DASURI

"Ano sama ka?" alok sa akin ni Chunji pagkakita namin sa field ng school.

Ibang klase ang lalaking 'to. Kahit hindi sya estudyante nakakapaglabas-masok sya sa campus namin ng walang kahirap-hirap. Ganon ba kalakas yung backer nya? Tindi.

"Mag-iinuman lang naman pala kayo ni L. joe bakit isasama mo pa ko? Lakad nyo lang dalawa yun e. Saka isa pa, hindi naman ako umiinom. Kayong dalawa na lang." Saad ko sabay alis sa harap nya. Pinipilit nya kasi akong sumama sa lakad nila ni L. joe.

Ayoko nga! Mamaya malasing pa ko. hmp.

"Hindi mo naman kailangang uminom. Basta sumama ka lang," sinundan pa nya ko para muling suyuin.

"Para saan? Wala naman akong gagawin 'don. Magmumukha lang akong chapiron. Saka nakakatakot kaya sa night club."

Kaya lang naman ako sumama kila Baekhyun 'non kasi gusto kong asarin si Kai. Pero pagkatapos 'non pinangako ko na sa sarili kong hinding-hindi na ko babalik 'don. Pwera na lang kung kasama si Kai. Baka halikan nya ulit ako 'don. Sayang naman. Haha.

"Akala ko ba napag-usapan na natin 'to? Diba tutulungan mo kong baguhin ang isip ni L. joe at pilitin syang bisitahin ang ama nya?" I rolled my eyes and stop from walking.

"Ano namang konek 'non? Bakit kapag sumama ba ko sa inyo mamaya magbabago na 'yung isip ni L. joe?" medyo naiirita kong tanong. Ang kulit naman kasi ni Ji.

"Oo." Mabilis nitong sagot.

"Sinungaling!" inirapan ko pa si Ji bago maglakad muli. Anong akala nya magpapauto ako? No way!

"Hey, saglit lang naman." Sabay habol na naman sa akin. Aist.

"Pumayag kana kasi." Saad pa nito.

"Ayoko."

"Sige na."

"No."

"Please?"

Hindi na ko nakapagpigil. Huminto ko sa paglalakad at hinarap si Ji na nakakunot ang noo.

"BAKIT BA ANG KULIT KULIT KULIT KULIT MO? AYOKO NGA DIBA? AYOKO!" halos sigawan ko na si Ji dahil sa inis. Wag na kasi nya kong sundan. Wala syang mapapala sa'kin. Nagulat naman sya sa naging asta ko. "Woah! Bakit ka naninigaw?" gulantang nitong pahayag.

"Hindi naman kita inaano. Nakikiusap lang ako. Tignan mo, pinagtitinginan tuloy tayo ng mga tao sa paligid."

Natauhan ako sa sinabi nya. Sinilip ko pa 'yung mga tinutukoy nyang nakatingin sa amin.

"Kung ayaw mo talaga, pwede mo namang sabihin. Hindi yung naninigaw ka. Nakakahiya tuloy, akala ng tao inaaway kita."

Bigla kong nalungkot nang marinig ang sinabi ni Chunji. Napasinghot-singhot ako habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

"Hala... iiyak ka ba?" puna nya sa akin. Dahil sa sinabi nya hindi ko na napigilan. Tuluyan nang tumulo ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Ikaw kase e... Huk... Sinisisi mo ko... huk.... T-Tapos sabi mo pa iiyak ako. Kaya ayun n-naiyak na talaga ko. Huhu." Sabay kong pinunasan ang magkabilang pisngi ko kahit panay rin ang tulo ng luha dito.

"Hala. Adik ka. Pffft. Hindi naman kita sinisisi e. Haha." naglabas si Ji ng panyo at saka lumapit sa akin para punasan ang mga luha ko.

"Tumahan ka na nga. Natatawa ko sa'yo e."

"I-Ikaw kase e. Huhu." Hinayaan ko syang punasan ang mga luha ko.

"Oo na. Ako na may kasalan. Tumahan ka lang. Para ka namang bata nyan e. Haha." Anong magagawa ko? Bigla-bigla na lang ako naiyak e.

"Sige ganito na lang, kapag sumama ka sa amin mamaya. Sayo na mapupunta yung rillakkuma na nakuha ko noong foundation anniversary nyo. Diba gustong-gusto mo 'yon?" Tanong ni Ji habang patuloy parin sa pagpunas ng magkabilang pisngi ko.

"Oo. Gusto ko..." sabay tango-tango ko na parang batang nauuto.

