Can I be Him?
CHAPTER 6.2

"Hoy! Tungkol sa'n 'yong tsismis?" Iyon kaagad ang ibinungad ni Leon pagkatapak na pagkatapak sa loob ng bahay ng mga Chastain.

Nabato tuloy ito ni Zamiel ng throw pillow dahil abala pa rin sila ni Ridge na manood ng chic flick. Na siyang halos tulugan na naman ni Ridge kung hindi lang nabubuhay ang diwa nito sa salitang tsismis. "Basta, tsismis! Ka-eexcited niyo naman. Baka lamunin ng kaba si Gian, umiyak pa siya!"

Sabi na nga ba, e! "Wala nga lang 'yong kanina, Zach! Ang kulit ng butsi mo!"

Gusto na lamang niyang lamunin ng lupa o hindi naman kaya tumakbo pauwi. Lalo na nang sabay-sabay ang lingon nina Zamiel, Ridge, at Leon sa kanila. Lalo siyang pinangilabutan noong mahina pang tumawa si Ridge, animo'y alam na kung tungkol saan ang tsaa.

MABILIS na lumipas ang katapusan ng linggo at natutuwang inabangan ni Lyle ang Lunes. Hindi niya lubusang maintindihan ang nararamdaman ngunit masaya siyang nakapag-usap sila ni Gian noong Sabado. Sa katunayan, inakala niyang hindi siya nito pauunlakan sapagkat bakas sa mga mata at ikinikilos nito ang pagkailang, ngunit nabigla siya nang pumayag itong samahan siya at mamasyal silang dalawa.

Totoo rin ang hinala niya, nahihiya talaga ito kay Lyle. Nais man niyang malaman kung bakit, pilit namang iniiwasan ni Gian ang usapang iyon.

"Sir Lyle, ang aga mong bumaba sa opisina mo ngayon?" Ganito ang naging salubong ni Kaleb sa kanya matapos siyang iluwa ng pinto.

Kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata niya. Matapos iyon, kumurba ang isang ngisi sa mga labi niya nang matagpuan ng mga mata niya ang pigura ng kumausap sa kanya.

"Gusto ko lang pumunta sa café ng mas maaga. 'Di pa kasi ako nakakapagkape."

Tumango si Kaleb, naiintindihan ang nais niyang sabihin. Animo'y kape na lamang talaga ang nagsisilbing dugo ni Lyle sa mga panahong ito.

"Mayroon na nga palang mga finished products, sir. Baka gusto mong i-double check."

"Talaga?" Hindi niya maiwasang matuwa nang marinig ang balita. "Sige, titignan ko muna ang mga 'yon bago ako umalis."

Marahil inabot siya ng dalawang oras sa pag-iinspeksyon ng mga damit. Inihiwalay niya ang mga nangangailangan ng revisions. Nagtawag din siya ng posibleng makakatulong sa mga nakagawa ng kamalian upang mas mapadali ang trabaho. Samantalang ang mga ayos na, ipinalagay na niya sa mga mannequin at ikinross out sa listahan ng mga gagawin.

Alas onse. Alas onse pa lamang ng umaga ay nasa café na siya ni Gian, nagagalak na makita ang binata. Dala niya rin ang sketchbook at iilang kagamitan upang gumawa ng trabaho. May iilang papeles din siyang bitbit na hindi niya maaasikaso sa opisina sapagkat nais niyang manatili rito hanggang alas dos ng hapon. Binati siya ng mga naglilinis at binati niya ang mga ito pabalik bago pumanhik sa harap ng counter. Alam na rin niya kung ano ang gusto niyang kunin kung kaya naman ay lumipad sa kitchen ang mga mata niya. May hinahanap.

"Good morning po!" Bati ng isa sa mga crew.

Sandaling natigilan si Lyle upang titigan ito saka siya napaisip. Pamilyar. Palagay niya ay ito ang nagbigay ng coffee latte sa kanya noong nakaraan. Kung hindi rin siya niloloko ng isjpan, ito rin ang parehong crew na nag-abot sa kanya ng memo na may numero.

"Good morning. Avocado toast with poached eggs at Americano for drinks."

Nang matapos siyang magsabi, mabilis din na isinulat ng crew ang order niya sa memo nila.

"Avocado toast with poached eggs at Americano..." Ulit nito upang kumpirmahin ang order niya.

Nag-angat ng tingin ang dalaga at siya namang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. Nang kumpirmahing iyon nga ang order niya, mabilis na sinabi ng dalaga kung magkano ang babayaran niya at kung gaano katagal siyang maghihintay para ma-prepare ang order niya. Noong matapos, aalis na rin sana ito upang ipaasikaso ang order niya nang tumikhim siya, kung kaya naman napukaw ang atensyon nito.

"Pwede ba pala akong magtanong?"

"Yes po?"

"Nandiyan na ba si Gian?"

