Can I be Him?
CHAPTER 7.3

NOONG mai-send na ni Lyle ang mensahe, isang malalim na buntong hininga ang siyang kumawala sa mga labi niya bago inilapag ang cellphone sa tabi. Tinapos na rin niya ang kinakain sa kabila ng kawalan ng gana, pati na rin ang mga gawaing tinatamad na siyang tapusin dahil wala namang makausap, naisip niyang simulan na nang sa ganoon e kahit paano, mapatay niya ang kabagutan.

Iyon ay hanggang sa mayroong mag-reply sa kanya. Dahil abala, hindi niya kaagad iyon pinagbigyang pansin. Nanatili ang mga mata niya sa mga papeles at noong nagkaroon na ng oras mula sa mga ginagawa, doon pa lamang niya nakuhang tignan ang mensahe.

+639XXXXXXXXX:

Hello? Sino 'to?

Nagtagal ang mga mata niya sa reply nito at napaisip sa isasagot. Ano ang isasagot niya sa "sino 'to?" samantalang siya dapat ang nagtatanong niyan dahil ipinipilit na iabot sa kanya ang numero nito. Ilang sandali rin siguro niyang pinagmasdan ang mensahe hanggang sa wakas, nakaisip na rin siya ng maisasagot sasabihin na lamang niya ang totoo, tutal, hindi naman talaga niya nakuha lamang sa kung saan-saan ang numerong ito. Bagkus, natanggap mula sa mga nagtatrabaho para kay Gian.

Me:

Ah, ako nga pala 'yong inaabutan niyo ng kaibigan mo ng numero sa Finesse. Um, my name's Lyle.

Matapos mag-reply, binalak na niya ang ipagpatuloy ang pagtatrabaho nang kaagad na nag-reply ang kausap. Nabigla pa rin si Lyle bagamat inasahan ang mabilis nitong response. Ang bilis kasing nag-ping ng notification, mukhang keyboard warrior pa yata itong ka-text niya. Nevertheless, wala sana siyang balak pansinin kaagad ngunit may kung ano sa mensaheng iyon na napukaw ang atensyon niya. +639XXXXXXXXX:

Lyle?!

Pa'no mo nakuha number ko?!

I mean, sinong nagbigay?!

'Tsaka, anong inaabutan? Sinong kaibigan?

Napasinghap si Lyle noong mabasa ang mga susunod na mensahe. Alam niyang mabilis na mag-type itong kausap niya pero hindi niya naman inasahang tatadtarin siya nito ng mga mensahe? Nakaramdam tuloy ng pagsisisi si Lyle na nag- text pa siya dahil may kung ano nang vibe na nagsasabi sa kanyang kukulitin siya nitong kausap niya palagi. Iyon lang ang first impression na nakuha niya dahil imbes na mag-send ng isahang mensahe, ipinaghiwa-hiwalay pa nito ang mga sasabihin sa kanya.

Magtitipa na sana siya ng maisasagot para magpaliwanag noong may susunod na mensahe pa itong isinend. Bumuntong hininga na rin noon si Lyle at binasa ang susunod na mensahe ngunit sa huli, roon pa lamang niya naintindihan kung bakit tila ba natataranta itong kausap niya!

+639XXXXXXXXX:

Sorry, this must be weird for you that I'm responding like I know you-but I do, believe me!

By the way, this is Gian.

"Ha?"

Hindi makapaniwalang napasinghap si Lyle noong sa wakas e magpakilala na ang tinext niya. Kumibot pa ang isa niyang kilay sa hindi inaasahan na plot twist ng taon! Paano at nangyari ito?! Bagamat maganda na nakuha niya ang numero ni Gian ng hindi man lang pinagpapawisan, hindi naman niya maiwasan na magtaka! Pagkakataon lamang ba talaga na numero ni Gian ang nasa papel na ibinibigay sa kanya?! Sino ang nag-set up sa kanila?!

NATATARANTANG binabasa ni Gian ang thread ng conversation nila ni Lyle. Iyong sama ng pakiramdam niya, hindi na niya magawang indahin dahil tila ba nawala na lang bigla at gumaling na siya! Sa tindi ba naman ng bungad sa umaga niya,

akala niya, magkakasakit lang siya pero boom plot twist! Biglang isinampal sa kanya ang presensya ni Lyle sa inbox niya noong matutulog na sana siya nang makapagpahinga!

"A-anong nangyari?! Bakit ganito?! Anong gagawin ko?!" Bukod sa reply-an si Lyle dahil hindi naman niya maiiwan ang binata! Saan ba kasi nakuha nito ang numero niya?! Sino ang taksil?!