"Sige, mapapasayo 'yon. Basta sumama ka samin mamaya, okay? Gusto mo sama mo pa 'yung kyut mong friend para hindi ka mailang. Ano deal ba, Ri ko?" Napangiti naman ako nang marinig ang sinabi nya.

"Sige na nga. Sasama na ko. hehe." Sabay ngiti dito. Natawa naman sya nang makita 'yon.

"Ashush. Haha. Ano bang kinain mo't nakakaloko 'yung moodswing mo? Hahahaha." Tawang-tawang pahayag ni Ji.

Bigla tuloy akong napaisip, oo nga 'no. Kahit ako naninibago na rin sa mga kinikilos at nararamdaman ko.

May sakit na ba ko?

Gaya nang napag-usapan, nagkita-kita nga kami nila Chunji pagpatak ng alas-dyes ng gabi. Wala na sana kong balak tumupad sa usapan namin kaso pagdating ko sa bahay, wala parin si hubby. Sinubukan kong kontakin sya pero hindi sumasagot.

Naisipan ko tuloy tawagan si Sora at ituloy ang usapan namin ni Ji. Kaysa naman mabulok ako kakahintay kay hubby. Makikipagkita nalang ako kila Chunji. May Rillakkuma pa ko. Hoho.

"Hey! Hey!" bati ni Ji pagkakita samin ni Sora. Napag-usapan kasi naming sa mismong tapat ng bar na pupuntahan na lang namin kami magkikita-kita.

"Mabuti naman at dumating kayo. Akala ko talaga i-indyanin no kami e. Haha." dagdag pa nito.

Napasulyap naman ako sa lugar pwesto ni L. joe. Mukhang hindi naman sya masayang makita kami dito. So ano yung sinasabi ni Ji na mapapayag na namin si L. joe na bisitahin ang papa nya kapag sumama ko? Tss. Pinagloloko nga lang ata talaga ko ng Ji na 'to. Asar.

"Pumasok na kaya tayo? Mamaya, may makakita pa samin dito. Nakakahiya." Pahayag ni Sora. Nilapitan naman sya ni Ji sabay akbay nito.

"Sure, my lady. Your wish is my command." Inalalayan nya si Sora papasok ng bar. Tinaasan naman sya ng kilay ni Sora habang tinatanggal ang pagkakaakbay nya rito. Medyo natawa pa ko nang mapansin 'yon. "Why are you here?!" napalingon ako kay L. joe nang marinig syang magsalita. Nakakunot na agad ang noo nito wala pa man akong sinasabi.

"Inaya ko ni Ji. Ayaw ko namang tangihan ang kaibigan ko 'no." masungit kong sagot. Lalong nagsalubong ang dalawang kilay nya.

"Aissh. That guy!" naulinigan kong bulong nya. Anong problema nito? Talaga bang ayaw nya kong makita rito?

"K-Kung ayaw mo nang tumuloy sa loob, bahala ka. Basta ko susundan ko sila Ji. Sige, maiwan na kita dyan." Palakad pa lang ako papasok nang bigla nyang higitin ang braso ko. Hinila nya ko paharap sa kanya.

"Y-Yah! Anong ginagawa mo?" hinawakan na naman kasi nya ang pulso ko. Hindi pa sya nakuntento itinapat pa nya sa ibaba ng panga ko yung dalawang daliri nya. Pinakiramdaman na naman nya muli iyon gaya ng ginawa nya sa akin nung magkasalubong kami sa cr ng boys.

Hindi naman nagtagal ay tinanggal na nya yung dalawang daliri nya sa'kin atsaka may inilabas na kung ano mula sa bulsa ng jacket nya. Nagtaka ako nang makita ang hawak-hawak nya. Isa iyong face mask na itim. Inayos nya iyon at isinabit sa magkabilang tenga ko.

"Wear this. There are lots of people who smokes inside." Saad pa nya bago ko hilahin papasok sa loob.

Hindi ko mapigilang mapsulyap kay L. joe habang inaalalayan ako papasok sa loob. Sobrang daming tao ang nagsasayaw kaya hindi maiwasang magkaroon ng tulakan.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Pero kahit ganon, nagawa pa rin akong protekhanan ni L. joe hanggang sa mahanap na namin sila Chunji na nakaupo na sa isang table. Meron na ring mga pagkain at inumin kaming naabutan pagkarating 'don.

"Finally, kumpleto na tayo. Ang tagal nyo sa labas. Kala ko tuloy hindi na kayo susunod. Sayang naman. Haha." parang ewan na pahayag ni Chunji. Naupo naman ako sa tabi ni Sora na kasalukuyang humihigop sa juice na hawak-hawak nya. "Bakit ka nakamask?" bulong nya sa akin pagkaupo ko.

