OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 36: NEW GIRL
DASURI
Pagbalik ko sa room namin, naupo agad ako sa pwesto ko. Nilingon naman ako ni Sora. "Oh' okay ka lang? Bakit bigla kang kumaripas ng takbo palabas ng room? Susundan sana kita kaso dumating na si ma'am." "Nasa'an na si ma'am? Bakit wala s'ya dito?"
"Lumabas lang saglit may naiwan daw kasi sya sa faculty room. Babalik din agad 'yon." "Ganon ba? Argh. Buti nakaabot ako." Umupo ko nang maayos sabay ngiti dito.
Hindi naman nagtagal dumating na rin sa kwarto si L. joe. Sa pintuan sa harapan sya dumaan dahilan para madaanan ako nito. Hindi nakalagpas sa'kin ang mga tingin nyang hindi ko parin maintindihan. Para bang nababahala sya na ewan. Hindi ko na lang sya pinansin at naghanda na sa pagdating ni ma'am. Ano ba kasi talaga ang problema nya sa'kin? Naguguluhan na ko sa mga kinikilos nya e.
Matapos ang klase, pinasunod ako ni Ms. Seo sa faculty room. Gusto nya daw nya kong kausapin tungkol sa special project na iibibigay nya sa'kin. Nagpasaring pa nga sya na kesyo hindi daw nya ko dapat bibigyan ng special project. Kasi naman unfair daw 'yon sa mga kaklase ko na umattend at tumulong talaga sa naganap na founding anniversary ng school. Pero dahil mabait sya't maunawain, pagbibigyan na daw nya ko.
Woooh! Muntik na ulit akong masuka dahil sa sinabi nya. Hahaha. Pagkapasok ko ng faculty, hinanda ko na 'yung sarili ko sa kanyang sasabihin. Sigurado namang papahirapan ako nito e. Si ma'am pa.
"Maupo ka," pahayag nito pagkakita sa'kin. Tinanggap ko naman iyon at naupo sa harap nya.
"Ahmm, mukhang busy po kayo ma'am ha? Hehe." Napansin ko kasi 'yung mga papel nya sa mesa. Sangkatutak.
"Oo, malapit na kasi ang midterm exam. I hope pumasa ka naman this time, Mrs. Kim?" Nakataas pa ang kilay nya habang sinasabi 'yon.
Okay na sana e. Masaya na ko kasi she called me Mrs. instead of Ms. Kaso nega naman 'yung sinabi. Tss.
"Oo naman ma'am. Nag-aaral na po ko ng mabuti ngayon. Baka magulat kayo, perfect pa yung sagot ko. haha." ngiting-aso kong pahayag.
Inismidan lang ako ni ma'am bago iligpit 'yung mga papel sa harap nya. Natahimik tuloy ako bigla. Mamaya ibagsak na ko nito nang tuluyan dahil sa kadaldalan ko e. Mahirap na.
"Ahmm, ma'am. Ano po ba 'yung magiging special project ko?" nagtanong na ko. Ayoko na kasing manatili pa dito sa pwesto ko. Feeling ko nasa hot seat ako e.
"Bago 'yon, gusto ko munang isauli sa'yo 'to. Napulot 'to ng janitor habang naglilinis sya ng gym. Matagal ko nang gustong ibigay sa'yo 'to pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon." Nagliwanag ang mga mata ko nang makita ang aking cellphone.
Buhay pa pala 'to. Ang saya naman. Haha. Totoo pala talaga ang kasabihang kung para sa'yo. Babalik at babalik 'yan. Hugot!
"Salamat ma'am. Matagal ko na po itong hinahanap e. Salamat po talaga ng marami." Inabot ko 'yung cellphone atsaka yumuko sa harap nito. Nakakatuwa. Hindi ko na kailangang bumili ng bago. Nakatipid rin kahit papano. Woot! Wooot! Itinago ko agad sa bag ko 'yung phone. Mahirap na. Baka mawala pa ulit.
"Now, let's go on our business." Seryosong pahayag ni ma'am. Muli na naman akong kinabahan. Diyos ko! H'wag naman sana imposible ang ipagawa sa'kin ni ma'am. Baka ipakumpleto sa'kin nito ang pitong dragon ball. Aba. Ayawan na. Hindi na lang ako gagraduate. Sige na. haha.
