The Job -
Chapter 5
"Seryoso?!" Halos maibuga ni Ynette ang iniinom niyang softdrinks. Napagkwentuhan kasi nila ang tungkol sa inaalok ng tumulong sa kanya. Pahapyaw pa lang niya nabasa ang laman ng folder na labis niyang ikinagulat. Hindi na niya kasi naituloy ang pagbabasa niya dahil binigay na sa kanila ang kwartong gagamitin ng kanilang ina. "Girl! Iba ka! Meron ka pa lang lihim na taganasa."
Napangiwi si Crystal sa sinabi nito. Base kasi sa nakasulat sa loob ng papel na nakalagay sa loob ng folder ay kapalit ng pagtulong sa kanila, gusto nitong makaniig siya. Hindi niya tuloy alam ngayon kung magiging masaya pa ba siya sa nangyari. Kung kahapon ay labis ang pasasalamat niya sa taong iyon ngayon ay parang na ngangamba na siya rito.
"Ewan ko... 'Di ko alam kung matutuwa pa ba ako o ano."
"So, tatanggapin mo ba?" seryosong tanong ni Ynette sa kanya. Natigilan si Crystal at napatingin dito.
"Hindi ko pa talaga alam. Baka basahin ko na lang muna yung buong kontrata. Tsaka, hindi ko pa kasi kilala yung taong 'yon."
Ngumisi si Ynette ng nakakaloko. "Baka naman si Manong Joseph 'yon tapos nagpapanggap lang pala na hindi siya?" Nagkibit ng balikat si Crystal. "Alam mo friend, tanggapin mo na lang 'yan."
"Bakit?"
"Eh syempre. Kung ako 'yan tatanggapin ko na agad 'yan. Buti ka nga isang t*t* lang ang papasok sa 'yo at napaka yaman pa! Grab mo na!"
Halos liparin ni Crystal ang pwesto ng kaibigan niya para masapo ang bibig nito. Pinandilatan niya ito ng mata. "Ano ka ba?! Bunganga mo naman!" saway niya. Buti na lamang ay VIP ang kwartong ibinigay sa kanila at wala silang ibang kasama sa loob noon. Hindi tuloy maiwasang makaramdam ng hiya ni Crystal.
Tinanggal ni Ynette ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. "Bakit? Gusto mo ba kagaya ko?" Natahimik si Crystal. Hindi niya hinuhusgahan ang kaibigan niya sa ginagawa nito ngunit para sa kanya ay ayaw niya maranasan iyon. "Oh, diba natahimik ka? Kaya tanggapin mo na lang 'yon kasi for sure 'yun din naman talaga habol niya eh. 'Di naman 'yon maglalabas ng sobrang laking pera kung wala siyang balak sa 'yo."
Natahimik naman si Crystal dahil tama ang mga tinuran nito. "Ewan ko, pagisipan ko muna maige. Mahirap na pumasok sa isang problemang mahihirapan ako na lumabas."
"Hindi 'yan. Para na rin mabinyagan kana. Masyado na 'yang tuyot na bulaklak mo!"
"Baliw!" Sinamaan niya ito ng tingin. Tinawanan lang siya ni Ynette.
Pagkalipas ng ilang sandali ay umalis na rin si Ynette dahil maggagabi na at kailangan pa niyang asikasuhin ang kanyang mga anak. Samantalang si Crystal naman ay hindi na umuwe at napagdesisyonang doon na lang matulog sa silid. Pagkatapos niyang kumain ay inayos niya muna ang kamang hihigaan ng kanyang ina.