Napaisip naman ako sa isasagot ko. Sasabihin ko bang isinuot kasi sa akin 'to ni L. joe kanina? Kasi ayaw nyang may malanghap akong usok habang nandirito sa loob? Pero bakit? Bakit nya nga ba ginawa 'yon? "Ewan ko rin e." sagot ko.

Napaismid naman si Sora sa naging sagot ko. Halatang hindi sya naniniwala. Anong magagawa ko? Yun naman talaga ang totoo.

After 15 minutes....

Dahil nasa isang bar kami, lalo ko lang naalala si hubby. Lalo ko lang tuloy syang nami-miss. Bakit kasi parang wala na syang time para sa akin? Nakakatampo na minsan. Dahil sa lungkot na nararamdaman. Naisipan kong uminom ng alak. Siguro kapag uminom ako hindi na ko gaanong malulungkot kapag nakauwi na ko sa bahay. Kahit wala pa 'don si hubby, atleast makakatulog agad ako dahil sa kalasingan.

Tinitigan ko 'yung isang baso ng alak sa harap ko. Dahan-dahan ko yung inabot. Tinanggal ko 'yung facial mask sa mukha ko at inilapit yung baso patungo sa aking labi.

"What are you planning to do?" napapitlag ako nang biglang magsalita si L. joe sa tabi ko. Hinila kasi ni Chunji si Sora papunta dun sa dance floor. Kaming dalawa na lang tuloy ang naiwan sa table. "Umm, iinom?" inosente kong tanong.

"Did I give you a permission to drink?" kumunot ang noo ko sa naging tanong nya. Kailangan ko bang magpaalam sa kanya?

"You can't drink, pabo!" sabay hablot nya sa baso nang alak na hawak-hawak ko.

"At bakit?" nakakairita naman 'to. Masyadong epal. Sino ba sya para pagbawalan ako? Hindi ko naman sya asawa.

"You really want to know why?" binigyan nya ko nang isang makahulugang tingin. Napalunok pa ko nang ilapit nya sa mukha ko ang kanyang mukha.

"B-Bakit?" kahit hindi ako sigurado. Sinubukan ko paring magtanong. Naramdaman ko naman ang paghawak nya sa braso ko.

"I'll show you." Hindi na ko nagulat nang hilahin nya ko palabas ng bar. Mukhang kanina pa kasi nya talaga gustong gawin 'yon. Halatang hindi nya nae-enjoy yung pag-stay doon.

"Anong gagawin natin dito?" matapos nya kasi akong hilahin palabas ng bar. Dinala nya ko sa isang drugs store. Hindi nya ko pinansin at nagdire-diretsyo sa counter. Sinundan ko naman sya. "Good evening, Sir," sobrang lapad ng ngiti nung babae sa counter nang makita si L. joe. Mukhang nagwapuhan sya kay mokong. Tahimik naman akong tumabi sa kanya.

"Kaya siguro sya pumunta dito kasi maganda 'yung tindera. Tss." bulong ko pa.

"Good evening, can you give me one pregnancy test?" napalingon ako kay L. joe nang marinig ang sinabi nya. Napatitig naman samin yung babaeng pinagbibilhan ni L. joe.

"Ehemp, one pregnancy.... test, sir?" sabay sulyap sa akin nung babae. Halos manliit naman ako sa nangyayari.

Langya 'to si L. joe. BAKIT NGAYON PA NYA NAPAGTRIPANG BUMILI NG PREGNANCY TEST?!!

"Yes, something wrong?" parang wala lang kay L. joe ang ginawa nya. Grabe. Ako ang nanliliit sa mga nangayayari e.

"Nothing sir. Here's your pregnancy test." Malungkot na inabot nung babae kay L. joe yung PT.

I don't know kung malulungkot ba ko o hindi sa mga nangyayari. Ewan ko ba, parang natuwa ko nang madissapoint si ate nang isipin nyang girlfriend ako ni L. joe. Parang nakakaproud lang. Haha. "Thanks." Naunang umalis si L. joe na sinundan ko naman. Paglabas namin ng store inabot nya sa'kin yung PT.

"Para saan ba 'yan?" tanong ko. Nakakapagtaka naman kasi bakit sya bumili nang ganon. Meron ba syang nakaone-night stand? Tapos inaabot nya pa sa akin ngayon? Geez. "Can't you get it?" kunot-noo nitong tanong.

Nag-isip pa ko sandali bago mabagal na tumango-tango. Hindi ko talaga sya magets. Napabuntong-hininga naman ito at bahagyang napapapikit pa dahil di makapaniwala. "Arghh, Dasuri, why are you doing this to me?" he blurted out while looking straight to my eyes. Lalo naman akong naguluhan sa naging reaksyon nya.