"Alam mo ba ang reason bakit pinadokumentaryo ko ang mga mangyayari sa founding anniversary natin?" umiling-iling ako bilang sagot. Wala naman talaga ko alam sa dahilan nya e. Kaya bakit nya ko tinatanong? Psh.
"Sabi na nga ba 'yan ang ang magiging sagot mo. What should I expect from you, right?" Tinaasan pa ko ng kilay habang sinasabi 'yon.
Oo na, wala na kong kwenta kausap, kailangan pinagdidiinan pa?
"Well, it because I want you to capture your own precious memories from that event. Ang buhay ay parang patuloy na agos ng tubig. Kahit gustuhin mong bumalik hindi mo na mababalikan ang mga bagay na nakaraan na. Mapait man 'yon o maganda."
"Pero kahit ganon, may mga paraan para mapreserved ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay natin. Kaya nga naimbento ang mga camera. To capture beautiful moments and preserved it for a life time."
"Now, dahil wala kang memories na nagawa kasama ang mga kaklase mo. I want you to make your own memories. From now on, kailangan mong magkaroon ng isang diary. You will write there anything that happens to you in a day." Hindi pa man natatapos ni ma'am ang sasabihin nya, sumingit na agad ako.
"Ahm, ma'am. Kailangan po ba detalyo lahat? Pati oras ng paggising, ano 'yung kinain ko. What time ako naligo. Pati na anong oras ako matutulog?" naguguluhan kong tanong. Ang hirap naman kasi pag ganon. Ang hustle parang pagpo- post lang sa fb or paggi-gm sa text. Bawat galaw dinodokumentado. Muli na namang tumaas ang kilay ni ma'am. Mukhang na-on ko na naman ang maldita mode nya.
"Are you stupid or what? Of course, hindi ganon ang ibig kong sabihin. Isusulat mo lang yung mahahalagang bagay. Yung pinaka importante." Medyo naiinis nitong pahayag. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil 'don. Lumabas ako sa faculty room na may ngiting tagumpay. Akalain mong ganon lang kadali ang pinapagawa sa'kin ni ma'am? Ashus. Sisiw! Paglabas ko ng kwarto inilabas ko yung phone ko at agad-agad na kinalikot 'yon.
"Namiss ko 'tong phone ko sobra." Pahayag ko pa habang kinakalikot 'yon.
I open it at saka sunod-sunod na pumasok ang mensahe para sa akin. Isa-isa ko namang binasa ang mga iyon. Galing sa mga kaibigan ko. Kadalasan tinatanong kung nasaan ako? Anong nangyari bakit hindi ako pumapasok.
Yun siguro yung mga panahon na nasa Japan ako. Pero sa dami ng text messages na meron ako. 'Yung nagiisang mensahe ang nakakuha ng atensyon ko. Base sa araw at oras na natanggap ko ito. Ito ang pinaka bago sa lahat ng messages na natanggap ko. Dahan-dahan kong inopen 'yon kaso 'yung time na magbubukas na ito bigla naman syang nagshut-down.
"Ay, lowbat? Kung sinusuwerte ka naman." Dismayado kong ibinalik sa bulsa ko yung cellphone. Sa bahay ko na lang siguro babasahin 'yon. Wala naman kasi kong dalang charger sa bag. JAMIE
Binibisita ko ang buong dorm ng Exo. Chineck ko ang mga gamit nilang sira na at kailangang palitan. Maski na 'yung laman ng mga cabinet at refregirator, ginagawa ko 'to monthly para masiguradong maayos ang paninirahan ng mga alaga ko rito. I know mahirap na malayo sa pamilya kaya hangga't maari gusto kong pawiin ng kaunti ang panlulumbay nila kahit sa simpleng bagay kagaya nito.
Hindi naman ako nahihirapan na i-tsek yung buong bahay kasi sinasakto kong wala silang lahat kapag gagawin ko 'to. Kagaya ngayon na may kanya-kanya silang solo activity o di kaya'y bumisita sa kani-kanilang pamilya. Katatapos ko pa lang i-tsek 'yung mga kwato nang marinig ko ang pagtunog door bell. Napahinto ko sa aking ginagawa at napaisip, "Sino naman ang pupunta dito nang ganito kaaga?"