With that in mind, he immediately found his way to his messenger in order to open the app and send a message to his friends. Hindi niya talaga maiwasang pagsuspetyahan ang mga ito sa mga nangyayari dahil sila lang din ang mga malalakas ang sapi! Kinakabahan na siya. Ni hindi pa niya nakukumpirma kung si Lyle nga ba ang kausap ngunit tiwala naman siya sa mga barkada na hindi siya ipa-prank ng mga ito.

Ang ironic! Pinagsususpetyahan niya sila pero pinagkakatiwalaan niya rin. Ano ba talaga ang desisyon mo, Gian Cyrus?! Pick a struggle!

Mabalik sa usapan, hindi naman na sila high school! Hindi na uso ang mag-text prank lalo na kung bibili ng panibagong sim. Wala rin namang nagpapalit ng numero sa buong barkada niya. Nag-upgrade ng sim ngunit hindi bibili ng bago! Pare-pareho lang naman silang mga kuripot!

Me to MGA VAKLA NG TAON:

Hoy! Sino sa inyong nagbigay ng numero ko kay Lyle?!

Nakakahiya iyong pangalan ng group chat. Ang gago ni Zachariel noong pinalitan niya ng ganyan iyong pangalan ng gc nila. Ang malala pa, wala man lang umapila! Kahit si Leon na isa sa mga marereklamo bukod kay Zamiel, hinayaang ganyan ang pangalan ng gc! Ano ba kasi ang ibig sabihin niyang vakla ng taon, ha?

Noong hindi siya kaagad na nakatanggap ng response sa mga kaibigan, kinamot muna ni Gian ang ulo at muling napaisip. Nagpalunod siya sa dagat ng mga bumabagabag sa kanya, pilit na tina-track kung sino sa mga kakilala ang nagtaksil sa kanya. Imposibleng isa sa mga crew niya, pero posible na ginamit sila. Lalo na, kuryoso ang mga iyon sa iniaakto niya tuwing nariyan si Lyle! Mga malisyoso kasi sila!

Kinabahan si Gian nang makatanggap ng mensahe. Lalo tuloy sumasakit ang ulo niya. Baka tumaas pa lalo ang temperatura niya kung magpapaka-stress siya.

Patayin sa sindak si Zach // don't butcher my nickname mofos (Zamiel):

Oh, he already texted you? Good for you.

qo qo Pow3R,,, R4nq3r!! (Zach):

Ano?! May nagbigay?! Bwakanang shit naunahan pa 'ko sa plano ko!

P3NqË nMaN j0w4 (Leon):

Sino si Lyle? Iyong crush mo?

Napahilamos siya ng mukha nang makita ang mga sagot ng kaibigan. Tatlo pa lamang silang nagre-reply. Si Ridge, wala pa ring balita. Iniisip niyang baka abala ito o may trabaho ngayon. Hindi naman kasi niya alam ang schedule nito. Si Zamiel lang ang may alam.

"Si Ridge na lang talaga. Baka siya ang susi," pagkausap niya sa sarili.

Napatalon si Gian sa gulat nang tumunog ulit ang notification niya. Umaasa siyang si Ridge na ang nag-reply ngunit halos mahulog niya ang cellphone nang makita ang numero ni Lyle.

Oo, hindi niya pa rin iyon nase-save dahil sa kaba! +639XXXXXXXXX:

Sayo tong number? Binigay lang sakin e. That's weird.

Ang bilis ng pintig ng puso niya. Pakiramdam niya, aatakihin siya sa puso lalo na, unang beses niyang natanggap ang mensahe ni Lyle. Ang akala pa nga niya noong una, may problema sa café niya at isa sa mga trabahador ang nag-text. Noong nabasa naman niya ang mensahe nito, ang akala naman niya ay wrong number. O hindi naman kaya ay isang creep.

But no! It was Lyle in all of his glory!

+639XXXXXXXXX:

Btw ayos ka lang ba? Wala ka sa cafe ngayon. Sinabi sakin na may sakit ka.

Napasapo siya ng mukha at halos ibaon ang sarili sa mga unan niya. Nag-aalala si Lyle sa kanya. Bagamat hindi bago dahil mabait talaga ang binata, hindi niya mapigilang makaramdam ng tuwa.

Noong mahimasmasan na siya dahil para siyang bata na nagfa-fan boy sa wala, nagtipa na siya ng maisasagot kay Lyle.

Me:

Ayos lang ako! Nagtataka lang kung sinong nagbigay ng numero ko sayo.

Naisip niyang hindi pa naman magre-reply si Lyle kung kaya naman naisipan niyang mag-reply na sa mga barkada. Hanggang sa napansin niya ang sagot ni Zamiel sa kanya.

Imposibleng ito. Sa brusko ba naman nito. Kahit na bumait si Zamiel, hindi ito makikialam sa buhay niya.

Unless... unless he knows something.

Magtitipa na sana siya upang magtanong kay Zamiel nang sa wakas ay mag-reply na si Ridge. Ito tuloy muna ang inasikaso niya.

