The Crazy Rich Madame -
Chapter 76: Raging Fire
BAGOT NA BAGOT si Vladimyr na napabuga ng hangin habang nakaupo wheelchair. Maingat na tinutulak iyon ni Reika habang tinatahak ang kahabaan ng lobby papunta sa labas. Nakatukod ang siko niya sa malambot na armrest at nakasalo sa baba ang palad habang hindi maipinta ang mukha dulot ng matinding pagkainip.
Isang linggo din siyang naroon sa ospital dahil sa utos ng mag-asawang Noah at Reika. Kahit paulit-ulit niyang sabihin na okay lang siya at wala naman siyang kakaibang nararamdaman bukod sa gusto niya ng singkamas at papayang hilaw, ayaw pa rin ng mga ito makinig. Gusto na niyang kumain. Kanina pa nagrereklamo ang sikmura niya.
Gusto niya ng siopao, ng balut, inihaw na kamote at marami pang iba na kine-crave niyang kainin. Gusto niya ng fruit salad na green at red lang ang makikita niyang kulay.
Gusto niyang kumain at matulog. Yun lang!
"Bakit ba ako naka-wheelchair eh kaya ko naman maglakad?" nababagot niyang tanong kay Reika. Kumakalam na naman ang sikmura niya kahit katatapos niya lang kumain ng isang box ng buko pie at vegetable pizza. Naka isa at kalahating litro na siya ng bottled iced tea na may apple flavor kaya maya't-maya siya umiihi.
Ang nagtataka siya, bakit nag bo-volunteer si Reika na mag-flush ng toilet tuwing nag babanyo siya.
'ang weird'
One night earlier,
"Imposible! Hindi ako naniniwala na may ganoong sakit si Vladimyr!" Nanlalaki ang mga mata ni Reika matapos marinig ang ibinalita ng asawa.
"Hindi rin ako naniniwala. Mas malakas ang kutob ko na tama ang hinala ko, Love."
"Buntis si Vlad?"
Tumango si Noah. "Oo. Pero kailangan natin ng patunay. We need her pee or blood."
Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Reika. "Ako na ang bahala dun, Love." nakangiti nitong sabi.
Natigilan si Reika nang mapansin ang mainit at makahulugang tingin ni Noah sa kaniya.
"H-hoy anong tinitingin-tingin mo?"
Napatili na lang si Reika nang bigla siyang sunggaban ng asawang si Noah kasunod ang mga ungol na pumailanlang sa kabuuan ng kanilang silid.
Four days earlier. Hinanap ni Noah ang doktora na nagsabi ng may ganoong sakit si Vladimyr. Kasama sina Ethan at Leon, sa isa sa mga café ni Reika. Habang sarado pa ito.
"Walang sakit si Vladimyr, hindi ba?" tahasang tanong ni Reika habang deretsong nakatingin sa mga mata ng doktora.
"A-ano bang sinasabi niyo? May sakit si Miss Dela Claire sa matris.!" nauutal na sambit ng doktora.
Matamang pinagmasdan ni Noah ang doktora na parang sinusuri ang bawat kilos ng mukha nito. Saka muling nagsalita.
"Wag ka nang magkaila, Doc. Alam na namin ang totoo. Hindi lang ikaw ang Doctor sa buong Southland kaya wag ka nang magsinungaling. Buntis si Vladimyr kaya siya nagka-bleeding." Inilapag ni Reika ang apat na pregnancy test na nasa ziplock.
She is indeed pregnant. Pero hindi malinaw kung bakit kailangan niya pang itago.
"Umamin ka na." kalmadong wika ni Noah.
Napabuntong hininga na lang ang doktora at sumuko na. Nag-aalala din ito na baka maapektuhan ang propesyon niya ng dahil sa pagsisinungaling.
"Fine! Yes she is pregnant. But she asked me to keep it secret. Wala siyang sinabing dahilan. Kaya please let me go. Wala din akong hiningi na kapalit sa pagsisinungaling ko na ito." Naiinis na sabi ng doktora. Yan ang dahilan kung bakit nakahinga sila ng maluwag.
