Can I be Him?
CHAPTER 3.3

Lumipas ang mga oras magkakasama silang tatlo. Hindi na rin niya napansin ang pag-alis nina Lyle at ng kaibigan nito ngunit... sino ba siya para alamin pa ang bagay na wala namang halaga sa kanya?

Matapos nilang mag-bonding, nagpaalam na ang mga kaibigang aalis. Nag-aalala kasi si Zamiel nang magsabi si Ridge na inaantok na ito. Ayaw na ayaw pa naman ng binatang ganito si Ridge dahil halos kagagaling lang pala nito sa trabaho nang mag-ayang bisitahin siya.

"I told you. I freaking told you that we should've saved this visit for tomorrow but you lack common sense. Bwisit," panenermon ni Zamiel.

Nakangiwi silang nakikinig ni Ridge dahil hindi na naman ito titigil na tumalak hanggang mamaya. Posibleng umabot pa nga kamo ng oras ang inis nito sana na lamang e magaling manuyo si Ridge dahil paniguradong wantusawa itong makikinig sa bunganga ni Zamiel na takbo ng takbo.

Dinaig na nito ang nanay ni Ridge! Ngunit ngayong inoobserbahan niya ang dalawa, parang unbothered pa iyong sinisermonan! Halos isabit pa nga nito ang sarili sa mga balikat ni Zamiel. Nagpapabuhat dahil nanghihina na raw ito. "But I had fun today. Saka kung 'di tayo pumunta, wala akong malalaman, Zamiel. Ang boring mo pa naman. Step up your game, man."

Ayan. Mag-aaway na naman ang mga ito. Gusto na tuloy iwan ni Gian ang dalawa lalo na noong napapantastikuhan siyang pagmasdan ni Zamiel.

"The fuck are you challenging me for?" Anito.

"Kilos-kilos, baka maunahan tayo niyan," sagot naman ni Ridge, dahilan upang sipatin siya ng masamang tingin ng kasintahan. At kung nakamamatay lang ang mga titig ni Zamiel, marahil nakabulagta na si Ridge sa harapan nila. Magiging crime scene pa ang café niya? Napailing iling si Gian. Mabuti na lamang at hindi talaga nakakamatay ang tingin.

"Kung bored ka na sa 'kin, maghanap ka na ng iba. Makipag-break ka na nang manalo na 'ko!"

"Bored? 'Di ako mabo-bored sa 'yo, a. Mahal na mahal kaya kita."

Natigilan si Zamiel sa sinabi ni Ridge at tila ba tinangay na lamang ng hangin ang isasagot sana nito sa binata. "Tang ina. Ang sarap mo talagang ialay sa demonyo."

"You can't. 'Di ka pwedeng mag-alay ng demonyo sa demonyo. Alay mo na lang ako sa 'yo."

Natatawang pinakinggan na naman ni Gian ang usapan ng dalawa. Para pa ring mga bata kung mag-usap, e. Puro trashtalk samantalang hindi naman nagagawang makipag-break sa isa't isa.

"Mauuna na kami. Paplanuhin ko pa kung paano ko patatalsikin si Ridge," paalam ni Zamiel nang magsawa nang makipagtalo kay Ridge.

Nilingon naman siya ng isa at pilit nitong inabot ang balikat niya. Nang hindi maabot, umabante si Gian upang matupad na ang nais gawin ni Ridge.

"Hintayin mo nalang," anito na nagpakunot ng noo niya.

Ipinilig ni Gian ang ulo. "Hintayin ko ang alin?"

Imbes na sumagot, inalis na nito ang kamay sa balikat niya at lumipat sa harap ni Zamiel upang isiksik ang sarili sa katawan nito. Animo'y nais na itago ng binata ang kabuuan niya dahil sa pagod at hindi pa malamang mga dahilan. Bahagya namang itinulak ni Zamiel si Ridge. "Ang hilig mong mang-trip. Spare a pure soul, Ridge."

"Huh? It's for his sake," sagot naman nito.

Napangiwi si Gian habang nakikinig sa dalawa at mas naguluhan. "Anong meron? May alam ba kayong dapat kong malaman?"

"I don't know," ani Zamiel bago nagkibit balikat, "I wasn't looking at this guy while he was doing his shit. It wastes my time."

Awtomatikong nabura lahat ng emosyon sa mukha ni Gian at pagak siyang tumawa. Siya pa ang niloko ni Zamiel samantalang titig na titig ito kay Ridge kanina. Mabuti na lang kamo, hindi ice cream iyang kaibigan nila. Kung hindi, matagal na iyang natunaw.

Moreover, while he was busy thinking how he could reveal what Zamiel was doing the whole time, Ridge spoke up and stole the spotlight from his slow ass. "Aalis na kami. Good luck talaga sa 'yo, Gian," anito.

"Ha?!" Napatayo siya ng tuwid. "Ano ba kasi 'yan, Ridge? Ba't 'di mo sabihin sa 'kin?! May dapat ba 'kong paghandaan?"

