The Crazy Rich Madame
Chapter 69: Misunderstanding

Tatlong family bucket meal ang binili ni Lucien sa dinaanan nilang fast food para sa mga anak ni Vladimyr.

Dito niya unang nakasama ang mga batang iyon na kumain. May anim na buwan na rin ang lumipas. Pinili niya ang lahat ng natatandaan niyang paborito ng mga ito na kainin para makasiguro na mag-eenjoy ang mga bata na kumain. Lalo na ang kambal na si Drak at Drakaina.

Napansin ni Lucien na paborito ng kambal ang cheesy chicken sandwich, manggo pie at floats kaya dinagdagan niya ang pag-order nito.

"Let's go..." Utos ni Lucien matapos mai-ayos lahat ng mga supot sa backseat. Inipit niya ang mga ito ng seatbelt para hindi matapon, bago siya umupo sa passenger seat at pinag-drive si Casper.

"Ang dami nyan Sir ah?" Nakangiting puna ni Casper sabay sulyap sa mga supot na nasa likod.

"It's for my niece," he simply answered with a small smile. "And for the others too." He added after securing the seatbelt.

Magdrive si Casper papunta sa villa ni Vladimyr ilang kilometro din ang layo nito mula sa S City.

Pagdating nila sa main gate ng mansyon. Agad na silang pinapasok ng malalaking guard sa loob ng gate.

Sa gilid ng malaki at mahabang gate ng Mansion ni Vladimyr, apat na guard ang nag babantay na sumalubong sa kanila bago sila pinayagan pumasok sa loob. Nang makilala ng mga ito si Luvien, yumuko muna ang mga ito saka sila pinatuloy sa drive way.

"Hanggang ngayon sir, kapag pumupunta tayo dito, hindi ko mapigilan ang mamamgha sa kakayahan ni ma'am Vladimyr."

Nilingon ni Lucien si Casper saka tumango at ngumiti.

"Me too..."

"Kahit na halos hindi naman kayo nagkakalayo ng antas sa buhay, tuwing nagpupunta tayo dito. Kinakabahan ako sa mga tauhan niya."

Nangunot ang noo ni Lucien na nakatingin kay Casper. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito dahil ang mga tauhan ni Vladimyr halos lahat yan skilled men at karamihan mga awol na officers.

Mga resigned at mga undergraduate ng Marine. Halata sa mga kilos at tindig. Kung tumingin, para bang ina-annalyze ang bawat sulok at reaksyon ng mukha ng taong kaharap nila.

Nabanggit din ito ni Vladimyr sa kaniya noon. Naiiling na tinawanan ni Lucien si Casper., na focus sa pag da-drive papunta sa malaking parking ni Vladimyr. Kung saan nakahilera ang mga mamahaling kotse nito.

"She needs those men, Casper, she has to keep her children's safety."

"Kung sa bagay nga Sir, sa ganyang ka yaman, siguradong maraming threats na natatanggap yan si ma'am Vladimyr..."

Napatango si Lucien sa tinuran nito Casper.

"Indeed she is, Casper. Lot's of threats." He answered with concern and in a low tone. 'if you only knew'

'kahit ako, hindi ko alam kung ano ba talaga si Vladimyr bukod sa pagiging female business tycoon ng Southland at iba pang mga lugar sa buong bansa. At kung May business din ito sa ibang bansa. Pagiging mabuting tao, pagiging matapang at pagiging impulsive. Bukod sa mga alam kong iyon, wala na.' Malalim na napabuntong hininga si Lucien habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Huminto ang kotse ni Lucien sa tapat ng malaking pinto ng mansyon ni Vladimyr, sinalubong agad sila ng mga bantay doon at iniwan ang susi upang ito na mismo ang magpark ng kotse nila.

Matapos kunin ni Lucien ang mga pinamili. Nakita ni Lucien ang mga bata sa background kung saan maraming mga tanim na bulaklak.

"Hey guys!" Masigla niyang tawag sa mga bata saka ini-angat ang mga supot ng pagkain na binili niya sa isang fastfood. Para ipakita ito.