ILANG araw na rin na walang gana kumilos si Vladimyr, tamad na tamad siya at mabigat ang katawan niya na gumawa ng kahit ano. Gusto niya lang matulog ng matulog. Madilim na ulit nang magising siya. Gabi na naman. Walang gana na pumunta sa banyo si Vladimyr para maglinis ng sarili. Magsipilyo at maligo. Bukod doon, wala na. Hindi tulad ng nakaraang araw.
Sa kwarto na siya kumakain, nagpapahatid na lang siya sa chef nila o kaya ay sina Vraq, Vlex o Reika ang mag-aasikaso sa kaniya.
Sinilip niya ang mga anak sa mga kwarto nito. Sina Drak, Charlie at Cadis ay abala sa pag-aaral habang nakaharap sa mga laptop ng mga ito. Sa tabi nila ay ang mga makakapal na libro at mga notebook na nagkalat sa kama. Sunod niyang sinilip ay sina Drakaina at Grusia. Napangiti siya dahil tinutulungan ni Drakaina ang kapatid nito na gumawa ng aralin.
Hindi maitatangging matatalino ang mga anak niya kaya naman kahit sa murang edad, accelerated ng ang mga year level nila. Kung tutuusin kaya na ng mga ito na sabayan ang mas mataas na year level kaya lang kailangan nilang dumaan sa ganoong proseso.
Suot ang maluwag na long sleeve shirt dress, lumabas ng kwarto si Vladimyr kahit walang sapin sa paa. Nanunuot sa manipis niyang talampakan ang lamig ng sahig. Para itong talampakan ng sanggol sa sobrang nipis at lambot. Ilang baitang mula sa ibaba. Bago tuluyang lumapat ang paa niya sa malamig na sahig, namataan niya ang tatlong lalaki sa malawak na sala.
"Gabi na ah, anong meron?"
Kaagad siyang nilingon ng tatlo at tumayo. Tangka na lalapitan siya. Sinenyasan niya itong manatili at maupo.
Magulo pa ang ash and purple ombre na mahaba at wavy na buhok ni Vladimyr. Hindi pa siya nagsusuklay, ilang araw na rin. Pagkatapos maligo hinahayaan niya na lang ito matuyo mag-isa. Fresh din ang makinis at. Bilugan niyang mukha. Walang kahit anong make-up.
Lumitaw ang natural na magiliw niyang kiyang mukha. Malayo sa mahigpit at Maotoridad niyang postura kapag may make-up.
"Nag-dinner na ba kayo?" tanong niya saka naupo sa bakanteng sofa. Ipinatong niya ang mga paa sa lamesa habang nakasandal sa backrest ng sofa.
"Andito kami para ayain ka na lumabas. Tulad ng college days. Yung bonding natin before, matagal na rin tayong hindi lumalabas." Natawa siya ng bahagya. "Seryoso kayo? Tinatamad kasi ako." walang gana niyang sagot.
"Ilang araw ka nang nagkukulong sa kwarto mo, Vlad. Nag-aalala na kami sayo." Biglang singit ni Leon.
Natahimik naman si Vladimyr ng dahil sa sinabi nito. Hindi man niya aminin, alam niyang nag-aalala na talaga sa kaniya ang tatlong kasangga niya. Tipid na ngumisi si Vladimyr para hindi siya mahalata ng mga ito ang tunay niyang nararamdaman.
"Nandito lang naman ako sa bahay, bakit kayo mag-aalala?"
"Yun na nga ang problema. Kaya alam namin na hindi ka okay dahil nandito ka lang sa bahay mo at nagmumukmok. Let's go out. We like to treat you and have fun with us." Wika ni Ethan na tila nanenermon sa malaumanay na paraan. Tila may anghel na humipo sa puso ni Vladimyr ng mga oras na iyon. Napangiti siya ng malapad saka naiiling na ipinako sa iba ang tingin habang sinusupil ang tuwa na nararamdaman.