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Kahit wala kong kaide-ideya kung sino iyon. Lumapit parin ako sa pinto at pinagbuksan iyon.
"Anong ginagawa mo dito?" pahayag ko nang bumungad sa'kin ang isang pamilyar na tao. He didn't answer my question at sa halip ay nagdire-diretsyo sa sala ng bahay. "Member din naman ako ng Exo kaya may karapatan parin ako sa dorm na 'to. Ahhh." Humilata sya sa sofa sabay pikit. Otomatiko namang tumaas ang kilay ko. "Namimilosopo ka pa ah. Baka gusto mong may kalagyan sa akin." Sinundan ko sya sa sofa at pumwesto sa gilid nya habang nakacross ang mga braso.
"Sssh. Quiet please. I want to sleep." Niyakap pa nya 'yung unan ng sofa sabay talikod sakin.
"Aba talagang! Hoy gumising ka nga dyan. Kung pumunta ka lang dito para humilata. Doon ka sa bahay nyo magpakaayahay. Ipapageneral cleaning ko 'tong dorm. Hala. Tayo na dali!" sinipa-sipa ko sya sa pwet para tumayo na. Pero ang tigas ng ulo ng batang 'to.
"Ano ba. Noona naman e. Let me sleep." Itinalukbong pa nya sa mukha nya 'yung unan at nagpatuloy sa pagtulog. Napabuga na lang ako sa hangin habang nakatitig sa kanya.
"Aist. Pasaway talaga." Umupo ako sa katabi nitong sofa saka tinitigan ito nang seryoso.
"Hoy! Kim Jong In. Magsabi ka nga ng totoo. Nag-away ba kayo ni Dasuri?" Napansin ko ang bahagya nitong paggalaw nang marinig ang pangalan ng asawa.
"Hindi kami nag-away. Ayoko lang talagang mag-stay sa bahay." Mahina nitong sagot habang hindi ako nililingon. Akala ata nya titigilan ko sya kapag umasta syang parang wala lang. Matagal ko na silang inaalagaan para hindi ko malaman kung may problema ba sila o wala.
"Tumigil ka nga dyan sa kada-drama mo. Nagkaroon ka lang ng teleserye pati off-cam dinadala mo ang kaartehan mo. Tumayo ka dyan at mag-usap tayo. Ano na naman ba ang pinagawayan nyo't nagsusumiksik ka dito ha?"
"Tong batang 'to. Kapag okay sila nang asawa halos hindi mo mahagilap maski anino. Tapos ngayong may tampuhan sila dito nasusumiksik. Hala. Umayos ka't baka hindi ako makapagpigil, ibitin kita patiwarik." Mukhang nakulta naman sya sa kadadakdak ko kaya umupo ito't hinarap ako.
Bakas sa mukha nya na may mabigat nga itong dinadala. Ni hindi nga nya ko matignan ng diretsyo sa mata.
"Hindi ko alam. Naguguluhan na rin ako noona. Tama pa ba 'tong ginagawa ko?" kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Ano ba kasing problema? Tungkol na naman ba 'to kay Hyena?"
Matapos kasi nilang makabalik mula Japan. Dinalaw ni Kai si Hyena sa condo nito para tignan ang kalagayan nya. Dahil nga sa biglang pagbagsak ng career nito. Nadrepress ang dalaga at nagkulong sa kanyang unit. Pati ang manager nito ay hindi na alam ang dapat gawin para matulungan itong makaahon sa kanyang nararanasang depression.
To the extent na nagagawa na nitong tangkaing tapusin ang buhay nya. At sa tuwing kakausapin nila ito. Si Kai ang lagi nyang hinahanap. Si Kai ang gusto nyang makausap. Dahil doon, nagpasya yung manager nya na lumapit samin at humingi ng tulong. Hiniling nito na sana pumayag si Kai na alagaan si Hyena hangga't hindi pa ito nakakarekober sa depression na nararanasan ng dalaga.
Dahil pakiramdam namin ni Kai na sya ang may dahilan kung bakit napunta sa ganoong sitwasyon si Hyena. Wala na tuloy syang nagawa kundi umoo sa pakiusap ng manager ni Hyena. Kahit pa labag 'yon sa kalooban nya. "Sinabi ko naman kasi sa'yo. Wala kang kasalanan sa mga nangyari kay Hyena. Kaya wag mong akuin ang responsibilidad para sa paggaling nya."
