Can I be Him? -
CHAPTER 4.2
NABIGLA si Lyle sa tanong ni Gian. Lalo na noong maging ang tono ng pananalita nito, kaswal at walang bahid ng kahit anong hiya. Marahil lahat, dala nang hindi siya nito makilala. Though, he also supposed that Gian was trying to recognize him he had been squinting his eyes since earlier. It may also be because Gian knows his voice. Ibahin na kaya niya ang tono para tumagal ang usapan nila.
"O-oo, nag-eenjoy ako," he stammered. Lyle was surprised when his tongue seemed to tie itself, but he immediately cleared his throat to gather his composure, "maganda ang ambiance ng café mo, nakakakalma."
Iginilid ni Lyle ang ulo upang makita ang kabuuan ng café. Gustung-gusto niya talaga na maaliwalas at maluwang ang lugar. Hindi rin naman sobrang magarbo ang disenyo, kulay kape ang mga dingding at may malalaking ceiling fan. Ngunit hindi iyon gumagawa ng malakas na ingay sapagkat mabagal ang takbo noon. Ang ventilation kasi, galing talaga sa mga aircon. Idinagdag lang ito sa design.
May mga maliliit na halaman din sa paligid. Karamihan, money plant. Halos mag-akala tuloy si Lyle na baka may lahing Chinese si Gian. Ngunit tingin niya, wala naman. Mas mukhang western ang itsura nito, e. Isa pa, mukhang ugali lang talaga ng mga entrepreneur na tulad niya ang magtago ng mga ganitong halaman.
Simple lang ang design ng mga lamesa at upuan. Minimalistic din ang design ng mga platito, plato, baso, tasa, at mga kubyertos sa café. Sa disenyo pa lang ng lugar, malalaman mo kung anong klase ng tao ang may-ari ng café. Gian seems to be an old soul with how vintage and cottagecore-y his café looked like.
Simple, pero may dating.
"Bukod sa nakakakalma, masarap din sa tenga ang choice of café music niyo,” dagdag niya.
Napangiti siya nang sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi ni Gian. Tila nasiyahan sa positibong komento niya.
"Maraming salamat sa feedback!" Natigilan ito sandali at tila napaisip. "Pasensya na, naistorbo ba kita? Ugali ko lang talaga na mangausap ng customer lalo na 'pag wala akong salamin."
Namilog ang mga mata niya at napakurap-kurap. "A-ah, ayos lang, pero bakit t'wing wala ka lang salamin?"
Mahinang tumawa si Gian at kinamot ang pisngi. "Malabo kasi mata ko at wala akong makita. Kung mapapahiya ako, 'di ko rin malalaman kung sinong nakasaksi ng kalokohan ko."
Nanatili ang mga mata ni Lyle kay Gian habang pinapakinggang magpatuloy ang nerbyoso nitong pagtawa. Hindi niya malaman kung anong magiging reaksyon sa narinig na lumalakas lamang ang loob nito tuwing walang suot na salamin. "Ah, o sige." Iyon ang susunod na sinabi ni Gian nang hindi siya nakapagsalita. "Mauuna na 'ko, marami pa kaming gawa e. Enjoy ulit dito! Eat well!" "S-sandali lang "
Bumagsak ang mga balikat ni Lyle nang bitbitin ni Gian ang mga kagamitang panlinis sa likurang bahagi ng café. Tila ba hindi siya nito narinig dahil patuloy itong umalis at ang tanging nagawa na lamang ni Lyle ay panoorin ang pigura nitong papalaho. Dinadama ang panghihinayang dahil hindi man lang sila tumagal pa na mag-usap.
Kung alam niya lang! Dapat tinanong niya pa ito ng tinanong imbes na nawala nalang bigla sa sarili. Lalo na at minsan lang siya nitong patunguhan ng maayos. Isang buntong hininga ang kumawala sa mga labi niya nang ibalik ang tingin sa sariling lamesa. Hindi pa niya pala nagagalaw ang in-order na tanghalian, maging ang magazine na binili niya!
How can he forget? He was too distracted thinking about Gian that he was not able to check the magazine he especially bought to reward himself!
"KINAUSAP ka?! Mabuti 'di mukhang ginagahol sa oras 'yon no'ng nakausap mo?"
