OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 24: I’LL BE YOUR KNIGHT

L. JOE

Matapos ang audition namin ni Dasuri, hindi na ito muling nagpakita pa sa akin. This is the cost of helping her. Ilang oras pa lang ang nakakalipas pero mukhang hinahanap-hanap ko na ang pagiging tanga nya. Binisita ko ang aking cellphone para makita kung may mensahe ba mula sa babaeng 'yon. Ilang araw din bang napuno ang inbox ko just because of her nonsense text messages. *Yah! Nakauwi ka na ba? [] *

*Bakit hindi ka nagrereps? Wala ka bang load? Gusto mo pasahan kita? [ *

*Good morning! Kumain ka ng breakfast mo! Damihan mo para hindi ka magkasakit ha! Kailangan masigla ka hanggang sa araw ng audition! Hihi. [*

*Hoy, mokong! U2lan daw diz afternoon. Magdala ka ng payong mo ha*

*Good luck satin tom. Gud nyt [] *

There is one message that I haven't read yet. Binuksan ko 'yon at binasa.

*Hi friend! Congrats sa ating dalawa. Slamat ulit sa pagtanggap ng offer ko at sa masasayang alaala. Kahit na ang sungit sungit sungit sungit sungit mo sa'kin, I'm so happy to be ur partner. I will miss u. Bye [* Napangiti ako pagkabasa nito. "Stupid girl!" bulong ko pa.

Minark all ko lahat ng messages nya at dinelete 'to. The connection between me and Dasuri has ended now. Everything that happen before, lahat 'yon ay mga magagandang alaala na lang ngayon. Even I hated it, the only way I can go is moving forward.

Ibinalik ko ang cellphone sa aking bulsa at nagsimulang lumabas ng classroom. Plano ko nang umuwi nang maaga dahil tapos narin naman ang mga klase ko. Habang naglalakad nadaan ko ang isang kwartong pinalilibutan ng mga estudyante. I don't have plan to join them kung hindi ko lang narinig ang pangalan ni Dasuri mula sa isa sa mga estudyante. They're talking about her and her husband.

"Mukhang pinipigilan ni Dasuri ang asawa nya na halikan si Hyena. Tignan mo 'oh!"

"Tanga ba sya? Artista ang asawa nya kaya normal na ang kissing scene 'no."

I look inside the room and there, I saw Dasuri talking to her spouse. Bakas sa mukha nito ang pagkabalisa. They look like arguing on something. Sariling mga paa ko ang nagpasyang manatili sa lugar na iyon. Lumapit pa ko rito hanggang sa mapunta na ko sa harapan. Hindi ko mapigilang mapatitig sa malungkot na mukha ni Dasuri. Sobrang kabaligtaran 'yon nang sayang ipinakita nya sa'kin kanina.

Iniwan na sya ng asawa nya at pumunta sa harap nung babae. Mukhang masaya yung babae sa ginawang pangiiwan ni Kai sa asawa nya para dito. I clench my fist.

What the hell are they doing to Dasuri?!

Kitang-kita ko sa itsura ni Dasuri ang na nasaktan sya sa ginawa ng asawa. Everyone around me feel pity for her.

"Kawawa naman yung girl."

"Oo nga! Asawa pa naman sya,"

"Kung ako 'yan, aalis na kong umiiyak."

"Poor her. Dapat hindi na lang sya pumunta dito."

Hindi na ko nakatiis, I tried to enter the room pero pinigilan ako ng mga staff. Kahit anong gawin ko hindi parin ako makalagpas sa mahigpit na security sa loob. Wala kong magawa but watch Dasuri's agony. Fvck it! I will definitely hit his ass after I go near him.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Dasuri. Napansin ko ang pagmamakaawa nito sa asawa nya habang nakahawak sa wrist nito. I can hear that her voice is already broken, I can feel her pain.

Gumalaw ang balikat ni Dasuri as sign of crying. I tried to push the staffs in front of me but again, I failed. Arggh! This is frustrating! Nakahinga lang ako nang maluwag nang lumapit 'yung isang lalaki (Sehun)sa likod ni Dasuri. Hinawakan pa nya ang braso nito at hinila ito paharap sa kanya. I hate this view; I hate seeing that stupid girl crying but I can't do anything. Damn it!! Hinawakan nung lalaki ang likod ng ulo nya at idinikit 'to sa dibdib nito. "Tahan na, hindi ako sanay na nakikita kang umiiyak." He whispers something on Dasuri's ears. Naulinigan ko naman ang pagsigaw ng director.

