NAIBABA ni Austin ang hawak na wineglass nang sa pag-angat niya ng mukha ay masilayan ang kapapasok pa lang na dalaga sa Italian restaurant kung saan siya kasalukuyang kumakain nang gabing iyon. Kaagad na kumabog ang dibdib niya. God, he had missed that face.

Ngayong wala nang bakas ng kalasingan sa anyo ng estranghera ay mas lalo itong nagmukhang kaakit-akit. Puting bestida ang suot nito na umabot lang hanggang kalahati ng mga hita. Nakalugay lang ang kulot-kulot na buhok nito. Katulad ng dati ay hubad sa makeup ang mukha pero lutang na lutang pa rin ang angking ganda. She looked so sure of herself as she walked in. Her confidence only made her even sexier.

Sandaling iginala ni Austin ang tingin sa paligid. Katulad niya ay halata rin ang pagkamangha ng mga kalalakihang kumakain doon na nakatutok ang mga mata sa kapapasok lang na dalaga. Sa kauna- unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kung anong selos. Now that he had seen the woman again, he became a hundred percent sure that he liked the woman for his self only, dahilan kung bakit ilang araw na siyang parang sirang nagpapabalik-balik sa bar kung saan sila unang nagkita, umaasang mapapadaam ito roon pero madalas ay bigo siyang makita man lang ang dalaga.

Now that he had a taste of her lips, he realized that he had missed her lips as well. He had yearned to kiss them for days now. Ilang gabi na siyang walang matinong tulog sa kaiisip sa dalaga at kung magpapatumpik-tumpik pa siya ay hindi malabong maunahan siya ng iba.

Mabilis na tumayo si Austin nang papadaan sa mesa niya ang dalaga. Ngumiti siya rito pero umawang ang bibig niya nang lagpasan lang siya nito. Nang makabawi ay hinabol niya ito at pinigilan sa braso. Kunot naman ang noong nilingon siya ng dalaga.

"Yes?" pormal na tanong nito.

"H-hi." Tumikhim si Austin para alisin ang namuong bara sa kanyang lalamunan. Bakit ba bigla siyang kinabahan? He was suddenly acting like a schoolboy in front of his crush! Get a grip of yourself, McClennan, paalala niya sa sarili bago muling ngumiti. "Hindi mo na ba ako naaalala? Ako si Austin McClennan, nagkakilala tayo sa Baron's eleven nights ago. You were so drunk that you passed out." Right after you slapped me. "So I brought you to my house and then you..." Kissed me and slept on me which gave me sleepless nights, you see. “Just left afterwards.”

"Oh," para bang nasorpresa na sagot ng dalaga bago ngumiti.

Bumilis ang kanyang paghinga. Buong araw na masama ang timpla ni Austin. Nagkasunod-sunod ang mga kinailangan niyang asikasuhin sa minahan ng pamilya. Nagkaproblema sa water system nila roon na kakailanganin sa pagmimina. Ini-report niya pa iyon sa mga board members na siya ring mga kapatid niya at kay Alejandro, ang nagmamay-ari ng twelve percent shares sa McClennan Corporation.

Si Austin lang ang solong nangangasiwa sa minahan, si Alano sa langis at si Ansel naman sa electricity. Strict ang panganay na kapatid niya pagdating sa problema sa mga pinamamahalaan nilang magkakapatid kaya kailangang nalalaman nito at ng iba pang board members ang mga nangyayari sa ipinamana sa kanilang negosyo ng ama.

Pero sa oras na ngumiti ang estranghera, pakiramdam ni Austin ay bigla na lang umaliwalas ang lahat. Nakadagdag sa hindi magandang mood niya ang frustration dahil hindi niya makita-kita ang dalaga. Pero ngayon na nasa harap niya na ito, pakiramdam niya ay isa-isang nag-alisan ang kanyang mga alalahanin. Kailangan niya ng ngiting iyon pagkatapos ng maghapong kapaguran sa trabaho. That's why he was glad that he had seen that smile just when he needed that smile the most.

