OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 32: SEOUL
DASURI
Matapos ang ilang oras na byahe, nalaman ko na ang mga parents pala namin ni Kai ang may pakana ng lahat. Mula sa pangingidnap hanggang sa pagkakaroon namin ni Kai ng instant honeymoon. Ginawa daw nila 'yon para magkaroon kami ng oras para sa isa't-isa. At syempre, para bumuo ng bata. Hahaha.
Hindi lang nila masabi ng diretsyuhan pero atat na atat na rin silang magkaroon ng apo. Natatawa tuloy ako. Kaso dahil din sa ginawa nila maraming importanteng bagay sa Seoul ang naiwan namin. Kagaya ng taping ni Kai at project ko kay Ms. Soo. Lagot kami nito e. Sa katunayan, kailangan naming dumiretsyo sa kanya-kanyang kinakaabalahan oras na tumapak ang mga paa namin sa lupa ng Korea.
Wala nang pahi-pahinga, dinadakdakan na ni manager Jamie si hubby e. Haha. Maski pala sya walang kaalam-alam sa nangyari. Ayun, isang malaking sakit ng ulo tuloy ang kinaharap nya dahil sa biglang pagkawala ni Kai. Siguradong high blood na naman ang ateng nyo.
"Paano wifey, hindi na kita maihahatid sa school mo. Masyado nang intense ang mga pambabantang itine-text sa akin ni noona. Mukhang malaking gulo talaga ang dinulot ng kalokohan ng mga magulang natin." Pahayag ni Kai pagkarating namin sa lobby ng airport.
"Okay lang hubby. Puntahan mo na 'yung mga kagrupo mo. Magko-commute na lang ako papunta ng school." Nakangiti ko ritong sagot.
"Are you sure? Argh. Kung pwede ko lang talagang sawayin ang utos ni noona." Kumunot pa ang noo nya na halatang naiinis sa nangyayari. Inabot ko naman ang noo nya at inayos 'yon.
"Ano ka ba. Okay lang sabi. Malaki na ko 'no." paninigurado ko.
"Hmm. Fine. Pero tawagan mo agad ako once na makarating kana ng school. Gusto kong malaman na safe kang nakarating 'don." Ashush. Napakacaring naman ng hubby ko. Konti pa, kikiligin na ko nyan. Hahaha. "Pero nawawala 'yung phone ko diba?"
Bago kasi kami umalis ng Japan, ibinalik na 'yung phone ni Kai. Tinago lang pala nila 'yon para walang makaistorbo sa aming dalawa. Kaso sa kasamaang palad. Wala sa kanila 'yung phone ko. Wala na daw talaga kong dalang cellphone mula nang kidnapin nila ko sa school.
Hmm. Saan kaya napunta 'yon? Sure naman akong nadala ko 'yon bago pumasok.
"Oo nga pala, paano ba 'to." nag-isip pa ito sandali bago ko muling harapin.
"Here, eto na lang cellphone ko ang gamitin mo. Tumawag ka na lang kahit kanino sa mga kamyembro para makausap mo ko." inaabot na nya sa akin ang cellphone nya pero tinanggihan ko 'yon. Itinulak ko lang ulit 'yon pabalik sa kanya. "H'wag na. Makikitawag na lang ako kay Sora pagdating ko sa school. Kabisado ko naman number mo e." hindi naman nagtagal, biglang tumunog ang cellphone nya. Merong tumatawag rito. Hindi ko na pinagkaabalahang tignan kung sino ba 'yon. Sigurado namang si Jamie unnie 'yon, pinamamadali syang pumunta na sa dorm nila.
"Sige na hubby, pumunta kana sa dorm nyo. Didiretsyo na rin ako sa school namin. Ingat ka ha." wala naman na syang nagawa kundi sundin ang utos ko.
"Okay, but make sure na tatawag ka once na magkita na kayo ni Sora. Mag-iingat ka rin. I love you." Then gave me a peck on my lips. Kinawayan ko pa sya habang palayo sa akin. Nag-intay lang ako nang ilang segundo bago nagsimulang maglakad rin palabas ng aiport.
Mabuti na lang naibalik din sa akin 'yung bag ko kaya okay lang kung dumiretsyo na ko sa school at h'wag nang dumaan sa bahay namin. Hayyst. Pero nasaan kaya talaga 'yung cellphone ko? Ang dami ko pa namang cute na selca 'don. Nakakapanghinayang, ang hirap kayang umanggulo. Tss.
