The Job -
Chapter 7
Hindi maalis ni Crystal ang tingin niya sa mga mata nito na para bang nangungusap. Kuly abo ito at merong singkit na mata. Binagayan ito ng makapal at nakaakrong kilay.
Bumaba ang tingin ni Crystal sa napaka tangos nitong ilong. Akala mo'y inukit iyon sa ganda ng pagkakahulma nito. Hindi maiwasang makagat ni Crystal ang loob ng ilalim ng kanyang labi nang madako ang kanyang paningin sa mga labi nito. Para itong nanghahalina na halikan niya.
Base sa itsura nito ay hindi ito isang pilipino. Kalahi niya ang mga artistang kinahuhulamingan ng kanyang pamangkin.
'Ang kinis naman nito...' napapamaang na sabi niya sa kanyang isipan. Siguro kahit anong mga pampaganda ang gamitin niya ay wala pa rin siyang panama sa kakinisan nito. Parang balat ng baby.
"Hi! I finally meet you. I'm Lee Hanuel." Ngumiti ng napakatamis at inilahad ang kanang kamay upang makipag kamay sa kanya. Nagtila isang musika sa kanyang tenga nang marinig niya ang boses nito. Malalim at buo ito. Siya yung tipong kapag marinig mo ang boses alam mo ng makalaglag ang panty.
Napalunok siya ng laway at nanginginig pang inabot iyon. Nakaramdam ng hiya si Crystal nang magdapo ang kanilang mga palad. Napaka lambot nito, halatang hindi nagtatrabaho. Aakalain mong pang babae ang hawak niyang kamay. Hihilain na sana ni Crystal ngunit hinigpitan ng lalake ang pagkakahawak doon. Bahagya siyang namula nang pisil-pisilin niya ito.
"C-Crystal Jimenez..." nauutal niyang turan.
"Let sit." Utos nito. Itinuro nito ang mahabang sofa pero hindi doon umupo si Crystal. Bagkus ay sa may solong upuan siya pumwesto. Napangisi lang si Hanuel.
"I will wait for you in the lobby sir. Call me if you need anything." Paalam ni Joseph na nasa bukana lamang ng sala at may hawak na maliit na maleta. Tumango lamang ito at umalis na ng silid.
Lumapit na si Hanuel sa kanya at umupo sa mahabang sofa. Magkaiba man sina ng inuupan ay magkalapit lang sila dahil nakikita ni Crystal ang mga hita nito habang nakayuko.
"I supposed you know me?" Basag nito sa katahimikan makatapos ng ilang sandali. Nag-angat naman ng tingin si Crystal at nalilitong tiningnan siya. Na kanyang pinagsisisihan dahil napako ang kanyang mga tingin sa mga mata ni Hanuel. Nakatitig din ito sa kanya na tila ay inaarok ang kanyang pagkatao at hindi na niya maialis kanyang tingin dito.
"W-What do you mean?"
"Hmm..." Napataas ang kilay ni Hanuel. Labis siyang namamangha sa dalaga dahil hindi siya kilala nito.
Hindi na inalintana ni Crystal ang mga tingin nito at tinitigan din maige ang binata. Dahil sa sinabi nito ay napaisip siya kung kilala ba niya ito o hindi. Pamilyar sa kanya ang lalaki ngunit hindi niya malaman kung saan niya ito nakita. Lalo na ang boses nito.
"I... don't remember you sorry." Napapailing na saad ni Crystal. Nagkibit balikat na lamang si Hanuel at isinandal ang kanyang likod. "Nevermind." Iwinaksi pa nito ang kanyang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay nasa may tuhod. "Let's talk about the contract." Napakapit si Crystal sa kanyang maliit na bag at umiwas ng tingin dito. Napalunok ng laway habang hinihintay ang sasabihin nito. "You know why you are here right?" Napaigtab pa si Crystal nang muling magsalita ito.
'Ano ba Crystal! Kalma naman uy!' Pagalit niya sa sarili.
"Yes." Sagot niya dito habang hindi ito nililingon. Hindi siya mapakali dahil nakikita niya sa gilid ng kanyang mga mata na nakatitig ito sa kanya at hindi iniiwas ang mga paningin nito.
"You know about your job... right?" Tanong niya muli habang binibigyan ng riin ang salitang 'Job.'
