Can I be Him?
CHAPTER 5.2

"Gano'n ba. Edi..." Tumigil sandali si Lyle sa pananalita at napahawak sa sariling batok. Tila ba minamasahe iyon. "...um, may kasama ka ba, Gian?"

Namutla siya at nag-isang linya ang mga labi. Hindi malaman ang sasabihin, pakiramdam ni Gian ay bigla siyang napipi.

"H-ha? W-wala."

Ipinukol ni Gian ang buong atensyon kay Lyle at kinuha iyong oportunidad upang mas obserbahan ng malapitan ang binata.

Maputi ito ngunit hindi naman kasing puti niya. Palagay niya, mas malapit ang kulay nito si Zachariel. Matangkad din ito, ngunit hindi naman lalampas sa tungki ng ilong ni Gian, iyon ang ipinagpalagay niya. Matangos ang ilong at may kakapalan ang mga labi. Ngunit hindi pangit sa binata ang ganoong mga labi! Namamangha nga siya dahil nadedepina nito kung gaano iyon kapula-meh. Masarap halikan, oo.

Natigilan siya sa pag-iisip at napakurap-kurap. Ano ba iyon?! Biglang lumitaw lang sa utak niya! Erase, erase. Bawal namang ganoon! Tunog may malisya!

Natigilan si Gian noong mayroong silipin si Lyle sa likuran niya at awtomatiko niyang sinundan ang tingin nito. Baka mamaya, may nakikita pala itong hindi niya nakikita! Ang creepy!

"Ah, bumili ka pala ng bagong salamin. Maganda 'yan. Nakakita ka na ba ng maayos?" Pagtatanong ng binata ngunit sa hindi malamang dahilan, may bahid ng pagkadismaya. Muli niyang dinala ang mga mata sa binata at natagpuan itong aliw na nakamasid sa kanya, dahilan upang mapalunok si Gian at mag-iwas ulit ng tingin habang palihim na kinakagat ang loob ng mga pisngi!

"Nagpasama ako sa kaibigan ko," Gian trailed off before tilting his head, wishing that the ground could eat him because he is too embarrassed to stand in front of Lyle right now.

Tumango-tango ang binata. "Great. It really suits you, to be honest. Ah, sabi mo rin, wala kang kasama?"

"Wala na," Gian replied, but this time; reiterating that his friend just left him to attend something important, "kaaalis niya lang."

"Oh, edi mabuti pala kung gano'n."

Umawang ang mga labi ni Gian at nag-isip ng magandang maisasagot. Kumibot din ang isang kilay niya noong marinig ang sagot ng binata. Palibhasa, hindi niya inaasahang magiging masaya pa ito na mag-isa siya ngayon. Aru, naku! Sana talaga bigla siyang maisipan na balikan ni Leon dahil nahihiya na siya rito! Ayaw din sana niyang maulit iyong kanina. After all, his anxiety is creeping in and it is not good for his health!

"May lunch meeting kasi siya," paliwanag ni Gian bago mayroong itinuro at tumikhim, "pinagbigyan lang din akong samahan ngayon kaya agad akong iniwan."

Sandali siyang natahimik nang kaswal siya na nakasagot kay Lyle. Wait, kaya niya naman pala e? Magkakaroon ba ng himala? Nakakagulat kasi. Bagamat kabado, nagawa niyang makapagsalita ng dire-diretso. Hindi niya inakalang kakayanin niya kahit nararamdaman niya ang panlalambot ng mga tuhod!

"Halos kaaalis niya lang dahil kabibili ko lang din ng salamin." Gagala rin sana mag-isa si Gian upang bumili ng mga bagong malalaro dahil halos kari-release lamang ng Resident Evil: Village at gusto niyang mag-inquire sa mga stalls dito kung mayroon na ba silang stock.

Ibinaba niya ang tingin at tumitig sa sahig kahit na wala namang makikita roon bukod sa makikinang na tiles.

"Doon kami galing,” dagdag niya pa. Tila gusto nalang ni Gian na gumulong at magpalamon sa lupa nang hindi pa rin naaalis sa kanya ang mga mata ni Lyle. Hindi naman dahil pangit ang mga mata nito. Katunayan, gustung-gusto niya ang medyo singkit nitong mga mata...

Hindi lang siya kumportableng nakatitig pa ito sa kanya.

"Pasensya na, um." Kabado siyang tumawa at humawak sa likuran ng ulo. "Hindi kasi ako sanay na kausap ka. A-ano, pero ikaw? Mabuti napasyal ka rito?"

Humimig ang binata. "Napansin ko ngang hindi ka kumportable sa 'kin, pero okay lang 'yon. Baka mahiyain ka lang talaga."

"Oo!" Muntik na matumba si Gian kahit na hindi naman masama ang pakiramdam niya. Nakaramdam ng matinding pagkapahiya dahil napansin din pala nito ang pag-iwas niya. Pero itinago niya ba talaga? Hindi, pero nag-aalala siya dahil baka isipin nitong ayaw niya itong maging kaibigan! "Mahiyain lang talaga ako, iyon! Gano'n na nga!"