"Ewan ko," natatawang anito saka hinila ang boyfriend para makaalis na. Syempre, bilang head over heels din ang isa, nagpadala naman si Zamiel kay Ridge.

Halos habulin pa niya ang dalawa, kung hindi lang siya tinawag ng isa sa mga katrabaho dahil may itatanong daw itong importante. Sayang! Hindi tuloy alam ni Gian kung ma-a-anxious siya o ano dahil sa pakabang hatid ni Ridge! 'Hello, me and my friend saw you at the café and thought that you look really cute! If you're straight, here's my number: 09XXXXXXXXX

But if you're into men, here's my friend's number: 09XXXXXXXXX.'

NAKANGIWING binasa ni Lyle ng paulit-ulit ang note na natanggap niya noong isang araw sa café. Nakasulat iyon sa isang maliit na papel galing sa memo na ginagamit ng mga nagtatrabaho roon sa tuwing kumukuha ng order. Pakiramdam ni Lyle, galing ito sa isa sa mga nagtatrabaho sa café. Ipinaabot lang talaga sa kanya gamit ang isa sa mga crew doon. Iisipin sana niyang baka galing ito kay Gian, considering the way he acts around him, but he does not want to assume. Noong araw naman kasi na ibinigay ito sa kanya, masyadong abala si Gian sa pag-e-entertain sa mga kaibigan.

Ewan din ba niya. Noong kinuha niya itong papel, akala niya morse code ang laman. Iyon pala, numero lang ng kung sinong nakatipo sa kanya-it is weird, though! It has been a long time since someone dared to hit on him. Bakit kaya hindi niya inasahan na ganito lang iyong laman noong papel? Awit sa kanya, minsan nga, tissue lang ang pinagsusulatan ng iba. Nabobo siya sa part na iyon.

"Sir, kanina ka pa nakatitig diyan sa papel, may problema ba?"

Naiangat niya ang mga mata nang marinig ang baritonong boses ni Kaleb. Marahil kuryoso dahil matagal na ring nananatili ang mga mata niya sa hawak na kapiraso ng papel.

"Ah, wala 'to." Ibinulsa niya ang papel bago siya bumuntong hininga. "May nag-abot lang sa 'kin ng mga numero nila no'ng bumisita ako sa café kasama 'yong kaibigan ko."

"Iyon bang nasa counter no'ng minsan, sir? Alam mo, duda na talaga ako ro'n. Baka naman gusto ka no'n?"

Bahagyang namilog ang mga mata ni Lyle dala ng gulat. Iyan na iyan din ang iniisip niya pero hindi rin naman siya pinapansin ni Gian. Sa kabila ng mga iniisip, nagkibit balikat siya at pagak na natawa.

"Hindi naman siguro. 'Wag nating pangunahan. Baka mamaya, kaya aloof sa 'kin si Gian e dahil mahiyain talaga siya."

Tumango-tango ang binata. "Ano nga ba namang malay natin? Ayun nga lang e 'di ba napakawirdo niya?"

"Hindi naman." Wala siyang ma-say dahil hindi naman niya kilala ng lubusan ang binata at hangga't maaari, gusto niyang iwasang husgahan ito. "Oo nga pala, tapos na ba kayo sa ginagawa ninyo? Medyo marami tayong gawa ngayon dahil may kumpanyang gustong bumili ng design natin."

Aliw na nagpameywang si Kaleb. Naglalaro ang multo ng ngiti sa mga labi nito ngunit pinagpalagay niyang imahinasyon niya lang iyon.

"Ang bait mo talaga 'no, sir? Ayaw mo man lang isiping wirdo 'yong may-ari ng café."

"Because he's harmless." Pasimpleng bumuntong hininga si Lyle. "Balikan natin 'yong tanong ko, tapos na ba kayo sa trabaho?"

"Hindi pa, nagpapahinga lang kami sandali. Mag-a-alas dose na rin ng tanghali, sir. 'Di ka pa ba magla-lunch?”

"Ha, talaga?" Hindi niya makapaniwalang sabi at saka pinasadahan ng tingin ang orasang nakapaskil sa pader. Napasinghap siya noong mapagtantong ang bilis ng oras. Gaano katagal ba siyang nakamasid sa natanggap na mga numero? "Sabay nga pala kaming kakain ng tanghalian no'ng kaibigan ko."

Tumango-tango si Kaleb. "Mag-iingat kayo, sir. 'Nga pala, wala ka ba talagang balak do'n sa mga numerong natanggap mo?"

"Gusto mo bang iyo na lang?" Natatawa niyang suhestiyon na ikinatawa lamang ng binata.

"Hindi, sir. Ang akin lang, sayang naman. Itago mo na, matagal ka na ring walang ibang kinikita, e."

Lyle's lips pursed upon the suggestion. "Tignan natin. Medyo malabo sa 'kin dahil 'di naman ako nakakatanggap ng ganito noon at 'di ganito ang approach na gusto ko."

