Can I be Him? -
CHAPTER 7.1
NAGPATULOY pa sa pag-uusap si Lyle at Gian tungkol sa mga damit na minsan niya nang na-exhibit sa event noon sa Manila. Marami pa silang napag-usapan ngunit mas natuon ang pansin nilang dalawa roon sa damit na idinisenyo niya para kay Ridge. Hindi maiiwasan, doon din kasi ibinuhos ni Lyle ang oras at atensyon. Gustung-gusto niyang i-flex iyon pero hindi niya lamang ginagawa, ngunit ngayon, ewan ba niya pero may kung ano kay Gian na nagtutulak sa kanya para hayaan ang sarili na magmalaki. Marahil dahil comforting ang aura na ine-emit ni Gian? Tipong parang kahit na anong sabihin niya, hindi siya kailanman huhusgahan ng binata.
Ngunit bukod sa damit na pinag-uusapan nila, hindi lingid sa kaalaman ni Lyle kung paanong napukaw ng sketchbook niya ang atensyon ni Gian. Paano ba naman kasi ay nanatili ang mga mata ng binata roon. Ilang beses itong lumunok at nagpabalik-balik ang mga mata sa kanya at sa kagamitan, mukhang napapaisip kung paano ba nito itatanong kung pupwede ba niyang makita ang laman ng sketchbook. "Gusto mo bang makita?" Sa huli, si Lyle na ang nag-initiate dahil nahihirapan din yata na magsabi sa kanya si Gian.
Namilog ang mga mata ng binata noong sa wakas e bigyang pansin niya ang kuryosidad nito, handang busugin ang binata sa impormasyon o kagandahan ng mga damit na idinidisenyo niya.
"Ah, ayos lang ba?" Gian stammered while his cheeks flushed, "curious kasi ako. Ang galing mo kasing mag-design, gusto kong makita rin 'yong iba. Um, sana 'di ka ma-offend?"
"Bakit naman ako mao-offend?!" Mangha niyang tanong bago kinuha ang sketchbook at iniabot iyon sa binata, "imposibleng ma-offend ako! Mas gusto ko ngang ma-curious ka sa kung anong ginagawa ko, e."
Lyle has no clue as to why he has to blurt out such absurd words. Huli na rin noong subukan niyang bawiin iyon dahil namilog ang mga mata ni Gian at napaatras pa nang marinig ang sinabi niya. Halos lamunin ng hiya si Lyle noon! He sounded boastful, it was too out of character that he wanted to ramble about how wrong he sounded!
But then, all his worries were wiped out and it was as if the air took it away as soon as he saw a smile curve on Gian's lips.
"Mabuti naman. 'Kala ko kasi, magagalit ka na curious ako tungkol sa 'yo, Lyle."
Pinamulahan ng mga pisngi si Lyle noong marinig na kuryoso sa kanya si Gian. Matik ang pagbilis ng tibok ng puso niya at ang pag-awang ng bibig niya. Halos sumabog din siya sa sobrang init na nararamdaman ngunit napigilan pa naman niya ang sarili lalo na noong matantong hindi niya pwedeng sirain ang momentum ng isa.
Just look at Gian! Just look at how he looks like an innocuous child opening a gift that was given to him with enthusiasm! Lyle does not have the heart to go and ruin this wholesome scenario! He would rather cover his face in embarrassment while he scream internally out of his own happiness!
MULA nang ipakita ni Lyle ang mga sketch ng damit na idinisenyo niya, rough draft man o final draft na, hindi nabura sa isipan niya ang naging reaksyon ni Gian.
The man looked so amazed and proud of his creation, and something about that makes him feel overwhelmed, while his heart fluttered. Ang baduy man pakinggan pero ganoon naman talaga ang nadama niya lalo na nang halos hindi matapos si Gian sa pagpuri sa kanya.
Hindi niya maintindihan, marami na rin namang pumupuri sa kanya noon pa man, pero ang pinaka paborito niyang reaksyon ay ang kay Gian. Marahil sa intensidad ng sinseridad sa boses at ekspresyon nito ang dahilan kung bakit tila halos sumabog din ang dibdib niya sa pagkasiya? Ewan niya ba kung anong meron sa isang iyon at ang dali kay Lyle na maduyan ng mga salita nito.
But the way how Gian's background almost sparkled as he looked at Lyle with those eyes glinting in enthusiasm really gets him every time he recalls about earlier's events! Natigilan siya noong may narinig siyang humimig. "Wow, kuya! Mukhang masaya ka ngayon, a. May maganda bang nangyari kanina sa trabaho?"