Gusto nang umiyak ni Gian dahil para siyang batang mangumbinsi ng kung sino, e. Kung talagang maririnig lang siya ng buong barkada, baka nakangiwi pa iyong iba sa kanila. Samantala, namilog naman ang mga mata ni Lyle at nagulat sa bigla niyang iniasta. Kung kaya naman nang makita iyon, mabilis na umamba si Lyle, handang tumulong.

"Pasensya na!" Nahihiyang tugon niya habang halos takpan ang mukha.

Napahalakhak si Lyle. "No, it's okay. Naguluhan ako noong una pero nabanggit mo rin naman na ngayon na mahiyain ka talaga... so, that explains why you're acting uncomfortably around me. Talagang mukhang sinwerte lang ako nitong nakaraan."

"I'm sorry?" Umangat ang mga kilay ni Gian bago niya naipilig ang ulo. "Noong nakaraan? Bakit?"

Dahil sa pagkakuryoso, hindi napansin ni Gian na matagal siyang napatitig sa mukha ni Lyle. Nakaramdam lang siya ng hiya nang ipilig nito ang ulo at muling kumurba ang isang ngiti sa mga mata niya. Matagal din pala siyang nakatitig dito! Nakakahiya naman iyon! Nag-iwas tuloy siya kaagad ng tingin nang bumuka ang bibig ni Lyle upang makapagsalita ulit.

"Wala lang 'yon."

Nahihiya ring tumawa si Lyle kung kaya hindi siya kumbinsidong wala lang, pero hinayaan na niya ang kuryosidad na tangayin ng hangin. Nang matapos itong tumawa ay sinagot nito ang tanong niya kanina na ngayo'y limot na rin niya. "Day off ko rin ngayon. Kagagaling ko lang ng Angeles para mamili ng tela pero maaga pa kaya naisipan kung mag-SM din muna."

Maaga pa ba? Pinasadahan ni Gian ng tingin ang orasang pambisig at napagtantong alas dose na ng tanghali. Ang bilis lumipas ng oras. Napangiwi tuloy siya dahil parang kalahating oras din siyang nakatunganga sa gitna ng SM kung hindi lamang dumating si Lyle! Kumunot ang noo niya at halos magdabog pa siya ngunit nang maalalang mayroon siyang kasama ngayon, natahimik siya. Tila naaliw naman si Lyle dahil lumawak ang ngising nagbabadya sa mga labi nito. "May pupuntahan ka ba?" Dagdag ni Lyle.

"Ah!" Tumikhim siya upang kumapa ng posible pa niyang natitirang katinuan upang mas magtagal pa kahit papaano ang usapan nila. Ubos na ubos siya ngayon. At bakit ngayon niya lang ito kinausap? Hindi naman pala gaanong masama. Ang cons lang naman e itong bwisit na puso niyang naghuhumerantado pa rin sa dibdib niya.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Bibili sana ako ng panibagong PC o video game." Kabado siyang tumawa at nilingon ang daang tatahakin sana kanina kung hindi siya tinawag ni Lyle. "Balak ko sana humanap ng five players para makalaro ko iyong mga kaibigan ko." Itinikom ni Lyle ang bibig at mukhang nalunod sa iniisip. "Matanong ko lang pala, kaibigan mo rin ba si Ridge?"

"Ha?" Naipilig niya ang ulo dala ng labis na pagtataka. "Ah, magkakilala kami mula noong kindergarten."

Nagtaka siya nang mamilog ang mga mata ni Lyle at umawang ang mga labi ng binata. Ngunit wala naman siyang maalala na may nasabi siyang masama? Itinanong lang nito si Ridge at sinagot niya. Ayun lang. "Magkasama rin ba kayo ng high school?"

Ipinilig ni Gian ang ulo at nagtatakang tumango. Hindi maintindihan ang reaksyong natatamo niya mula sa binata.

"Oo, um, kaso 'di naman ako pansinin noon."

"Gian," nabigla si Gian noong tawagin siya ni Lyle sa paraang hindi niya maintindihan. "Ayos lang ba kung sumama ako sa 'yo? Wala rin naman akong gagawin dito maliban sa mamasyal mag-isa."

Pakiramdam ni Gian, muntik siyang atakihin sa puso nang marinig na sasama si Lyle sa kanya. It was not exactly a bad thing too, it is just that Gian is always anxious around Lyle. Wala rin namang masama kung makakapag-usap silang dalawa

ng masinsinan at mas nakilala niya ito. Pero hindi pa rin talaga maiwasan ni Gian ang mahiya, lalo na sa tuwing madidikit ito sa kanya nang dahil sa mga inboluntaryong pangyayari.

