The Perfect Bad Boy
Chapter 28 All of a Sudden

Tatlong araw na simula umuwi kami galing ng Zambales. At tatlong araw na din na hindi nagpaparamdam sa akin si Glen. May party pa naman akong hinanda sa kanya sa shop ni Dom. Yung kaming apat lang. Mamaya na sana iyon dahil bukas na ang birthday ni Glen. Ang alam ko, may party siya sa bahay nila dahil umuwi si Mr. And Mrs. Silverio.

Alam kong busy si Glen at maraming ginagawa sa buhay niya. Pero bakit bigla nalang siyang hindi nagparamdam? Okay naman kami nung huli namin kita. Ibinaba niya ako sa sakayan papunta sa amin. That's the last time he talked to me. I wonder why? May problema ba siya? May problema ba kami?

Kahit si Glen ang tumatakbo sa utak ko ay pinilit kong sagutan ang exam ko. Finals na namin kaya naman kailangan ko nang galingan. Malapit na ang sembreak at nasasabik na akong magpahinga.

"Okay ba exam mo, Julia?" Napatalon ako ng bigla nalang akong tabihan ni Athena. Nasa gilid na bench kasi ako malapit sa office ng university. Hinihintay ko kasi lumabas si Glen. Or may Glen nga ba na lalabas jan? Hindi ako sigurado pero sumubok pa din ako. Ano ba naman ito kumpara sa mga ginagawa ni Glen para sa akin.

"Yup. Ikaw?" Tipid na sagot ko tsaka ako nagpakawala ng buntong hininga. Halos dalawang oras na din kasi ako dito pero ni anino niya ay di ko pa din nakikita. Nag load pa nga ako kanina para tawagan siya pero cannot be reach siya. "You seem off. What's bothering you?" Seryosong tanong sa akin ni Athena. I looked away. Nakakatawa! Ano ba nangyayari sa iyo Julia? Ilang buwan ang nakalipas ay simpleng babae ako na makatapos ng pag aaral ang pangarap. Pangarap na maiahon ang pamilya sa hirap. Months later.. Nagmahal ako bigla. Lahat ng pangarap ko ay nawala bigla. What the hell?

Napailing ako at mabilis na tumayo. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ako to.

"Hey.." Sumunod sa akin si Athena. Papasok nalang ako sa shop ni Dom, kesa naman mamatay ako kaka overthink. Pinipilit kong ipasak sa isip ko na busy lang Glen. It's just that bigla bigla nalang siyang hindi nagparamdam.

"Julia, alam kong hindi ka okay." Natigilan ako ng hawakan ni Athena ang siko ko. Fuck, Julia! Why am I suddenly want to cry?

"S-si Glen kasi.." Dahil sa pagpipigil ko ng iyak ay halos magkanda utal utal ako. Hinimas ni Athena ang likod ko at inalalayan umupo ulit sa bench malapit sa parking ng university. "What about him?" Simula ni Athena.

"After our trip. Bigla nalang siyang hindi nagparamdam. Bigla nalang siyang nawala. Three days na, Athena." Tulala lang ako sa kawalan. And I hate my self now. Masyado na akong nilamon ng sistema ni Glen. You can't blame me. Sinanay niya ako na nandyan siya palagi. Sinanay niya ako na siya ang maging buhay ko.

"He's probably busy, Juls. Alam mo na dapat yan." Simula ni Athena.

"Hindi naman porke hindi siya nagparamdam ay binalewala kana or hindi ka mahal. Loving him means you're taking the risk, Glen Aviel Silverio ang minahal mo, Julia. He's not just nobody." Nakangiti lang si Athena. I envy her for keeping things simple as that. Matanda lang si Athena ng isang taon sa akin pero pakiramdam ko sobrang matured na niya. Sobrang layo ng pag iisip namin dalawa.

Napatingin lang ako kay Athena at pilit na pinapasok sa utak ko ang sinasabi niya. Alam ko naman yun eh. Hindi ko din naman hinihingi ang buong oras niya. Three days eh, hindi ba niya ako naisip sa loob ng three days?

"Isang simpleng text lang naman. Mahirap ba ibigay yon?" Hindi ko na mapigilan ang pagtutubig ng mata ko. Nafufrustrate kasi ako sa nangyayari. Ayoko ng nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan. Hindi ako sanay sa mga bagay na ganito at hindi ako sanay sa nararamdman ko kaya hindi ko din alam kung paano pigilan.

Natawa si Athena sa akin." I can't believe it.." Napatingin lang ako sa kanya. Yung mga mata niya ay parang may lungkot din taglay.

"If you want a serious relationship, you need to grow up, Juls. I know first time mo ito kaya hindi mo pa alam kung paano hawakan. You need to trust him. Kahit mahal mo kasi ang tao, dadating talaga sa punto na hindi siya palaging magiging available para seyo. That's reality, Julia." Malungkot na ngumiti si Athena. I was trying to absorb all of her statement pero nangingibaw pa din ang pagtatampo ko. I know childish ako masyado.

"I don't know what to say.." Sagot ko sa kanya.

"You don't have to say anything, Juls." Ngumiti siya. Ngumiti din ako ng tipid. Kahit papano naman na lessen yung worries at doubt na ilang araw ko nang dinadala.

"Maybe I'm just overthinking. Nasanay lang kasi ako na palagi siyang nandyan para sa akin. Nasanay lang ako na siya ang buhay ko." Sagot ko sa kanya. Napakunot ang noo ko ng tinignan ako ni Athena. Yung tingin niya kasi ay may halong lungkot at habag.