Kasalukuyan kasing nasa recovery room ang nanay nila at ibababa na raw kasi ito bukas ng umaga doon dahil nagkamalay na ito. Hindi niya pa ito nakikita ngunit labis ang pasasalamat ni Crystal na naging maayos ang kanyang ina. Lalo tuloy siyang napaisip kung tatanggapin niya ba ang inaalok sa kanya. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa ay humiga na siya sa maliit na kama sa may tapat ng pinto. Ito ay ang higaan na nakalaan para sa mga bantay ng pasyente. Malaki ang kwartong ibinigay sa kanila at kasama na raw iyon sa binayaran. Maganda at magara ang loob ng silid at hindi mo aakalain na isa itong silid sa loob ng ospital dahil parang nasa bahay ka lang. Kulay puti ang pintura n'on at may sariling banyo sa loob. Nasa gitna ng silid ang maganda at may kalakihang hospital bed. Parehas ng sa ICU ang setup ng paligid ng kama. Sa kanan n'on sa may dingding ay nakapwesto ang maliit na sofa bed kung saan siya matutulog. Katabi n'on ang isang maliit na table cabinet kung saan nila ilalagay ang mga gamit nila. Sa may paanan naman nila nakalagay ang malaking flat screen TV.
Sa kabilang ibayo naman ay doon nakalagay ang maliit na mesa na pwedeng pagkainan nila. Sa tabi ay merong maliit na refrigerator na meron nang laman na mga prutas at tubig. Doon din nakapwesto ang maliit na nagiisang bintana ng silid at aircon. Sa tabi ng pinto na galing sa labas ay katabi ang banyo.
Matapos niyang ayusin ang higaan ng nanay niya ay humiga na rin siya sa sofa bed. Ngayon lamang niya naramdaman ang pagod. Nakapagpahinga naman siya sa bahay nila kanina ngunit saglit lang dahil hindi rin siya makatulog ng maayos sa pagaalala sa kanyang ina. Tanging ang pasyente lamang ang may libreng unan at kumot kaya kanina ay nagpadala siya ng sarili niyang magagamit sa hipag niya. Hindi na siya nagpasama pa sa mga ito para makapagpahinga na rin. Tutal ay nakapag-leave na naman siya sa trabaho niya kaya matututukan niya ang kanyang ina.
Binuksan niya ang TV para sana libangin ang kanyang sarili. Ngunit hindi mawala sa isip niya ang tungkol sa nabasa niya sa folder na ibinigay sa kanya ni Joseph. Minabuti niyang kuhain iyon at basahin muli.
"Monthly payment and Allowance amounting of..." Nanlaki ang mga mata ni Crystal at biglang napaupo sa nabasa. "Legit ba 'to?" Hindi siya makapaniwala sa nabasa niya. Hindi niya ito napansin kanina noong una niyang nabasa. Masyadong natuon ang atensyon niya sa unang pahina na gusto nitong mag ala-prostitute siya para dito. Hindi siya makapaniwala sa nakalagay na mga numero. She can't believe sa price na nabasa niya. "One hundred thousand? Grabe."Hindi siya makapaniwala na merong taong handang gumastos ng ganong kalaki.
Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa dito.
"I will provide anything you need but you have to show up every time I call you. In return you will not tell anyone about this agreement and will make this confidential." Marami pang nakasulat sa papel at napaka-haba. Nakasaad din dito na dapat ay hindi siya aangal o magrereklamo sa mga gagawin nito sa kanya habang sila ay magkasama.
Napaisip si Crystal at hindi niya maiwasang hindi mapaisip dito. "Lol? Ano 'to fifty shades of grey?" natatawang sabi na lang ni Crystal. Marami pang nakalagay sa papel na hindi na niya masyado pang binasa.
Kinabukasan ibinaba na si Rosa sa kanyang silid, gising siya ng mga panahon na iyon. Agad siyang napangiti nang makita niya na andoon sa silid ang kanyang anak na si Crystal at naghihintay sa kanya. Tumayo ito kaagad at pinanood ang mga staff habang inililipat siya sa magiging kama niya. Inayos muna siya ng mga ito bago umalis ng silid.
Bagamat wala nang maraming nakakabit sa kanya kagaya noong nasa ICU siya. Meron pa rin siyang oxygen at heartbeat monitoring device. May nakakabit pa rin sa kanya ang isang dextrose. Hindi pa rin siya makakilos ng maayos ngunit mas maganda na ang pakiramdam niya ngayon kesa noong mga nakaraang araw. Kapansin-pansin ang benda sa kanyang leeg dahil doon pinadaan ang hose papunta sa artery niyua kung saan may nakabarang dugo. Maige na lang at hindi na kinailangan pang buksan ang dibdib niya para matanggal iyon.
