Can I be Him? -
CHAPTER 5.1
NASA kalagitnaan na noon ng pagbabayad ng salamin si Gian nang marinig na bumukas ang pinto kung saan naglalagi si Dr. Gaviola. Suot nito ang tipikal na puting lab coat. Sa pang-ilalim, nakaasul itong long sleeves, itim na pantalon, at loafers. Naglalakad ito patungo kay Leon ngunit kaagad na napansin ng isa ang presensya nito bagamat hindi narinig ang pagbukas ng pinto sa opisina nito. Ang iniaakto ng binata, animo'y naramdaman talaga nito si Dr Gaviola na palapit. "Ano ba 'yan, ang ingay mo Leon, dinig na dinig kita hanggang sa loob ng opisina ko," puna ng doktor sa kaibigan niya bago nginisian ang binata.
Naibaling ni Gian ang mga mata sa kinaroroonan ng mga ito habang nagbabayad. Inaalam kung ano ang mga nangyayari sapagkat naguluhan siya. Hindi niya mapigilan, e. Ang akala niya, ayaw niya lang dito sa loob ng klinika dahil sa atmospera pero mukhang... magkakilala pala sila.
Sumagitsit si Leon. Animo'y pusa na ayaw malapitan ng kahit na sino. Lalo na ng doktor niya dahil hindi pa man nakakalapit sa harapan niya si Dr Gaviola, mabilis pa sa ala singkong nakalayo na si Leon. Nasa kabilang dulo na ng klinika. "Ikaw na naman, Gaviola! Sabi ko na nga ba't dapat hinila ko na 'yang si Gian sa EO, e."
Umismid ang doktor. "Ikaw naman. Ililipat mo pa 'yong isa sa mga customer ko sa ibang tindahan. Saka, ang init ng ulo mo. Wala pa naman akong sinasabi, ha."
"Pwe! 'Di mo kailangang magsalita para mairita ako. Noong napagtanto ko palang na sa 'yo 'tong clinic, diring-diri na 'kong tumapak dito sa loob!"
"E ba't hindi ka naghintay sa labas? By the way, who are you with?"
Umawang ang labi ni Gian habang palihim na nakikinig sa dalawa. He feels like he is totally missing something out! Kung mag-usap kasi ang dalawa, pormal at kaswal lang! Ang tanging dingding lang na naglalayo sa mga ito ay ang hindi niya matukoy na pagkairita ni Leon.
"Sinamahan mo na naman ba girlfriend mo rito, Leon?" Pag-uusisa ni Dr Gaviola bago inilibot ang mga mata sa kabuuan ng sariling klinika.
"Bobo! Na-reject ako kagabi, tingin mo naman e magsasama ako ng babae? Kabarkada ko ang kasama ko, kabarkada ko!"
Nang sumagot siya, biglang tumaas ang sulok ng mga labi ni Dr Gaviola ngunit hindi sa paraang natutuwa ito o anuman. Natigilan din ang binata at mabilis na ibinalik ang mga tsokolateng mata sa kinaroroonan ni Leon. Hindi ba alam ni Gian, pero naaaliw siyang makinig at panoorin ang dalawa. Mayroon siyang naaalala na mga kakilala at kunwari, hindi si Ridge at Zamiel iyon.
"Si Zachariel?"
"Si Gian!" Singhal nitong si Leon at saka siya itinuro, "puro ka Zachariel, crush mo ba 'yong kaibigan ko?"
Ngumiwi ang doktor. "Bakit? Ikaw ba siya? 'Kala ko lang babae na naman ang isinama mo. Puro ka pambababae, e."
"Ano namang pakialam mo?"
Nagtalo pa ang dalawa hanggang sa matapos siyang magbayad. Hindi niya nga rin inaasahang kailangan pa niyang ipaliwanag na magkaibigan sila ni Leon dahil bigla nalang nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid ni Dr Gaviola. Hindi niya tuloy maintindihan lalo. Nagtanong din naman siya kay Leon pero hindi siya diretsahang sinagot ng kaibigan. Bukod doon, kaagad din itong nagpaalam na mauuna dahil gusto raw niyang maging maaga sa meeting. Wala raw siyang karapatang maging paimportante.
"Wala 'yon. Ewan ko ba sa punyetang 'yon, panay ang dikit sa 'kin." Marahas na umiling si Leon at nagkibit balikat. "Kung makipag-usap pa, 'kala mo totoong magkalapit kami. Ukinam. Sige, mauuna na 'ko. Ingat ka sa pag-uwi, Gi." "Sige, mag-iingat ka rin, Le."