Dalawang araw na ang lumipas mula noong magkausap sila ni Gian. Naikwento niya iyon kay Keegan dala ng pagkagalak dahil matagal na siyang kuryoso sa binata. Ilang linggo na rin kasi noong bigyan siya nito ng coffee latte at misteryo pa rin kung bakit napakamahiyain nito sa kanya. Pupwede sana siyang magtanong sa mga kakilala nito-lalo na kay Ridge na paminsan-minsan e nakakakrus niya ng landas-pero nahihiya siya. Ayaw niyang isipin, lalo na ni Ridge, na tipo niya si Gian.
Hell, Ridge probably does not even know how they got acquainted!
"Ewan ko ba, sobrang labo na yata ng mata niya kaya 'di niya rin ako nakilala no'ng nilapitan niya 'ko," paliwanag niya bago siya naghalumbaba, "ah, yeah. Nagkausap lang kami dahil no'ng araw na 'yon, nasira 'yong salamin niya. I didn't ask for details but even he mentioned about it."
"Heh? Iyong Gian kamo? Iyong mahiyaing hindi malaman kung anong gagawin nang madikit sa 'yo sandali?"
Tumango siya. "Nabanggit niya no'ng kinumusta niya stay ko sa café niya."
"Ba, sobrang labo naman yata ng mata niyang Gian na 'yan para 'di ka makilala?" Napaismid si Keegan. "Ga'no kakapal 'yong salamin no'n?"
Nakangiwing ipinilig ni Lyle ang ulo. "Hindi ko alam, Kee. 'Di naman kami madalas magkita."
Katunayan, huli niya itong nakita noong araw na kinausap siya nito dahil nasira ang salamin. Iyon lang din ang huli nilang pag-uusap bagamat ilang araw din siyang patuloy na nagpupunta sa café. Palagay ni Lyle, kung hindi nagtago si Gian e baka abala sa ibang klase pa ng trabaho. Hindi lang nga naman kasi umiikot ang buhay nito sa kusina at paglilinis lamang ng café.
"Ang lalim ng iniisip, a. Piso for your thoughts?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Napamaang sandali si Lyle bago ibinalik ang mga mata sa kaibigan. "Napapaisip ako kung kailan ko ba ulit makikita si Gian? 'Di ka ba kuryoso sa kanya?"
"Pakialam ko naman do'n?" Siniringan siya ni Keegan bago ito umirap. "Hindi naman siya kainte-interesante. Nakakapukaw lang siya ng atensyon dahil kung umarte e parang isa siyang malaking kahihiyan sa mundo kahit hindi. Iyong totoo, ga'no kababa ang self esteem noon?"
Imbes na sumagot ay nagkibit balikat lamang si Lyle. Dala nang wala siyang kaalam-alam na kahit ano tungkol kay Gian, hahayaan na lamang niyang kilitiin nito ang kuryosidad at interes nila ni Keegan pansamantala. "Gian, ano na? Sakto na ba 'yang grado niyang suot mong salamin o gusto mo pang ipa-adjust?"
Maingat na isinuot ni Gian ang halos kakaabot lang na salamin ni Leon sa kanya. Ilang beses niya iyong in-adjust dala ng paninibago sa tekstura at pakiramdam ng salamin. Nang kumportable na, kumurap-kurap siya at ininspeksyon ang grado ng suot niya. Iginala niya ang mga mata sa kabuuan ng eye clinic na palagi niyang binibisita at natuwa.
Kanina noong wala pa siyang suot na salamin, wala siyang gaanong makita. Tanging malalabong imahe lamang. Oo naman, nakikita pa rin niya ang mga nasa harapan bagamat malabo; pero bukod sa hindi maipaliwanag na pigura ng mga iyon, wala na. Minsan, kung nakatayo pa ang nasa harap, madalas e takot na takot siya na lumakad dahil baka hindi tao ang nasa harapan kung hindi isang poste.
Hindi niya makikilala ang mga ito kung hindi pa ilalapit ang mga mukha sa kanya, hindi niya rin matutukoy ang presensya nila kung hindi sila magsasalita. At dahil ayaw na ayaw niya ng ganoon, naisipan niyang bumili na ng bagong salamin nang dumating ang Sabado. Dapat nga mas maaga e, kaso ngayon lamang siya nagkaroon ng oras na lumabas at makapagpasama sa isa sa mga kabarkada.
