The Job
Chapter 24

"I have to go back to Korea," malungkot na sabi ni Hanuel isang gabi. Inalis ni Crystal ang tingin niya sa pinapanood na palabas at inilipat iyon sa binatang naka-unan sa hita niya. Nakapikit ito at nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. Muling binalik ni Crystal ang mga mata sa pinapanood niya.

"Talaga? Kailan?" sagot niya. Nakaramdam ng lungkot si Crystal pero agad niya rin itong iwinaksi. Alam naman niya kasi na doon ang buhay ni Hanuel at hindi rito sa tabi niya.

"Yes. Maybe the next day. I have an upcoming drama plus I still need to fix our company," paliwanag nito. Kumunot ang noo ni Crystal pero hindi ito nilingon at tinuon lang ang pansin sa pinapanood. Medyo nasa climax na kasi iyon kaya hindi niya maialis ang tingin dito.

"Company? Ano'ng nangyari?"

Bumuntong hininga si Hanuel at bumaliktad paharap sa may tiyan ni Crystal. Ipinaikot nito ang isang kamay sa bewang ng dalaga. Bahagyang napaigtad pa si Crystal nang maramdaman ang mainit na hininga nitong hininga sa kanyang tiyan. "My... my father is on coma right now," malungkot na sabi nito at mas hinigpitan ang yakap kay Crystal.

"What?" gulat na tanong ni Crystal at tiningnan ang binita. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakasubsob sa tiyan niya. "Kailan pa? Eh ano'ng ginagawa mo pa rito? Dapat hindi kana nagpunta rito kung ganon naman pala ang nangyari sa papa mo," puno ng pag-aalalang sabi ni Crystal.

"It's okay. Joseph is there now, and my stepmom and his son are already in jail. So, there is nothing to worry about anymore. I just have to wait for my father," ani nito.

"I don't understand. What really happened?"

Tumingin si Hanuel kay Crystal at noong makitang puno ito ng pag-aalala ay umupo siya. Hinarap niya ito. "My father's wife and his son tried to steal our company. But my father learns about their plan." Bahagya siyang tumigil at bumuntong hininga. "That is why he keeps on bugging me to focus on our company. But I'm too angry with him that time because my mother just died when he married that woman. If I just listen to him... hindi sana mangyayari sa kanya iyon," puno ng pagsisising sabi ni Hanuel.

Nakaramdam ng labis na pagkaawa si Crystal para kay Hanuel. Sinapo niya ang pisngi nito. "I'm... I'm sorry, hindi ko alam." Para siyang nahiya bigla. Bago kasi pumutok ang tungkol sa kontrobersya ay masama ang loob niya sa binata. Pakiramdam niya ay pinaiikot lang siya nito. Naisip niyang muli noong bigla itong umalis. 'Hindi kaya isa iyon sa rason?'

Umiling si Hanuel. "You shouldn't be sorry. You are the only reason why... why I'm still cooping up about everything." Ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang mga kamay niyang nakahawak sa pisngi niya. Kinuha nito iyon at hinawakang maige iyon.

"But..." bumuntong hininga si Crystal. "You shouldn't be here. Dapat mas inisip mo 'yon kesa sa nangyari ngayon."

"No. I have to come here. I know you need my help. It's my fault why you're being drag to this king of issue's if it's not me no one will tell you those things. And... I feel so hurt the moment I read what they are saying about you. Because I know who you really are and it sad that they are throwing those words."

Hindi maiwasang mapangiti ni Crystal. Parang may humaplos sa puso niya dahil sa mga sinabi ng binata. "But still... dapat mas inisip mo ang kapakanan ng tatay mo kesa sa kung sino."

Tinitigan ni Hanuel si Crystal ng puno ng pagmamahal. "This is what I love at you... You always think about others first before yourself. That is why I want to be with you, to protect you. Because you tend to forget yourself," madamdaming sabi ni Hanuel.

"Thank you, Hanuel. I never expect us to be like this. I was ready to go kasi hindi ko na kinakaya pang pigilan ang sarili ko sa 'yo. Tsaka, masyado akong nasaktan sa mga sinabi mo." "I'm sorry."

Ngumiti si Crystal. "It's okay. Wala na 'yon."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Hanuel. "Why don't you come with me?"