"Ang OA niyo na." kaswal niyang sabi. "Fine. Hindi ko alam na ganyan na kayo ka-drama ngayon ah." Tumayo muli si Vladimyr para bumalik sa kwarto at magbihis.
"kung sa bagay, Matagal na rin akong hindi nakakapag-relax kaya pagbibigyan ko na kayong tatlo." aniya habang paakyat ng hagdan.
VIP bar. Huminto ang kotse ni Noah matapos mai-park ito ng maayos sa parking area ng Bar. Malapad ito at may mga ilaw sa sa labas. May dalawang Gwardya sa magkabilang bahagi ng dobleng pinto. Malalaking tao at may malalaking katawan. Umaapaw ang lakas ng dating. Mapanuri ang tingin at may pagka-maangas.
Kaagad siyang pinapasok ng dalawang Guard na magkasabay pang binuksan ang mga pinto para sa kaniya. Bahagya pa itong tumango bilang paggalang at nginitian naman ni Vladimyr ng tipid.
Hindi gaya ng ibang bar, hindi masyadong maingay ang loob nito. Hindi rin crowded at walang masyadong nagwawala sa pagsasayaw. Tanging malamyos ng namusika ang pumailanlang sa kabuuan ng buong lugar. Mangilan-ngilan na nag- iinuman sa kani-kanilang mga mesa at eleganteng nagkukwentuhan. May manipis na amoy ng tobacco at halo-halong amoy ng mamahaling pabango ang malalanghap sa paligid. Sa gitnang bahagi ay may malaking hawla kung saan may tatlong babaeng stripper.
Dumeretso muna ng ladies room si Vladimyr nang biglang sumama ang sikmura niya dahil sa nalanghap niyang matapang na amoy ng panlalaking pabango.
ISINARA ni Lucien ang pinto ng VIP room pagkatapos ng meeting niya sa bagong business partner sa EZ Cuisine, na si Lily Jasons. Pagkatapos nilang magkasundo at magpirmahan ng kontrata. Dumeretso muna siya sa Bar Counter para uminom. Gusto niya munang magpaka manhid sa alak bago umuwi dahil kung hindi, mababaliw na naman siya sa kakaisip kay Vladimyr. Miss na miss na niya ito kaya lang, natatalo siya ng pride.
Paglabas ni Lucien sa bungad ng hallway. Muli niyang narinig si Ms. Jasons na tinawag siya sa malambing na paraan.
"Mr. Esquillon! A moment please!" awat ng babae. Matamis ang ngiti nito habang palapit kay Lucien. Sa likuran nito ay ang assistant na lalaki at dalawang bodyguard.
"Hmm? Ms. Jasons?" anas niya pagharap dito, ngunit...
Nagulat si Lucien sa hindi inaasahang ginawa ng babae. Bigla siya nitong hinalikan na may mapusok at mainit na galaw ng labi nito sa kaniya habang humahagod sa matipuno niyang dibdib ang mga palad nito. Tila wala itong pakialam kung nasa matao silang lugar.
Ilang minuto din tumagal ang mainit na halik ng babae kay Lucien, na hindi niya nagawang tugunan. Malambot at eksperto ang galaw ng labi nito. Hindi niya maitatanggi na mahusay ito. Kung ibang lalaki siguro, siguradong magagawa nitong maakit sa mainit nitong halik pero sa kasamaang palad, wala siyang naramdaman na kahit ano, kundi pagkainis. Mahigpit na kinapitan ni Lucien ang babae sa mga braso. Puno ng iritasyon niya itong tinitigan ng masama. Nagtatagis ang mga bagang niya dulot ng matinding galit dahil sa ginawa nito.
"What do you think you're doing, Ms. Jasons?" Galit na sita ni Lucien sa babae habang matalim itong tinititigan sa mata.