Maluha-luhang lumapit si Crystal sa kanyang ina at marahan itong niyakap.
"Sorry Ma... dapat nanahimik na lang ako. Kung hindi dahil sa akin di ka magkakaganito." Bahagyang tinapik ni Rosa ang anak sa balikat nito.
"Hindi mali ang ginawa mo anak. Tama lang iyon. Ako ang dapat huminge ng tawad sa 'yo. Pinag-alala pa tuloy kita," nangingilid ang mga luhang sabi ni Rosa. Unti-unting lumakas ang iyak ni Crystal.
"A-Akala ko talaga mawawala ka na sa akin Ma. Hindi ko po kakayanin mawala ka rin sa akin."
"Ano ka ba? Hindi ko gagawin 'yon." Napangiti si Rosa. "Hindi ko gagawin 'yon hanggat wala ka pa ring Jowa."
"Mama naman eh," natatawang saad naman ni Crystal. Palagi kasi siya nitong binibiro na mag-asawa na siya.
Tumawa lang ng mahina si Rosa. Sa katunayan matapos ng nangyari sa kanya ay una niyang inalala ang bunso niya. Gusto sana niyang makita muna itong magkapamilya para kahit mawala na siya ay mayroon nang mag-aalaga sa kanyang anak.
Nasa ganoong posisyon sila nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang ibang anak pa ni Rosa kasama ang mga apo niya. Bagamat hindi pwede ang mga batang nasa edad pito pababa ay pinapasok pa rin sila ng gwardiya nang malamang sa vip sila nakapwesto.
"Lola!" masayang sigaw ni Marian at aakyat sana sa kama ng lola niya.
"Marian 'wag! 'Di pwedeng umakyat diyan." Agad naman itong pinigilan ni Sasha sa anak.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Pinalibutan nila si Rosa maliban kay Johan na umupo lang sa may lamesa.
"Kumusta na ang pakiramdam mo ma?" tanong ni Roy sa ina.
"Ayos na ang pakiramdam ko. Nahihirapan na lang ako gumalaw dahil ata sa anesthesia sa ginamit. Tsaka medyo nakirot itong sa leeg ko," paliwanag nito.
"Lola masakit po?" inosenteng tanong ni Jordan.
"Hindi," natatawang sagot ni Rosa.
"Oh, siya mamaya niyo na interbyuhin si Nanay. Kumain muna tayo," pigil ni Crystal sa mga bata na mukhang marami pang itatanong. Pinagluto na lang kasi niya ang mga ito sa bahay nila ang pagkain at ipinadala dito. "Ate may dala kayong sabaw?"
"Oo. Nagluto rin ako," sagot ni Jessa at naghanda na sila ng pagkain.
Tumayo si Johan upang ayusin ang higaan ng kanyang ina para makaupo ito at makakain ng maayos. Tinulungan siya ni Roy pagkatapos naman ay kinuha ang lamesa na may gulong sa baba. Mataas ito at pwede ikabit sa may higaan ni Rosa. Pinagmasdan niya lang kanyang mga anak saka tinawag si Johan.
"Johan..." Lumapit sa kanya ang lalaki ng nakatungo. Hinila niya ito at niyakap. Dito na humagulhol ng iyak si Johan.
"Sorry Ma. Ibabalik ko naman sana yung pera ni Crystal. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Sorry po talaga." Parang batang umiiyak si Johan habang yakap din ang ina. Kahit na wala siyang imik ay sobrang pag-aalala niya rin sa nangyari sa kanyang ina. Kahit sobrang matigas ang ulo niya ay ni minsan hindi niya hiniling mawalan siya ng ina.
Natahimik silang lahat. Maging ang mga bata dahil ngayon lang nilang nakitang umiiyak ang kanilang ama.