Biglang nakaramdam ng pagiinit sa pisngi ni Crystal. Lalo siyang tumungo at napakagat ng labi. "Y-Yes."
'Lord ano ba 'tong pinasok ko? Gusto ko nang umuwe!' kabadong kabado si Crystal.
"So, are you ready?"
Natigilan si Crystal at nag-angat ng paningin. Ngunit muntik na siyang mahulog sa kanyang kinauupuan kung hindi lang siya napakapit sa mga braso nito.
Nasa harap na niya kasi ang binata. Ang dalawang kamay nito ay nasa magkabilang gilid ng baywang ni Crystal. Amoy na amoy na niya ngayon ang ginamit nitong mouth wash.
Huli na noong mapansin niyang napako na ang kanyang mga mata kay Hanuel. Punong puno ng pagkasabik ang mga tingin nito na tila ba ay nanghihipnotismo. Kahit pagkurap ay hindi niya magawa dahil sa mapangarok nitong tingin. Pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya ng malamig.
Napalunok si Crystal nang bumaba ang tingin ni Hanuel sa kanyang labi at muling bumalik ang tingin sa kanyang mga mata.
"Are you ready Crystal?" Mapang-akit nitong tanong kay Crystal.
Napasinghap si Crystal noong dumampi sa kanyang pisngi ang mainit na hininga nito. Nakadagdag iyon sa unti-unting nag-iinit niyang pakiramdam. Ibinubuka niya ang kanyang mga bibig at muling tinitikom dahil hindi niya mahanap ang kanyang boses.
"W-Wha-" Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata nang dumampi ang mga labi ni Hanuel sa kanyang mga labi.
Sinakop niya iyon na para bang walang balak na pakawalan ito. Sabik na sabik nitong sinunggaban si Crystal. Mahigpit na napakapit si Crystal sa mga braso nito.
'Anong nangyayari? Crystal gising!' Sigaw niya sa kanyang isipan. Gusto niya itong itulak ngunit para siyang naging tuod dahil sa ginagawa nito. Napasinghap siya nang maramdaman niya ang mga kamay nito sa kanyang baywang. Gumapang iyon papunta sa kanyang likod na nagbibigay ng kakaibang kiliti at sensasyon kay Crystal.
Napamaang siya nang maramdaman niya ang mga mahaba at malambot nitong dila sa bukana ng kanyang mga labi. Nagpupumilit itong pumasok sa kanyang bibig.
'No! Wait!'
Napapikit na siya noong maramdaman niya sa ibabaw ng kanyang pangupo ang isa nitong kamay. Unti-unti itong bumababa papunta sa pisngi nito at nang makarating ito sa kanyang pupuntahan ay pinisil niya ito.
Napaungol si Crystal kaya naibuka niya ang kanyang bibig. Agad naman itong pinasok ng dila ni Hanuel at hinanap ang kanyang dila. Hindi alam ni Crystal kung paano gaganti sa ginagawa ni Hanuel kaya hinayaan na lamang niyang ang binata. Sumusunod lamang ang dila niya sa galaw ng dila ni Hanuel. Napaka agrisibo nito at hindi pa rin mawala ang pagkasabik.
Hindi na niya namalayan na gumaganti na siya sa halik nito. Animo'y mga bulate ang kanilang mga dila kung maglingkisan sa loob ng kanilang mga bibig. Hindi na kaya pang pigilan ni Crystal ang init na kanyang nararamdaman. Malamig ang loob ng silid ngunit pakiramdam niya ay nagbabaga iyon.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Sa mga sandaling iyon ay parang nawala na sa kanyang sarili si Crystal. Ang kanyang mga kamay ay umakyat na papuntang batok ni Hanuel at doon ito ipinulupot. Ang mga kamay naman ni Hanuel ay hindi magkamaway sa paghaplos sa kanyang katawan.
Wala ng pakialam pa si Crystal sa kung ano pa ang sunod na mangyayari. Kung kanina ay nag-aalangan siya ngayon ay nawala iyon. Isang halik lamang ng binata ay nawala ang lahat ang alinlangan at takot na bumabalot sa kanya kanina. Napalitan iyon ng pagkasabik.
Para siyang kinikiliti sa buong katawan dahil sa sensasyong kanyang nararamdaman.
