OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 21: DEAL WITH IT

ΚΑΙ

"What do you want?" bungad sa akin ni L. joe pagkarating ko sa tapat nya. Nakasakay na 'to sa motorsiklo nya at isinusuot ang kanyang helmet. Hinarap ko sya with a straight face.

"Watashi wa anata ga amarini mo watashi o suki ni narimasu. In English, I'll make you like me too." 'yan ang mga katagang sinabi nya sa asawa ko habang nakikipag-usap sya sa'kin sa cellphone.

Iyon rin ang araw kung kailan nagkaroon ako nang dahilan para kamuhian sya. How dare him to say those words while I'm listening. Ipinapamukha nya ba sa akin kung gaano nya kadaling makukuha sa akin ang asawa ko? Pwes nagkakamali sya, hindi ko sya hahayang gawin ang gusto nya. Dahil kahit anong mangyari hindi ko ibibigay kahit kanino ang asawa ko.

Hindi noon kay Kris, hindi rin kay Kevin, At ngayon.... mas lalong hindi sa isang katulad nya.

"If you already knew the meaning, then why don't you tell it to your wife? I guess, she still wondering about it." talagang nagawa pa nitong ngumisi sa harap ko. Pinipigilan ko ang sarili kong magalit lalo. Ayokong malaman pa ni Dasuri ang tungkol sa usapan namin.

"Wala kong pakialam kung may gusto ka ba talaga sa asawa ko o may iba ka pang dahilan. Basta ang gusto ko, layuan mo sya. She's already my wife at kahit anong gawin mo hindi mo na mababago 'yon. Kaya hanggang mas maaga. Kalimutan mo na 'yung nararamdaman mo para sa kanya."

Binuksan nya 'yung makina ng motorsiklo nya at saka humarap sa akin. Tinitigan pa ko nito sa mata, "I can't change the fact that she's yours already, but you can't control my feelings too. The only thing we can do is deal with it." Sabay paharurot sa sasakyan nya. Halos magkasugat naman aking palad sa sobrang padiin ng mga kuko ko rito. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. Masyado nyang sinasagad ang pasensya ko. DASURI

Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi parin bumabalik si Kai mula nang hinatid nya si L. joe sa labas. Sinilip ko na nga sya sa gate pero wala naman sya 'don. Hindi ko malaman kung sumama sya kay L. joe o ano e. Hindi ko naman sya matawagan kasi naiwan nya yung cellphone nya sa sala. Niligpit ko na lang tuloy yung mga pagkain namin. Itinabi ko sa refregirator yung mga natira.

Ipinasya ko ring magbabad muna sa bathtub hanggang wala pa sya. Madilim na rin kasi sa labas. Tinawagan ko pa si Sora para makipagkwentuhan. "Talaga? Pumunta dyan sa bahay nyo si L. joe?"

"Oo, kailangan kasi naming magpraktis ng sayaw. Alam mo na? para sa audition"

"Nagkita sila ng asawa mo?"

"Oo, nakakaloka nga e. Lagi kasi silang nagbabangayan. Para silang sasabog lagi. Nagtataka nga ko kung bakit?"

"Sabi mo sa akin nagsimulang mainis ang asawa mo kay L. joe matapos yung insidente sa rooftop? Baka naman may kinalaman yung sinabi nya sa'yo? Yung hindi mo naintindihan?"

"Pwede, pero hindi ko na maalala 'yung sinabi nya sa'kin. Ang natatandaan ko lang, watashi wa? Ano namang mapapala ko 'don diba?"

"Japanese word 'yon. Hmm. Ang mabuti pa itanong mo na lang kay L. joe kung ano ba talagang sinabi nya. Para malinawan ka na rin kung bakit naiinis yung asawa mo sa kanya."

Tutugon pa lang sana ko sa sinabi ni Sora nang biglang may magbukas ng pinto ng banyo. Napasigaw ako dahil sa gulat.

"WAAAAAAH!!! May tao dito!!"

Lalo naman akong nagulat nang makita si Kai na diretsyo lang ang tingin sa'kin. Mukhang inaasahan nya talagang nandito ako.

"Bakit bigla kang pumasok?! Waaah! Naliligo ako e! Lumabas ka!" singhal ko dito.

