KIDNAP

APAT na araw ang inabot namin sa hospital. Ngayon ang araw ng labas namin, hinihintay ko si Rezoir dahil nagpaalam ito saglit. Napatingin ako sa kasambahay ng mga Hillarca, napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding. "Sinabi ng sir mo?" paninigurado ko.

"O-opo ma'am, ang sabi niya ay mauna na raw tayo. Kasi may aasikasuhin pa ito." aniya. Hindi pa naman ako nakakapunta sa hacienda Hillarca, kaya ito ang unang pagkakataong nakita ko ang kasambahay.

Kahit may pag-aalangan, tumango ako sa kanya. Pero dahil na rin sa sinabi nga niya na bilin ni Rezoir, hindi na ako nagtanong. At lumabas na nga sa kuwarto, sa parking lot kami pumunta. Doon ay naghihintay nga ang aming sasakyan, hindi ko na tinanaw ang mukha ng driver.

I feel exhausted. Nang tignan ko ang anak ko ay mahimbing pa rin ang tulog nito. Kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

"Tara na!" sa sigaw na 'yon ng kasambahay ay naalimpungatan ang anak ko. Nagulat marahil sa sigaw, matalim ang pagkakatingin ko sa kasambahay.

"What are you shouting at? Hindi mo ba nakikita na natutulog ang anak ko?" inis na wika ko. Pero bahagya akong nagulat at natigilan ng tutokan ako nitong ng patalim.

"Tumahimik ka!" angil niya. Namimilog ang mga mata kong napatingin pabalik sa entrance ng parking lot, hindi naman ako nabigo ng masilayan ang mukha ni Rezoir. Patakbo itong sinundan ang aming sasakyan, pero matulin na ang takbo namin.

Nagsibagsakan ang mga luha ko sa kaba, bahagya kong pinapatahan si Rayver. Kagaya ko ay umiiyak na rin ito.

"Ano ba?! Hindi mo ba kayang patahanin ang anak mo ha? Gusto mong isaksak ko sa kanya 'to at tuluyan na siyang tumigil sa kakangawa!"

Gone the softest features at her face earlier. Ngayon ay para itong nasisiraan ng bait, napahigpit ang pagkakahawako sa anak ko. Tikom na rin ang bibig ko, kahit malakas ang tibok ng puso ay sinubukan ko pa ring patahanin ang anak ko. Nasa akin pa ring harap ang patalim, na para bang sinasabi sa akin na hindi siya magdadalawang isip na gamitin ang bagay sa amin.

"Tangina bilisan mo naman ang pagmamaneho! Dapat ay makarating tayo sa piyer ng tamang oras, kung ayaw mong malintikan sa akin!" gigil na saad nito sa driver. Hindi ko mapigilang manginig dahil walang awa nitong sinabunutan ang buhok ng driver. Dahilan ng pag giwang ng sinasakyan namin, hindi ko alam kung totoo bang kasambahay ng mga Hillarca ang babae.

Pero tulad ko'y takot na takot rin ang driver. Kung gano'n, sa kanilang dalawa. Ang driver ang siyang tauhan ng mga Hillarca at hindi ang babae.

Napamura ang babae ng makitang may mga sasakyan ang nakabuntot sa amin. May kung ano siyang tinatawagan sa kanyang telepono, marahil ay ang boss nito.

"Lumiko ka sa kaliwa!" mando niya sa driver nang matapos ang tawag. Nagngingitngit sa galit ang babae, bahagya akong napausod nang sa akin mabaling ang mga tingin niya. "Hindi puwedeng pumalya ang plano!" malademonyo niya akong nginitian. "Kung hindi magtatagumpay ang plano ay ang anak mo ang magiging pain natin dito! Siguro naman ay nababaliw na ngayon ang mga Hillarca hindi ba?" tawa niya.

"A-anong plano?" nauutal na tanong ko. "A-anong kailangan niyo sa akin? Kung pera...ibibigay ko. Pangalawan mo lang kami..."

"Kung pera sa tingin mo ba, susundan pa kita hanggang hospital?"

"We need to go home as soon as possible. We finally track the locations of the suspect they are nowhere in Romblon."

Nang maalala ang sinabi ni Rezoir sa akin nitong nakaraang araw. Agad napabalik ang atensyon ko sa babae, kung gano'n...may kinalaman ang pagkuha nito sa amin sa kaso. Kung gano'n...makakaharap ko ang taong pumatay sa aking ina! "Kung hindi niyo sana inungkat ang nakaraan, hindi sana tayo hahantong sa ganitong paraan!"

"Y-you're a murderer..." bulong ko.

"Ihinto mo diyan!" sigaw niya. Namutla ako ng marinig ang malakas na agos ng dagat. "Baba!" utos niya sa akin. Ngayon ay napalitan ang baril ang kaninang hawak niyang patalim!

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"M-ma'am huwag kayong mag-aalala ilili-" napatili ako nang kalabitin ng babae ang gatilyo ng baril. Nakahandusay sa sahig ang duguang katawan ng driver.

"Dami mong satsat! Ikaw?" sabay baling nito sa akin "Lakad! Huwag mong subukan ang pasensya ko." pagbabanta niya. Nanginginig ang mga binti ko habang naglalakad, may mga pagkakataong tinutulak ako ng babae. Napadaing ako nang bigla nitong sabunutan ang buhok ko. "Tangina, bilisan mo ang paglakad!"