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Sinubukan ko na kasing pigilan sya sa naging desisyon nya. Alam ko naman kasing sya at sya lang din ang mahihirapan sa huli. Masyadong komplikado yung sitwasyon na pinasok nya.
"Sabihin na nating tama ka noona. Siguro nga wala kong kasalan kung bakit nabash si Hyena. Hindi ko naman kasi inutos sa mga fans na gawin 'yon. Wala rin akong kasalanan kung bakit biglang nagback-out ang mga endorser nya. Kung bakit depress sya ngayon at pilit nyang sinusubukang kitilin ang buhay nya. Pero noona, matanong kita. Hindi ko rin ba magiging kasalanan kapag hinayaan ko syang wakasan ang buhay nya kahit alam ko naman ang paraan kung paano sya muling maisasalba? Ang hirap lang kasing mamili sa tama at sa makakabuting gawin."
".... Saan ba ko lulugar?"
Maski ako'y hindi nakasagot sa naging tanong nya. Ano nga ba ang dapat mong piliin sa sitwasyong kagaya nito? Yung alam mong tama kahit pa may masaktan at mapabayaan kang iba? O yung makakabuti sa iba pero alam mong mahihirapan ka?
Pansamantalang namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ni isa sa amin ay walang maisip na sabihin. Nakakalungkot pero tanging pagsuporta lang sa desisyong pinili nya ang pwede kong magawa sa ngayon. "Nalaman na ba ni Dasuri ang tungkol sa set-up nyo ni Hyena? Nagalit ba sya? Baka naman hindi mo naipaliwanag sa kanya nang maayos ang sitwasyon mo? Mabait naman si Dasuri at sigurado kong maiintindihan naman nya ang pinagdadaanan mo ngayon. Gusto mo ba kausapin ko sya para sa'yo?" pagbabakasakali ko.
"Salamat na lang noona, pero ayoko nang idamay pa sya sa gulong pinasok ko. Ako na ang bahalang tumapos nito." Matapos nyang magsalita, tumunog ang cellphone nito dahilan para matigil ang usapan namin. Napatingin pa sa akin si Kai matapos makita ang pangalan ng tumatawag. Mukhang alam ko na kung sino 'yon.
"Sandali lang noona, sagutin ko lang 'to." paalam nito sa'kin. Tumango na lang ako bilang sagot. "Hello?"
Pinagmasdan ko lang si Kai habang lumalayo ito sa pwesto ko. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan. Hanggang ngayon ba naman hindi parin natatapos ang pagsubok sa relasyon nila? Sana kagaya dati...magawa parin nilang malampasan ito nang magkasama.
"Noona, salamat sa pakikinig. Kailangan ko na pa lang umalis. May kailangan pa kasi akong puntahan." He gave me a meaningful stare. Kahit gusto sana syang pigilan. Alam ko namang wala kong karapatan na gawin 'yon. "Naiintindihan ko, mag-iingat ka. You can use my car if you want." Nginitian nya ko habang inaabot yung susi na inaalok ko sa kanya.
"Salamat pero pwede bang humingi pa ko ng isang pabor? Pwede bang itago pa rin natin kay Dasuri ang tungkol dito? Please?" ilang segundo pa akong nag-isip bago tumango. Nakahinga naman ng maluwag si Kai nang makita 'yon. "Salamat."
Sunod-sunod na buntong-hininga ang ginawa ko pagkatapos na makaalis ni Kai sa dorm. Ang hirap pala ng ganito. Gusto mong tumulong pero wala ka namang magawa. Nakakalungkot lang.
Babalik na sana ko sa ginagawa kong pagtse-check sa mga kwarto kanina nang magulat ako sa pagbukas ng isa sa mga pinto ng kwarto. Lalong namilog ang mata ko nang makita ang lalaking palabas mula rito.
"S-Sehun? Kanina ka pa dyan?" gulantang kong tanong. Walang kaemo-emosyon naman nya kong hinarap.
"Totoo ba lahat ng narinig ko? Talaga bang may ibang babae si Kai bukod kay Dasuri?"
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report