Can I be Him?
CHAPTER 8.2

"SO, it was really Ridge who gave your number to me, isn't he?"

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Gian nang mapansin niya ang pagkadismaya sa boses ni Lyle. Sabi na nga ba, e. Kaya ayaw niyang sabihin dito na kay Ridge galing ang kalokohan, alam niya kasing malulungkot ang binata. Ayaw pa naman niyang ganoon dahil mabait itong si Lyle. Kaya ito siya ngayon, pilit na itinatago ang hiyang nadarama sa pamamagitan ng pag-aktong malakas. Ikinasisiya niya pa ang katotohanang hindi naman siya nakikita ni Lyle kung kaya malakas ang loob niyang umarte hindi nito makikita na maging siya rin e nadidismaya.

Gusto ni Lyle si Ridge, kaya sino ba ang hindi madidismaya kung iyong taong gusto mo, isi-set up ka sa iba? He, too, would feel upset if this also happened to him.

Alas diyes na noon ng gabi at magkatawagan na lamang sila ngayon ni Lyle. Hindi na mabilang ni Gian kung gaano katagal na silang babad sa tawag, ngunit ito ang unang tumawag sa kanya matapos ang trabaho nito. Ang sabi, gusto siyang kumustahin kung kaya naman pinaunlakan niya rin. Hindi naman niya inaasahang magtatanong ito tungkol sa set up na nangyari at malalaman nitong si Ridge pala ang nagbigay ng numero niya sa binata, ano! Nagbigay ba siya ng maraming clue?

Tumikhim si Gian para ipunin ang natitirang tindig sa bawat sulok ng katawan, tapos ay nagtanong siya, "ang sabi ni Zamiel, matagal na raw mula no'ng sini-set up nila tayo. Kailan mo natanggap 'yong unang numero galing sa memo pad namin?"

"Halos dalawang linggo na rin yata no'ng natanggap ko 'yong unang note. Balak ko pa nga sanang ibigay sa kaibigan ko dahil 'di ko naman din magagamit, e."

Nag-angat siya ng tingin sa kisame at napaisip. Halos dalawang linggo? Bakit hindi niya iyon napansin? Na may kababalaghan na pa lang ginawa si Ridge? Kaya ba ito nagtatanong noong minsan kung may nag-text na ba sa kanya? May mga clue na pala tapos hindi pa rin niya napansin! Ang manhid naman ni Gian?!

"No'ng ibibigay ko na sana, nakita pa 'ko ni Ridge kaya 'di ko rin naibigay sa kaibigan ko 'yong numero. Ang weird pero 'di ako nagsuspetya, iyon pala, sa kanya na galing 'yong memo," pagtutuloy nito sa kwento bago ito mahinang tumawa. Hindi makuha ni Gian na ngumiti noon dahil alam niyang may ibang emosyon sa likod ng tawang iyan, "nag-gym kasi siya non. E, gym instructor niya iyong kaibigan ko. Kaya pala noong inaabot ko na kay Keegan, ayaw niyang ibigay ko." Humimig siya. Ang sneaky ni Ridge. Wala man lang nakapansin ng ginagawa nito, at iyon ang nakasisiphayo. Kung sigurong mas nabigyan niya ng pansin ang paligid at mas ibinuhos ang atensyon sa posibleng kalokohan ng mga kaibigan, hindi naman mangyayari na ganito ang ganap! Oo, masaya siya na awtomatiko na lamang na lumapit sa kanya si Lyle at nakuha pa niya ang numero nito nang walang kahirap-hirap, pero iyong kahihiyan? Hindi sapat ang saya niya para ipataob iyon!

"Is that so..." was all that Gian could reply. Wala talaga siyang masabi dahil nilulukob siya ng hiya. Nilalamon at nilulunod doon.

"Dalawang numero nga pala ang nakasulat do'n sa papel na ibinigay sa 'kin. Kanino 'yong isa?"

Kumunot ang noo ni Gian at awtomatikong lumipat ang mga mata niya sa cellphone bagamat nakalagay iyon sa tenga niya. Huh, dalawang numero? Iisa lang naman ang sim ni Gian at hindi niya ito napalitan mula noong high school siya! "Isa pang numero?" Pag-uusisa niya.

"Oo, dalawa kasi iyong binigay ni Ridge. It is weird how the letter was written but really, dalawa ang numero rito."

"Pa'nong dalawang numero? Ibig sabihin, 'di lang akin ang nakalagay diyan sa memo na pinaabot sa 'yo?"

