Can I be Him? -
CHAPTER 5.3
DAMANG-dama ni Gian ang bilis ng bawat pintig ng puso niya noong manatili lamang ang mga mata ni Lyle sa kanya. Ilang beses siyang napalunok, dumating na sa puntong hindi kinaya ang intensidad ng pagkakatitig nito kung kaya naman nag-iwas na ng tingin. Paano ba naman kasi, animo'y may hinahanap din si Lyle sa sariling mga mata niya. Umawang ang labi nito nang marinig ang tanong niya, tanda na hindi nito inasahan ang katanungang lumabas mula sa bibig niya. Kahit naman siya, hindi rin inaasahang ganoon ang itatanong ngunit dala ng kuryosidad sa panay nitong pag-aangat ng bangko para kay Ridge, hindi niya napigilan ang sariling bibig.
Kasama talaga ito sa tanga moments niya.
Kinabahan si Gian nang tuluyan nang mamutawi ang katahimikan sa pagitan nila ni Lyle. Tila ba nilamon na sila ng nakabibinging kawalan. Ilang beses siyang napalunok at inilibot ang mga mata huwag lang magtama ang paningin nila ng binata. Napapaisip na rin siya kung ano ba ang magandang itanong upang bawasan ang namumuong tensyon sa pagitan nila, kaso wala siyang mapiga dahil sa tagal ng pag-uusap nila, wala pa naman siyang natagpuang parehong hilig nila ng binata. Habang nasa kalagitnaan din siya ng pag-iisip, bago pa siya magkaroon ng bagong ideya upang ilipat ang usapan, naunahan na siya ni Lyle.
"I thought I was making it obvious," said Lyle which certainly threw Gian off the trash can.
Para siyang kandilang naitulos sa kinatatayuan noong noong marinig ang tugon ng binata sa tanong niya. Samantala, pumikit sandali si Lyle at huminga ng malalim upang ipunin ang sariling tindig. Mukhang hindi pa rin ito nakapag-isip ng mas konkretong isasagot kanina kung kaya ngayon pa lamang ibabagsak ang bomba.
"May gusto ako kay Ridge simula noong una kaming magkakilala. Pasensya na, alam kong sila ni Zamiel pero 'di ko mapigilang mahalin si Ridge e," dugtong nito.
Siya naman ang umawang ang labi nang marinig ang idinugtong ni Lyle sa sinasabi. Katunayan, wala rin naman talagang kaso kay Gian na malaman ang tungkol sa nararamdaman ni Lyle para sa kaibigan. It is just that, it was all too surprising that he does not know what or how to react. Bagamat hindi naman bago sa kanya na makakilala ng mga taong interesado sa parehong kasarian, o hindi naman kaya noong mga may gusto pala sa mga kaibigan niya, hindi niya alam kung anong meron kay Lyle at natahimik na lamang siya.
May kung anong kumurot sa puso niya nang makumpirmang interesado si Lyle kay Ridge. Nasaktan siya? Nadismaya? Hindi niya alam kung paanong ipapaliwanag ang paninikip ng dibdib niya.
ALAS kwatro na ng hapon nang mapagdesisyunan ni Gian at Lyle ang umuwi na. Matagal-tagal silang nanatili sa SM dahil ayon kay Lyle, matagal na nitong hinihintay na makapag-usap sila ng maayos. Palagi raw kasi siyang pilit na umiiwas dito at sino ba naman ang hindi iiwas kung kinakain siya ng nerbyos sa tuwing malapit sa kanya ang binata? Nahiya si Gian noong malaman na ganoon pala ang tumatakbo sa isip nito sa tuwing nakikita siya. Hindi niya inaasahang makukuryoso ito bagamat mga katangahan at ka-clumsy-han lang naman ang ipinapakita niya sa binata.
"Saan ka nga pala umuuwi?" Tanong ni Lyle.
Sa bahay? Gusto sanang pilosopohin ni Gian si Lyle ngunit ayaw naman niyang umarteng feeling close kaya kinagat niya ang dila at hinayaan ang. "Ah, um. Diyan lang ako sa Dau umuuwi, ikaw ba?" Tumango-tango ito. "Ah, ako ba? Taga-Mabalacat ako, e."
