Can I be Him? -
CHAPTER 3.2
Kung hindi ba naman magulo ang set up nila. Magkakakrus ang mga magkakausap at bilang malalakas ang boses nila, dama ni Lyle na nakakaistorbo na sila ng ibang customer. Nevertheless, he cannot help it but to watch Gian chuckle nervously and scoot away from him. Gusto niya sanang sabihing ayos lang na mapalapit ang distansya nila ngunit mukhang hindi ito kumportable sa kanya.
After he gave him coffee latte, though? No, kidding.
Mukhang si Zamiel lang yata ang napagod sa set-up nila sapagkat napahilamos ito ng mukha, napailing, at saka marahas na bumuntong hininga.
"Can't we go yet? We've been standing here like idiots and Ridge, you're disturbing customers," tuluy-tuloy nitong sabi at saka sila tinapunan ng matalim na tingin.
"Oh?" Pinasadahan ni Ridge ng tingin si Keegan at Lyle. "Upung-upo na yata 'yong mahal na prinsipe, sa susunod na lang ulit. See you both, Corgi, Lyle."
Noong magpaalam si Ridge, sumunod si Gian ngunit tanging pagtango lamang ang ginawa nito bago nagkukumahog na makalayo sa kanila. While Zamiel just walked the way he always does with Ridge clinging onto him. "Dalian mo, Gonzales. Pag-uuntugin ko kayo ni Gian, sige," banta pa nito.
Palayo na ang mga ito ngunit narinig pa rin niyang nagreklamo si Ridge. "Dinadamay mo na naman ako, e. Papansin ka talaga. Mahal na mahal mo 'ko, 'no?" "Malapit na kamo kitang itapon sa basura, Ridge."
Noong makalayo na ang mga ito, roon pa lamang humupa ang kaguluhan. Napahawak si Lyle sa dibdib at simpleng napabuntong hininga bago hinanap ng mga mata si Keegan na nakapameywang at nakapukol ang mga mata sa magkakaibigang dumaan.
"Gusto mo pang mag-order?" Pag-uusisa nito noong makita ang ekspresyong nakapinta sa mukha niya.
Ngumiwi si Lyle at tumango. "Ayaw kong biglang umalis dahil lang nandiyan sila. E, nagkayayaan tayong manatili pa rito."
"Ang sabihin mo, gusto mo lang makita si Ridge kahit kasama niya jowa niya-joke." Nag-peace sign ang binata ngunit nagkibit balikat. "Pwede naman tayong mag-Jollibee na lang imbes na rito kung 'di ka kumportable." "No, I'm fine. Let's stay. Mag-o-order na muna ako."
With that, Lyle left Keegan on their table to get place their orders. Mabilis lamang iyon dahil hapon at wala pang gaanong tao sa café, kaya mabilis din niyang nabalikan ang kaibigan.
Sa kasamaang palad, habang paupo siya, tumama ang siko niya sa lamesa kung kaya nakaramdam siya ng paghihilakbot. Para siyang nakuryente!
"Ang sakit!" Reklamo niya habang minamasahe ang siko.
Nagtataka siyang pinagmasdan ng binata. "Ha? Anong masakit?"
"Ah, wala. Tumama lang siko ko sa gilid ng lamesa."
Tumango-tango ito at iniba ang usapan. "Nga pala, iyon 'yong boyfriend ni Ridge? Awit, a. Mahigpit nga pala talagang kalaban."
Lihim siyang bumuntong hininga nang umatras si Keegan at sumandal sa upuan. Ipinagkrus din nito ang mga braso bago ipinilig ang ulo upang igala ang mga mata at tukuyin ang kinaroroonan ng mga dumaan kanina. "Mukhang kahit masama ugali no'n, head over heels din kay Ridge, a. Ibang klase."
Mahina siyang humimig para sumang-ayon.
Hindi niya napansin ang pagkuyom ng mga kamay niya habang iniisip ang lahat ng kalamangan ni Zamiel sa kanya. Nakakapangselos. Palagay niya ay iyon talaga ang dahilan ng inferiority complex niya.
Samantala, napansin ni Keegan ang pagiging tahimik ni Lyle. Napansin niya rin ang marahang pagkuyom ng mga kamay nito noong oras na ibalik niya ang tingin sa binata. Kaya naisip niyang ibahin ang usapan. "Oo nga pala, Ly," tawag niya rito.
Nahigit si Lyle mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang boses ni Keegan. Mahina iyon at kalmado, kaya nakakapanibago. Umangat ang mga kilay niya at tumuwid siya mula sa pagkakaupo, bago kumunot ang noo at nginitian ang binata. "Ano?"
Halos maningkit ang mga mata niya nang mapansin niya ang multo ng ngiting naglalaro sa mga labi ni Keegan. Ngunit hindi niya iyon pinuna at sa halip, pasensyosong hinintay ang idudugtong ni Keegan sa dapat na sasabihin. "Sino pala 'yong kasama nina Ridge na lalaki? 'Yong nakasalamin?"