Sayang iyong una, nasira dahil natabig at naapakan. Pero tingin niya, blessing in disguise iyon dahil matagal na niyang pakiramdam na tumaas na naman ang grado ng mga mata niya. Laking pasasalamat niya nang naaya niya ang kaibigang si Leon upang samahan siya na bumili ng salamin sa kabila ng lunch meeting nito kasama ang isang bagong kliyente.
"Sumagot ka naman, Gi. Nang makaalis na tayo at naiirita ako sa lugar na 'to," ani Leon na nakahila sa kanya pabalik sa huwisyo.
Marahan siyang bumaling sa binata. Tuwang-tuwa sapagkat ngayon ay mas malinaw na niyang nakikita ang kabuuan nito. Kumurba ang isang ngiti sa mga labi niya at tila nakahinga ng maluwang si Leon. Mukhang guminhawa ang pakiramdam sapagkat nalamang sa wakas ay makakaalis na sila sa loob ng eye clinic.
"Ayos na 'to. Luminaw na ulit 'yong paningin ko!"
"O, edi bayaran mo na nang sa wakas makaalis na tayo."
Napahalakhak siya. Halos maningkit pa ang mga mata dahil hindi niya maintindihan ang iniaakto ng binata. Tila nagmamadali samantalang ang alam niya ay alas dose pa naman ang meeting nito. Bukod doon, malapit lang naman sila sa pupuntahan nito.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Bakit parang nagmamadali ka? Baka mamaya, hindi pala kliyente kikitain mo, bagong girlfriend mo pala kaya ka nagmamadali! Ikaw Le, a. Sasabihin ko 'yan kina Zach!"
Natigilan ito at namilog ang mga mata sa paratang niya. Umawang din ang mga labi ng binata bago kumunot ang noo nito dahil tila may naalala.
"Wala! Sino namang kikitain ko? Na-basted nga kami ni Zach kagabi sa may drinking bar! Kliyente ko nga lang ang kikitain ko."
"E, ba't ka nga nagmamadali? Alas dose pa naman meeting mo, 'di ba?" Pinasadahan niya ng mabilis na tingin ang orasang pambisig at ngumuso ng kaunti. "Mag-aalas onse y media pa lang naman, a." "Basta!" Iritado nitong sabi, dahilan para magulat at mapaatras si Gian, "dalian mo na. Bayaran mo na 'yan. Baka maabutan pa tayo no'ng shokoy."
Nagtataka si Gian nang halos itulak na siya ni Leon tungo sa counter. Ang iilan tuloy na namimili, napabaling sa kanila sapagkat halos gumawa sila ng komosyon dahil sa pagmamadali ng kaibigan. Ngunit siya na mismo ang humingi ng pasensya sa mga ito.
"Ito na, ito na nang manahimik ka na rin, Le. Magbabayad na 'ko. Magpapahanda pa nga sana ako ng mas makapal dito pero sige, next time nalang." "Oo, sa susunod ka na lang bumili. Sa susunod, magsabi ka rin naman kung sa'n ka papa-check up. Nagulantang ako no'ng dito mo 'ko dinala, e." Kunot noo niyang ipinilig ang ulo. "E, ano ba kasi ang meron dito?"
"Basta, 'yon na 'yon. Ang mahalaga, nakabili ka na ng salamin at 'di ka na takot lumakad-lakad kung sa'n sa'n. Magbayad ka na nga ro'n!"
Umangat ang mga kilay niya ngunit hindi na siya makapagtanong dahil nag-iwas ng tingin si Leon. Ipinagkrus din nito ang mga braso, sumagitsit, at ngumuso sa sobrang pagkainis. Nakaharap din ito sa labas ng klinika kung saan tanaw ang mall at iba't ibang food at milktea stalls.
Napangiwi naman si Gian. Kung ayaw na nitong pag-usapan, ayos lang. Hindi rin naman siya magtatanong hanggang sa maging handa rin ito na magbukas sa kanya. Bahagya siyang natawa ngunit pagak ang lumabas sa bibig niya. Kung ganito rin nito kaayaw sa loob ng klinikang kinaroroonan nila, mas mabuti na ring magbayad na at ipagpaliban nalang ang planong mag-order ng reserbang salamin. O hindi kaya ipagbibilin na niya sa mga assistant at babalikan nalang? Pupwede rin naman.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report