45 Days With You -
Chapter 8 (#I’m all good, no worries, Laspiranza. . .)
I know and hoping is one of our aspects.
Umaasa tayo dahil likas nating mga tao ang umasa. Iyong may pag-asa pang sasalubong sa ating mga sarili.
What if you hope too much?
What will be the outcome?
Yes, it says that hope is the cherish desire? So, paano ako maniniwala sa sinasabi nilang hope kung ang desire ko ay hindi konektado sa pag-asa na sinasabi nila?
Yeah... I know, and I understand why from all people I have this kind of burden. Kahit ilang ulit ko nang sinasabi ay ganun ang pananiniwalaan ko.
I don't have hope!
The only hope I have is that... kung paano ako magigising araw araw. Kung paano ako magpatuloy sa sinasabi nilang pagsubok.
Gabi-gabi pinagdadarasal ko na sana ay magising pa ako. 'Yung bago ako matulog... at paggising ko nagpapasalamat ako. Iyon ang hope na nakikita ko sa araw araw kapag kinakaharap ko ang mundo. "Uhm..." rinig kong ungol niya.
I look at him with a small smile on my face. Sa suot niyang kulay putting long sleeve, denim na pantalon saka iyong net sa ulo niya na hapit na hapit sa suot niya, sigurado ako na maraming mga kabataan kagaya ko ang tumitingin sa kanya. Hindi nasundan ng salita... I know that he has something to say, pero hindi niya lang itinuloy, baka walang sense.
Siguro napansin niya na hindi maganda ang pinaguusapan namin. But I'm all good, I'm okay lang din kasi nakakaintindi naman ako, kahit ano pa man ang pagusapan namin.
"Let say that... you live longer. In that moment what would you like to do?" he asked.
Paano nga ba?
Kasi ang mga gusto ko ay hindi nangyayari at ang hilig ko wala ring pagkaiba sa hindi nagaganap.
Kaya ano pa nga bang gagawin ko?
"Maybe I'll spent my time to my parents... Especially them who suffered like me, I know they're hurting too much to see their daughter having this kind of decease, I also want to spent my time to my friends ang relatives," sagot ko. Tahimik siyang nakikinig sa pinagsasabi ko.
"Even if gusto ko gumala, lumabas at maranasan iyong mga bagay na hindi ko nagagawa ay hindi pwede. Kaya kung may natitira akong oras dito sa mundo? I'll spent it to my love once. At ipararamdam ko sa kanila ang pagmamahal na gusto nila. Ano pa't mawawala rin naman ako diba?" I added.
Kumbinsido siya sa naging sagot ko. Pero parang may mali.
"Don't say that..." he just said. "Even you're down don't say anything about death. Kung hindi ka naniniwala sa pag-asa ay paniwalain mo nalang ang sarili mo, Laspiranza na may mga taong masasaktan kapag mawawala ka. Kahit ipakita mo lang na transparent ka sa kung anong nangyayari. Kahit sa kanila lang... they deserve to know that you're fighting in their sight even you're not."
Natahimik ako sa sinabi niya. Totoo iyong sinabi niya. I'm always looking and seeing death to myself kaya ang baba ng tingin ko sa pag-asa na yan.
If I'm open-minded like him siguro nagsasaya ako dahil naniniwala ako sa pag-asa. Pero iyong kinatatakutan ko lang ay kung paano pag oras ko na? Sa ganito palang natatakot na ako. Paano pang dumating na iyong point na kukunin na ako? Anong gagawin ko?
Bumalik iyong itsura ni Mommy na namumula ang mata, tapos iyong itsura ni Daddy kapag dumadalaw siya sa akin. Napagtanto ko na hindi ko kayang mawala sa kanila at hindi ko rin kaya na mawala sila... either way, they don't want to lose
me.
They cherish me because I'm their child. Ginawa na nila iyong makakaya nila para lang masunod iyong treatment na kailangan ko. Kinuha na ni Daddy lahat ng work para lang matustusan ang kailangan ko sa hospital. Tapos?
Ito ako nagpapakita ng pagkabigo?
"What do you think, the best thing should I do?" I asked him.
