Hoy, Mr. Snatcher! -
CHAPTER 1
Isla's POV
"Alam mo, ikaw na ata 'yong pinakatangang taong kilala ko." Halos mamatay na kakatawa si Alice nang makita ang itsura ko.
Mukha na talaga akong basahan pagkapasok ko, hindi ko naman kasi pwedeng takasan 'yong Prof ko kaya kahit na maski ako ay bahong-baho na sa sarili, pumasok pa rin. Mabuti na lang ay iniwan naman no'ng pesteng snatcher na 'yon ang folder ko. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao at tinatakpan ang mga ilong kapag natatabihan ko sila.
Wala naman na kasi akong pakialam sa mga sasabihin ng mga ito dahil ang importante na lang sa isipan ko ay ang pagpaasa no'ng report ko sa Prof kong beki. Tawa pa nang tawa 'yon kaninang nakita ako. Aba't isa siya sa may kasalanan kung bakit ako nagmamadali at nadukutan!
Kakatapos ko lang maligo dito sa school. Sinamaan ko si Alice nang tingin dahil hanggang ngayon ay tuwang-tuwa pa rin ito sa nangyari sa akin.
"Tumahimik ka nga, Alice! Naiirita talaga ako sa lalaking 'yon!" inis kong sambit kapag naalala na nadukutan ako at kung kailan naman nahabol ko na saka pa ako natakasan.
"Sino ba kasing boba na biglang mapapatulala sa mukha ng snatcher, Isla?" natatawang saad niya ngunit mas lalo pa akong napasimangot.
"Boba! Hindi ko naman kasalanan 'yon! Saka nahabol ko naman. Natakasan lang talaga ako!" nis kong sambit at napasabunot pa sa ulo dahil nga wala na ang cellphone ko. Maski 'yong allowance ko ay wala na rin. Ang hirap-hirap kayang mag-part time! Kasalanan talaga ito ng pesteng magnakaw na lalaking 'yon!
"Natakasan ka dahil nga natulala ka," natatawang saad niya at napailing.
"Gaga, gwapo naman kasi talaga. May lahi pa nga ata 'yon!" inis kong sambit at napangiwi nang maalala na naman ang itsura ng magnanakaw na may asul na mga mata.
"Nakita mo na? Pinairal mo na naman 'yang kalandian mo. Kaya ka nadudukutan."
"Hindi ko alam kung kaibigan ba talaga kita o ano," inis kong sambit sa kaniya ngunit natawa lang ito.
"Pinaghirapan ko 'yon! Nakakairita," reklamo ko.
"Boba ka kasi. Mabuti na lang ay hindi mo dala 'yong laptop mong sira-sira na rin."
"Yong cellphone ko naman ang nadukot! Madami rin akong files doon! Pati 'yong mga video ko para sa interview, nawala!" inis kong sambit at halos mangiyak-ngiyak na. Nagawa pa akong batukan ng magaling kong kaibigan. Pangit ka- bonding!
"Tanga ka kasi!"
"Huwag kang umiyak-iyak ngayon diyan dahil kasalanan mo naman."
"Pautangin kitang isang daan dahil ito na lang din ang extra ko," sabi niya at iniabot sa akin ang isang daan niya.
"The best ka talaga!" naiiyak ko ng saad na niyakap pa ito.
"Hindi ka pa rin nakakabayad sa apartment niyo, lagot ka."
"Malapit naman na akong sumahod kay Aling Linda," sabi ko na lang na pinapanalangin na pasahurin na nga ako nito.
"Akala ko ba nagpapart time ka pa sa Mcdo kapag gabi?"
"Pang-tuition ko 'yon," sabi ko at napakamot sa ulo.
"Gustong-gusto kitang dalhin sa bahay at doon na tumira kaya lang ay sure ako na ako naman ang palayasin," sabi niya at napanguso.
"Ayos lang, boba. Kaya ko naman ang sarili ko," sabi ko at napakibit pa ng balikat.
"Konting tiis na lang at gagraduate na tayo." Napatango naman ako ngunit mayamaya ay napasipa na naman ako sa kinauupuan ko nang maalala na nabudol ako.
"Gwapo ba talaga?"
"Gwapo siguro dahil mataas naman standard mo," sabi niya na siyang sumagot sa sariling tanong.
"Oo nga, may lahi! Tapos 'yong mata akala mo'y nang-aakit! Asul na asul, akala mo'y nakatingin ka sa karagatan." Hindi ko mapigilang sambitin nang maalala 'yong istura no'ng lalaki.