Tanaw ko ang piyer, hoping that he will show up and save us. Ngunit nakasakay na kami sa barko, hindi pa rin ito nagpapakita. Patuloy ang ragasa ng mga luha ko sa mata, nang maisip ang walang buhay ng driver kanina. Binalot ako ng takot, takot para sa amin ng anak ko. Lahat ay planado...all this thigs are planned.

Kidnap.

They easily got us, hinihintay talaga na wala akong kasama.

"Areglado boss." Rinig kong sagot ng babae. May apat na lalaking armado na kasama ang babae, talagang sa kanya lang naatasan ang pagkuha sa aming mag-ina. "Opo boss, nasisigurado kong alam ng mga Hillarca at Tacata," tumango tango ito. "Buhay na buhay ang babaeng Tacata." wika niya.

Ipinagpapasalamat ko naman na hindi nila kinuha sa akin ang anak ko. Hindi rin nila ako itinali o ano, dahil alam nilang wala akong tatakbuhan. Isa pa, nasa gitna kami ng karagatan. Takot na takot ako para sa aming kaligtasan. Napatingin ako kay Rayver, kumirot ang dibdib ko at hindi mapigilang mapaluha muli. His smiling at me innocently, kung alam niya lang kung anong sitwasyon ang kinakaharap namin. I gave him a kiss at his nape. "I-I'm sorry baby...but I promise...I will protect you at all costs. We need to trust him..." napahagulgol ako. "We need to trust your daddy."

Kahit sa anong pagkakataon, ang alon at huni ng dagat ang siyang nagpapakalma sa akin. But this time...ni hindi ko magawang kumalma. Na sa bawat alon ng karagatan, mas bumibigat ang aking pakiramdam. Piping nagdasal ako sa kanya, na sana...kahit ang kaligtasan na lamang ng aking anak. Ipagkakatiwala ko sa kanya...ang kaligtasan lamang niya.

PALUBOG na ang araw nang matigil na ang barko. Ngayong hindi iisang baril ang nakatutok sa amin, pinagpapawisan ako sa kaba. Sa puntong gusto kong...sumuka. Nagmamakaawa ako sa kanila, pero malademonyo tawa lang ang aking nakuha.

"Tanga ka ba? Ano sa tingin mo, isang pelikula 'to? Ah," napatango tango ang isang armadong lalaki sa akin. "Sabagay ikaw ang bidang babae, at ang unang apo ng mga Hillarca ang lalaking bida. Huwag kang mag-aalala, bago ka man niya mailigtas. Mauuna ka nga lang." napahalakhak sila nang makita ang luhaan kong mga mata.

"Anong tinawa tawa niyo diyan?! Bilisan niyo ang kilos at huwag kayong patanga tanga! Kahit nasa isla tayo ay posible parin 'yang makatakas mga tanga!"

"P-Pasensya ma'am." Wika ng mga ito. Matalim ang mga tingin ng babae sa kanila.

"Kapag 'yan nakawala! Malilintikan kayo sa akin, naiintindihan niyo?!"

"Yes ma'am!"

"Lakad!" sabay tulak ng mga ito sa akin. Muntik pa akong madapa, hinablot ng isa sakanila ang damit ko at walang awang hinihila. Tahimik si Rayver, mabuti naman at nakikisama sa akin ang anak ko. Ayokong sa kanya mabaling ang atensyon ng mga ito, alam kong pag-iinitan siya.

Hindi ko masiyadong na appreciate ang lugar, dahil sa mga taong nasa harap. Nang pumasok kami sa rest house ay mas maraming tauhan ang aking nasilayan. Lahat sila may bitbit na mga baril, binati ng mga ito ang babae. Sa nakikita ko ay siya ang kanang kamay ng kanilang mas pinaka big boss. Malademonyong ngisi ang iginagawad sa akin ng mga taong nadadaanan namin, may sumisipol pang mga iba. Kagat ko ang pang ibabang labi.

Rezoir baby...please help us.

Tinulak ako ng babae papasok sa kuwarto, at bago pa man ako makapagsalita ay pabagsak niyang sinarado ang pinto. Nanghihina akong napaupo sa sahig, kakagaling ko lang sa hospital. Hapon na at hanggang ngayon ay wala pa rin laman ang tiyan ko. Kahit madilim ang lugar na kinaroroonan ko ay pansamantalang naibsan ang takot ko. Ngayong walang mga armadong lalaki ang nakikita ko. Agad kong nilishis ang damit ko at agad na pinadede ang anak ko.

"I'm so sorry baby...because of me. Nasa panganib na naman tayo..." bulong ko at marahang pinapatakan ng magaan na halik ang noo nito. Ilang oras ako sa madilim na kuwarto, ngayon ay mahimbing na natutulog na ang anak ko. Sinubukan kong matulog, pero sa takot kong may mangyaring masama kapag ipinikit ko ang mata ko. Ay hindi ako dinapuan ng antok, mas matindi ang pagka anxious.

Naririnig ko pa rin ang mga halakhak sa labas. Alam kong may nagbabantay sa labas ng silid, tangkain ko mang tumakas. Paano? Napapalibutan ang islang 'to ng mga masasamang tao. Kung magtagumpay man akong makalabas sa rest house, ngunit hindi sa isla. Humugot ako ng napakalalim na hininga, agad kong itiningala ang mukha. Sinusubukang labanan ang mga luhang gustong kumawala, Ang dapat ko lang gawin ngayon ay maging matatag habang naghihintay, naghihintay sa mga taong siyang magliligtas sa amin. Marahil sa oras na ito, nakarating na sa aking pamilya ang nangyari. Sana ay huwag silang mahuli.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report