iba't ibang lalaki, iyon ang ibinabato ng ginang sa kanya para saktan siya at alipustahin. Hanggang ngayon wala pa rin lalaking gustong pakasalan siya. Sino ba naman ang lalaking gugustuhing pakasalan ang tulad niyang walang kahihiyan! Walang dignidad!
"Ano pang ginagawa ninyong dalawa diyan? Lumayo kayo sa disgrasyadang yan! Ngayon din!" galit na galit na sigaw ng ina.
"Ma! Please enough!" Napatingin si Vlad kay Vlex na binasag ang sariling pananahimik dahil sa inaasal ng kanyang ina. Masahol pa ito sa isang taong walang pinag aralan kung umasta. "What are you saying Vlexiane?"
"I'm asking to please stop acting like that....." Vlex gracefully added in a pleading tone. Sa totoo lang ang Mom na niya ang mas nakakahiya.
"What's wrong with my act?"
"Mom.... you are exactly acting like an uneducated person!" Vlex frowned. She can't believe her Mom's act.
"At ako pa talaga ang..... I can't believe you Vlexiane! Paalisin niyo ang babaeng yan dito sa pamamahay ko kung ayaw nyong mawalan ng mana!"
"What?"
Napa 'O' ang bibig ni Vladimyr dahil sa sinabi ng ginang. Sobra na yata yon? Pero she knew she can take care of her sisters.
"Mom, that is not fair!" Si Vraq.
"Wag niyo akong susubukan dalawa!" Mrs. Pristina.
"That's too much Mom! You are being unreasonable!" Vlex.
"I will be more unreasonable kapag di kayo lumayo sa babaeng yan at di pinalayas yan sa pamamahay ko!" Sigaw ni Pristina.
Napairap sa hangin ang dalawa. Hindi dahil takot silang mawalan mg mana, kundi dahil nahihiya sila para sa mommy nilang wala na sa lugar ang pagiging di makatarungan. "Naiisip niyo ba yang sinasabi niyo Mom?" Walang ganang tanong ni Vraq.
"At bakit hindi?" Pristine.
"Nakakalimutan niyo na bang si Vlex ang chairman ng kompaniya natin? Paano niyo siya aalisan ng mana, eh nakapangalan na sa kanya ang lahat ng properties ng 'VR Company?" Natigilan si Pristina sa sinabi ng ni Vraq. Para iyong isang bombang biglang sumabog sa harap niya kahit matagal na itang alam ang tungkol doon.
Three years ago, ibinigay na ng daddy nila kay Vlex ang VR Company dahil sa lumalalang sakit ng ama nila sa puso.
Hinayaan na rin ni Vraq ang bagay na iyon dahil ayaw din iya ng malaking responsibilidad. Para sa kanya, kung hindi si Vlad, Si Vlex ang karapat dapat sa kompaniya dahil matalino at mahusay si Vlex sa ganitong trabaho. Isa pa may sarili siyang business at kuntento siya doon.
Out of nowhere, Vlad burst out laughing from her stomach. Kaya napatingin sa kanya ang mag ina. Lalo na ang matalim na tingin ni Pristina sa kaniya.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report