Makalipas ang ilang oras, nakarating na rin ako sa tapat ng gate ng university. Nagtaxi na ko para mas mapabilis 'yung pagpunta ko rito. Excited na kasi akong ikwento kay Sora ang mga nangyari sa Japan. Isasalaysay ko mula umpisa. As in lahat-lahat. Charrr. Hahahaha.
Pagpasok ko ng gate, sumalubong sa'kin ang mag estudyanteng may kanya-kanyang kinakaabalahan. Halos lahat sila ay makikitaan mo ng tuwa sa mukha. Napansin ko rin ang iba't-ibang booth sa paligid.
"Oo nga pala, hindi parin tapos 'yung one-week na celebration ng centennial anniversary ng school. Saan ko kaya makikita dito 'yung mga kaibigan ko? Wala pa naman akong cellphone para makontak sila." Kausap ko sa aking sarili. Para naman akong taong bundok nito. Wala kong kaalamalam sa kaganapan sa paligid.
Minabuti kong magikot-ikot at magbakasakaling makasalubong kahit isa lang sa mga kaklase ko. Habang naglalakad naaliw ako sa iba't-ibang pakulo ng bawat booth na nadadaanan ko. Pati yung mga taong tumatangkilik sa kanila ay sobrang nag-e-enjoy. Lalo tuloy akong natutuksong makisali sa kanila.
Napahinto ko sa paglalakad nang mapansin ko ang isang rillakkuma catcher machine sa gilid. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sobrang tuwa. "Woahh."
Dali-dali akong tumakbo papalapit 'don. Idinikit ko pa ang mga palad ko habang pinagmamasdan ang mga cute rillakkuma and korillakkuma sa loob. May malalaki, maliit at ibang-ibang damit 'yung nasa loob. Hindi tuloy ako mapagsidalan ng saya.
Napadako ang tingin ko sa parang kamay sa loob ng machine na syang kukuha sa mga manika. Gumalaw kasi iyon patungo sa isang baby Rillakkuma na may pink na hoodie. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ang mga mangyayari. Para kong nanonood ng Train to Busan dahil sa feels na aking nararamdaman. Bumabagal ang paghinga ko habang palapit ng palapit 'yung parang kamay sa cute rillakkuma.
"Konti na lang, kaya mo 'yan. Dali, dali." Bulong ko kahit hindi ako nakatingin sa nagpapagalaw 'non. Masyado tutok ang mata ko sa mga nangyayari sa loob ng machine para lingunin pa sya. "Ayan, ayan na, konti na lang. Makukuha na, makuku--"
"Aisst!" halos sabay kami nung naglalaro na napasigaw sa inis nang hindi sya nagtagumpay sa pagkuha nung rillakkuma.
Medyo nagkamali kasi sya ng kalkulasyon kaya nang buhatin na nung machine 'yung doll bumagsak ito sa kalagitnaan. Sobra 'yung panghihinayang ko. Todo suporta pa naman ako tapos wala rin. Tss. Sayang effort. "Takte! Ang ingay kasi." Naulinigan kong pahayag nung naglaro. Isang boses nang lalaki ang narinig ko. Nagpanting naman bigla ang magkabilang tenga ko. Para kasing ako 'yung pinaparinggan nya.
"Anong sabi mo?!" sita ko without facing him. Ako na nga 'yung naniwala sa kakayahan nya tapos ako pa 'yung masama. Talaga naman.
"Sabi ko, ang ingay mo kasi. Makadada ka kala mo ikaw 'yung naglalaro. Nasira tuloy diskarte ko. Bwiset!" halos mapanganga naman ako nang marinig ang naging sagot nya. Talagang hinahamon ako ng asungot na 'to a. Huminga ko nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Kailangan kong maging kalmado para mapaghandaan ang pakikipagdakdakan sa kanya. Kahit lalaki sya, hindi ko sya uurungan 'no! Hinanda na ang mga sasabihin ko sa kanya habang dahan-dahan syang nililingon. "Excuse me, mister? Wag ako ang----"
Nawala bigla lahat ang hinanda kong litanya sa utak ko nang masilayan ang mukha nung asungot. Halos mapanganga pa ko dahil sa pagkabigla. Halata rin sa mukha nito na nagulat sya nang makita ko. "Dasuri?/Chunji?" sabay naming pahayag.
"Ikaw nga!!" sabay yakap ko dito nang makilala sya nang tuluyan. Mukhang nashocks din sya sa mga nangyari pero niyakap din ako nang matauhan. "W-What are you doing here?!" nautal-utal pa nyang pahayag matapos ang yakapan portion namin kanina.
Hindi parin matanggal ang malaking question mark sa mukha nya. Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Maski kasi ako hindi makapaniwala sa nangyayari.