Ganoon lamang ang sinabi nito bago tuluyang umalis. Ngayon tuloy, naiwan siya sa kalagitnaan ng mall. Mag-isang inoobserbahan ang kinaroroonan habang ninanamnam ang sarap ng may bagong salamin, tutal isa sa mga stall dito ang branch ng eye clinic ni Dr Gaviola.
Iginala ni Gian ang mga mata sa buong paligid. Pinanonood ang mga taong naglalakad at tatabi pa kung mayroong madadako at mapapalapit sa kanya. Naisip din niyang mamasyal muna dahil wala naman siyang gagawin. Sarado rin kasi ang café niya tuwing weekends at madalas, nasa loob lang naman siya ng bahay, walang sawang naglalaro ng video games kung tapos na sa pag-aasikaso ng mga tinatrabaho.
At ngayong nasa labas siya, siguro bibili nalang ulit siya ng panibagong mga video games? This is a really stupid idea since he probably owns a lot of games by now but he really has nothing to do. Gustuhin man niyang i-text si Zachariel nang makapaglaro sila sa arcade, sigurado siyang nasa San Fernando ito ngayon upang bantayan ang branch ng resto. Baka hapon pa iyon umuwi at pagod na rin.
Si Leon? Ito nga ang nang-iwan sa kanya dahil may appointment din ito ngayon. Ang alam niya kasi, kinontak siya ng mayor ng Angeles sapagkat mayroon daw itong ipapaayos na kalsada o hindi naman kaya'y imprastaktura. Pinagbigyan lang siya nito dahil hindi siya matiis.
Samantala, mas lalo siyang walang aasahan kina Zamiel at Ridge. Mahal na mahal ng dalawang iyon ang quality time nila. Ayaw niya ring sirain ang weekend nila dahil ngayon lang nakauwi si Ridge mula sa isang linggong appointment sa ibang bansa. Paniguradong miss na miss iyon ni Zamiel. Bukod pa riyan, baka gawin lang din siyang third wheel ng mga ito.
Ipinihit ni Gian ang katawan upang sa wakas ay matahak na niya ang daan tungo pinaka loob ng mall. Balak niya na pumunta sa second floor at doon naman halos lahat ng nagtitinda ng PC at video games. Kung suswertehin at makahanap ng five players ang pupwedeng maglaro, baka bumili siya noon. Ireregalo nalang niya sa mga kaibigan kung PC game man iyon nang sama-sama nilang matapos.
“Gian?”
Imbes na tumuloy sa pupuntahan, nabigla siya nang may makakilala pa sa kanya rito. Mayroon kasing tumawag sa kanya at bagamat pamilyar ang boses, ayaw naman niyang magpakasigurado. Kung kaya mabilis niyang ipinihit ang katawan sa kabilang direksyon.
"Bakit?" Mahinahon niyang tanong.
Pero ang kahinahunang iyon, mabilis na tinangay ng hangin dahil mabilis ding nawala ang mga kulay sa mukha niya nang ang makita niya, si Lyle.
Nakasuot ito ng itim na t-shirt, checkered trousers, at army boots. Naka-pony tail din ang medyo may kahabaan nitong buhok ngunit bumagay pa rin sa suot niyang damit. Ibang-iba ang suot nito sa tipikal nitong suot na pormal na damit sa tuwing nakikita niya ito sa café. Kung kaya, ang pakiramdam ni Gian, nag-iba rin ang awra ni Lyle.
His mind instantly short circuited. Wala na siyang pakialam sa kung gaano siyang kabaduy na manamit kung ikukumpara rito. Sa ngayon, mas inaalala pa niya kung paanong pinagtago sila ng tadhana rito sa kalagitnaan ng mall, sa kasagsagan ng naghahanap siya ng kasama, samantalang hindi naman siya handa! Physically, emotionally, at spiritually!
Napaatras siya at napatayo ng tuwid, hindi na naman alam kung paano kumilos ng maayos. Babatiin lang naman sana niya ang binata pabalik pero pinangunahan na naman siya ng kaba't takot! Napasinghap siya at tuluyan nang nakalimutang huminga nang unti-unting kumunot ang noo ni Lyle at sumilay ang isang ngiti sa mga labi ng binata.