"Ang ibig bang sabihin ng ngiti mo na `yan ay naaalala mo na ako?”

"Oo naman. How could I forget my enemy's exact replica?" ganting-tanong ng dalaga.

Nagsalubong ang mga kilay ni Austin. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Biro lang." Nagkibit-balikat ang estranghera. “Natatandaan ko na nabanggit ko sa `yo nang gabing 'yon na kahawig mo ang ex ko." Mayamaya ay lumitaw ang para bang nahihiyang ngiti sa mga labi nito. "Pasensiya na nga pala kung umalis ako nang hindi man lang nakakapagpaalam sa yo. Nahiya kasi ako sa mga nangyari. I've caused you so many troubles that night. Kung may paraan para makabawi ako sa 'yo, babawi ako."

Kumislap ang mga mata ni Austin. "Really?"

"Really." Tumango pa ang dalaga.

"Well, there are a couple of things you can do. I mean, you're right. You really did cause me troubles that night." Dahil wala na akong maayos na tulog simula nang makita kita. You had me searching for you for more than a week now. Hindi ko na naaabutan ang Nat-Geo sa kahahanap sa `yo. Paulit-ulit din akong bumalik sa bar sa pag-asang makikita ka kahit na sandali. I didn't even know I could stand being in that place for hours just waiting for you to show up. Pero iba sa iniisip ang lumabas sa bibig ni Austin. "One, you can dine with me. May hinihintay ka ba?"

"Wala naman."

Yes! "All right." Inalalayan ni Austin sa siko si Maggy pabalik sa kanyang mesa. Ipinaghila niya ito ng upuan. Nang parehong makaupo na ay pinakatitigan niya ang dalaga. "I haven't gotten your name yet." "I'm Maggy. Maggy De Lara."

"Are you still single? Dating? Or..." Napahinto si Austin nang makita ang amusement na bumakas sa anyo ng estrangherang Maggy pala ang pangalan. Nag-init ang mukha niya. Hindi niya pa nasubukan ni minsan ang gumawa ng hakbang para kilalanin ang isang tao. Kaya hindi niya alam kung ano ang mga tamang sabihin ngayon.

Sa mga ganoong pagkakataon ay hindi niya maiwasang hilingin na sana ay tulad siya ng mga nakatatandang kapatid na sanay pakitunguhan ang mga babae. Heck, compared to his brothers, he was indeed, a nerd. Bihira siyang lumabas at lalong bihira siyang makihalubilo sa tao. His form of relaxation was reading or watching anything that involves the Earth's structures and features. No matter how he hated to admit it, he realized that he was proving to be a very boring man.

"Pasensiya ka na." Napahawak si Austin sa kanyang batok. "Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong bagay. But Maggy, I like you from the very first time we met," matapat niyang sinabi. "Alam ko na masyado pang maaga para dito pero alam ko rin na kung hindi ko sasabihin ang mga salitang ito ngayon, baka hindi na ako magkaroon pa uli ng pagkakataon-"

"Austin, relax." Bahagyang natawa si Maggy. "Yes, I'm still single. And no, I'm not dating anyone right now. I told you, my ex and I just broke up—"

"I promise I won't be a complication," mabilis na sinabi ni Austin. "But I'm urging you to take a chance on me. Hayaan mo sana akong mapalapit sa yo. Hindi kita sasaktan o iiwan `di tulad ng ex mo-" "Paano kung ikaw ang saktan ko in the process?"

Natigilan si Austin bago dahan-dahang ngumiti. "It's a risk I have to take, then. As they say, no pain, no gain."

I think I'm going to need kuya Alano's advice. Lots of them.

"IT'S our first date and you took me to your library." Pigilan man ni Maggy ay gumuhit pa rin ang naaaliw na ngiti sa kanyang mga labi. Sadyang naiiba pati ang estilo ni Austin mula sa mga lalaking naka-date na niya.

Si Levi ay dinala siya sa isa sa pinakamarangyang restaurants sa Nevada noong una silang lumabas. Kumpleto rin ang huli sa props. May dala itong mga bulaklak at tsokolate. Samantalang si Austin, matapos siyang sunduin sa kanyang condo unit nang araw na iyon ay sarili lang ang dala.