Nagkatuwaan pa silang dalawa ng ilang sandali habang tinatahak ang daan patungong parking lot. Abala na rin sa pagpapaalam nang makita niya ang sasakyan ni Zachariel na dumaan sa harapan nila. Nakita rin siya nito at halos tumigil kung wala lang sumusunod na sasakyan sa likuran nito. Naaninag niya sa kabila ng tinted nitong windshield ang pagkamangha nang makita silang magkasama ni Lyle.
Awtomatikong tumigil sa paglalakad si Gian noong alam na niya kung ano ang susunod na gagawin ni Zachariel. Kung kaya naman minabuti nalang ni Gian na hintayin nalang si Zachariel. Baka kasi kung makilala pa ito ni Lyle, gumawa lang ito ng eskandalo.
"Ah, sige! D-dito nalang ako Lyle."
Nagtataka siyang binalingan ni Lyle nang marinig ang biglaang pagbabago ng isip niya. Ang usapan kasi nila ay sabay na rin silang tutungo sa kani-kanilang sasakyan. If it were not really for not Zachariel though, they would really walk together.
"Sigurado ka ba? 'Kala ko, sabay tayong pupunta sa mga sasakyan natin?"
Nag-iwas siya ng tingin at tipid na napangiti. Kumakapa ng posibleng sabihin upang ipaliwanag kung sino ba ang nakita niya sa sasakyan na dumaan sa harapan nila kanina. "A-ano, iyong kaibigan ko kasi-"
“Gian!”
Gian flinched as soon as he heard Zachariel's loud and cheery voice. Ayan na, nandiyan na ang sa may sapi niyang kabarkada. Napahilamos siya ng mukha nang sabay nilang lingunin ni Lyle ang papalapit na kaibigan. Kumakaway ito sa kanila, o kung hindi man sa kanila, posibleng sa kanya lang. Nakakurba rin ang isang pilyong ngisi sa mga labi ng binata, kung kaya naman hindi napigilan ni Gian ang mataranta.
"Lyle, 'di ka pa ba aalis? Tumakas kasi ng mental 'yang si Zach kaya baka masayang lang oras mo kung nandito ka pa," tanong niya upang mabilis na pukawin ang binata mula sa palapit na si Zachariel.
Hindi niya alam kung bakit pero nanatili ang mga mata ni Lyle kay Zachariel sandali bago siya nilingon. Tila ba may naalala ito bigla dala ng bahagyang pag-awang ng bibig nito at paglagatik ng mga daliri. Ilang sandali lamang mula noon nang lingunin siya ng binata at masuyong ngitian.
"Ah, oo nga pala. Mauuna na 'ko, Gian. Kita na lang tayo sa Lunes," anito.
Uminit ang mga pisngi niya at umigting din ang panga niya. Pinipigilan ang posibleng panginginig ng mga labi kung sakaling maisipan niyang sumagot na. Hala, aguy! Nawala sa isip niyang halos araw-araw si Lyle sa café niya at na posible silang magkitang dalawa niyan! Kaya naman kaya niyang harapin ang binata sa oras na naroon na?
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"S-sige," maliit ang boses niyang sagot, "kita na lang tayo sa Lunes. Mag-iingat ka."
Seryoso na ba 'yan? Magkikita silang dalawa? Parang hindi siya handa sa kung anong mangyayari sa Lunes! Ano naman bang gagawin niya kapag binati siya ni Lyle? Mahimatay sa harapan nito? Ah! Pupwede siyang magtago sa opisina at hintayin nalang na umalis ito! Hindi pa siya mapapahiya.
Nang makarating si Zachariel sa harapan nila, siya ring pagpapaalam ni Lyle. Nagkabatian pa ang dalawa sandali bago ito tumuloy papasok sa parking lot upang hanapin ang sariling sasakyan at makauwi na.
Nilingon siya nito para kawayan kaya nahihiya siyang kinawayan ito pinabalik.
"Ikaw Gian, a. 'Di namin alam na natututo ka na."