Ang dali kasing sabihin na magpapakatatag ka? Lumaban ka? At isipin mo iyong taong naghihintay sa'yo? Minsan ba nilang naitanong sa sarili nila na tama ang ginagawa nila? If they don't so! They shouldn't be give some shit advice about anything! Kasi kung hindi nila alam sana 'wag nalang sila magbigay ng opinion.
"Laspiranza, you know what to do. Kaya mo ang sarili mo at naniniwala ako na makakalampas ka rin sa pagsubok na 'to," he said.
"Ayan kasi iyang pagsubok na 'yan? Anong mapapala ko kung malalampasan ko ito? Diba wala? That's why I don't see any hopes kasi walang mawawala at mababago! Kahit ilang ulit kung paniwalain ang sarili ko ay walang magbabago!" Naiinis na sagot ko sa kanya.
Kanina pa ako nagtitimpi pero nang banggitin niya iyon Biglang bumalik sa isip ko iyong paguusap na ginawa nina Mommy at sa Tito kong doctor.
Nakita ko ang takot sa mata niya. Kaya pinigilan ko ang sarili na magalit o mainis. He just giving me advice and he just tried to boost my self-love. "S-Sorry... you shouldn't tell that," medyo mahinahong kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang paglayo niya sa akin. Kaya alam kong disappointed siya sa ginawa ko. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko kaya ko 'yon sinabi, tuloy siya pa ang napagbintangan ko.
"O-Okay lang," sagot niya. "Natural na magalit ka o mainis... Its part of everything. Naiintindihan ko kung bakit ayaw mong maniwala... at nirerespeto ko iyon, Laspiranza."
The way he talked parang may pinaghuhugutam siya.
Nakayuko siya habang nilalaro iyong kamay niya sa ilalim. Ilang minuto ang lumipas at mas lalong paliit ng paliit ang naririnig kong hininga niya.
I only heard my own heartbeat dahil sa sobrang tahimik naming dalawa. Maybe he's afraid.. baka ayaw niyang sa isang salita niya ay nagkakamali siya. I appreciated his efforts to come here.. hindi niya deserve na ganun tratohin. "Taym?" I called him. "Sorry for what I have told you..." hingi ko nang tawad.
Even if this isn't a formal apology ay okay na. At least I apologize to him, for what I have told him earlier.
Pinapapunta ko siya dito, so I need to be nice. Baka isipin niya na bipolar ako. Pero okay lang iyon. Naiintindihan ko naman siya kung bakit siya ganun.
"It's good, no worries."
"Sorry talaga hindi na mauulit," sabi ko pa.
"Yeah..." Sabi niya. "Better if I've got to go now. May gagawin pa kasi ako. Kita nalang tayo soon," paalam niya.
Maybe people didn't want me kasi masyado akong conservative... ang dami kong reels pinagkonekta ko sa sarili ko. Even it's not peer to anyone basta may masabi lang ako ay hindi ko talaga mapigilan.
But their opinion is not valuated. Wala akong pakialam. I only mind what's mine kaya kung anong sabihin nila, then go- I don't fucking mind at all.
Nung nakalabas na si Taymer, pinagsisihan ko tuloy kung bakit ako nagalit sa kanya ng walang sapat na rason. Maybe, I just mad because he blubbering the exact word that hit me the most. Iyong pagsubok. That hit my inner peace, my being. Kasi sa lahat ba nang mga kagaya ko bakit sa amin pa ibinigay ang pagsubok na hindi namin kayang sukatin? Katulad nalang ng sakit ko. Sa tingin nila nakakaawa kami, kahit totoo naman pero 'yung awa nila hindi namin kailangan. Habang nalalaman namin na naawa sila ay mas lalong bumababa ang sarili naming paniniwala.
Iba iba tayo ng opinion. Kaya iyong awa nila ay iba iba rin ang sinasabi. Bakit hindi nalang nila hayaan na magkasakit kami at mamatay kaysa sa maawa sila na doon lang naman ang kahahantungan namin?
Ilang ulit kong tinanaw ang pintuan na nilabasan ni Taymer. He don't deserve to be treated what I had made earlier. He just want me to be good. He want me to believe that there's asylum for me... or for all people who's having some kind of stuffs they called a burden.
