OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 33: START OF SOMETHING
DASURI
"I don't see anything, I did nothing. Because for me, you're still pure like the first time I saw you."
Masyado kong nagulat sa mga salitang binitawan ni L. joe. Nakatitig lang ako sa mukha nya habang pilit na ipinapasok sa utak ko ang tungkol doon. Bakas sa mukha nito na meron syang itinatagong lungkot. Sinubukan kong tawagin ang pangalan nya pero agad ako nitong pinigilan.
"L. joe..."
"You know what? When you were gone. There are a lot of things I wanted to say to you. I want to tell you how scared I am. I want to scold you for making me worried. But now that you're in front of me, few inches away. I can't even utter a single word."
"Damn, this is so unlikely of me."
Umiling-iling pa ito para ipakitang maski sya't nagugulat sa mga nangyayari. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Pinagmamasdan ang bawat kilos nito. Muli ako nitong sinulyapan at bahagyang ngumiti,
"You are such a virus Dasuri, you make me sick." He groaned then left the room.
Lalo naman akong naguluhan sa mga sinabi nya. Nakaramdam ako ng guilt sa di ko malamang dahilan. Ilang minuto pa kong naspace-out bago ko napansing nakalabas na pala ito ng cr. Dali-dali ko namang inayos ang gamit ko at mabilis syang hinabol. Pagkalabas ko ng cr, sumalubong sa'kin si Sora na halatang nagulat nang makita kong papalabas ng banyo. "Dasuri? N-nasa loob ka?"
"Oo, bakit?!" sagot ko naman.
Sasagot pa sana sya nang magpaalam na ko dito. "Ahm, mamaya na lang ulit Sora ha? Nagmamadali lang talaga ko ngayon e. Bye." Saad ko.
Sinubukan pa nya kong pigilan pero hindi ko sya pinansin at nagtuloy sa paghabol kay L. joe. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naipapaliwanag sa kanya 'yung totoo tungkol sa bigla kong pagkawala.
Ewan ko ba. Basta I have this feeling na kailangan kong linawin sa kanya ang lahat, na maski ako walang alam tungkol sa biglaang honeymoon namin ni Kai. Basta bigla na lang syang nangyari.
"L. joe, sandali," sigaw ko nang maabutan ko sya sa hallway. Nakatalikod ito sa akin at naglalakad na palabas ng building.
Itinuon ko ang atensyon kay L. joe na nakatalikod pa rin sa akin pero huminto na sa paglalakad. Pinagmasdan ko ang kabuuan nito habang may ilang pulagada ang pagitan namin.
Gusto ko sanang harapin nya ko kaso mukhang imposible 'yon kaya minabuti ko nang magsalita.
"Sorry kung pinag-alala kita dahil sa bigla kong pagkawala. But believe me, kahit ako, hindi ko alam ang tungkol 'don. Pakana kasi 'yon ng parents namin ni Kai kaya nagulat na lang din ako na nasa Japan na pala kami." I don't know how to explain it well. Gusto kong malaman nya ang tungkol sa saloobin ko nang hindi ko sya masasaktan.
Napansin ko naman ang unti-unti nitong paglingon sa akin. Tinitigan pa nya ko sa mata matapos tuluyang humarap sa akin.
"Saved it for others. You have nothing to explain to me because we're not even friends, so why bother?"
Napauwang ang mga labi ko nang marinig ang winika nya. Wala kahit isang letra ang gustong lumabas mula rito. Pakiramdam ko, isinampal nya sa akin ang katotohanang for all this time, ako lang pala 'yung umaasa na magkaibigan na kami. Ako lang pala 'yung tangang naniniwala na importante talaga ko sa kanya.
Nakakainis.
"Dasuri, saan ka na naman ba pupunta?!" binawi ko ang tingin ko sa kanya nang biglang sumulpot mula sa cr si Sora.
Nagulat na naman ito sa naabutan nyang sitwasyon namin ni L. joe. Tahimik lang ako habang pilit na inaabsorb ang mga nangyayari. Samantalang si L. joe, gaya ng dati, umalis ito sa harap namin na para bang walang nangyari. "Okay ka lang?" tanong ni Sora nang mapansin ang pagkabalisa ko. Hinawakan pa ko nito sa balikat. Tumango-tango naman ako kahit hindi ako sigurado.
"Anong nangyari? May sinabi ba sya sa'yong masama? Bakit parang nalungkot ka bigla?" natauhan ako sa sinabi ni Sora. Ngumiti ako dito para ipakitang mali sya ng iniisip.