Bahagyang umawang ang mga labi ng dalaga at umangat ang mga kilay nito, dahilan upang makaramdam siya ng pagkapahiya sapagkat ang pakiramdam niya, may iba itong naiisip sa paghahanap niya kay Gian. Mabuti na lamang, sandali lamang itong nagulat at bumalik din naman ang ngiti sa mga labi nito.

"Nasa opisina po, may ginagawa. May ipapasabi po ba kayo?"

Opisina? Pinasadahan niya ng mabilis na tingin ang pintong ilang metro rin ang layo mula sa counter. Napapaisip na baka roon ang opisina ni Gian. "Nagpapapasok naman po si sir Gian. Doon ko rin po ba ihahatid 'yong order?"

Napapitlag siya nang marinig ang tanong ng crew. Mabilis din niya itong nilingon at saka siya umiling, tinatanggihan ang mga suhestiyon nito. "Ah, hindi." Napahalakhak siya. "Tinanong ko lang kung nandiyan na ba. Maraming salamat."

Ah, mukhang hindi niya makakausap ang binata ngayon dahil mukhang abala sa trabaho. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkadismaya ngunit ayos lang din naman. Siya rin naman kasi, may trabahong pinili niya lamang na bitbitin dito dahil mas gusto niya ang ambience ng lugar kaysa sa sariling opisina.

Matapos ang mabilis na pakikipag-usap ay iginala ni Lyle ang mga mata sa kabuuan ng café, naghahanap ng mauupuan. Gusto niya sana roon sa dati niyang pwesto ngunit may iilang mga estudyante roon. Habang iginagala ang paningin, doon niya napansin na medyo marami talaga ang estudyante ngayon. Naka-casual clothes nga lang kahit suot-suot pa rin ang ID. May iilang naka-PE pero bilang na bilang sa mga daliri.

Mukhang may event sa malapit na kolehiyo kaya puro teenager ang mga customer.

Hindi nagtagal, nakahanap din naman siya ng pwesto. May bakante sa tabi ng bintana na malapit din sa opisina ni Gian. Doon nalang siya. Tutal, wala nang pwesto malapit sa entrance o exit ng café. Na-dominate na iyon ng mga high school at college students, e..

Sa kabila ng medyo mataong lugar, nanaig pa rin ang katahimikan. May mga iilang maingay ngunit hindi ganoon kalakas ang boses kung kaya hindi niya rin marinig ng maayos ang pinag-uusapan. Palagay niya, makakapagtrabaho pa rin siya ng maayos. Inilabas niya ang mga gamit at saka siya nagsimulang magbasa ng mga papeles. Habang nasa kalagitnaan ng pakikipag-usap sa isang kliyente na nais bilhin ang design niya, dumating kaagad ang order niya. "Ang gusto ko sana, iyong damit na iminodelo ni Ridge Gonzales," paliwanag ng nasa kabilang linya, "tingin mo ba'y magkano mo ipagbibili ang design?"

Sumimsim siya sandali ng Americano at ibinigay ang tinatayang presyo nito. Hindi na nagulat na ang design para sa damit na iminodelo ni Ridge ang nais nitong bilhin. Halos katatapos niya lang na makipag-ayos sa kliyente nang ibinaba niya ang cellphone sa lamesa. Bumuntong hininga rin siya at napahilot ng sentido. Ngunit sa kabila ng kapaguran, natutuwa siya na naging maayos ang pakikipag-usap niya.

"Um..."

Natigilan si Lyle sa paghihilot sentido noong may mapansing pigura na nakatayo malapit sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin, natagpuan niya si Gian na may alanganing mga ngiti na nakakurba sa mga labi. "Ah." Ang akala niya, abala ito sa trabaho?

Umawang ang labi niya nang makita ito. Medyo magulo ang buhok nito ngunit disente pa rin namang tignan. In-adjust din nito ang salamin na mukhang nahuhulog.

"Sinabi sa 'kin ni Nancy na nandito ka kaya agad kong tinapos ang trabaho ko," paliwanag nito.

Doon pa lamang nahimasmasan si Lyle ngunit sa kabila noon, wala siyang makapang pupwedeng sabihin. Hindi kasi makapaniwala na nasa harap niya si Gian. Akala niya kasi, hindi niya ito makakausap ngayon dahil halos kasasabi lamang sa kanya na abala ang binata sa trabaho, kaya nga nasa opisina, hindi ba?

Pinasadahan nito ng tingin ang upuan sa tapat niya bago ibinalik sa kanya ang mga mata. Gian also licked his lips before he asked:

"Pupwede ba 'kong umupo riyan? O may kasama ka?"

"Ah! Oo naman!" Mabilis niyang inayos ang mga gamit at itinabi rin kaunti ang order niya upang mabigyan ng espasyo si Gian sa lamesa.