"Saan? Sa Korea?" nagtatakang tanong ni Crystal. Tumango ang binala. Napataas ang dalawa niyang kilay at agad na umiwas ng tingin dito.

"I promise I will protect you there," pangako nito at hinawakan ang mga kamay niya. Pero hindi makasagot si Crystal. Iyon din naman ang gusto niya. Ang makasama ang binata. Kaso paano ang kanyang pamilya? Paano sila kung wala siya rito? At isa pa ano'ng gagawin niya roon? Andito ang buhay niya.

"I... don't know, Hanuel." Napakagat labi siya at tumungo. "My family... I can't leave them." Nalungkot siya noong marinig niya ang pagbuntong hininga nito. "We will come back her-"

"Hanuel." Pinigilan niya itong magsalita. "Let's not take this fast. Bago lang tayo, hindi pa natin ang mangyayari in the future. At saka para na rin tuluyang kumalma ang lahat, diba?" Parang kinurot ang puso ni Crystal noong mabakas ang kalungkutan sa mukha ni Hanuel. Gustuhin man niyang sumama rito ay para sa kanya ay masyadong naging mabilis ang lahat para sa kanila. Mahal niya ito at ito ang gusto niyang makasama na rin dahil nga ito ang nakauna sa kanya pero masyado pang maaga.

Tumango si Hanuel at ngumiti ng mapait sa kanya. "Okay. I understand. But Crystal, I promise to you that my intentions are clean. I really like you."

"I know." Ngumiti ng ubod ng tamis si Crystal at dinampian ng halik ang labi ni Hanuel. Lalayo rin sana siya agad pero hinabol siya ni Hanuel at siniil ng halik. Nagulat man ay mabilis ding nakabawi si Crystal. Pinulupot niya ang kanyang mga braso sa batok ni Hanuel at gumanti sa mga halik nito.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Makalipas ang ilang araw ay naging tahimik na ang buhay ni Crystal. Wala nang mga nagch-chat sa kanya at tumatawag. Nawala na ang ingay ng kanyang pangalan. Matapos kasi ang meeting nila Crystal ay nagpa-interview na ang magpinsan at sinabing mali sila ng akala. Kagaya ng post ni Bryan ay hati ang mga opinyon ng mga tao pero halos lahat ay hinayaan na lamang ang issue. Meron pa rin siyang nakikitang mga post tungkol sa kanya pero hindi na kagaya rati. Meron din mga ginagamit ang larawan niya sa mga memes pero hindi namna sa ginagawa siyang katatawanan. Wala rin pake na si Crystal basta ba ay maging tahimik na ang lahat.

Kasalukuyang naglilinis ng unit nila si Crystal. Day-off niya ngayon sa kanyang trabaho. Tumawag kasi sa kanya si Hanuel at sinabi nitong uuwe raw siya. Ganadong ganado siya habang naglilinis suot ang pangbahay niyang damit. Naka- sandong kulay pula siya at cotton na maiksing shorts. Bukas ang TV na may naka-play na musika galing sa youtube.

Maaga siyang nagising nung araw na iyon para matapos din siya kaagad dahil balak niyang umuwe sa Cavite ngayong tanghali. Inabisuhan kasi siya ng nanay niya na malapit na raw matapos ang pagpapagawa nila ng bahay. Sa tulong kasi ng sweldong nakukuha niya galing kay Hanuel ay napaayos na niya ang bahay nila. May relasyon na sila ni Hanuel ngunit hindi pa rin tumitigil si Hanuel sa pagbibigay sa kanya ng pera. Pinapatigil na niya iyon kay Hanuel ngunit ayaw naman nito. Pati ang Credit Card na binigay nito ay hindi pa rin nito kinukuha sa kanya.

Una niyang nilinis ay ang kwarto nila, sunod ang kusina at noong nasa sala na siya ay biglang tumunog ang Cellphone niya. Dali-dali niya itong kinuha. Napakunot ang noo niya noong hindi niya kilala ang numerong tumatawag sa kanya. "Sino 'to?" Hindi na niya sana sasagutin ngunit hindi tumigil sa pag ring ang cellphone niya.

"Hello?" Bungad sa kanya ng nasa kabilang linya. Lalaki ito at may kakaibang accent. "Crystal Jimenez?"

Kumunot ang noo niya noong binaggit nito ang pangalan niya. "Sino 'to?" tanong niya.