Langit. Pakiramdam niya ay nasa langit na siya noong mga oras na iyon. Inaabangan at sinasabayan niya ang paggalaw ni Hanuel. Pakiramdam niya ay maabot na niya ang rurok ng kaligayahan nang bigla na lamang hindi gumalaw si Hanuel. Nagtataka man ay nakapikit pa ring humahalik si Crystal kay Hanuel. Ginaya ang ginawa ng binata na pilit pinapasok ang bibig nito gamit ang kanyang dila. Umungol siya noong hindi niya ito mapasok.
Napangisi si Hanuel. Bumitaw ito sa pagkakayakap niya kay Crystal at unti-unting lumayo dito. Hinahabol niya pa ang mga labi nitong unti-unting lumalayo. Napadilat na si Crystal noong tinanggal ng binata ang mga kamay niyang nakapulupot sa leeg nito. Umupo itong muli sa kanyang inupuan kanina.
Punong-puno ng pagtataka ang mukha ni Crystal. Kulang na lamang ay may mabasa kang paskil sa mukha niya na 'Bakit ka tumigil?!'. Hingal na hingal niyang tiningnan si Hanuel na nakangisi. Para itong namamangha na natutuwa dahil sa ikinilos ni Crystal.
"So, you're ready..." turan nito at tiningnan niya ng malagkit si Crystal.
Ramdam na ramdam ni Crystal ang pagpula ng kanyang mga pisngi. Parang sasabog na ang kanyang dibdib dahil sa nararamdaman niyang pagkabigla, sarap at bitin. Hindi na niya nakayanan pa kaya tumakbo na siya papunta sa banyo sa may kusina. Pabagsak niyang isinara ang pinto noong nakapasok siya doon.
Agad siyang nagpakawala ng malakas na hangin sa kanyang bibig.
"Shit Crystal! Nakakahiya ka!" Impit niyang sabi. Hiyang hiya siya ikinilos niya kanina. First kiss niya iyon pero hindi niya alam kung paano siya nakaganti sa binata. Hinawakan niya ang labi nya at napapikit. 'Nakakahiya talaga!' Habang sapo ang magkabilang pisngi na nag-iinit ay lumakad siya papalapit sa sink doon. Binuksan niya ang gripo at naghilamos. Wala naman siyang make-up kaya hindi na siya nagdalawang-isip na gawin iyon. 'Nakakahiya talaga! Gusto ko na umuwe!' Hiyaw niyang muli sa kanyang isipan.
Paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan ang mga titig ni Hanuel. Ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang labi. "Haist! Bweset 'yon ah!" Gigil niyang turan. Narealized niya kasing pinaglaruan siya ni Hanuel. Sinubukan lang siya ng binata kung bibigay ba siya agad dito. "Ang rupok mo Crystal! Parang di ka Virgin nakakainis!" Bahagya niya pang nabatukan ang sarili niya.
Iyon ang unang halik na naranasan niya ngunit noong hinahalikan siya ni Hanuel ay para bang ang tagal na niya itong ginagawa. Mabilis siyang nakasunod sa mga galaw nito. At base rin sa kanyang naranasan ay mukhang bihasa rin ang lalake sa paghalik.
Inayos muna ni Crystal ang kanyang sarili saka lumabas na ng banyo. Taas noo siyang naglakad papalapit kay Hanuel na prenteng nakaupo. Medyo natigilan pa siya dahil sinusundan siya nito ng tingin habang nakataas ang gilid ng labi nito. Marahan siyang umupo sa dati niyang inuupuan at tiningnan ito ng deretso.
"Can we start now?" Seryosong tanong niya dito. Nagpasalamat siya agad sa Diyos dahil hindi nabasag ang boses niya habang nagsalita. Hindi pa rin niya kasi maiwasang kumalma dahil sa mga tingin nito.
"What? Should I take my clothes off now?" Sagot nito na may pang-aasar. Awtomatikong namula ang kanyang pisngi. Tiningnan niya ito ng masama.
"Bweset..." mahina niyang sabi. Tumawa naman ng malakas si Hanuel na ikinagulat niya. "Baliw na ata 'to. Nakakaasar." Lalong tumalim ang mga tingin ni Crystal dito noong humagalpak na ito sa tawa. Akala niya ay pinagtatawanan siya ng lalake na totoo naman. "Why?!" Iritable na niyang tanong dito.
Pakiramdam niya tuloy di siya tatagal sa trabaho niya dito.
