The Job -
Chapter 17
Nalito si Crystal sa sinabi ng lalaki. Kumurap-kurap ang kanyang mga mata at nagtatatakang tiningnan ang binata. "Ano?"
"I saw the two of you hugging."
Napalunok siya at muling inalala ang sinabi ni Hanuel. "Ahh!" Kinakabahang tumawa si Crystal. "Hindi ah! Paano kasi yung mga fans mo natutulak na kami. Iniiwas niya lang ako sa mga tao," paliwanag ni Crystal dito. Hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan dahil sa pangyayaring iyon.
Mataman siyang tiningnan ni Hanuel at lalong inilapit ang mukha sa kanya. Nakatukod pa rin ang mga kamay nito sa magkabilang gilid niya. "Really?"
"Yes." Tumango-tango si Crystal. "But why are you there? Akala ko ba matagal pa bago ka bumalik dito?" Balik tanong naman ni Crystal sa binata.
Para namang natameme si Hanuel sa tanong nito. Huminga ito ng malalim at tumayo ng maayos. Sa totoo lang ay hindi rin alam ni Hanuel. Nang malaman niya na nandoon si Crystal at may kasamang lalake ay doon na siya dumeretso galing airport. Basta ang alam lang niya ay naiinis siya kanina habang nakatanaw sa dalawa.
Para namang nakahinga ng maluwag si Crystal nang tumayo na ito. Labis siyang nagtataka sa inaakto ni Hanuel ngayon. Madalas kasi tahimik lang ito at saka lang nagiging wild kapag nakakaramdam na ng kamunduhan. Ngayon ay para siyang batang inagawan ng lolipop ngayon.
"Ahm, I forgot something," dahilan niya at umupo sa tabi ni Crystal.
"Huh? Pwede naman si Joseph na lang ang kumuha diba?"
"It's not important. The problem is why are you at the restaurant with a guy?" Tanong muli nito nang hindi lumilingon sa kanya.
Hindi muna sumagot si Crystal at tinitigan si Hanuel. Humarap siya rito at ipinatong ang siko sa sandalan ng sofa. Napapangiti siya dahil sa seryosong mukha nito. Deretso kasi itong nakatingin sa harapan nila kahit wala naman itong tinitingnan.
"Nagseselos ka ba?" Derektang tanong niya dito.
Kunot noong tumingin sa kanya si Hanuel. Puno ng kalituhan ang mukha nito at nakaawang pa ang bibig dahil hindi makapaniwala sa tanong ni Crystal.
"Selos?" Gulat na tanong nito. "You mean jealous?"
Tumango si Crystal. "Yes. Nagseselos ka ba at nakita mo kami ni Bryan?" Nakangising tanong ni Crystal.
Marahas na bumuga ng hangin si Hanuel. "I'm not, okay?"
"Then why are you acting like that?"
"I just!" Bigla itong tumayo. "Did you forget our contract? Nakalimutan mo bang kasama iyon sa pinirmahan mo na bawal kang makipagrelasyon sa ibang lalake? What do I do when you get sick?"
Napaawang ang bibig ni Crystal sa sinabi nito. Hindi niya nakalimutan ang tungkol sa kontrata nila pero hindi rin siya makapaniwala sa huling sinabi nito. Sinamaan niya ito ng tingin at padabog na lumakad papasok sa kwarto. Narinig niya pa itong tinawag siya ngunit hindi siya lumingon dito.
"Baliw ba siya? Ano'ng akala niya sa akin?" Naghuhumentaryong sabi ni Crystal. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo niya. Dumeretso siya sa banyo. Hinubad niya ang kanyang suot at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa kanyang katawan.
"Iniisip ba niya na madali lang ako makuha ng lalaki? Eh kung hindi nga dahil sa nanay ko mamatay ata akong virgin!" Himutok ni Crystal.
Sobrang nag-iinit ang kanyang ulo dahil sa sinabi ni Hanuel. Alam niyang pinapaalalahan lang siya nito sa kontrata nila pero hindi niya maiwasang mainis dito. Hindi tamang isipin nito na kapag magkaroon siya ng karelasyon ay magpapakama na siya agad. Hindi niya hinuhusgahan ang mga babaeng ganoon pero hindi niya lang ugaling gawin ang ganoon.
Napahilamos na lamang siya at pilit na ikinalma ang sarili. Hindi niya rin masisisi ang binata kung bakit iisipin niya iyon. Pumayag nga siyang magpakama rito para sa pera. Na iinis lang siya dahil nasasaktan siya sa sinabi nito. Na iinis siyang ganoon pala ang tingin sa kanya ng lalaki- 'Ano bang nangyayari sa akin?' Iwinaksi ni Crystal sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Hanuel at napahawak sa dibdib niya.