"Cut! Cut!"

Agad-agad lumayo ang asawa nya sa babae at nilingon si Dasuri. Damn it! I hope I can instantly kill that asshole!

"Let's talk," he tried to take Dasuri with him pero hindi kumilos ang asawa nya dahilan para mapahinto. "Bitawan mo ko," mahina ngunit may diin nitong pahayag. Halatang nagulat sya sa kinilos ng asawa. "Dasuri?" tanong pa nito. Mukhang hindi na nakayanan ni Dasuri ang galit at sumigaw.

"SINABI NANG BITAWAN MO KO E!!!" sabay hawi sa kamay nito.

Kai got stocked. He didn't expect it. Even the people around us were shock on Dasuri's suddenly rising of voice. Namutawi ang katahimikan sa paligid. Lahat ay nakatutok sa mga susunod na mangyayari. "What's wrong with you? Why are you shouting at me?!" mababanaag mo sa boses ni Kai na naiinis na rin ito sa inaasal ng kanyang asawa. "Tinatanong mo talaga sa akin 'yan?" Hinarap sya ni Dasuri with a disgust face.

"Grabe Kai, hindi ko alam na ganyan ka pala ka-insensitive? Alam mo bang pumunta ko dito kasi may good news ako sa'yo. Gusto ko sanang i-suprise ka, sasabihin ko sanang nakapasok na ko sa music club?" "Ang galing 'no? At last, may napatunayan din ako sa sarili ko. Kaya lang mas magaling ka pa lang manuprise sa akin, hindi ko akalain na kaya mo kong balewalain nang ganon kadali. Salamat ha? Hindi lang kasi ako nag-enjoy sa panonood sa'yo. Naiyak pa ko sa sobrang pananakit mo." she shed her tears and left the room. Sinubukan syang sundan nang asawa nya pero pinigilan 'to ng manager nya.

"Ako na ang kakausap sa kanya,"

I didn't waste any time and follow Dasuri. Pumunta ko sa lugar kung saan nakaparada ang motor ko. Sumakay ako roon at pinaharurot 'to. I saw Dasuri standing outside our building. Nilapitan ko sya at inabot ang isa ko pang helmet. Napatitig naman sya sa'kin habang may mangilan-ngilang patak ng luha sa mata nya.

"Do you want free ride? I can give you one."

Sinubukan pa nyang tanggihan ang alok ko kung hindi lang namin naulinigan ang pagtawag sa kanya ng asawa nya. Sinundan nya parin pala si Dasuri. "Dasuri! Wifey! Sandali lang, let's talk!"

She took a deep breathe bago tinanggap ang helmet na hawak ko. Umupo sya sa likod ko at mahinang nagsalita, "Please lang, kahit saan tayo pumunta basta ilayo mo lang ako sa asawa ko. Hindi ko pa kasi sya kayang kausapin," Nilingon ko muna ang asawa nya bago pinaharurot ang motorsiklo ko palayo.

Stupid asshole! You make her cry; I will return to you the favor.

DASURI

"L. joe, pasensya na ha. Pero o-okay lang ba kung umiyak ako sa likod mo? H-Hindi ko na kasi talaga kaya."

Kahit anong gawing pigil ko sa mga luha kong bumagsak. Wala pa rin akong magawa kundi ang hayaan ang mga itong gumulong sa pisngi ko. Masyado kong nasaktan sa mga nangyari. Hindi ko kasi inaasahan na mas pipiliin ni Kai si Hyena kaysa sa akin. "Go on, I won't laugh at you." Naulinigan kong pahayag nya.

Ngumiti naman ako nang mapait habang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang likod atsaka inilabas ang sama ng loob ko.

Halos lumabo na 'yung salamin ng helmet dahil sa pag-iyak na ginagawa ko. Ang hirap naman kasing tanggapin e. Ako 'yung asawa nya pero mas pinili nya 'yung iba. Ako daw 'yung mas mahal nya pero ako itong sinaktan nya. Pakiramdam ko ang laki kong tanga para maniwala sa mga pangako nya.