Nabigla siya nang ganoon ang sinabi ni Zachariel nang mawala na si Lyle sa mga mata nila. Pinamulahan siya ng mga pisngi at napaatras, umawang din ang mga labi niya sa pagkabigla. "Natututo? Ano namang natututunan ko, Zach?" Kabado siyang tumawa at umiling. "Ano bang tumatakbo sa isip mo ngayon?"
Hindi kaagad sumagot si Zachariel. Sa halip, mataman siya nitong tinitigan at animo'y tinatantya. Hindi naman makayanan ni Gian ang intensidad ng pagkakatitig nito sa kanya kung kaya naman nag-iwas siya ng tingin. Inililibot ang mga mata at umaasang may makikitang kainte-interesado sa tabi-tabi. Baka roon sa seven eleven na malapit, may makita siyang magjowang naglalampungan! Makakakuha siya ng tsansa para ibaling ang usapan! Pero wala. At habang lumilipad din ang isipan niya, bigla nalang siyang inakbayan ni Zachariel at pabirong kinaltukan sa ulo.
"Kilala mo pa ba 'yong kasama mo kanina?" Nangingising tanong ni Zachariel, "naaalala mo pa bang ka-team namin sa basketball 'yon noong high school? Ah, naaalala rin kaya ako no'n ni Villariza?"
Gian's gaze lowered down as he played with his fingers and fidgeted. "Kilala ko pa siya. Ibang-iba na ugali niya mula no'ng una ko siyang nakilala?"
"Tumpak! 'Kala ko 'di mo na naaalala e. Mabuti kasama mo 'yon ngayon? Nakilala ka ba? Ilang beses mo rin siyang nilapitan dati, a." Matapos ng sunud-sunod na tanong ay siniko nito ang beywang niya kaya napapiksi siya bago siya nito akbayan. "Ikaw, a! Sabi na ba't crush mo 'yon, e. Tumatsansing ka na! Binata ka na, ikaw a! Nakaka-proud!"
Napahawak siya sa braso nitong nakapulupot sa balikat hanggang leeg niya. Namimilog ang mga mata at hindi makapaniwala sa pang-aakusa nito.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Anong tsumatsansing?! Saka anong crush?! Kuryoso lang naman ako sa kanya dahil ang tahimik niya no'ng high school tayo," paliwanag ni Gian. May bahid na ngayon ng pagkataranta at dino-dominate na ng pagkataranta ang isipan. "Sus, itinanggi pa! Crush mo naman talaga 'yon no'ng high school tayo, e. Madalas mo ngang puntahan 'pag may event sa eskwelahan!"
"Mali ka ng iniisip! Gusto ko lang na makipagkaibigan sa kanya noon!" Dipensa niya.
"Ulul! Kaibigan, kaibigan. Pero kung umarte ka, daig mo pa 'yong teenager? Aminin mo na kasing high school crush mo 'yon! Emo lang no'n si Villariza pero gumwapo naman, a."
"Hindi nga sabi e!" Gusto niyang pukpukin sa ulo ngayon si Zachariel tapos iwanan pero hindi niya magawa! "Wala nga 'kong gusto sa kanya, Zach!"
"Pwe! Laos na 'yang mga paganyan, Abellardo." Pumalatak si Zachariel bago tumigil nang may maalala, "pero ano nga, nakilala ka ba noon? Jejemon ka dati tapos nerd ka pa, e. Baka imposibleng nakilala ka."
Wala sa sarili siyang napanganga. Kumibot ang isang kilay ni Gian bago siya tuluyang ngumuso. Napahalakhak naman ang kaibigan dahil sa itsura niya, porket mukha raw siyang bata sa ginagawa niya.
"Para sa ikasasaya mo, 'di niya 'ko nakilala. Sa 'yo naman galing na mukha akong nerd no'ng high school. Malayo na yata imahe ko dati sa ngayon kaya 'di niya 'ko maalala."
"Aw." Madramang napahawak si Zachariel sa dibdib. "Ang sakit naman. Kahit na ilang beses kang lumapit sa kanya dati 'no? 'Di ka man lang niya naalala."
"A-alam mo Zach," Gian trailed off as he faced Zachariel with a sour face which the latter found amusing, "gusto kitang batukan ngayon! Inaaway mo 'ko, e!" "Nyay! Nagsasabi lang naman ako!"
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report