"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo nyan. Anong ginagawa mo dito sa Seoul? At sa mismong school ko pa. Waaah! Namiss talaga kita!" muli ko na naman syang niyakap nang mahigpit. Hindi ko mapigilan 'yung sarili ko. Masaya talaga kong makita sya dito.
Bahagya naman nya kong itinulak palayo. "Woah! Tama na oy! Nananantsing kana nyan e."
"Ashush! Di ka parin nagbabago. Ang arte-arte mo pa rin. Tss." sinunod ko na 'yung gusto nya. Lumayo ako pero nakasimangot na. Sabagay, ganyan na naman talaga sya kahit nung nasa Amerika pa kami. Hindi na ko nasanay. Haha. "Ikaw clingy parin. Ewww." Hinampas ko nga sya. 'Yung reaksyon kasi ng mukha nya kala mo nandidiri talaga. Pasaway.
"Hahaha. Ang kyut mo paring asarin, Ri. Kamusta ka na ba? Nagkita na kayo ng ex-husband mo?" Si Kai 'yung tinutukoy nya. Yup, alam nya 'yung about sa amin ni hubby. Wala mang nagtatanong pero sasabihin ko na rin. Nagkilala kasi kami ni Chunji sa university na pinasukan ko sa Amerika. Classmate ko sya sa ilang subject na meron ako. Dahil nga isa kong irregular student at bagong lipat lang ako 'non sa school wala kong kakilala.
Tapos hindi pa ko marunong magenglish. Ayun, naging hell ang first week ko sa pagaaral. Yung tipong nilalayuan at saka tinatawan ka ng mga tao sa paligid mo. Ang worst hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila sa'kin. Gusto ko na sanang magquit sa school 'non not until Chunji approached me.
"Hey, are you alone? Would you mind if I sit here?" kumunot ang noo ko nang bigla kong kausapin ng isa sa mga estudyante sa canteen. Nakatayo ito sa gilid ko habang may dala-dalang tray na puno ng pagkain nya. Pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa. Base sa physical appearance nya. Isa syang asian, Korean to be exact kaso English 'yung salita nya kaya hindi ko rin sya maintindihan.
"Ano?" tanong ko. Ano bang ginagawa nya dito? Sa sulok na nga ko pumwesto para hindi na ko pagtripan ng mga estudyante dito. Tapos sinundan pa rin ako. Aisst.
"I said, I want to join you here. Eating, okay?" hindi ko talaga sya maintindihan. Nilingon ko 'yung paligid, napansin kong sa amin na nakatutok ang atensyon ng lahat. Naku. Mukhang pinagtitripan nga ko nito.
Hinawakan ko 'yung tray na pinaglalagyan ng pagkain ko. Mabuti pa siguro umiwas na ko bago pa may mangyaring masama. Paupo pa lang sa tapat ko, kinuha ko na agad ang mga gamit ko at nagmamadaling tumayo mula sa aking kinauupuan. Lalayasan ko na talaga sana sya nang bigla syang magsalita in Korean.
"Nakakalungkot naman, balak ko pa namang makipagkaibigan sa'yo. Kaso mukhang ayaw mo. Sige, iwan mo na ko dito. Mukha namang hindi ako pumasa bilang kaibigan mo." napatitig ako sa kanya nang marinig ang mga sinabi nya. Nabibingi lang ba ko? O talagang naintindihan ko ang sinabi nya.
Huminto sya sa pagkain at nginitian ako, "Annyeong Hasaeyo! Naneun Chunji imnida. Manasso Baggassumnida, Chinggu-yah!"
Simula non, lagi ko na syang nakakasama. Tinuran nya ko kung paano magenglish kahit na minsan halos mabatukan na nya ko dahil sa sobrang inis. Hindi nya ko sinukaan. Sobra kong nagpapasalamat dahil kung hindi sa kanya. Magiging loner ako sa university namin. He became my angel that time. Kaya nga naging sobrang close kami. To think na pati yung tungkol kay Kai alam na nya.
"Correction. He's not my ex anymore. Asawa ko na ulit." Buong pagmamalaki kong pahayag. Namilog naman ang mata nya sa gulat.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"What? Di nga?" natawa ko sa naging reaksyon nya kaya itinaas ko ang kaliwang kamay ko. Ipinakita ko sa kanyang ang aking wedding ring. Lalo naman syang napanganga nang makita 'yon. "Woah! Daebakk. Parang koreanobela lang 'yang istorya 'no. Hahaha. Lalo tuloy akong na-excite makita 'yang asawa mo. Ano bang nasinghot nya't binalikan ka pa. Hahaha."