Noong mapagtantong ang nakababata niya pa lang kapatid ang dumating, inilapag ni Lyle ang cellphone sa lamesa at tinapos na ang matagal niyang pagtitig sa partikular na imahe sa gallery niya. Kanina pa niya pinagmamasdan iyong damit na idinisenyo at pinaglaanan niya ng dugo't pawis para kay Ridge dahil ito rin ang parehong damit na matagal pinuri ni Gian kanina.
Hinanap ng mga mata niya ang kapatid na noon ay nakalapit na pala at nakatayo na sa tabi niya. May hawak itong tasa ng kape at hinihintay siyang kunin iyon. Kung kaya mabilis niyang iniligpit ang iilan sa mga gamit upang maibsan na ang trabaho ni Layla, ang nakababata niyang kapatid.
"Ah, oo. Mayroon na kasing gustong bumili ng damit na idinisenyo ko para kay Ridge, Lay."
Mukhang natuwa ang nakababata niyang kapatid sa magandang balita na inihatid niya dahil lumiwanag ang mukha nito. Sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi nito at halos maningkit ang mga mata sa tuwa, animo'y ngumingiti rin ang mga iyon sa kanya, bago nito ipinilig ang ulo.
"Magandang balita nga 'yan, kuya! Sabi na nga ba namin nina mama at papa na maibebenta mo agad 'yon dahil pinaka-highlight ng event noon sa Manila! Tapos, ikaw pa ang personal na nag-asikaso? Plus points iyon!"
Humalakhak siya at kinuha ang kape mula sa kapatid. Hindi niya sinagot kaagad si Layla. Sa halip, hinipa niya muna ang kape bago sumimsim bagamat mainit-init pa iyon saka niya inilapag sa lamesa. "Sasabihin ko na ba kina mama? Sigurado akong matutuwa sila!" Dagdag ni Layla.
Umiling naman siya. "Di na, Lay. Ako na magsasabi sa kanila. 'Di lang kasi 'yan ang balita, e. Marami-rami rin kasing naging interesado sa Primivère mula no'ng event kaya masaya ako ngayon."
Pero syempre, hindi iyan ang highlight ng araw ni Lyle. Hindi riyan umiikot ang tunay na kasiyahang lumukob sa dibdib niya. Syempre, hindi lamang niya malaman kung paano ba sisimulan na magsabi sa kapatid dahil wala siyang makapang maayos na mga salita upang ipaliwanag ang kasiyahan niya.
Samantala, mataman silang nagkatitigan na magkapatid. Pareho silang walang ideya kung gaano iyon katagal ngunit kalaunan, pareho na lamang silang natawa at napawi noon ang namumutawing katahimikan.
"Kasama rin sa line up mo si kuya Ridge, 'di ba? Ang laking advantage no'n para sa Primivère, kuya! No wonder na ang daming interesado sa brand mo ngayon."
Mahina siyang tumawa. "Kung sa bagay, ang laki rin ng idinagdag na puntos para sa Primivère no'ng naidagdag ko sa line up si Ridge."
"Kaya dapat, lagi mo siyang inaaya na magmodelo para sa Primivère! Malay mo kuya, ma-develop din kayo sa isa't isa!"
Awtomatiko ang pagngiwi ni Lyle noong marinig ang wishful thinking ni Layla. Alam niyang hindi lingid sa kaalaman nito na matagal na siyang may gusto sa binata at kahit pa na matagal na ring hinihiling ni Lyle na magkaroon siya ng tsansa kay Ridge, naaawa naman siya kay Zamiel dahil matagal na silang magkasama ng binata.
"Ah, imposible na 'yan."
"Kuya, walang imposible sa mundo!" Buong pagmamalaking sabi ng nakababata niyang kapatid bago ito nagpakawala ng marahas na hininga. "Oo nga pala, alam ba ni kuya Ridge na ikaw 'yong nagtahi ng damit na sinuot niya?" Muntik muntikan nang mabura ang ngiti sa mga labi ni Lyle nang mabanggit ng kapatid kung alam ba nitong siya ang personal na nag-asikaso ng damit na isinuot nito noong event. Napalunok siya at bumaba ang mga mata niya sa sahig. Nabura na rin sa isip niya ang kasiyahang hatid ni Gian. Na-overthrow noong simpleng tanong ni Layla.