"Para ipaaalala ko sa 'yo, nabudol ka," sabi niya na sinisira ang imahinasiyon ko.
"Baka naman hindi 'yon snatcher?" tanong ko pa dahil wala talaga sa mukha niya ang pagiging snatcher.
"Boba, nadukutan ka na nga."
"Pahiram nga ng phone mo! Tatawagan ko! Baka sakaling matatawagan pa."
"Boba, hindi 'yan sasagutin. Ninakaw na nga 'di ba?" natatawang tanong niya ngunit binigay pa rin ang cellphone niya.
"Wala namang mawawala. Malay mo'y nakonsensiya bigla."
"Load ko kaya." Hindi ko na siya pinansin at sinubukang tawagan ang phone number ko. Nagri-ring pa rin ito kaya hindi ako nawalan ng pag-asa. Nanlaki ang mata ko at halos malaglag ang cellphone nang sagutin nito ang tawag. "Hello, hoy, Mr. Snatcher! Ibalik mo 'yang ninakaw mo! Ipapapulis kita!"
"Hi," bati nito na may paos na tinig.
Mas lalo pang nanlaki ang mata ko ng nagsalita ito. Ito na ata 'yong pinakabobong snatcher. Sinagot ba naman ang tawag at nagsalita pa. May pa "Hi" pa itong nalalaman na akala mo'y walang ginawang masama. Tinignan naman ako ni Alice na tila ba nagtatanong.
"Hoy! Punyeta ka! Ibalik mo 'yang cellphone ko!"
"Bakit?" Tumawa pa ito nang mahina tila ba nagbibiro. May gana pa siyang magbiro ng ganito! Akala mo'y wala siyang ninakaw.
"Pucha ka! Ibalik mo na lang 'yang phone ko dahil marami akong files at videos diyan para sa pag-aaral ko!" Napatitig naman sa akin si Alice at tila nagulat na may sumagot nga sa tawag ko.
"Saka hindi mo rin naman 'yan mabubuksan. Ibalik mo na lang kung may konsensiya ka. Hindi kita isusuplong sa pulis," sabi ko sa kaniya dahil hindi siya nagsalita. Narinig ko naman siyang tumawa mula sa kabilang linya. "Hmm. Pero nabuksan ko na? Na-i-send ko na sa email mo ang mga laman ng phone mo. Ibaba ko na."
"Teka lang! Paano 'yong mga gamit ko?! Wala ka bang balak isauli?!" Tumawa nanaman ito nang mahina.
"Halos lahat ng gamit mo ay dalawang daan ko lang naibenta, dalawang daan lang din ang pera," pang-iinsulto niya sa akin.
Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Aba't ang kapal naman ng mukha ng kupal na ito!
"Aba, tangina mo pala! Atleast hindi ako snatcher katulad mo!" Napatawa pa siya nang mahina na tila walang pakialam sa mga sinasabi ko.
"Okay? Ibaba ko na. Ibebenta ko na 'tong cellphone mo," sabi niya pa at pinatayan pa ako ng tawag. Sinubukan ko pa ulit 'tong tawagan ngunit wala nang sumagot.
"Anong sabi?" Nagtatakamg nakatingin sa akin si Alice nang gigil kong ibinalik sa kaniya ang cellphone.
"Infairness, ah. Mukhang bagay nga kayo. Isang boba at isang bobo," natatawang saad niya. Sinamaan ko naman ito ng tingin. Minura ko pa siya dahil dito.
"Yan na ata ang pinakatangang snatcher na nakita ko." Hindi niya na napigilang matawa.
"Bakit niya daw sinagot?"
"Baka crush ako."
"Malandi ka pa rin."
"Nai-send niya na raw lahat ng laman ng phone ko." Nanlaki naman ang mata nitong napatingin sa akin.
"Sure ka bang magnanakaw 'yon?"
Napapikit na lang ako dahil ang malas ko talaga sa buhay na 'to. Bawi na lang siguro ako next life.