Kaagad nagtakbuhan ang mga bata papunta kay Lucien, na nag uunahan mula sa garden.

"Hello Uncle!"

"Hi Uncle Luvien!"

"Goodmorning Uncle!"

"Hi Uncle!"

Masiglang bati ng mga bata sabay yakap at halik. Malapad na napangiti si Lucien nang yumakap ang batang si Drak at Drakaina sa kaniya.

Iba talaga ang dulot ng kaligayahan sa puso niya kapag nayayakap niya ang mga pamangkin niya ng ganito.

Kaya lang di niya magawang magpakilala dahil hindi pa niya kayang ipagtapat ang katotohanan kung sino talaga siya. At mukhang wala din balak si Vladimyr na buksan ang usapang iyon sa kambal. Kung sakaling buksan ni Vladimyr ang usapang iyon, hindi din siya handa. Hindi dahil ayaw niya kundi natatakot siyang kung malaman ni Vladimyr ang totoo, pwedeng masaktan ang kambal. At 'di rin niya alam kung paano ipagtatapat ang totoong nangyari kay Luvien.

Pilit ang ngiti na ginulo niya ang buhok ng mga bata. "Where's your mom?"

"Mom is with my daddy, Charlie's daddy and Cadis's daddy!" Napanganga siya sa sinabi ng batang si Grusia.

Nakakunot ang noong nag angat siya ng tingin sa kambal pero nag kibit balikat lang ito.

Malakas na kumabog ang dibdib ni Lucien at agad siyang nakaramdam ng pagka-inis. Pero hindi niya ipinakita iyon sa mga bata.

'daddy huh?'

Lihim na naikuyom ni Lucien ang mga kamao at pigil ang pagtatagis ng kaniyang bagang. Habang iniisip kung paano tatanggapin ng sistema niya ang magiging paliwanag ni Vladimyr.

"Let's go Uncle, mommy is in the living room. With our daddies!" Hinawakan ng batang si Grusia ang kamay ni Lucien at hinila siya nito papunta sa living room.

Walang gana na hinayaan lang ni Lucien na hilahin siya ng bata kasunod ng iba pang mga anak ni Vladimyr. Pero ang maganda niyang mood kanina lang ay napalitan ng matinding pagkainis.

Malayo pa ay dinig na ni Lucien ang malakas na halakhak ni Vladimyr mula sa living room. Para bang nakikiliti ito sa sobrang tawa, kasabay ng mga halakhak din ng tatlong lalaki. Dahilan para lalong magliyab ang galit na nararamdaman niya. "Daddy! Mommy! Look Uncle brought us our favorite food!" Tuwang-tuwa na sigaw ng batang si Grusia hawak ang supot ng pagkain na bigay ni Lucien. Habang tumatakbo patungo kina Vladimyr.

Napako si Lucien sa kaniyang kinatatayuan pagkakitang nakayapos si Vladimyr sa isa sa mga lalaki doon na kasing tangkad niya at halos kasing laki din ng katawan niya. Habang nagkakatawanan na parang nakikiliti. "Daddy! Daddy!"

Hindi makapaniwalang nagpapalit palit ng tingin si Lucien kay Vladimyr na nakadikit pa rin sa ama ni Grusia na para bang isang masayang pamilya ang mga ito.

"Baby!" Nakangiting salubong ni Ethan sa anak. Sabay yakap dito at kinarga.

The man's words trigger the anger that Lucien is trying to hold.

"Vladimyr anong ibig sabihin nito?"

"Luvien..."

Galit na tinapunan ni Lucien ng tingin si Vladimyr. Para na siyang bombang malapit nang sumabog anumang oras.

"Luvien..."

Napaiwas ng tingin si Lucien kay Vladimyr nang maglakad na ito palapit sa kaniya pero lalo lang siyang nairita at tinitigan ng masama ang huli.

"Hindi ka ba magpapaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin nito, Vladimyr?"

"At ano naman ang dapat kong ipaliwanag?"