"Nothing..." turan nito noong kumalma na siya. Naghahabol pa ito ng hininga noong tumigil. "Okay." Tumikhim muna si Hanuel saka muling nagsalita. "Let's start." Sumeryoso na ang mukha niya ngunit sa kanyang isipan ay hindi pa rin niya maiwasang mapangiti. Akala ng dalaga ay hindi niya ito na iintindihan.
"You know your job right?" Tumango lang si Crystal. "And are you ready and really willing to do this?" Tanong muli nito.
"Yes." Seryoso pa ring sagot ni Crystal. Pinipilit niyang maging maayos at deretsi ang kanyang pustura. Nahihiya siya pero pinasok niya itong trabaho kaya kailangan ay mapangatawanan niya ito. "Okay..."
Ipinagpatuloy nila ang pag uusap ni Hanuel tungkol sa kontrata nila. Tatagal iyon ng isang tao. Sa loob ng mga panahon na iyon makakatanggap ng monthly allowance si Crystal galing kay Hanuel. Binanggit nito kung magkano na ikinagulat naman din ni Crystal. Buwan buwan ay makakatanggap siya ng pera na di bababa ng isang daang libo. Meron pang kasamang credit card na pwede niyang gamitin palagi sa kung ano man ang gusto niyang bilhin.
Gusto sana tanggihan iyon ni Crystal kasi parang ang laki naman niyon. Ngunit naisip niya rin agad na katawan niya ang binabayaran nito kaya hindi na siguro mali iyon.
Nabanggit din nito na hindi siya pwede makipag relasyon sa kahit na sino habang nakakontrata siya kay Hanuel. Hindi siya pwede makipag sex kahit kanino. Quarterly din siyang iche-check up para makita na healthy siya. Meron din daw ibibigay na mga vitamins kay Crystal.
"By the way, you can live here if you want."
Nagulat si Crystal at napatingin sa paligid niya. "I.. don't know if I can live here." Napapamaang na sabi niya. Kung pagbabasehan ay malapit lang ito sa kanyang trabaho. Hindi niya lang alam kung nababagay ba siya sa lugar na ito dahil mga nasa alta-syodad ang mga nakatira dito.
"Yes, you can. No. You should live here. Let's add that to the contract," saad nito. Napamaang naman si Crystal.
"Wait no!" Kumunot ang noo ni Hanuel at tiningnan siya ng puno ng pagtataka. "Paano ko ba sasabihan 'to... nasakit na ulo ko kakaenglish eh!" Napasapo pa ng kanyang sentido si Crystal. Hindi niya alam paano niya iexplain dito na nahihiya siya tumira aa lugar na 'yon. Napangiti naman si Hanuel.
"Why? There's nothing wrong if you will live here." Turan nito at hinawakan ang kanyang baba. "Para hindi na ako maghihintay pa sa 'yo tuwing darating ako dito."
Nagtaas ng paningin si Crystal. Mababakas sa kanyang mukha ang pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa narinig nito.
"You..." kumunot ang noo niya. "Naiintindihan mo ako?" Manghang tanong ni Crystal. Bahagyan napatawa si Hanuel at tumango. Napapalatak naman si Crystal. "Bakit di mo sinabi?!"
"You never ask?" Nagkibit-balikat si Hanuel. Inirapan lang siya ni Crystal at humalukipkip. Hindi niya inakala na nakakaintindi pala ito ng tag-alog. Ni hindi manlang ito nagbigay ng abiso sa kanya. Bahagyang napatawa si Hanuel na lalong ikinainit ng ulo ni Crystal. "Okay! I'm sorry!" Nagtaas pa ito ng kamay na para bang sumusuko ito.
"Ewan sa 'yo! Kanina pa ako hirap na hirap-" Napatigil si Crystal nang maisip niyang ubos oras lamang kung makikipagtalo pa siya sa binata. "Nevermind!"
Tumayo si Hanuel at naglakad papunta sa silid habang nakalagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa niya. Dumaan ito sa likod ni Crystal na pilit pa ring kinakalma ang sarili. Bago pa man ito makapasok sa silid ay muli itong lumingon kay Crystal. Sakto namang napalingon si Crystal dito.
Tumikhim muna ito, "We can start now if you want." Malisyosong saad nito. at kinidatan ang dalaga.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report