Mahinang humimig si Lyle, kinukumpirma ang naisip niya. Lalong kumunot ang noo ni Gian at hindi na niya malaman pa kung ano ba ang magiging reaksyon.

"Gusto mo bang basahin ko?"

"Kung ayos lang sa 'yo." Kuryoso siya.

Nagpaalam noon si Lyle na kukunin lang ang mga memo. Samantalang siya, tahimik at pasensyosong naghihintay. Lumipas ang kalahating minuto, bumalik din si Lyle at ibinungad sa kanya ang mga nakasulat doon. At nang marinig ang nilalaman ng memo na natanggap ni Lyle, napasigaw siya dala ng pagkagulat, kahihiyan, at pagkasiphayo!

"Ganyan niya sinulat?! Walang hiya talaga 'tong si Ridge! Pangarap ko siyang batukan! Kung 'di lang poprotektahan ni Zamiel!"

Napahagalpak ng tawa si Lyle sa reaksyon niya. "Kala talaga siguro nila, may gusto ka sa 'kin."

Ayun na nga, e. Ilang beses niya ring nilinaw sa mga ito na wala siyang kahit na anong nararamdaman para kay Lyle! Ang unfair ng buhay!

"Ewan ko sa kanila! Ang lilikot ng mga isipan kahit na nagpaliwanag na ako!"

Muling humalakhak si Lyle. "Ba't ka ba kasi nahihiya sa 'kin? Pati 'yong kaibigan ko, napagkamalang may gusto ka sa 'kin."

Ayaw na niyang marinig kung anuman ang idudugtong ni Lyle! "Mahiyain talaga ako kaya misleading! Problema ko na rin talaga 'to mula noon, e. Pasensya ka na talaga, Ly." "Uy, ayos lang. Ano, gusto mo na bang kunin 'yong isang numero na binigay ni Ridge?"

"O-oo nga pala." Tumikhim siya at kumuha ng notebook at ballpen mula sa drawer ng side table niya.

At habang abala siyang naghahanap ng malinis na pahina, nagsalitang muli ang kausap.

"Magsabi ka rin pala kung sumasama na ulit ang pakiramdam mo, a. Naiintindihan ko namang kailangan mong magpahinga."

Pinamulahan siya ng mga pisngi. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at pinipigilan ang sarili na mataranta dahil sa pag-aalala nito.

"Magsasabi ako. Pero ayos na talaga ako, e! Nakapagpahinga na 'ko kanina. Iyong numero pala, pwede mo nang i-recite. Um, nakahanap na 'ko ng mapagsusulatan." "Sige, sandali lang. 09..."

Nang ni-recite ni Lyle ang numero, isinulat naman iyon ni Gian sa notebook niya. Pinaulit niya pa kay Lyle para lang makumpirmang tama ang nailagay niya.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Noong ayos na, hinanap niya ang numero sa phone book niya, and it turns out that the bait was Ridge's personal number. Hindi na siya nagtataka na naikwento pa ni Zamiel na pinag-awayan nila ni Ridge itong kalokohan niya. Pero hindi niya alam na ito pala ang dahilan! So that was the reason why Zamiel was fuming mad that night!

Pero sasabihin ba niya? Panigurado siyang magagalit si Zamiel. Isa pa, ano na lamang ang sasabihin niya sa isang iyon kung bigla na lamang i-text ni Lyle si Ridge? Sigurado siyang ipapatalsik siya ni Zamiel. Takot niya na lang sa isang iyon! "Um." Gian trailed off. He is hesitating, and it took him a while to make a decision. "Ay, 'di ko alam kung kaninong numero 'yan! Mukhang gawa-gawa lang ni Ridge."

"Talaga?"

Napalunok si Gian noong mukhang hindi kumbinsido si Lyle sa sinabi niya. Nahila niya ang kwelyo ng suot na damit at saka iyon ipinaypay sa sarili. Ang lakas naman ng aircon sa kwarto niya pero mukhang uminit bigla? Pakiramdam nga niya e malapit-lapit na siyang pagpawisan!

"Mabuti na lang, 'di ko sinave," dugtong ni Lyle pagkatapos ng katahimikang bumalot sa pagitan nila.

Kabado siyang natawa. "O baka numero ng iba niyang kaibigan ang nilagay niya? Ang lakas kasi ng amats ni Ridge. He's a silent tripper."

Ang sarap talagang batukan ni Ridge at dinadamay pa siya sa mga kalokohan! Hindi pa naman ugali ni Gian ang pagsisinungaling.