Talaga bang nage-enjoy s'yang pinaglalaruan 'yung emosyon ko? Ako kasi sawang-sawa na.

Huminga ko nang malalim bago tanggalin 'yung helmet sa ulo ko. Inabot ko 'yon kay L. joe at pinunasan ang mukha ko. Matapos kong umiyak sa likod nya mas gumaan na 'yung pakiramdam ko. Kaya nakiusap ako sa kanyang dumaan kami sa isang convenience store, may gusto lang akong bilhin.

"Are you going to buy beers?" tanong nito.

Umiling-iling naman ako. "Hindi naman ako sanay uminom. Ayoko ngang malasing lalo na kung ikaw 'yung kasama ko," saad ko gamit ang garalgal na boses. Dahil siguro 'yon sa tindi ng pagiyak ko kanina.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

I saw him smirked, "I guess, you are okay now." Sabay ngiti pa nito.

Bahagya rin naman akong napangiti. "Salamat."

"Hintayin mo na lang ako dito. Hindi rin naman ako magtatagal e," hindi ko na hinintay ang sagot nya at pumasok na sa loob. Nagdire-diretsyo ko sa area kung saan nakalagay 'yung mga candies at chocolates.

Gusto kong kumain ng matamis ngayon. Sabi nila makakatulong daw 'yon para gumaan 'yung pakiramdam ng tao kapag down na down sya. Gusto kong subukan wala naman sigurong mawawala diba?

Habang naglalakad, namataan ko ang isang pakete ng gummy bears sa 'di kalayuan. Lumapit ako 'don habang namumugto ang mga mata. Aktong kukuhain ko na sana 'yung gummy bears nang biglang may isang kamay ring humawak dito. Sinamaan ko naman nang tingin ang may-ari 'non. Hindi ako papayag na pati ba naman sa candy may aagaw parin sa gusto ko.

"Akin 'to!" singhal ko pa sa.......

"O-Omma...Huhu." batang babae habang paiyak na?

Mukhang natakot ata sya sa ginawa kong pagtitig. Nawala 'yung inis na nararamdaman ko at ako'y natauhan bigla. Napaiyak ko 'yung bata.

"Hala. H'wag kang umiyak." Pagpapatahan ko rito.

"Sige, sa'yo na 'tong gummy bears. Eto ba 'yung gusto mo? Eto na oh...." Pang-aamo ko pa sa bata. Pinigilan naman nya ang pag-iyak kaya humikbi-hikbi na lang ito habang inaabot 'yung supot ng gummy bears.

Bahagya naman akong napangiti. Habang nakatitig ako sa batang 'to biglang gumaan 'yung pakiramdam ko. Lumuhod ako para maging magkalevel kami, "Mahilig ka rin ba sa ganyan? Ano pa lang pangalan mo? Nasaan 'yung mama mo? Bakit mag-isa ka lang dito? Ilang taon kana ba't pinababayaan ka nilang mag-isa?"

Sa dami ng tanong ko, tanging pagtitig lang ang isinagot sa'kin nung bata. Ngumiti na lang ako't hinaplos ang buhok nya.

"Ang kyut mo naman. Ang sarap mo sigurong alagaan." Napayuko ako nang maalala ko si Kia.

Nami-miss ko 'yung mga panahong inaalagaan ko pa sya. 'Yung walang sawa nyang pagtawag sa'kin ng 'Mi'. 'Yung mga ngiti nya kahit na 'yung pagiyak nya.

Nakakamiss rin pa lang mag-alaga ng bata.

Pinilit kong muling ngumiti sa harap nung bata at saka hinawakan ang kamay nito. "Hmm. Tara, punta tayong sa cashier area. Baka makita natin 'don ang mommy mo." aya ko pa rito.

Habang naglalakad kami. Naramdaman ko ang paghila nito sa laylayan ng damit ko. "Mama! Mama!" saad nito. Hindi ko napigilang ngumiti nang marinig 'yon.

Ang sarap siguro sa pakiramdam kung mayroon ding batang tumatawag sa'kin ng ganyan. 'Yung masasabi mong sariling iyo.

"Tinawag mo kong mama?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Mama.." ulit nung bata. Pinisil ko 'yung pisngi nya.