Ang lakas ng tibok ng puso niya. 'Siguro nga nasaktan lang ako sa sinabi niya. Kalma self. H'wag tayong assuming.' Muli ay kumirot ang kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit ang sakit para sa kanya na marinig iyon galing kay Hanuel. Hindi dapat siya umasang may ibang nararamdaman ang lalaki sa kanya. Masyado itong mataas para sa kanya. Kung magkakagusto man ito sa isang babae malamang ay sa katulad niyang sikat din. Hindi sa kagaya niya na ipinalit ang puri para lamang sa pera.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Bumuntong hininga si Crystal at dinama ang malamig na tubig na bumubuhos sa kanyang katawan. Hindi siya dapat umakto ng ganoon. Kailangan niyang maging propesyonal dahil lahat ng ito ay trabaho lamang. Makalipas ang ilang sandali ay kalmado ng lumabas ng banyo si Crystal. Inayos niya ang kanyang gamit na itinapon niya sa kama noong pumasok siya saka lumabas sa sala. Naabutan niya si Hanuel na nasa terrace at umiinom ng alak. Hinayaan niya lamang ito, umupo siya sa sofa saka binuksan ang tv. Sumandig siya sa sandalan ng sofa at ipinatong ang dalawang paa habang nakakrus sa lamesa. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-scroll sa kanyang social media. Ilang minuto rin ang nakalipas na nasa ganoon siyang posisyon nang maramdaman niyang tumabi sa kanya si Hanuel. Hindi niya ito nilingon at tumutok lamang sa kanyang cellphone. Ka-chat niya rin kasi si Bryan at Ynette ngayon. Panay naman ang lingon ni Hanuel kay Crystal. Pinagmamasdan niya ang seryosong mukha nito habang nakatingin sa cellphone. Kanina pa niya iniisip kung ano ba ang nagawa niya at bigla na lamang ito nag walk-out. Kaya hindi niya rin ito kinausap dahil para sa kanya ay dapat siya ang masama ang loob. Siya dapat ang nagagalit ngayon dahil nakita niya itong may kasamang ibang lalaki. Mali bang isipin niya ang kanyang sariling kalusugan? Huminga ng malalim si Hanuel. Pinagpatong niya ang mga palad sa dalawang hita niya at pinagalaw ang mga daliri na para bang may tinitipang pyano. 'What's wrong Lee Hanuel?' Tanong niya sa kanyang sarili. Ang bilis kasi ng tibok ng kanyang puso at labis na nag-aalala kung galit ba sa kanya ang dalaga o hindi. 'Di ba dapat siya ang magalit? S'ya ang natataranta ngayon? Ngunit mukhang baliktad ang nangyayari para kay Hanuel.
Tumikhim niya sa pagbabaka sakaling mapukaw nito ang atensyon ni Crystal pero hindi manlang ito kumibot. Huminga siya ng malalim. "Fine. I'm sorry," usal niya rito habang nakatingin sa dalaga.
Ngunit walang epekto sa dalaga ang ginawa niya. Seryoso pa rin itong nakatutok sa cellphone niya at pangiti-ngiti pa. "Hey, Crystal." Hindi pa rin siya nilingon ng dalaga kaya bigla na lamang niyang kinuha ang cellphone nito. "Oy ano ba?" Gulat na tanong ni Crystal at inabot ang cellphone. Ngunit tumayo siya at tinignan ang pinagkakaabalahan nito.
Bryan: See you tomorrow, Crystal. ;)
Awtomatikong kumunot ang noo ni Hanuel nang mabasa ang kachat ni Crystal. Tinitigan niya ang larawan nito. At halos mag-usok ang kanyang ilong nang mapagtanto kung sino ito.
"Akina 'yan!" Agaw ulit ni Crystal sa cellphone. Tiningnan niya ng masama si Crystal na seryoso at madilim din ang mukha. Pilit nitong inaabot ang cellphone niya sa kanya pero nilalayo niya iyon. Ngumisi si Hanuel na para bang nang-aasar. "What is the meaning of this?" Seryosong tanong niya.
Tumigil si Crystal sa pag-abot nakipagtitigan sa binata. "Nothing! We're just talking! Hindi naman kasama sa kontrata na hindi ako pwede makipag-chat sa ibang lalake ah?" Mataray na sabi nito. Lalong nagdilim ang mukha ni Hanuel at mahigpit na hinawakan ang cellphone ni Crystal. Halos magkiskisan na ang kanyang mga ngipin sa pagpipigil niya.
"You're telling me that you are not jealous but look what your acting now?!" dagdag pa nito. Lalong nainis si Hanuel sa sinabi nito at tumawa ng paisa-isa.
"Here!" Marahas niyang inabot ang cellphone kay Crystal. Muntik pa itong mahulog dahil sa biglaan nitong pagabot sa kanya. Pakiramdam ni Hanuel ay natapakan ang ego niya dahil sa sinabi ng dalaga. "You know what? Stop dreaming okay?" Tumaas ang kilay ni Crystal at masama itong tiningnan. "Edi tumigil ka sa pag-akto na para bang bata!"
Napapangising umiling si Hanuel. "You don't understand me, Crystal." Huminga ng malalim si Hanuel. "Have you forgotten that I am paying for you?" Napatayo ng maayos si Crystal. "What would I be jealous of?" Tinitigan niya si Crystal ng nakakaloko.
Napalunok na lang si Crystal. Nakaramdam siya ng kaba dahil sa ekspresyon nito at sa tono ng pananalita niya. Na para bang kinukutya siya nito.
Humakbang si Hanuel kaya napaatras si Crystal at napaupo muli sa sofa. Itinukod ni Hanuel ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ni Crystal kaya lalong napasandig ang dalaga sa sandalan ng sofa.
"What would I be jealous of if I can kiss you whenever I want? If I can touch you? If I can easily bed you? There is nothing to be jealous of because I'm paying you to do those things he can't," seryosong sabi ni Hanuel.
Natameme si Crystal sa sinabi nito. Naramdaman na lamang niya ang pag-init ng gilid ng kanyang mga mata. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil dito. Alam niya 'yon. Alam niyang wala siyang pinagkaiba sa mga bayarang babae dahil sa relasyon nila ni Hanuel ngayon. Pero hindi niya maiwasang masaktan nang isampal iyon sa kanya ni Hanuel.
Hindi niya matanggap na ganon pala kababa ang tingin sa kanya ng binata.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report