Natigilan siya noong marinig niyang may lariputin mula sa kabilang linya si Lyle. Tunog papel, kaya inisip niyang baka iyong memo na ibinigay ni Ridge iyong ginusot nito at itinapon. Lihim siyang nakahinga ng maluwang nang maisip na baka pakiramdam ni Lyle e walang kwenta kung itatago pa nito ang kalokohan na ginawa ni Ridge.

"Anyway, kumain ka na ba, Gian?"

Naningkit ang mga mata ni Gian. Noong mga nakaraang taon, nauso bilang linyahan ng mga pa-fall itong linyang ito, a.

Napailing-iling siya. Gian! Nagtatanong lang iyong tao. At saka ano naman kung ganon?! Hindi naman ikaw ang gusto niyan. Natigilan siya sandali noong may kumurot na kung ano sa puso niya pero mas lalo lamang siyang napailing-iling. Wala ka ring pakialam kung hindi ikaw ang tipo niyan. Straight ka, straight!

Nakakahiya siya. Kung siguro naririnig lang ni Lyle ang iniisip niya, baka kanina pa nito pinatay ang tawag.

"Maaga pa, nagluluto pa lang si mama. Ikaw ba?"

"Baka mamaya pa rin. 'Di pa 'ko tawag ng kapatid ko."

Umangat ang mga kilay ni Gian at bigla na lamang siyang naging interesado sa pamilya ng binata. "May kapatid ka pala?"

Mula riyan, marami silang napag-usapan ni Lyle. Mula sa kapatid nito hanggang sa alma mater nila noong high school at college. It turns out that they went from the same schools! Nakakapagtaka lang daw na hindi sila nagkikita, sabi ni Lyle. Huh, if only he knew that Gian knew him back then. He had heard a lot of things about Lyle during high school since a news blew out about him. After all, Lyle used to be one of the 'high school crushes' his school had been gawking over with before.

Lumipas ang mga oras, tumigil lang silang dalawa mag-usap nang tawagin ng kapatid si Lyle upang kumain, ngunit nagpatuloy sa text ang usapan nila.

"Papasok ka na ba bukas?" Tanong ni Lyle nang tumawag ulit matapos niya magsabi na tapos na siyang maligo.

Humimig siya at kinuha ang paborito niya na pantulog. "Kung hindi ako mabibinat?"

Mahinang natawa si Lyle sa sagot niya. Paano ba naman kasi ay hindi rin siya sigurado. "Kung magpapahinga ka ng maayos ngayon, 'di ka talaga mabibinat." "Iti-text kita kung hindi ako makakapasok bukas, Lyle."

Matapos sumagot, inilayo niya ang cellphone mula sa tenga at pinindot ang loud speaker. Inilapag niya rin ang device sa study table niya habang isinusuot ang pantulog.

"Wag ka kasing magpuyat 'pag working days," payo ni Lyle.

"E, nakaka-stress ang trabaho."

"Kahit pa. Maglaro ka pero 'di naman sana aabot sa puntong 'di ka magpapahinga. T'wing weekends mo ibuhos ang oras sa mga video games, Gian. Sige ka, hihina ang negosyo mo kung madalas kang absent." Gustong matawa ni Gian sapagkat parang ina niya magsalita si Lyle, pero kabado rin siya sa sinabi nito na baka humina ang negosyo sa pag-aabsent niya. Posible kasi iyon.

"Ngayon lang naman ako nagkasakit," bulong niya.

"Kaya nga kita pinagsasabihan, e. Sayang ang café mo, favorite place ko 'yon."

Napangiti siya nang marinig na paboritong lugar pala ni Lyle ang café niya. Nakuha pa niyang magtanong kung anong paborito niya sa lugar at nagulat nang makatanggap ng detalyadong eksplanasyon mula sa binata.

ALAS DIYES. Malalim na ang gabi noong magpaalam si Lyle na may gagawing trabaho. Binilinan pa siya nito na matulog na at nang makapagpahinga, ngunit ito si Gian ngayon at nakangiting nakatitig sa skrin ng cellphone niya. Paanong hindi rin siya matutuwa kung ang call log niya, puro pangalan ni Lyle? Sunud-sunod pa dahil hindi naman tumatagal ng isang oras ang tawag dahil sa policy ng mga telecom dito sa Pilipinas!

Gusto niyang sumigaw sa tuwa!

Hindi na tuloy niya alam kung gusto pa ba niyang batukan si Ridge o kamayan ito at magpasalamat ng marami. Pero pangarap niya pa ring batukan ito! Hindi niya alam, tignan niya bukas. Bakit ba ang saya-saya niya?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report