The Job
Chapter 12

"Wow!" Namamanghang saad ni Crystal habang nakatanaw sila isang isla. Maliit lamang iyon kung titignan at napapalibutan ng puting buhangin. Nakasakay sila ni Hanuel sa isang private sea airplane. Mahigit dalawang oras din ang biniyahe nila mula sa Manila papunta sa Palawan.

Katabi niya si Hanuel na naka-sunglasses na itim, puting polo shirt na bukas ang tatlong butones sa itaas at dark blue na short na hanggang tuhod. Tinernuhan niya iyon ng kulay brown na espadrilles. Tahimik lang ito at nakatanaw din sa islang pupuntahan nila. Agaw pansin ang kagwapuhan nito at pihadong merong makakakilala sa kanyang mga tao.

Si Crystal naman ay nakasuot ng kulay blue na boho dress na may floral na mga naka-imprinta. Mahaba iyon at hanggang sa may sakong niya. Hindi naman siya nahihirapan kumilos dahil maluwag ang ibaba niyon at merong mahabang slit ang pinaka palda nito. Kaya naman ay meron din siyang suot na maiksing itim na shorts. Binagayan niya iyon ng kulay krema na beach hat. Nakasuot din siya ng flat sandlas na may T-type straps na style. Kulay dirty white ang apakan noon at ang strap nito ay kulay black.

Pagkatapos kasi siya pagbihisin ni Hanuel kaninang umaga ay inakay na siya nito agad pababa. Pagkatapos ay inakay na siya pababa ni Hanuel sa parking lot. Naandoon na si Joseph sa ibaba at naghihintay na pala sa kanila. Inabot lang nito ang mga pinamili nitong mga damit at iba pang mga gamit na gagamitin nila sa pupuntahan nila.

"Okay lang ba talaga 'to?" Tanong ni Crystal kay Hanuel. Nilingon siya ng binata ng nakakunot ang noo.

"What do you mean?"

"Ano... They will know who you are?"

"Ahh... so, you now know who I am?" Manghang sabi ni Hanuel. Bahagya siyang tumango. "It's okay, this is a private resort. All staff here are not allowed to tell anyone what they will see or hear here. The management will sue them." Napanganga si Crystal. Hindi siya makapaniwala na may ganoong resort pala. Minsan na naman siya nakarating ng resort pero mumurahin lang ang lahat ng iyon at marami pang mga tao. Hindi kagaya dito na mukhang iilan lang ang pwede doon.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na sila sa isla. Agad silang sinalubong ng mga staff ng resort. Lahat sila ay nakasuot ng light brown na slacks sa mga babae at ang mga lalake naman ay na kaki shorts. Samantalang ang pang itaas naman nila ay kulay maroon na polo shirts na nakatuck-in. Sa kaliwa ng dibdib nila ay may naka pin na maliit na nameplate at sa ilalalim niyon ay ang pangalan ng resorts.

Lahat sila nakatuon ang tingin kay Hanuel. Kinikilig at hindi makapaniwala na kaharap nila ang binata. Kinausap lang ni Hanuel ang mga ito at muli silang sumakay isang small yacht.

Tahimik lang na nakatanaw si Crystal sa paligid. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa isla. Tubong Cavitena si Crystal kaya bago sa kanya makakita ng mga isla sa personal. Lahat ay sa telebisyon lamang. Napapalibutan ang buong isla ng puting buhangin. Marami pa rin doong mga puno kaya nakakatuwang tingnan ang kulay berdeng paligid.

Ilang sandali lang ay bumaba sila sa tapat ng isang villa. May nakapaskil doong 'North East Villa.' Malaki iyon na parang isang bahay na.

'Wow! Mas malaki pa ito sa bahay namin!' namamanghang puri ni Crystal sa villa. Naunang pumasok doon ang mga staff dala ang mga gamit nila. Samantalang inalalayan naman siya ni Hanuel na bumaba sa Yacht.

Bahagyang naka-lebel sa lupa ang villa kaya umakyat pa sila sa hagdan na may limang baitang. Natanaw niya ang maliit na swimming pool sa balcony ng villa. Napakalinaw niyon na bahagya pang kumikinang-kinang dahil sa sinag ng araw. Meron ding dalawang beach bed doon at sa pagitan niyon ay may maliit na lamesa.

Binuksan ng isang staff ang pinto malapit sa isang upuan. Hindi muna pumasok si Crystal at hinayaan ang tatlo na pumasok doon. Tumanaw ulit siya sa paligid at ninamnam ang hangin na dumadapo sa kanyang balat.

'Tuwang-tuwa siguro sila nanay kung andito rin sila.' Nakangiting sabi ni Crystal sa kanyang isipan. Hindi niya maiwasang hindi malungkot kasi hindi nila nakikita ang nakikita niya ngayon. Medyo nalungkot siya dahil ito ang mga bagay na gusto niyang iparanas sa kanila. Na siguro ay hanggang pangarap na lang dahil hindi niya kakayanin na ibigay ito sa kanila. Maya-maya pa ay lumabas na ang tatlo. Nagpaalam sa kanya ang dalawang staff saka muling sumakay sa small yacht at umalis. "They will send us food and after that, we can enjoy this whole island." Balita sa kanya ni Hanuel habang papalapit ito. Ngumiti ng ubod ng tamis si Crystal, "Thank you for this Hanuel. Nakakahiya man ay ngayon lang ako nakapunta sa ganito."