"English please," ani ng nito gamit ang accent nito. "I'm Chen." Hindi sumagot si Crystal at hinintay itong magsalita. "I'm from Lee Hanuel's agency." Biglang nakaramdam ng kaba si Crystal sa huling sinabi nito. 'Agency? Bakit nila ako tinatawagan?' Tumikhin muna siya bago nagsalita. "Y-Yes? Why?" "I know this is sudden. But we are calling you because we have a question for you. Don't worry this is for Lee Hanuel's own well-being."

"Why? What happened to him?" nag-aalalang tanong ni Crystal. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. 'May masama bang nangyari sa kanya?' "Sort of..." bumuntong hininga ito.

"W-What happened?" nanginginig na ang boses ni Crystal sa sobrang pag-aalala. Noong isang araw pa ang huling tawag sa kanya ni Hanuel kaya napaisip na rin siya na baka nga merong may hindi magandang nangyari sa binata.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"You're in a relationship with Hanuel?" deretsong tanong nito.

Napaawang ng bibig si Crystal. "I thought something happened to him?"

"Yes, but I have to know, agassi."

Kinalma ni Crystal ang sarili. "I'm sorry but if you're not tell-"

"Fine. I know you will not answer my question but hear me out first." Tumigil ito saglit. Hindi na lang sumagot si Crystal at hinayaan itong magsalita. "Hanuel is on hiatus right now. Your problem is clear now but not his. I will send you some links and try reading them. But please, if you really love him. You'll let him go because being in a relationship with you is not good for his career. Unless you're also a star like him."

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Crystal dahil sa narinig at napanganga na lang. Ni minsan ay walang nabanggit sa kanya si Hanuel tungkol dito. Sa tuwing nagvi-video call silang dalawa ay palagi lang itong nakangiti sa kanya. Tuwing tinatanong niya ang tungkol sa trabaho nito ay sinasabi lang na ayos lang. Hindi na naman niya ito inuungkat pa dahil nasanay na siya sa ganon ang binata.

"I'm sorry if I'm telling you this, agassi. But you really have to break-up with him. I know Hanuel, he really likes you because he keeps on going to the Philippines just to see you. I already talk to him, but he just said it's okay. He doesn't care about himself, but I know you do. You love him, right? Then you should do what is right. You're no good for him. I'm sorry," deretsang sabi nito.

Hindi na nakasagot si Crystal at mayamaya pa ay naramdaman niya na lang ang pagtulo ng kanyang mga luha. 'Akala ko okay lang ang lahat. Bakit ngayon ay ganito? Masyado ba akong naging insensitive sa mga nangyayari kay Hanuel at mas nagtuon ako ng pansin sa nararamdaman ko? Noong una tungkol sa tatay niya ngayon naman dito sa career niya?' Nakaramdam ng panlulumo si Crystal. Akala niya ay okay lang lahat ng nangyayari kay Hanuel dahil ni minsan ay hindi nito ipinaramdam sa kanya na meron siyang problema.

Napaigtad si Crystal nang tumunog ang kanyang telepono. Meron doong message mula sa taong tumawag sa kanya. Napalunok muna siya at nanginginig na binuksan ang link na andoon. Tumambad sa kanya ang article na naglalaman tungkol kay Hanuel. Hindi kagaya niya hupa na ang usapin tungkol sa kanya, kay Hanuel ay hindi pa.

Ngayon ay bali-balita sa Korea na merong GF ang binata. Meron kasing TV show na nag guess ang binata rito. Tinanong doon kung single ba ang binata at ang sinagot nito ay hindi. Sinabi niya rin doon na isang pilipina ang GF nito ngunit hindi nagsabi ng pangalan. Dahil sa sagot nito ay hindi ito nagustuhan ng mga fans niya. Marami ang nagalit sa binata kaya marami ang hindi nanood sa bago nitong drama. Sobrang bumaba ang ratings niyon. Kagaya niya ay maraming nam- bash sa binata dahil sa nagkaroon ito ng GF.

Hindi alam ni Crystal kung magagalit ba siya o matatawa dahil sa nabasa. Eto na naman nangyari kagaya noong una. Papatayin na sana niya ang cellphone niya nang muling may text na pumasok doon.

"His shows got canceled because of this. We don't know when he can recover. Hanuel loves acting, this is his passion. So please if you care for him. Let him go."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report