Aist. Isa rin 'to sa mga dakilang mapangasar na kaibigan ko e. Inirapan ko nga sya. Kung hindi ko lang talaga sya namiss. Babatukan ko 'to e.
Natuon naman ang atensyon ko sa hawak-hawak nyang Korillakkuma habang tumatawa.
"Oy, nakakuha ka pala ng isa? Waaah! Akin na lang 'to Ji." Dali-dali ko iyong inagaw sa kanya. Kaso naging maagap sya't pinigilan ako. "No. No. No." saad pa nya. Tss.
"Ang sungit naman. Ngayon na nga lang tayo nagkita pagdadamutan mo pa ko? Wag ganon." Pamimilit ko rito.
Trip ko kasi talaga 'yung nakuha nyang baby Korillakkuma. Pandagdag din sa collection ko sa bahay.
"Sige na Ji, bayaran ko na lang sa'yo. Please?" nagpacute pa ko sa harap nya para mapapayag sya. Mukhang natatablan naman sya kaso may paninindigan ang loko. Hindi bumigay.
"Sorry Ri, pinakuha lang kasi sa akin 'to ng isang kaibigan. Kung hindi lang talaga sya nauna. Bibigay ko sa'yo 'to. Next time na lang." buong sinseridad nyang pahayag. Wala naman akong nagawa kundi tanggapin na lang ang pagkatalo ko. "Oo na lang. Pero teka, mabalik ako sa tanong ko kanina. Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok sa school namin? At sino naman 'yang kaibigan mong pagbibigyan mo ng nakuha mong korillakkuma?"
"Teka nga, don't tell me. May pinopormahan ka dito? Aweee! Sino? Ipakilala mo sa akin. Dali!!!!" hinawakan ko pa sya sa kanyang braso sabay alog dito.
"Ano ba! Bitawan mo nga." Angal nito.
"Ayoko nga, pakilala mo muna sya sa akin. Girlfriend mo na ba? Ayiee. Hahaha." Grabe. Kinikilig ako para kay Ji. Akala ko kasi bading sya dati. Never kasi syang nalink sa mga babae sa university dati. Then now, may gf na sya? Wow. Proud friend here. Hoho.
Wala pa sana kong balak na tigilan sya sa pangungulit kung hindi lang ako nakarinig ng pamilyar na boses mula sa gilid namin.
"What took you so long?" sabay kaming napalingon sa kanya ni Chunji. Natuwa naman ako nang makilala sya.
"Woah! Mokong!" kahit hindi ko man maimagined pero namiss ko rin ang mokong na 'to. Sya kasi lagi ang nakasama ko nung may tampuhan pa kami ni Kai.
"Hey, bro." bati sa kanya ni Chunji. Napalingon naman ako sa kanya.
"Magkakilala kayo?" Paano? Saka saan at kailan?
"Ako dapat ang nagtatanong nyan. Magkakilala na kayo?" pasalit-salit pa ang tingin nya sa akin at kay L. joe.
"Oo. classmate ko sya e." inosente kong sagot.
Bigla naman napaskil ang isang pilyong ngiti sa labi ni Chunji. Mukhang may nadiskubre syang isang nakakatuwang pangyayari.
"Woah! What a coincidence." Ngiting aso nitong pahayag.
"Kaibigan ko rin kasi 'tong si L. joe. Actually, he's my best friend. Nakakatuwa 'no? Ang liit talaga ng mundo. Akalain mong naging magkaklase pa kayo." He emphasizes the last six words of his sentence. Lalo naman akong nagtaka sa kinikilos nya. Nginingitian pa kasi nya si L. joe habang sinasabi 'yon. Poker face lang naman ang itinutugon sa kanya nito.
"Teka nga, naguguluhan ako. Kung best friend mo sya. Bakit hindi ko sya nakikita sa school dati? Sa iba ba sya nag-aaral 'non? Pero kahit na, bakit never mo syang nabanggit sa akin? Nakakatampo Ji ah." nakakalungkot malaman na may itinago sa'kin si Ji.
Samantalang ako, sinabi ko lahat ng tungkol sa akin. Kahit 'yung tungkol sa amin ni Kai. Hmp.
"Sorry Ri, hindi ka naman kasi nagtatanong. Malay ko bang interesado ka ring makilala itong bestfriend ko. Edi sana, noon pa lang, pinagtagpo na kayo." Tinapik-tapik pa ni Chunji ang balikat ni L. joe habang medyo natatawa.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Hindi naman nagtagal, inilipat sa akin ni L. joe ang atensyon nya. Tinitigan nya ko na para bang ang tagal nya kong hinanap.
"May problema ba?" tanong ko pa.