Napa atras ang babae habang napapangiwi dahil sa mahigpit na hawak na kapit ni Lucien sa mga braso niya. Para bang madudurog na ang mga buto nito sa sobrang higpit ng hawak ni Lucien.
"Mr. Ezquillon, you're hurting me." daing ng babae. Lalong hinigpitan ni Lucien ang kapit ngunit hindi siya nagsalita. Galit na galit siya sa babae. Hiningi ni Lucien ang kontrata sa assistant niyang si Casper saka iyo pinunit sa harap ng babae ng walang kahit anong salitang lumabas sa bibig.
"N-no! Mr. Ezquillon! You can't do this to me!" Nanginginig ang boses ng babae habang nakatingin sa bulto ni Lucien, nilingon muli ni Lucien ang babae at mas matalim ang tingin na ipinukol dito.
Nakikiusap ang mga mata ng babae na nakatingin kay Lucien ngunit wala siya sa huwisyo para palampasin ang ginawa nito.
"There will be no partnership contract between the Jasons company and the EZ Cuisine, Ms. Jasons. Don't show your face to me again." Lucien coldly said with finality in his tone.
Tangka na aalis na si Lucien, ngunit natulos siya sa kinatatayuan nang makita kung sino ang nasa harap niya.
Blanko ang madilim na mga mata nito, na nagpapatayo ng balahibo niya at nagpahinto ng tibok ng puso niya saka napalunok ng ilang ulit.
"Kaya pala... walang anino mo na dumarating sa bahay ko. Ay dahil may bago ka nang kahalikan. In public? Nice view. Masyado ba kayong nasasabik sa isa't-isa? Gusto niyo bang ipa-reserve ko kayo ng hotel?" kaswal na sita nito habang nakatitig kay Lucien.
"Vladimyr... I-it's not what you think..." Kinakabahang depensa ni Lucien. Sa pagkakataong ito, hindi na niya maawat ang malakas na tibok ng puso niya. 'Damn it!'
PAGKATAPOS magmumog ni Vladimyr sa lababo ng ladies room, muli niyang inayos ang sarili bago nagpasyang lumabas doon.
Nagpasya munang maghintay sa counter table habang wala pa sina Noah. Sabi ng mga ito ay magpa-park lang ng sasakyan at susunod na rin, ilang minuto na ay wala pa kahit isa sa kanila. Medyo malayo din ang private parking area ng bar, tatawid pa sa kabilang bahagi ng kalye bago makarating doon peeo may overpass naman na nagdudugtong papunta dito sa kabilang kalye kung nasaan ang VIP bar.
Paglabas pa lang ni Vladimyr sa kanto ng hallway sa comfort room, natigilan siya sa kinatatayuan niya nang makita ang hindi inaasahang view, ilang hakbang ang pagitan sa pwesto niya. Napakurap siya at napatitig sa dalawang taong walang pag-aalinlangan nagsasalo sa mainit na halik. At mukhang walang pakialam sa paligid.
'Luvien...'
Mariing kumuyom ang kamao ni Vladimyr habang nagdidilim ang paningin niya matalim ang tingin na ipinukol sa mga ito dulot ng galit na agad lumukob sa kaniyang katinuan. "It's not what you think Vladimyr.." Natatarantang wika ni Lucien. Bakas ang pagkagulat at pagkabahala sa mga mata nito.
"Vladimyr? Vladimyr na lang pala ako para sa'yo ngayon?" Tumikhim si Vlad at tumingin sa ibang direksyon para kalmahin ang sarili mula sa 'di masukat na galit sa puso niya.
"Ano nangyari sa babe, sa honey at my love mo? Hindi na ba ako ang nagmamay-ari ng mga endearment na yon?" sinulyapan ni Vlad ang babae. "Siya na ba ang bago mong babe? Honey at my love mo?" sarkastiko niyang tanong. Her voice is calm and collected. But there's a hint of threats at the same time. Lucien feels it. The burning anger behind her calm posture is like a hellfire that's waiting for the chance to devour them.
"This is not good."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report