Fridge [ (Ridge):

Slr. Photoshoot just got done.

That's an interesting story though. Nice, enjoy texting him, Gi.

Nahulog ang panga niya at nanlaki ang mga mata habang paulit-ulit na binabasa ang pag-amin ni Ridge. It was Ridge! He feels as though the culprit behind this commotion is none other than Ridge! Bakit ba hindi niya naisip ito?! Fridge I (Ridge):

It was the perfect plan, bro. Glad it worked.

Me:

Bastos ka, Ridge!

Gusto niyang ibaon ang sarili sa hiya. At oo, siya pa ang nahihiya para sa ginawang kalokohan ni Ridge! Palibhasa, hindi niya inaasahan kung kaya ngayon, nagbabalak na siyang maghukay ng magiging libingan niya sa likod bahay nila.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Pero pupwede rin namang sumabog nalang at magsabi ng masasamang mga words. Kaya lang ay hindi naman siya ganoon.

Napapitlag si Gian at nahigit mula sa pagmumuni-muni nang marinig ang pagkatok mula sa pinto ng kwarto niya. Hindi na rin niya kinailangan pang sumagot dahil binuksan din ng ina niya ang pinto bago pa niya maibuka ang bibig para magsalita.

"O, ba't ang kalat ng kama mo?" Tanong nito sa kanya nang mahuli siya sa akto.

Marahan namang bumangon si Gian. Pilit na itinatago ang pagkapahiya, ngunit sa ginawa, nakaramdam siya ng pagkahilo kaya kaagad din siyang sumandal sa headrest ng kama.

"Sorry ma, sina Ridge kasi, pinag-trip-an ako kaya nakalat ko 'yong kama."

Nakita niya ang pagdaan ng pag-aalala sa mukha ng ina kung kaya naman iniangat niya ang mga kamay at mahinang tumawa.

"Di naman po big deal. Kaunting damage lang naman." Malaki para sa natitirang kakapalan ng mukha niya, though. "Ayos lang po ako, ma."

Nang makitang mawala ang pag-aalala sa mukha ng ina, lihim siyang bumuntong hininga bago masuyong nginitian ang ina at hinintay itong lumapit sa kanya. Saka lang napansin ni Gian na may hawak pala itong tray na naglalaman ng bowl ng lugaw at isang baso ng tubig.

Lihim siyang ngumiwi. Kahit kailan, hindi niya talaga nagustuhan ang lasa ng lugaw, e. Palibhasa, bland.

"Kumusta na nga pala 'yong mga kaibigan mo, Gian? Matagal na rin mula no'ng huli silang dumaan dito, a."

Inilapag ng ina niya ang tray sa side table. Umupo rin ito sa gilid ng kama niya at agad na nai-spot-an ang cellphone niya. Nang makita ang pagkunot ng noo nito, mabilis na hinablot ni Gian ang kagamitan at itinago sa likuran niya. Baka mapagalitan pa siyang imbes na magpahinga siya e nagse-cellphone pa siya!

"Ayos lang po sila." Tipid siyang ngumiti at inalala ang mga mukha ng sakit sa ulo niyang barkada. "Si Zach po, lumalago ang business. Si Leon, dumarami na naman daw ang mga proyekto. Iyong magjowa ma, busy na rin."

Nang matapos magsalita, lumitaw sa isipan niya ang imahe ni Ridge. Napapikit siya at napakagat ng pang-ibabang labi, naaalala na naman ang kalokohan ng kabarkada niya. Isang batok lang. Nais niyang mabatukan si Ridge kahit isang beses lang! Nakakagigil, e!

Tumango-tango ang ina ni Gian. Doon palang din ito umupo sa gilid ng kama niya. Halos namutawi ang katahimikan sa pagitan nila nang hawakan ng ina niya ang kamay niya. Nag-angat siya ng tingin sa ina at naabutan itong pilyang nakangisi.

"Gian, kailan ka pala mag-uuwi ng kasintahan mo rito?"

Umawang ang mga labi niya, kumibot din ang isang kilay niya at hindi makapaniwalang napatitig sa ina. Noong makabawi, halos masamid pa siya sa sariling laway! "Si mama naman! Wala pa sa isip ko 'yan!"

"Naku Gian, sa edad mong 'yan, 'di na ako mamimili. Kahit lalaki pa ang iuwi mo!"

"M-ma! Sa'n mo naman nakukuha 'yang mga ideyang 'yan?!" Sino naman sa mga kabarkada niya ang babatukan niya at may ganito nang mindset ang ina niya?! Humagikhik ang ina niya. "May nabanggit sa 'kin si Zach nitong minsan, e."

Gian gasped. Huwag niyang sabihing si Lyle ang binanggit nito! Sabi nang hindi nga siya interesado kay Lyle sa ganong paraan, e! Ah, humanda talaga sila! Babatukan niya sila!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report