Isla's POV

"Punyemas talaga!" Napakatagal kasing magpalabas ni Aling Linda, sinusulit talaga 'yong binabayad sa akin.

"Hello, Isla? Sabi ni Prof kapag wala ka pa ng 15 minutes dito, patay ka na talaga!" ani Alice.

"Punyeta naman. Alam na nga niyang napakalayo nitong lugar ko sa school." Hindi ko mapigilang sambitin sa kaniya.

"Anong sinabi mo, Miss Emperyo?!" malakas na sigaw mula sa kabilang linya ang narinig ko. Napakagat naman ako sa aking labi at nilayo sa tenga ang cellphone.

"Ang sabi ko po, Prof, papunta na po ako. See you po," nakangiti ko pang saad kahit na hindi naman ako nito nakikita. Mainit talaga ang dugo sa akin no'ng Prof kong 'yon, palibhasa ay mas maganda ako sa kaniya.

"Sorry, Isla, si Prof kasi, inagaw phone ko," sabi ni Alice sa kabilang linya ngunit nanatili lang akong pumapara sa jeep, ngunit kung minamalas ka nga naman, punong puno pa 'yon.

Pasakay na sana ako kaya lang agad kong naramdaman na wala na ang bag na hawak, kung minamalas ka nga naman. Agad kong nakita ang isang lalaking kunwari'y naglalakad ng normal ngunit kitang-kita ko ang bag ko na nasa harapan niya. Agad ko siyang hinabol, katulad ng inaasahan ko ay tumakbo rin ito.

"Punyeta! Magnanakaw! Magnanakaw!" malakas kong sigaw. Malas naman, dalawang daan na nga lang ang pera ko doon at nandoon din ang cellphone ko! Ilang taon ko 'yon pinag-ipunan! Tumakbo ako na tila buhay ko ang nakasalalay kung hindi ko makukuha ang bag kong 'yon. Nandoon pa man din ang report ko!

Tila alam nito ang mga sulok at eskinita dito kaya naman naging madali para sa kaniya ang pagtakbo ngunit katulad niya ay alam ko rin ito kaya naabutan ko siya.

"Punyeta ka! Amin na!" Tatakbo pa sana ulit siya ngunit nagawa ko siyang banggain gamit ang lahat ng lakas ko at sa hindi inaasahang pagkakataon pati ang mga basurang nagkukumpulan ay nagtapunan kaya naman parehas kaming na-out of balance dalawa. Tatayo na sana ito ngunit nagawa ko rin siyang hilain.

"Ibalik mo 'yong gamit ko!" Hindi niya 'yon binibitawan, iniiwas din nito ang tingin tila ayaw ipakita ang mukha. Hah! Talagang isusuplong kita sa pulis! Hinawakan ko naman ang mukha nito para makita ang mukha ngunit agad akong natulala. May snatcher ba na ganito kagwapo? Asul ang kaniyang mga mata samantalang ang kulay naman nang kaniyang labi ay pulang- pula, may makakapal na kilay, may nunal na maliit sa ilalim ng kaniyang mga mata, at higit sa lahat moreno na bumabagay naman sa mukha nito.

Sa pagkatitig ko, hindi ko na namalayan na nakaalis na pala ito. Natulala na lang ako sa isang tabi, bakit naman ang gwapong snatcher no'n?!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report