Huminga ng malalim si Crystal at nakiyakap sa dalawa.
"Okay na kuya. H'wag kanang umiyak 'di bagay sa 'yo," biro ni Crystal na nagpipigil ng luha.
"Sorry bunso..."
"Sali ako diyan!" Yumakap din si Roy at sa kabilang gilid naman pumwesto.
"Hayy ang mga anak ko," lumuluhang saad ni Rosa. Hindi niya maipaliwanag ang kagalakan kanyang nararamdaman. Muli niyang na alala noong mga bata pa ang mga ito.
"Promise magbabago na si Kuya. Maghahanap na ako ng trabaho at ititigil ko na ang pagsusugal," ani pa ni Johan na ikinatuwa ni Crystal.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Hmm... Buti naman!" masayang sabi ni Crystal.
Hindi maiwasang matuwa ni Crystal sa nangyari. Naging maayos ang operasyon ng kanyang ina at nagkaayos na rin sila ng kuya niya. Masaya na rin siya na dahil dito ay namulat ang mga mata ni Johan. Sa totoo lang ay kaya naman niyang patawarin si Johan kahit na hindi ito nangyari sa kanyang ina. Para kay Crystal ay pera lang 'yon at kikitain niya ulit.
Sobra lang siyang nanghinayang kasi gusto niya na makabili ng bagong cellphone na walang ina-aalang gastusin.
Lahat kasi ng sweldo niya ay sumasakto lang sa kanilang bahay. Siya kasi ang nagbabayad ng bahay na tinitirahan nila ngayon.
Makalipas ng ilang sandali ay naghiwa-hiwalay na silang mag-iina at kumain na. Gusto sanang subuan ni Crystal ang ina ngunit umayaw ito. Kaya na naman daw niya at gusto niyang makita na kumakain silang lahat. Lubos ang pasasalamat ni Rosa sa Diyos dahil siya ay pinagbigyan pa siya niyong mabuhay.
Napapangiti naman si Crystal habang pinagmamasdan ang kanyang pamilya na pinagsasaluhan ang pagkain na iniluto ng kanyang mga hipag. Menudo iyon at sinigang na baboy. Meron ding kasamang kanin. Nakaupo ang kanyang mga kapatid mga asawa niyo sa mesa. Samantalang siya at ang kanyang mga pamangkin ay nasa sofa bed.
Nagpapasalamat din siya na sa ngayon ay ligtas na ang kanyang ina. Hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil sa kalagayan nila. Kung hindi pa dahil sa misteryosong tao na tumulong sa kanila ay hindi ma-ooperahan agad ang kanyang ina. Nakakalungkot na kahit anong gawin niyang trabaho ay kulang pa rin ang pera niya para matustusan ang mga ganitong pangyayari. Kung noon ay wala lang sa kanya ang pera dahil sa sumasapat naman para sa pang araw-araw nilang pangangailangan ang pinagsama-samang sweldo nilang magkakapatid. Ngayon ay napapaisip siya.
Mahirap magkaroon ng sakit sa pilipinas. Dahil kung wala kang pera ay hindi mapupunan ang mga pangangailangang pan-medikal mo. Masakit man isipin ngunit wala ng libre sa ngayon.
Bumuntong hininga si Crystal at nagpaalam saglit sa kanyang ina upang lumabas ng kwarto. Lumakad siya papuntang terrace ng palapag na kinabibilangan nila. Siniguro niya munang wala siyang kasama doon.
Huminga muna siya ng malalim saka kinuha ang de-keypad niyang cellphone at nagdial. Umabot lang tatlong ring mula sa kabilang linya bago sagutin sa kabilang linya.
"Hello? Joseph Park?" nag-aalangan pang tawag ni Crystal.
"Yes? I supposed its you Crystal?" malumanay na tanong ng lalaking kausap niya.
"Yes. Its me."
"Okay? So... will I hear some good news now?"
Napakagat ng labi si Crystal at mariing ipinikit ang kanyang mga mata.
"I will accept his offer."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report