"Aist. H'wag munang uulitin 'yon. Sige ka, kapag hindi ako nakapagpigil. Iuuwi kita." May halong pagbibiro kong pahayag.

Nasa juice and beverages section pa lang kami nang may babaeng sumigaw sa di kalayuan. "Mikmik! Anak! Diyos ko! Saang lupalot kaba nagpupunta?! Kanina pa ko nag-aalala sa'yo. Diba sinabi ko nang h'wag kang bibitaw sa damit ko?!" hindi mapagsidlan ng tuwa 'yung ginang habang nakatingin sa batang babaeng hawak-hawak ko.

Bumitiw naman sa akin 'yung bata at nagmamadaling sinalubong ang kanyang ina. Nagyakap sila nang mahigpit habang walang tigil sa pagpapasalamat 'yung mama nya. Wala na kong nagawa kundi pagmasdan ang mag-ina habang may nakapaskil na ngiti sa mga labi ko. Totoo nga siguro 'yung sinasabi nila, mabubuo lang ang pagiging pagkababae mo kapag nagsilang kana ng sanggol sa mundong ito. Gusto kong maranasan 'yon, kahit mahirap, kahit walang katapusan ang responsibilidad, gusto ko parin maranasan kung paano ba maging isang..... ina.

"Hey! What took you so long?" biglang sulpot ni L. joe sa gilid ko. Nilingon ko naman sya sabay iling,

"Wala, hindi na lang pala ko bibili." Saad ko bago magsimulang maglakad.

Hindi pa ko gaanong nakakalayo sa mag-ina nang may humawak sa laylayan nang damit ko. Napahinto ako't napalingon sa taong 'yon. Maski si L. joe ay napatingin din rito. "T-thayo na lang," usal nung batang babae habang inaabot sa'kin 'yung hawak-hawak nyang lollipop. Napatitig pa ko sa mukha nitong napaakamo.

Naulinigan ko naman ang pagsasalita ng mama nyang kadarating palang sa likod nung bata. "Gusto nya daw magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa kanya kanina. Kaya kahit sa simpleng paraan na magagawa nya, gusto nyang ibigay sa'yo 'yung isa sa mga paborito nyang lollipop. Sana tanggapin mo," nakangiti nitong pahayag.

Naantig naman ang puso ko dahil 'don. Inabot ko yung lollipop at hinaplos ang buhok nya, "Salamat dito baby girl, eto 'yung pinaka best gift na natanggap ko sa tanang buhay ko. Wag kang mag-alala iingatan ko 'to. Magpakabait ka sa mama mo ha? H'wag ka nang lalayo sa kanya para hindi kana mawala. Salamat kasi nakilala kita ngayong sobrang lungkot ko." hinalikan ko pa sa pisngi 'yung bata bago kami nagpaalam sa kanila. "Do you love babies?" tanong ni L. joe habang inaabot sa'kin 'yung helmet.

"Hindi naman masyado, pero simula nung inalagaan ko 'yung anak ng bestfriend ko. Mukhang nahumaling na nga ko sa kanila." Sagot ko naman rito.

"Then why don't you get one? You are old enough to raise a child. Besides, you are a married woman so there's nothing wrong for having one."

"Sana nga ganon lang kadali 'yon." Bulong ko bago umangkas sa likod nya. "Ayoko parin umuwi sa bahay, pwede bang igala mo pa ko?" pakiusap ko rito. Binuksan naman nya 'yung makina ng motor. "No problem," sabay paharurot nito.

Madilim na rin sa paligid nang makarating kami sa isang dalampasigan. Hindi ko alam kung saang parte ba ng Seoul itong pinuntahan namin. Si L. joe na kasi 'yung nagpasya kung saan kami pupunta basta sinigurado ko lang sa kanya na iuuwi nya ko nang buhay.

"Get off," utos nito sa akin matapos patayin yung makina ng motor. Sinunod ko naman sya at bumaba sa buhanginan. Tinanggal ko 'yung helmet sa ulo ko at pinagmasdan ang paligid.