Nawala ang ngiti ni Maggy sa naisip.

Her mind suddenly wandered back to Nevada, back to Levi. Ang huli ang nag-iisang lalaking nakarelasyon niya. Dito lang siya sumugal. Wala talaga siyang balak pumasok pa sa isang relasyon noon dahil ang buong atensiyon niya ay nakatutok pa sa paraan kung paano pababagsakin si Benedict noon.

Marami pa siyang mga bagahe sa kanyang puso at alam ni Maggy na hindi niya pa kayang ibigay nang buo ang sarili sa kahit na sino hangga't hindi pa niya nakukuha ang hustisya para sa mga magulang. Pero wala siyang nagawa nang kumatok sa puso niya si Levi.

Isang taon at dalawang buwan na silang hiwalay. Walong buwan ang naging relasyon nila. Nagkakilala sila ni Levi nang minsang mag-check-in ang grupo ng doktor sa hotel na pinamamahalaan niya, isa ang lalaki roon. Surgeon ito at nag-stop over sa hotel nila ang grupo ng mga ito nang masiraan nang sasakyan papunta sa medical mission ng mga ito. Nakasabayan ni Maggy si Levi sa elevator noon, nagkataong silang dalawa lang ang nasa loob niyon. Hindi na siya tinigilan nito sa una pa lang nilang pagkikita.

She was smitten, too. Malakas ang dating ng doktor. He was not handsome, though. He was beautiful. Papasang mukha ng babae ang mukha ni Levi. Sandali niyang nalilimutan ang kanyang nakaraan tuwing kasama niya ang binata. Matiyaga siya nitong niligawan. Kahit tatlong oras ang layo ng ospital na pinapasukan nito sa opisina niya sa hotel ay halos araw-araw pa rin siya nitong pinupuntahan.

Tinuruan ni Maggy ang lalaki noong managalog habang si Levi naman ay tinuruan ang puso niyang magmahal dito. Sinagot niya ang binata pagkalipas ng mahigit dalawang buwan na panliligaw nito sa kanya. The best days in her life happened when she was with him. Naging maayos at maganda ang relasyon nila. Minahal niya si Levi at naramdaman niyang minahal din siya nito.

Everything was beautiful. Until the plan to destroy Benedict had to take place.

Nakiusap kay Maggy si Yalena na makipaghiwalay na muna pansamantala kay Levi para mas mapagtuunan niya ng atensiyon ang kanilang plano. Mabigat man sa kalooban ay sinunod niya ang kapatid. Dahi may punto naman ito. Mahalaga ang misyon nila at magiging distraction lang si Levi sa kanya. Noong panahong iyon ay sinimulan na nila ang pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga McClennan.

Alam ni Levi ang tungkol sa plano niya. Wala siyang inilihim dito. Kaya nasaktan ito nang husto nang mas piliin niya ang paghihiganti kaysa rito. Mahal niya ang binata pero wala siyang mapagpipilian. Ano mar ang mangyari ay parating mangunguna sa priority niya ang pagbibigay katarungan sa nangyari sa mga magulang. Dahil kahit may narating na siya, pakiramdam niya ay nakalubog pa rin siya sa putikan hanggang nasa ibang lugar si Benedict, namumuhay nang masaya at masagana. Iyon ang rason kaya pinakawalan niya si Levi.

Isang araw ay natuklasan na lang ni Maggy na ikakasal na ang lalaki. Isang nurse sa pinapasukan nitong ospital ang maswerteng babae. Mahigit dalawang linggo na ang lumipas matapos ang kasal ni Levi. At magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi na siya nasasaktan. Dahil sa sulok na bahagi ng puso niya ay lihim siyang umasa na sana ay makayanan siyang hintayin ni Levi pero kabaliktaran roon ang ginawa nito.

"Kuya Alano once told me that the best way a man can catch a woman was through showing her great things about his self... in short, through impressing her."