Umiling siya sa akin." You don't overthink, Julia. You over love." Huminga siya ng malalim at hinimas ang buhok ko." You are too young to feel that. We love to enjoy life and inspire us, not to distract us. Walang forever sa mundo. Wag mong sanayin ang sarili mo na umikot ang buhay sa isang tao. It will break you, bigtime! Believe me."

Tahimik lang kami ni Athena hanggang makarating kami sa shop ni Dom. Ala nga si Dom dito. At wala pa din kaming naayos about sa party ko para kay Glen. Well, i guess hindi na ito matutuloy. Simula kasi ng pag uusap namin ni Athena kanina ay wala na sa amin ang kumibo. Naiintindihan ko si Athena. Pero hindi ko pa din talaga mawala sa utak ko kung bakit bigla nalang hindi nagparamdam si Glen. Ang dami kasing tanong sa utak ko. At sa bawat araw ay lalo lang itong dumadami. Kung alam kong ganito pala ang magmahal. Sana hindi muna ako nagmahal.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Who am I fooling? Hindi naman napipigilan ang feelings diba? Kung napipigil ito edi sana ala nang broken hearted at malungkot sa mundo.

"Gusto mong mag bar?" Unang salita na lumabas sa bibig ni Athena simula pumasok kami sa shop. Hindi ako sanay sa ganun buhay. But now. I'm having this urge to get drunk. Woah! Sinabi ko ba talaga iyon? Bahala na bukas. Birthday niya pero hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Sabihin ko man ngaun na hindi ako nasasaktan ay parang ginago ko lang din ang sarili ko.

"Sige.." Tipid na sagot ko. Hindi kami normal. Hindi ito ang normal namin. Kung normal kami ay panay na ang tawa namin apat dito sa shop. Hindi eh. Kami lang ni Athena ang nandito. Pareho pa kaming wala sa sarili namin. Ano ba nangyari? Nag ayos kami ni Athena. Syempre, Jasmine Athena Sanciangco ang kasama ko. Expect her to be beautiful.

Lagi kasing dress to kill ang peg ni Athena. Kung titignan mo siya, aakalain mong matapobreng tao siya. Pero pag nakilala mo siya. Napakabuting tao ni Athena. Hindi ko gustong sabihin ito pero napunan niya yung nawala sa amin ni Trixie. "Bulshoi Booze, manong.." Nakangiti si Athena sa manong driver. Pareho kaming tahimik. It's kinda new. Simula nakilala at nakasama ko si Athena. Ngaun lang ako nagkaroon ng awkward moments sa kanya.

"Hindi tayo sa Lighthouse?" Tanong ko para putulin ang katahimikan. Nakaka bingi na kasi eh.

Nagkibit balikat si Athena. "Baka nandoon si Dominic, eh."

May prob ba sila? Hindi naman kasi ako nanghihimasok sa buhay ng may buhay. Magulo na nga ang buhay ko dadagdagan ko pa ba? Pero pwede akong makinig sa problema niya. If she's not willing to share, hihintayin ko nalang na sabihin niya.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng makarating kami sa lugar. Ang ganda din dito sa Bulshoi Booze, halatang mayayaman din ang nagpupunta dito.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now! "Athena, bakit ang daming tao?" Hindi ko mapigilan itanong. As in oa sa dami ang tao dito.

Ngumiti si Athena at kinapit ang kamay niya sa braso ko. "Underground dance contest kasi ngaun." Tuluyan na kaming lumakad sa papasok. Okay, may ganon pala? Hays! Bakit ba ala akong interes sa mga ganitong bagay?

Pagpasok namin sa loob ay bumungad ang ingay ng hiphop na kanta. Ang daming grupo dito na naghahanda. Tapos sa kabilang gilid may parang ring ng boxing at may mga sumasayaw. Sa kabilang side naman may mga naglalaro ng baraha. Medyo nanibago ako.

"What do you want, Julia? Poker? Or beerpong?" Sumasayaw na si Athena sa tugtog. Umiling nalang ako. Ayoko noon at tsaka hindi ako sanay. Ngumiwi ng bahagya si Athena.

"C'mon, Julia! Loosen up!" Napailing nalang ako ng tumawa si Athena at lumagok ng shot. Dahil hindi niya ako napilit ay iniwanan niya nalang ako sa kabilang gilid.

Medyo matagal ng wala si Athena. Nakaramdam nga ako na kailangan ako ng kalikasan kaya tumayo muna ako para maghanap ng cr. Bawat minuto nga ay panay ang tingin ko sa phone ko baka sakali na may text or tawag si Glen. "Sorry.." Sabay namin sabi nung lalaking nakabanga ko. Nang mag angat ako tingin ay natulala ako. Si Glen yung nakabangga ko. Sa likod naman niya ay si Dominic na halatang nagulat pa.

Mabilis nag igting ang panga niya at nag iwas ng tingin. I don't know why pero may kung ano akong sakit na naramdaman.

"Who's with you?" Sigaw ni Dom. Hindi kasi kami magkakaintintidan dahil sa lakas ng music. The night is at it's peak.

"Athena." Isang salita lang ang sinabi ko pero nagmamadaling umalis si Dom.

"Glen.." Hinawakan ko ang braso niya. Damang dama ko ang paninigas ni Glen. Hindi niya ako tinitignan. Mahina siyang nagmura sabay igting ng panga.

"I'm busy, Julia. Let's talk some other time." Matabang na sabi niya sabay talikod sa akin. I was in between of crying and shouting pero pinigil ko. Huminga ako ng malalim at tulalang pinagmasdan si Glen na palabas ng lugar. What was that? Ang sakit eh.. Bakit bigla siyang naging ganyan? All of a sudden busy siya? I thought ako ang priority niya? And damn! Bakit ang sakit? No, ang sakit sakit talaga.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report