Pagkauwi ko sa apartment, hindi ko na pinapansin pa ang may-ari nitong apartment. Sinisingil na naman kasi ako para sa bayad this month. Ilang araw ko na rin 'tong tinataguan kaya ako na ang madalas panggigilan. "Aling Rosa, si Mang Juan!" malakas kong saad at tumuro pa sa likod niya sabay takbo paloob ng apartment. Crush niya kasi 'yong si Mang Juan na nakatira rin dito sa apartment. May asim pa si Aling Rosa, kaloka. Narinig ko na agad ang katok nito ngunit napangisi na lang ako na hinanap ang laptop ko na napakarami ng pinagdaanan dahil hindi lang ito second hand, baka limang tao na rin ang gumamit nito.
Tinignan ko naman kung nagsasabi ng totoo ang snatcher na 'yon. Agad kong sinilip ang email ko. Wala namang new email ngunit agad nakita sa sa draft. Nanlaki ang mata ko na rito niya rin pala sinend sa mismong account ko. Ano pa nga ba?
Good day, Ms. Isabel,
Ito na lahat 'yong laman ng phone mo. As of now naibenta ko na 'yon. Wow, english 'yon AHAGSGSGSHSHSHAH. Palitan mo na lahat ng password ng account mo. Hehe. Magandang buhay!
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Gago." Parang wala pa siyang katakot-takot na mag-email sa akin.
"Magandang buhay?! He have the audacity to email me and to tell me magandang buhay pagkatapos akong nakawan?!" inis kong sambit ay napasabunot pa sa ulo sa sobrang inis.
Isang buwan ko halos pinag-isipan kung paano ko kukurutin ang kupal kapag tuluyan nang mahuli kaya lang ay talagang magaling dahil hindi man lang ma-track ng mga pulis.
"Isla, mukhang hindi na talaga mata-track 'yong snatcher mo," sabi ni Alice, siya ang nag-aasikaso niyon kasama ang pinsan niyang pulis. Halos isang buwan na ngunit mukhang alam na alam niya talaga kung saan siya tatakbo dahil ni isang cctv ay hindi siya nakuhanan.
"Sabi ni Tito, bigyan ka na lang daw ng limang daan," ani Alice.
"Gaga, tatlong libo kong nabili ang cellphone saka handa na akong ipakulam ang kupal na 'yon kapag nakita." Napahalakhak naman si Alice mula sa kabilang linya.
"Sige na't ibaba ko na. Nandito na si Drakula," sabi ko nang makitang papasok na si Aling Linda sa loob nitong store niya.
Ako ang nagbabantay ng tindahan ni Aling Linda kapag sabado at linggo. Siya lang ang kumuha sa akin dahil madalas may trabaho ito ng ganoong araw. Siguro'y nakikibonding na rin sa mga anak.
Mahirap na kung sakaling masisante ako rito. Ito ang pinagkukunan ko ng allowance.
"Anong tinutunganga-tunganga mo riyan, Isla?"
"Po? Wala pa naman pong customer, Aling Linda." Umirap lang siya bago parang reynang naupo sa upuan dito sa cashier.
"Dahil wala pa namang customer, ikaw muna ang pumalit kay Nonong. Ideliver mo ang mga order nilang uling," sabi niya at tinuro ang mga nakasakong uling sa isang tabi. Iniabot niya naman sa akin ang susi ng side car. Napabuntonghininga na lang ako na kinuha ang mga 'yon at pahirapan pang inilagay roon. Talaga nga namang sinusulit niya ang bayad sa akin.
"Ingatan mo ang mga 'yan at huwag mo ring kakalimutang singilin ang delivery fee. Kung hindi, sa 'yo ko ikakaltas." Aba, paano naman kung hindi magbayad ang mga 'yon?
Tumango na lang ako kahit na hindi naman talaga ako sang-ayon. Agad ko siyang nginiwian nang timalikod ito.
Dinilever ko naman na ang mga sako-sakong uling nila. Mabuti na lang ay isang way lang 'yon.
"Yong bayad daw po saka delivery, Miss," sabi ko sa isang tindera ng isaw. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay.
"Aba, hindi mo ba alam na kumare ko si Linda?" galit nitong sambit sa akin.
"Po? Pero ang sabi po--" Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit ito. "Walang pero pero! Basta sabihin mo sa kaniya na next week ko na babayaran!" "Hindi naman po pwede 'yon. Ako po ang makakaltasan."
Magsasalita pa sana ulit ako nang mapatingin sa katabing pwesto rito sa isawan.
"Alon!" sigaw nang isang lalaki na nasa tabi ko. Agad namang napalingon ang lalaking pinagmamasdan ko. Agad nanlaki ang mata nang makita ang snatcher noong nakaraang buwan.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report