Nahinto sa pagbabalik-tanaw si Maggy nang marinig ang boses na iyon ni Austin. Bumalik ang tingin niya sa binata.

Para bang nahihiyang ngumiti ito. "Pero ayokong magpa-impress sa yo, Maggy. I just want to be me. I just want to show you who I really am with a hope that you can somehow like what you see. Dahil ito ang totoong ako."

Para bang natetensiyon na naisuklay ng binata ang mga daliri sa buhok nito. "Ayokong magpa-impress sa `yo dahil ayokong lokohin ang sarili ko habang kasama kita bukod sa baka hindi ko rin naman mapanindigan yon. Ito lang ako, Maggy..." Ikinumpas ni Austin ang mga kamay sa library sa loob mismo ng mansiyon ng mga McClennan. "This is my favorite place and everything about this reflects me. I'm just a typical guy. I was never great. I am far from that."

Bigla ay hindi malaman ni Maggy ang sasabihin. Nakarehistro ang sincerity sa mga mata ni Austin. And for one brief moment, warmth filled her chest. Goodness, he was truly an innocent man. Kahit naturingang na kay Austin na ang lahat ay totoo ngang baguhan pa rin ito pagdating sa pakikipagrelasyon. May bahagi sa kanya ang gustong mag-celebrate na sa kanya pinipili ng binatang sumubok, tulad ng nasa plano niya.

Simula nang gabing magkita sila ni Austin sa restaurant tatlong araw na ang nakararaan ay hindi na ito pumayag na hindi malaman kung saan siya nakatira. Ito ang naghatid sa kanya sa condo unit niya. Kinuha rin nito ang contact number niya. Sa nakalipas na dalawang araw ay puro sa cell phone lang sila nakakapag-usap dahil inasikaso daw nito ang problema sa minahan. And that morning, he just showed on her doorstep. Maayos na raw ang lahat kaya sisimulan na rin daw nitong ayusin ang estado nila. Liligawan umano siya ng binata.

The next thing she knew, he brought her to his mansion and took her at the library there.

Plano talaga ni Maggy ang magpahabol kay Austin lalo na at ilang beses niya nang napatunayan na gusto siya nito. One of the things she had learned in business was to always keep the clients interested. Dapat ay palaging may kakaibang pakulo para hindi lumipat sa iba ang kliyente. Iyon ang ginagawa niya kay Austin. Because despite the latter's nerdy ways, women, according to Radha's research, still cling to him. He was still a McClennan, after all.

Nang maikasal si Alano ay sina Austin at Ansel na lang ang kabilang sa listahan ng Most Eligible Bachelors sa isang sikat na pambabaeng babasahin. Kung si Maggy ang hahabol sa binata ay siguradong mawawala ang interes nito sa kanya, tulad ng kawalan nito ng interes sa mga humahabol dito.

And Maggy always wanted to be different.

lyon ang rason kung bakit pinalabas niya sa binata na kagagaling niya lang sa isang relasyon. Kahit pa may halong katotohanan iyon. Dahil hindi pa rin siya tuluyang nakakabangon sa nangyari sa kanila ni Levi. She wanted to see how far the nerd's infatuation for her can go.

"Austin..."

"Hindi ako mahilig magbigay ng bulaklak, Maggy," seryosong sinabi ni Austin. "Hindi sila nagtatagal. Nalalanta rin sila kalaunan. I don't give sweets, as well. They're not healthy. What I want to give you is something which guarantees to last, something that is also safe for your health."

"What is it?" namamaos nang tanong ni Maggy. Gumuhit ang mapanuksong ngiti sa mga labi niya. May kung anong bumubulong sa kanya na mag-e-enjoy siya sa munting laro nilang ito. "Me. I assure you I'll be safe for you, Maggy."

Minsan pa ay nasorpresa siya. Tama si Austin, dapat ngang hindi ito magpa-impress sa isang babae. Dahil mukhang hindi na nito kakailanganin pa iyon. She was impressed by his words much more, by his sincerity.

Austin had his way with women, without actually being aware of it.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report