Napaismid si Lyle. "Bakit? Type mo?"
Ah, Gian. Naalala niya tuloy na nagtataka siya kanina kung anong relasyon nito kina Ridge at Zamiel, pati na rin kung bakit parang naging pamilyar ito nang makita niyang kasama nito ang dalawa. "Ungas! Straight ako. Itatanong ko lang ba't parang hiyang-hiya sa 'yo, 'yon. Crush ka ba no'n?"
Umawang ang mga labi ni Lyle. "What are you saying? No, he doesn't!"
"E, sino 'yon?"
Nag-isang linya ang mga labi niya at napaisip kung paano magpapaliwanag. "His name is Gian, siya 'yong may-ari ng café na 'to. I don't know why he acts like that but I'm assuming that he's just shy." Habang nagpapaliwanag, ipinikit niya ang mga mata nang hindi makita ang itsura ni Keegan. Mapang-asar kasi itong nakatingin sa kanya at panay ang tingin kay Gian. "Baka may gusto sa 'yo."
Namilog ang mga mata niya at namula ang mga pisngi bago ibagsak ang kamay sa lamesa upang itanggi ang paratang ni Keegan.
"Wag kang asyumero!"
"Nagsasabi lang at 'di naman malayo! Sino ka ba kasi para sabihing 'di ka tipo no'n?" Nagpahalumbaba ang kaibigan. "Matanong nga si Ridge."
KANINA pa nakakaramdam ng matinding hiya si Gian mula nang umakto siyang daig ang natatae sa harap ni Lyle. Wala naman siyang problema kay Lyle dahil ilang beses na siya nitong nakitang nahihiya sa paligid niya ngunit... Ibang usapan kung itong sina Ridge at Zamiel ang makakasaksi ng matindi niyang katangahan.
"So Lyle, huh. I knew you swing that way," Ridge said mischievously.
Nakahalumbaba ito at tinatapik ang pisngi gamit ang hintuturo. Hindi lang iyon, tila sumasayaw ang mga mata nito sa pagkaaliw. Halos yakapin ni Gian ang sarili dahil sa intimidasyon sa tingin ni Ridge. At kung hindi lang sinipat ni Zamiel ng tingin ang kasintahan at nilaro ang buhok nito, hindi pa titigil ang kaibigan sa pang-aasar.
Hindi nakatakas sa mga mata ni Gian ang panlalambot ng itsura ni Zamiel habang nakatingin sa kaibigan. Ngunit nang ipilig ni Ridge ang ulo upang makita si Zamiel, mabilis na nabura ang kabaitan sa itsura nito at lumukot ang mukha. "Instead of teasing Gian, why not order something first, you piece of shit? Puro ka pang-aasar, tiyan mo, wala pang laman," asik nito bago kinurot ang pisngi ni Ridge.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Ganito ito umarte pero mahal na mahal naman si Ridge. Imbes na sumagot ay mahinang tumawa si ridge at sinunod ang gusto nito. Ngunit syempre, matanong talaga si Ridge-matakaw sa detalye kahit wala namang dulot sa buhay niya. "Sa'n mo nakilala si Lyle?"
Napaupo ng tuwid si Gian sa narinig at muli niyang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi. Habang tila namimilipit siya nang marinig ang pangalan ni Lyle, nakita niya ang pagngiwi ng ni Zamiel.
"So, you really swing that way?" Henuwinong tanong ni Zamiel.
Namilog ang mga mata niya at mabilis na napailing. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtanggi, napansin niya ang huling terminong ginamit nito.
"Did you just say 'too?""
Nerbyoso siyang humalakhak bago hinila ang kwelyo sapagkat para siyang nasasakal. Ngunit nabitawan niya iyon nang makita niya ang unti-unting pagbusangot ng mukha ni Zamiel.
"I-I mean!" Nautal na si Gian at kinailangan pang tumikhim para mabawi ang tindig. "Di ko naman ano, sinasabing may gusto ka kay Ridge kahit na sobrang halata—"
Nang makita niyang mas lumalim ang kunot sa noo ni Zamiel, mabilis niya ulit na binawi ang sinasabi. Pinasadahan niya ng tingin si Ridge upang humingi sana ng tulong pero abala itong tumawag ng crew na maaaring mag-assist sa kanila at napangisi nalang sa sinabi niya.
"Pero alam naman naming wala ka talagang gusto kay Ridge! Halatang halata naman na wala, e!"
Sarkastikong ngumiti si Zamiel at nagpahalumbaba. Tumango-tango rin ang binata sa kabila ng madilim nitong itsura.
"Parang gusto mong masaktan ngayon, a?"
"H-hindi, ano!"
Napahawak siya sa batok at nag-iwas ng tingin upang itago ang takot kay Zamiel. Muli niyang binalingan si Ridge na noo'y nakangiting nakatitig naman kay Zamiel. Napangiwi siya. Ang lalandi.