Akala niya, sasabog ang puso niya! Kahit kailan, hindi pa siya natuliro nang dahil lamang sa ganitong interaksyon pero tignan na lamang ng lahat kung nasaan si Gian ngayon, gusto talaga niyang maghukay ng sariling libingan! Moreover, nakapamili sila ng video game. Medyo nahirapan siya maghanap ng nais kung kaya naman nabanggit na baka mag-order nalang siya sa Amazon. Napag-usapan din nila ang iba't ibang mga bagay tulad ng field of work nila at kung saan ba sila nag-aral.

Nabigla pa nga siya na sa iisang eskwelahan lang pala sila noon ni Lyle grumaduate. Magkaiba lang ng kurso.

"Kakilala mo rin pala si Ridge," aniya habang nakatingin sa tiles. Ewan niya pero nafa-fascinate siya sa puti ngunit maruming tiles ng SM. Tuluyan na siyang naging engot.

Tumango-tango si Lyle. "Nakilala ko siya no'ng high school. Nakakatawa nga 'yong una naming pagkikita, e. Dahil sa 'kin, narumihan ang uniporme niya." "Bakit naman?"

"Aksidente kong naapakan si Ridge sa may math garden dahil 'kala ko, hagdan siya. Ewan ko. Ro'n kasi siya nagtago mula kay Zamiel no'n."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Marami pa silang napag-usapan na dalawa. Tulad na lamang ng pagiging ace player nito sa basketball noong high school pa lamang sila na imposibleng hindi alam ni Gian dahil kasali siya sa school paper noon at pinag-usapan din nila ang pagiging journalist niya para sa school paper mismo.

"Kasali ka pala sa school paper noon?"

Nahihiyang tumungo si Gian. "Oo, kaya nga raw ako 'di pansinin noon dahil ang nerd ko na ngang tignan, sumali pa 'ko ng school paper."

"I don't see it that way, though. Ang galing. Nag-EIC ka ba no'ng nag-aaral pa lang tayo?"

"Supposedly but I refused. No'ng mage-EIC kasi ako, kasagsagan 'yon na nagkukumpitensya kami ni Zamiel sa pagiging valedictorian."

"Pero si Zamiel ang valedictorian no'ng high school, 'di ba?"

Tumawa si Gian at kinamot ang pisngi. "Ano kasi, nalamangan niya 'ko ng ilang puntos sa exam. Mahirap kalaban si Zamiel, e. Lalo na kung ibinu-boost pa ni Ridge."

Hindi sinasadya ni Gian na mabanggit ang ukol sa relasyon ni Zamiel at Ridge. Bagamat diretso rin ang tingin niya, nahagip niya mula sa gilid ng mga mata ang pagbagsak ng mga balikat ng binata. Mabilis na nag-angat ng mga mata si Gian upang hanapin ang pigura ng binatang mukhang dismayado sa nabanggit niya.

He had been noticing this since earlier. Kung may pagkakataon, hindi niya maiwasang pansinin ang pasimple-simpleng pagtatanong ni Lyle tungkol sa kaibigan. Maging ang lahat ng papuring binibitawan nito para kay Ridge, masyadong descriptive at hyper kung pakinggan kung kaya hindi niya maiwasang magtaka. Kaya ngayong siya naman ang may oportunidad, mabilis siyang nagtanong.

"It's been, um." Nakakainis, hindi pa malaman ni Gian kung paano niya sisimulan ang pagtatanong dahil parang nabuhol ang dila niya. "So, I've been noticing something about you since earlier, Lyle. It's not bothering me, I just wanted to know?"

Umangat ang mga kilay ni Lyle at sumimsim sa halos kabibili lang nila na milktea sa Mang Chaa. Tila nakuryoso dahil medyo iba rin ang tanong niya.

"Ano 'yon, Gian?"

Nahihiyang nag-iwas ng tingin si Gian at pagak na natawa. Napahawak din siya sa sariling batok at nais na itago ang pamumula ng mga pisngi sa hiya. Kung kaya ginamit ang sariling binili na milktea upang pantakip. "Pasensya na kung bigla kang mao-offend."

Nagtatakang ngumiti si Lyle. Walang kamuwang muwang sa nais niyang malaman. Nag-iwas naman ng tingin si Gian at hinila ang kwelyo para kahit paano'y makahinga ng maayos.

"Sana 'di offensive 'tong itatanong ko. Kuryoso talaga ako dahil ibang-iba kasi tono mo sa t'wing gano'n ang mapag-uusapan nating dalawa."

Napalunok si Gian. Hindi sigurado kung bakit nanunuyo ang sariling lalamunan, muli siyang lumunok nang sa ganoon e hindi siya mautal kung sakaling magsasalita mamaya. Medyo nagtagal ang naging pananahimik niya nang sa wakas ay nakapagdesisyong huwag nang paghintayin o pakabahin pa ang kasama.

"Pwede mo namang 'wag sagutin kung mao-offend ka sa 'kin pero may gusto ka ba kay Ridge?"

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report