Ito ang dahilan kung bakit hindi niya malapitan si Lyle sa café, e! Masyadong maganda ang ngiti nito. Mala-anghel? Tila ba halos kuminang pa ang background tulad ng mga napapanood niyang anime. At kahit na ito lang naman ginagawa sa kanya, pakiramdam niya e palagi siyang nakukuryente.
"Hi, mabuti nandito ka? Off mo rin ba ngayon?"
And now he is talking to him! Oh God, someone save his antisocial ass because he might melt on the spot! Hala, sana balikan siya ni Leon?!
"H-ha?" Natatanga niyang tanong lalo na at nabuhol na ang utak niya. Hindi na nga niya maintindihan ang kung anumang itinanong ni Lyle. "A-ano, ano! Hindi ko alam?"
Anong hindi niya alam? Ni hindi nga niya narinig kung anong tanong nito dahil para na siyang maiihi sa kinatatayuan. Oo! Gusto niya ngang makipagkaibigan pero kung ganito naman siya palagi, kahit huwag na yata. Nakakahiya magkaroon ng kaibigang parang awtomatikong nagiging robot sa harap ng taong gusto niya.
Sandali, taong gusto niya? Hindi, hindi! Hindi niya gusto si Lyle. Kuryoso lang siya rito at gustong makipagkaibigan sapagkat ito ang hindi niya talaga malapitan sa café.
Nagsimulang bumilis ang pintig ng puso ni Gian nang sandaling humalakhak si Lyle. Tila naaliw na parang tanga siyang sumagot dahil hindi niya ito narinig ng maayos. Lalo siyang nawala sa sarili nang mas maobserbahan ito ng mabuti at sa kaunting kulubot sa noo ni Lyle habang naaaliw.
Hindi niya na alam kung bakit dapat siya nagpapasalamat sa suot niyang salamin. Dahil ba nakikita na niya ang paligid ng maayos o napapanood niya si Lyle ng mas maayos.
"Ah, 'di mo ba alam kung day off mo ngayon?" Bakas ang aliw sa boses ng binata at sa mga oras na ito, gusto na lamang ni Gian ang ibaon ang sarili six feet under the ground. Agad-agad dahil isa siyang malaking kahihiyan!
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Ah, e."
Nag-iwas ng tingin si Gian at tumingin nalang sa malapit na stall sa kanila ng Wendy's. Animo'y may nakitang kainte-interesante roon kahit na wala naman talaga. Pinipigilan niya rin ang maglikot kung kaya inilagay niya ang mga kamay sa likuran upang itago ang kaba.
"D-day off ko rin ngayon," aniya sa maliit na boses, "sarado nga ang café e."
Hindi niya nakita ang itsura ni Lyle ngunit lumawak lalo ang ngiti ng binata kahit na ganoon ang isinagot niya. Natutuwa dahil kahit papaano'y nakakapag-usap sila.
Samantala, noong mapagtanto niya na pabalang ang pagkakaayos ng pangungusap na sinabi niya at tila nag-iba ang tono niya dahil sa sobrang kaba, mabilis niyang hinarap si Lyle. Namimilog ang mga mata at kinakapa kung ano ba ang mainam na sasabihin.
"P-pasensya na! Hindi ko sinasadya na magtunog gano'n!"
Kumunot ang noo ni Lyle at naguluhan. "Ano? Anong magtunog gano'n?"
Dala ng labis na pagkataranta, hindi na rin talaga rumerehistro sa kanya ang mga salitang sinasabi ni Lyle. Kung sanang kaya niya lang pigilan ang kaba't takot sa harap nito, mas kontrolado niya ang isipan at ang tono ng pananalita. "A-ano, oo! Day off namin t'wing weekend."
Dinugtungan niya ang sinabi ng kabadong tawa. Lihim na inihahanda ang sarili kung sakali mang magalit si Lyle. Dahil aaminin naman niyang mali talaga siya sa parteng lumabas na animo'y singhal ang sagot niya sa binata. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan, hindi napawi ang ngiti sa mga labi ni Lyle. Bagkus, mas lalo pa iyong lumawak nang muli niya itong kausapin, dahilan kung bakit matahimik at mapaisip siya.
"Gano'n ba. Edi..." Tumigil sandali si Lyle sa pananalita at napahawak sa sariling batok. Tila ba minamasahe iyon. "...um, may kasama ka ba, Gian?"
Namutla siya at nag-isang linya ang mga labi. Hindi malaman ang sasabihin, pakiramdam ni Gian ay bigla siyang napipi.
"H-ha?"
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report