Kumunot ang noo ni Kaleb at tila naguluhan sa sinabi niya. "Talaga? 'Di ba ganyan ang pinaka-common na paraan ng pagpapansin?"

Hindi maintindihan ni Lyle kung ano ba ang ipinaparating nito sa tono ng boses. Mukhang hindi makapaniwala na sa tinagal-tagal niya sa industriya, hindi pa siya nakatanggap ng ganito.

"And sir, you look great. Imposibleng 'di ka pa nakatanggap ng ganyan noon, baka iniignora mo lang."

Lyle stared at Kaleb incredulously. "You sound like you're hitting on me."

"Ah, no, that's not what I mean," kaagad nitong tanggi na ikinatawa lamang ni Lyle, "ikaw na nga tinutulungan magka-love life, e."

"Alam ko, pero wala pa 'ko sa huwisyong pumasok na naman sa relasyon." Nakakapagod makipag-deal sa mga naging ex niya. Isa pa, gusto ni Lyle na mag-focus kay Ridge hanggang sa maka-move on na siya ng tuluyan. "Tinago mo naman sir, e."

Mahinang humimig si Lyle. "Tinago ko dahil ibibigay ko na lang sa kaibigan ko. Baka siya, trip niya ng mga ganito."

"Pag-isipan mo rin muna." Tinapik ni Kaleb ang balikat niya. "Baka mamaya, senyales na pala 'yan."

Kumunot ang noo ni Lyle at tumaas ang sulok ng labi niya. Natatawa sa sinabi ni Kaleb.

'Senyales? Senyales naman ng ano?'

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Hindi na pinansin ni Lyle ang nais na ipahiwatig ni Kaleb. Pero ang hinuha niya, marahil tungkol iyon kay Ridge. Naisip niya namang imposibleng halata na gusto niya ang binata. Baka ang alam lamang ng kaharap e mayroon siyang gusto ngunit hindi pupwede. Kaya itinutulak nito ang ideya.

"Medyo mapilit ka, Kal. Kaunti na lang, iisipin kong sa 'yong numero 'yong isang nakalagay dito sa papel," natatawa niyang sabi.

Inungusan siya ng binata. "Ako? Sir, 'di ko ibebenta sarili ko sa ganyang paraan."

"HA! Ayoko nga! Ganyan na ba 'ko kauhaw na uhaw sa paningin mo?!"

Ganoon ang naging reaksyon ni Keegan nang puntahan niya ito sa gym na pinagtatrabahuan, ibinibigay ang maliit na papel na natanggap sa café.

Nakasuot ito ng puting sportswear bilang pang-itaas, kulay abong sweatpants, at kulay itim na rubber shoes. Samantalang si Lyle, iyong tipikal niya lang na isinusuot dahil wala naman siyang balak na mag-gym. Kulay abong long sleeved na polo shirt, ripped jeans, at loafers. Gusto niya ring punahin sana ang gradient nitong kasuotan pero ipinagpaliban nalang niya iyon.

"Magsisinungaling ako 'pag sinabi kong hindi. Ayaw mo ba talaga?" Tanong niya upang bumalik sa kaninang pinag-uusapan nila, "sayang naman. Baka mamaya, tipo mo pala 'yong may-ari ng unang numero."

"Ungas! Baka mamaya, hook up lang gusto niyan. Ano ako, kamang-kama?"

"E, pa'no pala kung 'di hook up?"

Namilog ang mga mata ni Keegan bago siya pinukulan ng masamang tingin. Natawa siya sandali at napaisip. Mabuti na lang talaga, walang nakakamatay na tingin dahil hindi pinangarap ni Lyle na bumulagta sa pampublikong lugar. "Ang tanda na natin para sa ganyan!"

"We're just twenty-seven, Kee. 'Wag mo namang pagmukhaing uugud-ugod na tayo."

Nanliit ang mga mata ni Keegan bago niya iyon pasarkastikong iniikot. "Sinasabi ko lang naman. Ang child's play kasi ng ganyang tactika!"

Ibinalik ni Lyle ang mga mata sa kapirasong papel na hawak. Iniisip kung ano bang gagawin niya rito kung hindi naman pala kukunin ni Lyle ang numero.

"Itapon mo nalang!" Suhestiyon ng binata.

Napailing si Lyle. "Baka ipantaya ko nalang sa jueteng. Baka sakaling swertehin."

Namamanghang napatitig sa kanya si Keegan. Hindi makapaniwala sa nais niyang gawin sa kapirasong papel na hawak. Marahil, iniisip nito na nasisiraan siya ng bait at sa ganitong sitwasyon pa niya naisip na magbiro. "Pero seryoso, Kee? Ayaw mo talaga?"

Doon nahimasmasan ang binata at napahilamos ng mukha. Ibinuka rin nito ang bibig upang magsalita sana nang mapukaw ang atensyon nilang dalawa dahil sa isang pamilyar na boses.

"Corgi, tapos ko na 'yong routine. Gusto ko sanang subukan din iyong magbuhat ng kaunti..."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report