Dumaan ang ilang araw at tanging si Mommy lang ang nakakausap ko at ilang nurse na tumitingun sa akin ang nakalasama ko. Hindi ko na rin nakikita si Taymer maybe he's still disappointed in me kaya wala siya ng ilang araw. Hindi ko na rin siya tinaitanong sa messenger kasi nahihiya ako. Kasalanan ko kung bakit umiiwas na siya sa akin. O baka ayaw na niya akong makausap pa.
"Laspiranza? Daddy is here," rinig kong gising sa akin ni Daddy.
When I look at him medyo namayat siya. Sa isang linggo na hindi ko siya nakita ay namayat talaga siya.
"Daddy is here, didn't you miss me?" he asked.
Kahit bagong gising palang ako ay dinaluhan ko kaagad siya ng yakap. I miss him. Kahit isang linggo palang ang nakakaraan.
"I miss you," sabi ko. "Hindi ka ba kumakain doon?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko si Mommy na umiwas ng tingin. Siguro napansin niya rin iyon na namamayat si Daddy. "No, I ate a lot there... ang dami ngang pagkain doon."
Alam kung magsinungaling siya kaya sumabay nalang ako sa trip nila. Even it's hurt it's okay basta ipakita lang sa kanila na okay ako.
"Okay, pero bakit namayat ka, Daddy?" tanong ko.
Napansin ko kasi na hindi na masyado malaki ang tiyan niya. At 'yung pisngi niya at hindi na masagana. Parang kagagaling niya sa ilang gera at ngayon lang natapos.
"I did some work out there. You know if you're business man you need to be transparent. Iyon kasi ang gusto ng mga ka business kaya ayon rin ang ginawa ng daddy mo," he said then he kissed my forehead.
"Okay, how's your trip?" tanong ko. "I hope I'd be there with you," slabi ko.
Natigilan siya sa sinabi ko.
Nakita ko kung paano sila nagtitigan ni Mommy at nagiwas ng tingin. Rinig ko ang ehem ni Daddy saka ako ibinalik sa kama. Alam ko na talaga kung bakit iniiwasan nila iyon.. wala ring paalam si Mommy na lumabas sa silid. Kahit kami ni Daddy ay walang magawa kundi ang hayaan lang siya.
"I think you're mom is not feeling well," sabi ni Daddy. Iniba kaagad ang usapan. "How are you? Sorry if daddy didn't make you a call. Busy kasi sa trabaho. But you're mommy let me aware of you."
"I'm okay, Dad," sabi ko.
Totoo naman na okay lang ako, sa kanila lang hindi kasi iniisip nila iyong pakiramdam ko. But for me, I should be happy to have them kasi hero pa ako humihinga at kasama pa sila.
"I heard Taymer is there with you last day?"
"Yeah... he's there."
Pero nadisappoint ko kasi ang talim ng baba ko pag magsalita. I admitted that I was offended on what he has talking to me.
Hindi ko nga alam kung anong sasabihin lalo na hindi maganda iyong pinaguusapan namin ni Taymer nung nakaraang araw.
"He asked me if it's okay to visit you? And I told him that that's good to have you a company," sabi ni Daddy.
"Dad, we talked something and I think Taymer is still disappointed in me," sabi ko kay Daddy.
"Are you okay?"
"Im good, Daddy," sabi ko. "Na offend lang ako."
"Yeah, you should apologize to him."
"Isn't it awkward?" I asked.
"Of course not! Taymer is not like that... he's transparent you know- actually he's here, he's waiting for you outside," Daddy said. "So mind me if I'll replace your mom?"
He said tapos ay umalis na siya. Papasok naman si Taymer with his usual smile on his face. I smiled awkwardly at him. 'Di ko lang feel kung ano iyong ginagawa ko pero once he seated at the chair humingi kaagad ako ng tawad. "I'm so sorry for what I have told you, I shouldn't be mad at that..."
Paghingi ko pa ng tawag, I don't want to long this conscience in myself. Taymer is now part of my growing stage. So, I need to be good at him at all times.
"I'm all good, no worries, Laspiranza."
He told me before we found ourselves exchanging topics to our conversation.
***
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report