Inis na napamura si Lucien dahil sa sagot ni Vladimyr. Sa tono ng pananalita nito, para bang wala itong ginagawang mali sa kaniya.

"Fine. Wala akong dapat malaman tungkol sa mga 'ama' ng mga anak mo, huh?"

"Dude...hindi ko ata gusto ang tono ng pananalita mo-" sabat ni Leon at sunamaan ng tingin si Lucien.

"Cut it! I'm not your dude." Walang ganang awat ni Lucien at muling hinarap si Vladimyr.

"You!" Galit na bulyaw ni Lucien. Ngunit walang makapa na tamang salita para isatinig. Mariing naikuyom ni Lucien ang kaniyang kamao habang matalim na nakapukol kay Vladimyr ang mga mata nito. Habang tumataas ang tensyon sa kabuuan ng sala. Madilim ang mukha ni Lucien at pilit kinakalma ang sarili.

Bahagyang nagulat si Vladimyr sa di inaasahang pagtaas ng boses ni Lucien, nang awatin ito si Leon. Ngunit hindi niya iyon pinahalata.

Hindi naman nagpatalo ang huli at nakipag tagisan din ito ng matalim na tingin kay Lucien. Na para bang nagsusukatan sila ng tapang gamit ang tingin at walang may balak sumuko kahit isa sa kanilang dalawa. Malaki din ang katawan ni Leon, matangkad din ito pero mas matangkad si Lucien ng ilang sentimetro. Matapang din si Leon. Handa siyang sabayan si Lucien kung kinakailangan.

Napapailing na hinarap ni Vladimyr si Lucien at tiningnan ito sa mga mata. Sinusubukan niyang abutin ang nasa isip nito pero wala siyang ibang nakikita kundi purong galit.

Galit na anumang oras ay maaring sumabog.

Humugot ng malalim na buntong hininga si Vladimyr saka muling nag-angat ng tingin kay Lucien at magsalita ng kalmado.

"Lucien, ano ba talaga ang problema mo?" Salubong at naka kunot noo na tanong ni Vladimyr kay Lucien.

"Stop acting innocent, Vladimyr. Just tell me the truth..." Pigil hiningang tanong ni Lucien kay Vladimyr. Pinipilit niyang kalmahin ang sarili mula sa galit na lumulukob sa katinuan niya.

"Hangga't maaari ayokong magalit sa'yo Vladimyr. Ayokong...magalit. Ayokong masaktan kita kapag 'di ko na kayang kontrolin ang sarili ko." May himig ng babala na pakiusap niya ngunit may diin ang bawat salita. Habang deretsang nakatingin sa mga mata ni Vladimyr.

Naiiling na nahimas ni Vladimyr ang sariling noo. Gulong-gulo na siya sa sinasabi ni Lucien. Hindi niya matukoy kung ano ang gusto nitong marinig. Pero bakas sa mga mata ni Lucien ang matinding galit na pilit sinusupil. Muling napabuntong hininga si Vladimyr at kalmadong hunalukipkip. Hindi siya makikitaan ng kahit konting takot. Sa kabila ng mapagbanta na salita ni Lucien at ang nag-uumapaw na galit nito.

"Bakit 'di mo na lang ako diretsahin kung ano ba ang gusto mong marinig?"

Sinenyasan ni Vladimyr ang mga yaya ng mga anak niya na ilayo muna ang mga bata.

Pag-alis ng mga ito ay saka lang muling nagsalita si Vladimyr, "hindi ako magaling sa hulaan. Kaya mas mabuting diretsohin mo na ako, pwede ba?" kaswal pa ring tanong ni Vladimyr. Ngunit may diin ang bawat salitang binibitawan nito. Indikasyon na nagagalit na siya.

"Isa pa, may topak ka ba?" She asked, "kanina lang nakangiti ka, ngayon naninigaw ka na.

Daig mo pang babaeng magme-menopause. Ang bilis mong mag palit ng mood."

"She's right, you don't need to shout. You guys can talk about your issues calmly.," Sabat ni Ethan.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report