Hindi sya sumagot. Sa halip ay kinuha nya ang kamay ko't hinila palayo. Pareho kaming nagulat ni Chunji sa ginawa nya. Sinubukan pa nga nitong sumunod samin. "Hey, saan mo sya dadalhin? Sama ko."
Hahakbang pa lang ang paa nito nang pigilan agad sya ni L.joe.
"Stay where you are. I'll be back after 15 minutes."
"Aist. Daya!" "Yon na lang ang narinig ko kay Chunji bago sya maglaho sa dami ng tao.
"Teka, saan mo ba ko dadalhin?" tanong ko kay L. joe nang pumasok kami sa building namin. Walang katau-tao roon dahil halos lahat ay nasa field at nagsasaya.
Hindi parin sya nagsalita at nagpatuloy lang sa paghatak sa akin. Halos lumuwa naman ang mga mata ko nang marealized kung saang parte ng building na 'to kami papasok.
"Nababaliw ka na ba?! Bawal ka dyan." Pigil ko pa rito pero masyadong matigas ang ulo nya. Nagdire-diretsyo parin sya sa cr ng mga babae kasama ko. Ipinuwesto nya ko sa tapat ng salamin bago binitawan ang braso ko. Inisa-isa pa nya ang bawat cubicle para i-check kung may tao ba roon o wala. Nang masecure nyang kaming dalawa lang ang nasa loob. Bumalik sya sa pinto at ni-lock 'to. Bigla kong kinabahan sa ginawa nya. Lumapit pa ko sa kanya para buksan ulit 'yon.
"Bakit mo ni-lock? Ano bang binabalak mo?!" ngunit bago pa ko makalapit 'don.
Muli na naman nya kong hinatak at ibinalik sa tapat ng salamin. Nainis na ko sa ginagawa nya kaya ako na mismo ang humatak sa braso ko mula sa pagkakahawak nya.
"Ano bang problema mo ha?!" sigaw ko pa rito.
Nakakainis. Nawala lang ako ng ilang araw. Parang hindi na sya 'yung L. joe na nakilala ko. Kahit anong tanong ang ibato ko sa kanya. Tanging pagtitig lang ang isinasagot nya. Sa tuwing titig naman ako dito. Nakikitaan ko sya ng lungkot. Naguguluhan tuloy ako.
"Do you have a concealer?" kumunot ang noo ko nang marinig ang naging tanong nya.
"Huh? Seryoso ka?" wagas naman kasi ang tanungan nya.
Pero mababatid mo sa mukha nya na seryoso talaga sya. Kaya kahit takang-taka ako, binuksan ko 'yung bag ko at saka inilabas 'yung concealer na meron ako.
"Oh," maingat kong inabot sa kanya 'yon. Kinuha naman nya 'yon at binuksan. Tinignan nya pa kong muli sa mata bago ituon ang atensyon sa leeg ko. Napapitlag pa ko nang bigla nyang hawiin ang kuwelyo ng damit ko. "Don't move. I'll do it as quick as I can."
"Y-Yah, A-ano ba 'yang---" hindi na ko nakapagsalita nang maramdaman ko ang pagdampi ng concealer sa balat ko. Ramdam ko ang pagbagal ng hininga ko nang mapansin kung gaano sya kalapit sa'kin.
Halos magdikit na nga ang mga katawan namin sa sobrang liit ng espasyong namamagitan samin. Nakatuon ang atensyon nya sa parte ng leeg ko kung saan pinapahiran nya ng concealer. I tried to glance at him pero hindi ko magawa ng matagal. Lalo na sa tuwing nararamdaman ko ang paghinga nya sa leeg ko.
Halos mapakapit ako sa sink na sinasandalan ko every time I felt his breath. Hindi ko maintindihan 'yung nararamdaman ko. Pati na ang sobrang bilis na tibok ng puso ko.
"I won't mind putting concealer on girl's neck. As long as...." Napapitlag ako nang bigla kong lingunin ni L. joe. The way he stares at me. It gives me shiver, "Her mark was mine."
I gasped. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin o bakit. Ka bay ganito angti nararamdaman ko. Kaya minabuti kong iwasan na lang ang mga titig nya sa'kin. Hindi rin naman nagtagal, naramdaman ko ang pagdistansya nito sa akin. Isinara na nyang muli 'yung concealer at inilapag 'yon sa gilid ko. Hindi ako kumilos agad. Pinakaramdaman ko lang ang bawat kilos nya. Pakiramdam ko naubos ang enerhiya ko dahil sa ginawa nya.
"I don't see anything, I did nothing. Because for me, you're still pure like the first time I saw you."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report