Nang mapansing nakatitig siya rito, kaswal lang na bumaling sa kanya ang binata. Animo'y walang iniwan na bahid ng pagkapatay na patay sa kasintahan. Ang wirdo talaga ng mga ito. "Iyong sagot sa tanong mo kanina Ridge," nilunok muna niya ang laway bago ipinagpatuloy ang sagot, "madalas si Lyle rito dahil malapit yata ang trabaho niya rito?"
Humimig si Ridge. "Right. Walking distance lang sa Primivère 'tong café mo. Saka, maganda ambiance ng café mo kaya siguro madalas si Lyle rito."
"Ba't mo alam?" Naiiritang tanong ni Zamiel na ikinahalakhak lamang ni Ridge.
"Because I'd go here too if I'm in an artist block," anito.
Sumagitsit si Zamiel ngunit hindi na nagsalita kung kaya inagaw na niya ang spotlight.
"Ano 'yong Primivère?"
Umikot ang mga mata ni Zamiel tungo sa direksyon ni Ridge. "O, ano raw 'yon at anong kinalaman sa crush niya?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Hindi ko nga siya crush," angal ni Gian.
Ibinaba ni Zamiel ang braso na ginamit niyang pangsuporta sa baba at inilapag iyon sa lamesa. Umangat din ang isang kilay nito sa kabila ng hindi nabuburang sarkastikong ngiti. "Of all people that you're trying to fool, why should it be me, Gian?"
Kumibot ang isa niyang kilay. "Di naman kita niloloko. Seryoso akong wala akong gusto kay Lyle!"
"My radar says otherwise."
Umismid naman si Ridge. "May radar ka para sa iba pero para sa 'tin, wala? Ayos ka, Zam. Anyway, Gi, Primivère is a new clothing brand owned by Lyle."
Bagamat namangha sa sagot ni Ridge, walang oras si Gian para sumagot doon. Lalo na, naunahan siya ni Zamiel.
"You're still thick-faced as ever. Bold of you to assume that I have a crush on you. Over my dead body, Ridge."
Saktong pagkasabi nito noon, dumating na ang mag-a-assist sa dalawa. At sa kapal ng mukha ni Ridge, humingi pa ito ng piraso ng papel mula sa memo na ginagamit nila sa pagkuha ng mga order. "Uy, Ridge, bilang 'yan!" Biro niya.
"Straw ba 'to sa seven eleven?" Pamimilosopo ni Ridge.
Natawa si Zamiel sa banat ng kasintahan. At kung hindi pag-ibig ang ilang beses na kumudlit sa asul nitong mga mata habang aliw dito, hindi na lamang alam ni Gian.
Matapos um-order, napansin ni Gian ang pagkaabala ni Ridge sa pagsusulat sa papel na hawak. Ngunit hindi niya iyon pinansin at kinausap nalang si Zamiel.
"Wala pa ba kayong balak na mag-live in? Madalas kasi si Zach dito. Naguguluhan kung ba't sleep over ang ginagawa niyo samantalang 'di na tayo mga bata."
Napaismid si Zamiel sa tanong niya. Animo'y napaka pambihira ng tanong niya at hindi na dapat pinag-uusapan. Iisipin sana ni Gian na hindi gustong kasama ni Zamiel sa iisang bubong si Ridge subalit alam niya ring hindi ganoon ang kaso. "Ewan ko kay Zamiel." Si Ridge ang sumagot sa tanong niya bago iniabot ang ballpen sa harap niya. Kinuha naman iyon ni Gian habang pinanonood si Ridge na itupi ang papel na pinagsulatan.
"Natatakot si Zamiel na masayang 'yong bahay kung maghihiwalay din kami."
"May balak pa pala kayong maghiwalay?" Napangiwi si Gian. Napapaisip. Sa loob ng sampung taon, iniisip pa rin nila ang maghiwalay? "Magbi-break pa ba kayo? Sampung taon na higit mula nong hinamon kayo ni Zach, pero wala namang nakikipag-break."
Nagkibit balikat si Ridge. "We're just great at playing this game, that's why."
Saktong sumagitsit ang kasintahan nitong nakikinig sa kanila. "I hate to admit it but you're just too stubborn that's why we lasted this long."
"See." Aliw na nagkibit balikat si Ridge bago humikab. "Masyadong matayong pride namin."
Imbes na sumagot ay tahimik lamang na pinanood ni Gian ang dalawa. Naguguluhan sa sitwasyon ng mga ito.
"Anyway, going back with Lyle," ani Ridge na nakapagpaupo sa kanya ng tuwid. Natawa ang mga ito noong makita ang reaksyon niya, "sabi mo, 'di mo crush?" Pinamulahan ng mga pisngi si Gian bago marahas na umiling. "Hindi nga!"
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report