"Hindi niya alam pero okay lang 'yon. Baka 'di rin naman maging interesado si Ridge kung malalaman niya, e."
"Luh, si kuya naman. Sayang opportunity! Edi sana, narinig mo siyang pinuri ka!"
"Pinuri naman niya 'yong damit kahit 'di niya na nalaman na ako 'yong nagtahi. Okay na 'yon."
Humimig si Layla. "Edi okay, pero kaya ka rin ba extra happy ngayon dahil naaalala mong pinuri niya 'yong damit?"
Awtomatikong nag-isang linya ang mga labi ni Lyle at napaisip. Ni minsan, hindi sumagi sa isipan niya na alalahanin ang papuri ni Ridge sa damit. Though, he can still remember it vividly, Lyle just could not afford recalling the compliment. Hindi rin naman dahil nasaktan siya nito sa parehong araw ng event.
Sadyang... mas kuntento siya na naisuot ni Ridge ang damit. Iyon lang.
Habang nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip, saka rin sumagi sa isipan niya ang papuring natanggap mula kay Gian. Mas malinaw iyon sa isipan niya, marahil dahil bago at kanina lamang nangyari.
"Ang ganda! Ang galing mo naman, Lyle!"
Halos kuminang ang mga mata ng binata habang manghang pinagmamasdan ang damit na ipinakita ni Lyle rito. Noong sa wakas ay mahimasmasan ito, nahihiyang nagpabalik-balik ang mga mata ni Gian sa kanya at sa cellphone niya. Naghalumbaba siya at ngumiti. "Mabuti naman at nagustuhan mo. 'Yan 'yong design na binibili sa 'kin ng store na kausap ko kanina, e."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Talaga?! Kung sa bagay, 'di sila lugi! Ang ganda ng design! Pakiramdam ko, kumportable ring isuot!"
Parang batang napakurap kurap si Gian at malawak siyang nginisian. Pinasadahan muli nito ng mabilis na tingin ang damit na ginawa niya para kay Ridge bago nito dinala ang mga mata para hanapin ang kay Lyle.
"Di kataka-takang nabenta agad 'to. May kung ano kasi sa damit na parang magnet, bukod sa si Ridge pa pala ang nag-model nito. Siguro kasi, alam mong pinaghirapan at pinagbuhusan ng oras?"
Wala sa sariling napakurap-kurap si Lyle. Hindi na rin napansin na nagbaba pala siya ng tingin sa kape at nakikita ang malabo niyang imahe mula sa likido. Wala rin siyang kaalam-alam tungkol sa bigla niyang pananahimik. Ngunit dahil naroon na sa repleksyon sa kape ang atensyon niya, hindi niya napansin ang pagpalya ng ngiti ni Gian.
"Ang swerte ni Ridge."
Parang kinurot ang puso niya nang umulit pa sa isipan niya ang boses ni Gian habang hinahangaan ang disenyo niya. Ang matamis na ngiti sa mga labi nito at ang mga mata nitong iba naman ang emosyong ipinapakita. "Kuya? Hoy, ayos ka lang ba?" Basag ni Layla sa malalim niyang pag-iisip.
Nahigit lang si Lyle mula sa malalim na iniisip nang marinig ang boses ni Layla. Nag-aalala dahil sa biglaan niyang pananahimik.
"H-huh?" Napamaang siya at ilang beses na kumurap habang nirerehistro kung ano ang mga nangyayari sa kasalukuyan. "Oo, ayos lang ako. Mukhang pagod lang yata ako sa trabaho?"
Nag-aalangan siyang tinitigan ng nakababatang kapatid. Hinawakan din nito ang noo niya upang masigurong wala siyang sakit.
"Parang nga! Magpahinga ka muna kaya, kuya?"
Tumango si Lyle at ngumiti. "Sige, uubusin ko lang 'yong kape tapos iidlip ako. Tawagin mo na lang ako 'pag kakain na tayo." "Okie, pahinga well, kuya!"
Matapos niyang magpaalam sa kapatid, tinalikuran na siya nito at naglakad na palabas ng kwarto niya. Noong oras na maiwan si Lyle, napahawak siya sa dibdib lalo na noong muli na namang lumabas sa isip niya ang imahe ni Gian na nagagalak para sa kanya. Ewan ba niya! Hindi siya maka-move on sa kung paanong matuwa ang isa para sa kanya! Nakaka-uplift ng mood!
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report