Nakabubble bath ako kaya hindi masyadong kita ang katawan ko. Pero kahit na 'no, wala kaya kong suot kahit na anong samplot. Pinutol ko na 'yung usapan namin ni Sora at itinabi 'yung cellphone. Hindi parin kasi ako makamove-one sa biglang pagpasok ni Kai dito sa banyo.

"Bakit kasi hindi mo sinara 'yung pinto. Nakapasok tuloy ako," sagot nito habang wala kang makikitang kahit anong pagsisisi sa mukha nya.

"Kahit na! Hindi ka parin dapat pumasok! Lumabas ka sabi e!" pagpapalayas ko dito. Grabe na ang hiyang nararanasan ko ngayon dito.

"H'wag ka ngang maarte. Nakita ko na 'yan dati. Wala ka nang maitatago pa," lalo kong nagimbal nang lumapit pa sya sa'kin. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. Ano bang binabalak nya at bigla syang pumasok dito?! "Matagal na 'yon. Ilang taon na rin ang nakakalipas at marami nang nagbago kaya lumabas kana, please naman..." pagmamakaawa ko dito. Hindi ako masyadong makakilos kasi baka magputukan ang mga bulang nasa ibabaw ko at malantad ang hindi dapat. "Really? Then can I see it?" otomatikong namula ang buong mukha ko pagkarinig 'don. Parang may dumaloy ring kuryente sa katawan ko dahil 'don. Lalo pa kong nagpalubog sa tubig, Geez. May balak ba syang patayin ako sa kaba?! Narinig ko ang bahagya nyang pagtawa, "Just kidding. May gusto lang talaga kong itanong sa'yo kaya ko pumasok dito."

"Ano? Sobrang importante ba nang tanong na 'yan para pasukin mo pa ko dito? Bakit hindi mo na lang ako hinintay matapos." Reklamo ko rito. Nakakahiya kaya.

"Yeah, it's so important for me." Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha ni Kai. Bigla itong naging seryoso.

"Hindi kasi ako mapapanatag hangga't hindi naririnig ang sagot mo." nakatitig lang ako sa mukha nya. Ganon ba talaga kaimportante 'yon?

"Sige, magtanong kana. Ano ba 'yon?"

He heaved a sigh before he decided to open his mouth, "Naaalala mo pa ba 'yung mga salitang sinabi sa'yo ni L. joe nung nasa rooftop kayo ng school nyo? Gusto kong magsabi ka sa akin ng totoo." He paused for a while.

"Gusto mo bang malaman kung ano 'yung eksaktong sinabi nya sa'yo? Because if you want, I can tell you." gusto nyang ipakitang hindi sya apektado kahit ang totoo bakas sa mukha nya ang sobrang pagaalala. Mukhang kanina pa nga nya iniisip ang tungkol 'don. Ibinaling pa nya sa iba ang atensyon nya pagkatapos 'non.

Tinanggal ko naman ang atensyon sa kanya. Ilang minuto rin akong nagisip bago nagsalita,

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Ayoko,"

Napaharap sya sa'kin at napatitig. Inulit ko naman 'yung sinabi ko, "Ayoko ngang malaman," nilingon ko pa sya at ngumiti.

"Bakit?"

"Simple lang, dahil wala kong pakialam kung ano ba 'yung sinabi nya sa'kin. Kahit ano pa 'yon hindi ako interesado. Kaya wag na wag mo na ulit babangitin ang tungkol 'don, okay?" napangiti naman sya sa naging sagot ko. Bahagya syang yumuko at ginulo ang buhok ko, "That's my wife, sige, labas na ko. Hintayin na lang kita sa kwarto." sabay lakad nito palabas.

Pansin ko naman ang hindi matanggal na ngiti sa labi ng asawa ko. Ngayon ko lang sya nakitang ganyang kaapektado sa mga lalaking nakakasalamuha ko.

Mukhang kakaiba nga ang mokong na 'yon. Biruin mo, pati asawa ko napagseselos nya? Hmm. Pero teka, ano ulit 'yung sabi nya?

"That's my wife, sige, labas na ko. Hintayin na lang kita sa kwarto."

"Hintayin na lang kita sa kwarto."

"Hintayin na lang kita sa kwarto."

OMO! Teka, anong ibig nyang sabihin 'don?! Pinapahiwatig nya bang ngayong gabi na magaganap ang HONEYMOON namin?! Waaah! JINJJA?!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report