"Wala 'no. May tinanong lang ako, pero hindi naman importante 'yon. Hehe." Tumawa pa ko para ipakitang okay lang talaga ko. Nagdadalawang-isip naman ito kung maniniwala ba o hindi. But in the end, hindi na rin nya ko kinuwestyon pa. "Okay, sabi mo e. Oo nga pala, pinapatawag ka ni Ms. Soo sa faculty. Kakusapin ka daw nya about sa project mo. Ilang araw ka din kasing nawala."
"Ahh, oo nga pala. Sige, paki sabi pupunta na ko agad."
Hinayaan kong maunang umalis sa pwesto namin si Sora. Sinulyapan ko pa kasi 'yung daan na tinungo ni L.joe.
"Ano bang problema ng mokong na 'yon? Tss. Kung ayaw nya kong kaibigan, mas lalo naman ako. Hmp."
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
KAI
"Wala ka bang balak sagutin 'yang phone mo? Sumasakit na ang ulo ko kakatunog nyan." Sita ni noona sa cellphone kong walang tigil sa paulit-ulit na pagtunog.
Napabuntong-hininga na lang ako't kinuha 'yon. Pinindot ko 'yung end-call-button. Maski ako naiirita na sa paulit-ulit na tumatawag sa phone ko. Kung hindi ko lang talaga hinihintay ang tawag ni Dasuri, itatapon ko na 'to sa labas ng kotse para lang matahimik ang buhay ko.
Simula kasi nang bumalik kami sa Seoul, hindi na natigil ang pagtunog nito. Kahit na ngayong nakaupo na ko sa kotseng sumundo sa akin para dalhin ako sa dorm namin. Si noona ang may-ari at nagmamaneho nito.
"Ano na palang balita dito? Marami bang nanganap matapos ang ilang araw namin sa Japan?" pag-iiba ko sa usapan. Kumunot naman ang noo ni noona.
Nalaman ko na agad na hindi maganda ang isasagot nito base pa lang sa reaksyon ng mukha nya. Well, hindi na ko nagulat. Inaasahan ko na naman talaga 'yon.
"Hay naku. Jong In, kung alam mo lang gusto ko nang mag-suicide dahil sa sobrang problemang iniisip ko. Kaso naisip ko, sayang naman ang ganda ko kung gagawin ko 'yon. Kaya hinanap na lang kita't pinuwersang pabalikin dito." "Ikaw naman kasi, kung gusto mo palang magbakasyon engrande. Sana naman tinimbrihan mo ko. Hindi 'yung bigla-bigla na lang kayo mawawalang parang bula. Binigyan mo pa ko ng sakit ng ulo. Tss."
"Noona naman, ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi ko rin plinano ang tungkol sa biglaang honeymoon namin ni Dasuri. It was our parents' fault. Sila ang bungangaan mo." napaismid naman ito nang marinig ang isinagot ko. "Ewan ko sa'yo. Sumasagot ka pa talaga. Pwes, pagdusahan mo 'yang ginawa mo." babala pa nito.
"Tss. Fine, ano bang parusa ang ipapataw na naman sa'kin ng management? Hindi naman siguro nila ko uutusang i-divorce si Dasuri? Mukha naman kasing hindi gaanong naapektuhan ang grupo ko sa mga nangyari."
Wala naman kasi akong nababalitaang masama about our group. Para ngang walang nangyari kaya nagtataka ako kung bakit pilit akong pinauwi ni noona.
Nagbago ang tono ng boses ni noona. Huminga pa ito nang malalim bago seryosong nagsalita. Sa kalsada nakatuon ang atensyon nya pero ramdam ko dito ang sobrang pagaalala.
"Alam mo bang simula nang mawala kayo ni Dasuri, lalong tumindi ang mga haters ni Hyena? Kung dati pinagpipyetahan lang sya sa social media dahil sa naging issue nyo kasama si Dasuri. Ngayon ultimo death threats ay nakakatanggap na rin sya. Nakadagdag pa kasi 'yung tungkol sa pagkawala nyo ni Dasuri. Maraming naglabasan na balita."
"Gaya na lang nang kaya ka absent sa mga guesting nyo is because nag-quit kana as Exo member. Pinagselosan daw kasi ni Dasuri si Hyena at pinapili ka between them. Syempre, pinili mo ang asawa mo and then boom. Nagalit ang mga fans, sinisisi nila ang lahat ng nangyari kay Hyena. Bakit daw kasi masyado syang naging clingy sa'yo. Alam na ngang may asawa kanang tao. And the worst thing?"
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Naapektuhan nito ang rating ng drama nyo. Bumagsak ito sa pinakamababa. Binoycot din ng mga fans ang mga events na dadaluhan sana ni Hyena. At sinasabihan sya ng kung anu-anong masasakit na salita. Sa totoo lang, naaawa na nga ko sa kanya. Kaya ginawa ko ang lahat para mapalik na kayo ni Dasuri sa Seoul. Alam ko kasing lalo lang titindi ang issue hangga't hindi pa kayo nakakabalik."