"It's okay don't worry. Remember again that we are talking about yourself here. Consider this as your bonus." Nakangiting sabi nito. Hindi maiwasang ibaba ni Hanuel ang kanyang paningin sa mga labi ng dalaga noong ngumiti ulit ito sa kanya. Agad bumilis ang tibok ng kanyang puso nang masilayan niya ito. 'I'm getting crazy.' Iniwas niya ang kanyang paningin dahil sa gusto na naman niyang halikan ito. Kanina pa siya nagpipigil na hawakan ang dalaga. "Let's go inside." Tumalikod agad si Hanuel at naglakad papasok ng villa. Sumunod naman agad si Crystal habang nakatungo at nakatingin sa kahoy na sahig. Pagpasok sila ay merong maliit na sala doon at sa likod ng mahabang sofa ay merong maliit na counter. May mga alak na nakalagay doon at maliit na refrigerator. Sa kaliwang parte ng villa ay meron pang dalawang pinto. Parang isang buong bahay na ang nirentahan ng binata.

"That will be our room," itinuro ni Hanuel ang unang pinto malapit sa kanila. "And that is the shower room." Turo naman nito sa kasunod na pinto. Kinuha ni Hanuel ang dalawang maleta nasa may pintong pinasukan nila at hinila iyon papunta sa kwarto.

"Ako na mag-aayos niyan." Sabi niya sa binata. Sumunod kasi siya doon. Lumapit na siya sa mga maleta at binukan iyon. Merong malaking cabinet doon na pwedeng paglagyan ng mga damit. Nasa gitna ang king size bed na may kulay puting kobre kama.

Elegante ang bawat desenyo ng silid na kahit ang ginamit na wallpaper ay masasabi mong hindi mumurahin.

"Okay, I will leave you here. I'll wait for our food outside."

Tumango na lamang siya dito at sinimulang ayusin ang mga damit nila. Kaunti lang naman iyon at halos lahat ay mga damit pang beach. Lahat iyon ay bago maging ang kay Hanuel dahil meron pa itong mga tag. Kompleto pati ang mga underwears nila, mga toiletries at pang paa. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa mga presyo ng mga damit na binili ni Joseph. Yung iba kasi ay halos katumbas na ng isang buwan niyang sweldo.

"Grabe mag-aksaya ng pera," napapailing na sabi ni Crystal. Hindi tuloy maiwasang mapaisip kung magkano ba ang nagastos ng binata sa bakasyon nila. Ni minsan ay hindi niya maiisip na gumastos ng ganito kalaki kahit na gustuhin niyang dalhin dito ang pamilya niya.

Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit nila ay lumabas na siya. Naabutan niya si Hanuel na nakaupo sa may pool at may hawak na beer. Nakalublob ang paa nito sa tubig at nakatanaw naman sa malawak na dagat. Sa gilid ng pool ay merong round table na may malaking payong. Nakahain na doon ang mga pagkain na in-order ni Hanuel kanina. Hindi pa siya nakakalabas ay naamoy na niya ang mabangong amoy ng pagkain.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Lumingon sa kanya si Hanuel. Naramdaman siguro nito ang pagdating niya. "You done?" tanong nito. Tumango si Crystal at tuluyan nang lumapit kay Hanuel.

Tumayo naman ang lalaki mula sa kanyang pagkakaupo, "Let's eat."

Korean foods ang mga nakahain kaya bago sa paningin ni Crystal. Tanging ang Kimchi lang ang alam niya at kanin. Medyo nag alala pa si Hanuel kay Crystal kung magugustuhan niya ba ang pagkain. Bago man sa panlasa ni Crystal ay nagustuhan naman niya iyon.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta sila sa reception area. Gusto kasi maghiking ni Hanuel, isa iyon sa mga activities na pwedeng gawin sa isla. Merong bundok sa pinaka gitna ng isla. Hindi naman iyon sobrang taas kaya madali lang din nila na natunton ang tuktok niyon.

"Ang ganda..." namamanghang usal ni Crystal habang nakatanaw sa ibaba ng bundok. Ipinikit niya ang kayang mga mata upang mas lalo pang madama ang hangin na dumadapo sa kanyang mukha. Hinahawi niyon ang kanyang mga buhok. "You like it?" tanong ni Hanuel kay Crystal. Pinagmamasdan niya lang ito na nakatanaw sa kabuuan ng isla. Marahang tumango si Crystal at lumingon sa kanya.

"Thank you for bringing me here." Ngumiti ng sobrang tamis sa kanya at muling tumingin sa magandang tanawin.

Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ni Hanuel habang pinagmamasdan si Crystal. Habang tumatagal na nakakasama niya ang dalaga ay lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. She's not the prettiest woman he knew but there is something that makes her exceptional. That's why he chooses her. He can easily get a girl for a night. But Crystal is different.

She's something more.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report