"Wow. Ang ganda naman dito," bulalas ko pa dahil sa pagkamangha. Ang ganda kasi talaga nung lugar. Madilim na pero maaninag mo yung puti nang buhangin sa paligid. Pati na 'yung reflection ng buwan sa dagat, grabe talaga. Ipinatong ko 'yung helmet sa motor nya at saka nagmamadaling tumakbo papalapit sa dagat. Naalala ko tuloy yung first kiss namin ni Kai. Sa dalampasigan din kasi 'yon nangyari. Sobra-sobra ang kilig ko 'non. Hindi ko naman kasi inaasahan na hahalikan nya ko sa mga panahong iyon. Ang sarap talagang balikan ng magagandang alaala.

"Only few people know this place. And you are the first person I brought here." napalingon ako sa lalaking nagsalita mula sa gilid ko. Bahagya kong sinuntok ang braso nya.

"Edi special pala ko sa'yo? Dapat na ba kong kiligin?" panunudyo ko pa rito. Medyo natawa naman sya dahil sa sinabi ko,

"Don't be too happy, special feelings don't last."

"Wew. Bitter ka talaga. Sawi ka siguro lagi sa pag-ibig kaya ka ganyan. Haha." Pinaglalaruan ko pa 'yung mga buhangin sa paanan ko.

"It's a yes and a no, Yes, I'm a loser. I fall for someone who is already a property of somebody. She marries the guy twice. But it's also a no, because in my 22 years of existence I only fall once so you cannot used the term 'always'. I fall and get dumped by one person, sounds pathetic?" ibinaling ko sa iba ang atensyon ko. Sandali lang, ako ba 'yung tinutukoy nya? Nagko-confess na ba sya sa'kin nang nararamdaman nya? Bakit biglaan naman ata? Nakakailang.

"Dasuri, Watashi wa anata ga amarini mo watashi o suki ni narimasu. If you will translate it in english, it will turn out as 'Dasuri, I'll make you like me too."

Napalingon ako dahil sa sinabi nya. Bakas sa mukha nito na seryoso sya sa kanyang sinasabi. Kahit kaunting pangaasar ay hindi mo maaninag sa reaksyon ng mukha nito. Bigla tuloy akong kinabahan. Ano ba 'yung nagyayari sa kanya? Bakit.... Bakit bigla nyang sinasabi sa'kin 'yan?

"Yah! Sumama ba bigla ang pakiramdam mo?!" idinampi ko pa ang kamay ko sa noo nya para alamin kung mainit ba sya. Kaso mukhang nagkamali ako nang ginawa dahil nagkaroon sya nang pagkakataon para hawakan ang kamay ko at ilagay 'yon sa dibdib nya.

"I like you Dasuri, and I meant it." Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso nito. Para bang tumatagos 'yon patungo sa mga palad ko.

"Kaya lang may asawa na ko. Alam mo naman 'yon diba?" hindi ko mapigilang maawa at malungkot sa pagtatapat nya. Ayoko kasing lumayo sya sa'kin. Kahit na lagi nya kong nilalait nang harap-harapan. Hindi ko rin makakailang napalapit na nga ko sa kanya. Para na syang naging tunay na kaibigan ko.

"The hell I care? I don't have plans to replace your husband's position. Do you really think that I'm so into you to do that?! O' C'mon, Stop dreaming, idiot girl. What I'm just trying to say is, I like you and I want to take care of you. I'm not expecting anything in return. Just let me show how much I care for you. Let me stay and protect you in times like this. I guess, that would be enough for me."

Hindi ko alam ang eksaktong dahilan pero tumango parin ako bilang sagot. Siguro kasi kahit na nilalait nya parin ako habang nagtatapat nang nararamdaman. Alam ko at nararamdaman ko ang sinseridad na meron sya. Hindi naman siguro masamang umasa rin sa iba kapag nasasaktan kana? Hindi naman siguro masamang hayaan syang iparamdam ang tunay nyang nararamdaman para sa'kin? I won't give him anything and he's not expecting anything in return. I guess it won't cost me a lot so why I wouldn't try?

Hinatak nya ang kamay ko para mapalapit ako sa kanya. Nagulat pa ko nang halikan nya ko sa noo bago ko yakapin nang mahigpit.

"I can't be your prince anymore, so I'll be your knight instead." Naulinigan kong bulong nito.

"As long as you're with me you have nothing to worry. I'll take care of everything, arasso?"

Huminga ko nang malalim pagkarinig 'non. Tama naman ang desisyon ko diba? Tama lang na hayaan ko sya?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report