"Siguro nga may mali din sya. Masyado nya kasing pinangatawan ang pagiging leading lady mo. Kaya lang Kai, hindi naman ata tamang hayaan na lang na'tin sya sa ganoong kalagayan. Sa tingin ko kasi, she doesn't deserve it." Matapos ang naging usapan namin ni noona. Nakiusap ako rito na saka na ko magpapakita sa mga kagrupo ko. May isang tao kasi akong binabalak puntahan. Mukhang nakuha naman nya ang gusto kong ipakahulugan. Pinahiram nya sa akin ang kotse nya at sya na lang ang nagpresintang magcommute. Mas makakabuti daw kasi kung ganon ang gagawin namin.
Tinanggap ko naman 'yon at tinungo ang isang lugar. Iyon ang unang beses na nagpunta sa lugar na iyon. Isa iyong condominium para sa sikat at kilalang tao. Ipinarada ko ang kotse ni noona sa basement nito. Pumasok ako sa building at sumakay sa elevator.
Sa likod ako dumaan para makaiwas narin sa mga taong pwedeng makakilala sa'kin. Pinindot ko yung number ng floor na binanggit sa'kin kanina ni noona. Habang nasa loob ng elevator, hindi ko maiwasang maguilty sa mga nangyayari. Yes, I always gave her cold treatment. Lagi kong ipinapakitang wala kong pakialam sa mga bagay na may kinalaman sa kanya. At ang namamagitan sa aming dalawa ay hindi lalagpas sa pagiging magkatrabaho lamang. Ngunit kahit ganon, hindi ko kayang manahimik lang sa tabi. Lalo na't alam kong isa ko sa mga dahilan kung bakit sya nahihirapan ngayon.
Ang tunog ng pagbukas ng elevator ang gumising sa diwa ko. Nagtungo ako sa pinaka dulong kwarto na naroroon. Kumatok ako rito ng paulit-ulit pero wala namang nagbubukas ng pinto. Nagsimula na kong magtaka. Sabi naman kasi ni noona, simula ng dumami ang haters ni Hyena. Nanatili na lang ito sa unit nya at hindi na lumabas. Sinubukan kong kapain 'yung phone sa bulsa ko, kaso sa kasamaang palad mukhang naiwan ko 'yon sa kotse.
Wala na tuloy akong nagawa kundi ang subukang buksan ang pinto ng unit nya. Luckily, hindi 'yon nakalock. Dahan-dahan kong itinulak 'yon at maingat na pumasok sa loob. Lalo akong nagtaka nang mapansing kong walang kahit anong palatandaan na mayroong tao sa loob. Maski mahinang kaluskos ay wala roon. Pero mapapansin mo ang mga nagkalat na gamit sa paligid. Mga walang laman na bote ng alak. Mga bagay na basag. Lalo tuloy akong nanlumo sa aking mga nakita.
I tried to replace Hyena, nagtungo ako sa lahat ng sulok ng unit. Sa cr, sa kitchen, sa sala at maging sa kwarto nito. Pero hindi ko sya nakita. Hanggang sa huling pagkakataon, nakarinig ako nang ingay mula cr sa loob ng kwarto nya. Narinig ko ang pagbasag ng isang bagay sa loob nito. Dali-dali naman akong nagtungo roon at nagulat sa aking nasaksihan.
"Hyena, stop!" sigaw ko nang maabutan syang sinusugatan ang kanyang pulso gamit ang parte ng binasag na bote ng alak.
Nakapwesto ito sa baththub habang basang-basa ng tubig. Ngunit kahit ganon, mababanaag mo ang walang tigil na pagtulo ng mga luha nya sa kanyang mga mata. Bigla kong nahabag nang makita ang kalunos-lunos nyang kalagayan. I tried to stop her. Dali-dali kong inagaw sa kamay nya 'yung parte ng boteng pinanghihiwa nya sa kanyang pulso. Itinapon ko 'yon sa sahig.
"Are you out of your mind?!" singhal ko pa rito pagkalapit ko.
Napatingin naman sya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Pinagmasdan nya ang mukha ko na para bang sobrang tagal nya 'yung hinintay na muling makita. Nakaramdam ako ng awa nang matitigan ko sya. Lalo na nung unti-unting tumulo ang mga luha sa kanyang mata.
"K-Kai, Kai..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya. Hinigit ko na sya't niyakap nang mahigpit. Sinagot rin naman nya 'yon at saka nagiiyak sa dibdib ko.
Since the first time I saw her, alam ko nang hindi naman talaga sya matapang. Ipinapakita nya lang sa iba na kaya nya ang lahat, but deep inside, I know, naghahanap rin sya ng taong pwede nyang sandalan.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report