"Wag mo nang alisin mga gamit mo, s-sandali lang naman ako rito."

Binalingan niya ito. "Kahit pa sandali ka lang at lumabas lang para makita ako, ang pangit pa rin kung makalat 'tong lamesa, 'di ba? Oo nga pala, kumain ka na ba?"

Halos paupo na si Gian noon sa tapat niya nang matigilan dahil sa itinanong niya. Para itong bata na biglang naputol sa gagawin dahil pinigilan ng magulang. "Ah, eh. Hindi pa."

Naningkit ang mga mata niya. "Mag-a-alas dose na, ba't hindi ka pa kumakain? Kumuha ka muna kaya ng pagkain sa kitchen niyo tapos saluhan mo 'ko?"

Dahil sa pagpupumilit niya, walang ibang nagawa si Gian kahit na nahihiya ito. Tumawag ito ng isa sa mga kasama sa trabaho at nagsabing kuhanan siya ng makakain. Natawa pa nga si Lyle noong pasadahan sila ng tingin ng crewmate nito at bigla na lamang asaring dalawa.

"Oo nga pala, ano iyong inaasikaso mo sa opisina mo? If you don't mind me asking."

Natigilan si Gian sa pagpupunas ng gilid ng mga labi nito dahil nanlalagkit daw ang pakiramdam dala ng pawis. Napakaseryoso nitong tignan kung hindi lang ito nag-angat ng tingin sa kanya at muli na namang nahiya.

And he does not know why, but the serious look on Gian's face earlier made his heart skip a beat. It is probably because it was something new to see from the male.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Ah, mga ano, reports lang sa weekly at monthly sale nitong nakaraang buwan." Mahina rin itong natawa. "Nag-order lang din ako ng mga supply, lalo na sa coffee grains dahil malapit nang maubos ang iba." Mahinang humimig si Lyle at tinusok ang pula ng poached egg niya, binabalak na isawsaw doon ang avocado toast niya.

"Ikaw ba?" Tanong pabalik ni Gian.

Nag-angat siya sandali ng tingin at inayos muna ang kakainin bago sumagot. "Ah, inayos ko lang iyong sasahurin ng mga kasama ko. Tapos may kinontak din akong company kanina dahil gusto raw nilang bilhin iyong damit na dinesign ko, iyong minodel ni Ridge?"

Dahil nananatili ang paningin ni Lyle sa pagkain, hindi niya napansin ang pagtigil ni Gian. Mataman itong napatitig sa kanya at animo'y mayroong hinahanap. Ngunit nang mag-angat siya ng tingin, iniiwas ni Gian ang mga mata at sa halip, tumitig sa senaryong nasa labas ng café.

"Nakita mo na ba 'yon?" He asked.

"Um, ang alin? 'Yong damit bang sinasabi mo? 'Di pa, e. Nilabas ba sa TV 'yon?"

"Sa balita." Napahalakhak siya. "Gusto mo bang makita?"

Natigilan sandali si Lyle nang may matanto.

"O gusto mo rin bang sukatin? Mas maliit iyon ng kaunti sa 'yo pero feeling ko gumawa pa 'ko ng isang size, e."

Namilog ang mga mata ni Gian sa tanong niya at mabilis pa sa alas kwatro itong bumaling sa kanya. Umawang ang mga labi nito at tila hindi makapaniwala sa suhestiyon niya. Kung kaya naman binawi nalang niya iyon.

"Ah, ayaw mo ba? Sige, ipapakita ko na lang sa 'yo ang design mamaya."

Wala sa sariling tumango si Gian. "Oo, 'di rin naman ako modelo kaya baka masira lang 'yong damit kung isusukat ko."

Napapantastikuhan niyang pinagmasdan ang binata bago siya natawa. How can he have such thoughts? Hindi na lamang pinansin ni Lyle ang sinabi nito at nagpatuloy sa pagkain, pero kinuha niya ang cellphone para kalkalin ang gallery. Nais niyang ipakita kaagad ang damit na idinisenyo niya kay Ridge.

"Grabe ka naman sa sarili mo. Wala ring pinipili ang damit kung sino ang magsusuot sa kanila."

Sandaling tumigil sa pangangalkal ng gallery si Lyle upang pasadahan ng mabilis na tingin si Gian.

"Gwapo ka rin naman. Matangkad, matangos ang ilong, at manipis ang mga labi. Maganda rin ang hulma ng katawan mo. So, don't feel bad about yourself." Ibinalik ni Lyle ang mga mata sa hawak niyang cellphone. "Noong una nga kitang nakita, para akong nakaharap sa isa pang modelo."

Kung nakita lang ni Lyle ang mukha ni Gian nang sabihin niya iyon, baka tuluyan nang nagpahukay ang binata ng magiging libingan niya. Nahihiya talaga siya sa mga papuring lumabas sa bibig nito!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report