Ano bang ginagawa ko sa kanya?

Kinuha nya yung kamay ko't inilagay doon yung PT. Ikinuyom nya ito kasabay nang bahagyang pagpisil rito. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata.

"I know that someday it will really happen, and I prepared myself. But now that I'm facing it? It's killing me." Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot habang sinasabi 'yon.

Hindi ko man gustuhin pero para bang may kumurot ng bahagya sa puso ko nang makita 'yon. Sinubukan nyang ngumiti pero hindi ito nakatulong. Mas lalo lang nyang ipinakita sa'kin kung gaano sya nasasaktan. "Should I congratulate you? Because I think... you're pregnant."

Halos lumuwa naman ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nya. Dahil sa sobrang gulat bigla kong napasigaw.

"A-ANO?! B-BUNTIS AKO?!"

Oh.. kay. Bakit mas nauna pa nyang nalaman 'yon kesa sa mismong may katawan. Pinagloloko nya ba ko?!

Ilang minuto pa ang nakalipas para maabsorb ko ang lahat ng sinabi nya. Masyado kong nagulantang sa mga isiniwalat nito pero hindi rin naman nagtagal ay naintindihan ko na ang totoong nangyayari.

I faced him with a disgusted face.

Binawi ko rin ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya dahilan para bumagsak 'yung PT sa sahig. Hindi ko ininda 'yon at naiinis na hinarap si L. joe.

"Alam ko hindi mo ko feel na maging kaibigan. Alam ko rin na tingin mo sa akin shu-shunga-shunga. Pero Mr. Lee, hindi magandang biro 'yan ah. Talagang dinala mo pa ko dito para lang sabihin sa akin 'yang kalokohan na 'yan?!" medyo napataas na ang boses ko dahil sa inis.

Hindi ko sya maintindihan. Talaga bang sobra ang pagkainis nya sa akin para gawing biro ang mga bagay na katulad nito? Hindi ako ganon katanga para maniwala sa mga kalokohan nya.

"Grabe.... hindi ko akalain na ganyan ka pala. Hah, buntis ako? Kwento mo sa lolo mo." halos sunod-sunod ang pagbuga ko nang hangin dahil sa inis. Nagpamewang pa ko habang nagpapakalma.

Oo, may issue kami ngayon. At OO gustong-gusto ko na ring makabuo kami ni Kai pero hindi ko pinangarap sa ganitong paraan. Huminga ko nang malalim at pinakalma ang sarili. May pinagsamahan parin naman kami kahit papaano kaya ayokong magalit sa kanya nang tuluyan.

"Uuwi na ko, tapos na kong makinig sa walang kwenta mong jokes." Binigyan ko muna sya nang isang dismayadong tingin bago tumalikod.

Gusto kong maramdaman nyang sobra kong nalungkot sa ginawa nya, na sobra kong nanghihinayang sa magandang samahang gusto ko parin sanang buuin.

Pero ganon talaga, may mga taong daraan lang sa buhay mo at walang balak na tumambay dito. Hayst. Naramdaman ko naman ang pagyuko nito para damputin 'yung PT na nasa sahig. Kasabay nito ang mahina nyang pagsasalita, "I hope I was wrong so I can still have a chance to get you."

Para kong nabingi nang marinig ang mga sinabi nya. Para bang biglang huminto ang oras sa paligid. Dahan-dahan akong humarap rito para makita ang pagmumukha nya. Gusto kong makita mula rito kung nagsasabi ba sya nang totoo o niloloko nya lang ako.

"A-Anong sinabi mo?" kasabay nang pagtama ng aming mga mata ang pagyapos nang malamig na hangin sa aming mga balat. Wala kong marinig na ingay mula sa paligid maliban sa mabilis na tibok ng puso sa aking dibdib. "I already told you before that I like you. But the only difference now is, I want you to be mine." Ramdam ko ang sinseridad sa mga titig sa akin ni L. joe. Lalo tuloy akong naguluhan.

Oo, inamin nya sa akin dati na gusto nya ko. Pero kabaliktaran naman 'yon sa mga kinikilos nya kaya nga pinili kong hindi sya paniwalaan. Lalo na nung mga nakaraang araw, lagi nya kong sinusungitan at nilalayuan. Sinabi rin nya noon na gusto nya lang akong alagaan at walang hinihinging kapalit. Tapos ngayon sasabihin nya sa akin na gusto na nya kong mapasakanya?

Ano ba talaga ang totoo?!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report