The Crazy Rich Madame
Chapter 77: Why She Bleeds?

Muling hinarap ni Vladimyr ang dalawa at humagod ang mapanuring tingin sa kabuuan ng babae.

"hmm... maganda naman siya. Matangkad. Kulang sa boobs, Mabibitin ka dyan. Walang balakang, walang pwet at payat. Hindi siya slim." Kaswal na puna ni Vladimyr habang isa-isang tinitingnan ang bahagi ng katawan ng babae. Saka muling bumaling kay Lucien. "Hindi siya tatagal ng tatlong round. Masyado siyang payat. Humanap ka ng iba, mabibitin ka sa kaniya."

Nagsalubong ang kilay ni Lucien dahil alam niya ang pinupunto ni Vladimyr.

"What the hell Vlad?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lucien kay Vladimyr.

"I am hell" She said and grins.

Hindi nakatiis si Lily sa pang-iinsulti ni Vladimyr kaya naman sumabat na siya.

"How dare you insult me? Who do you think you are? Get out of my sight before I throw you out of this bar!" Sigaw ng babae kay Vladimyr.

Natatawang umiling si Vladimyr. Tiningnan niya ang babae mula ulo hanggang paa.

"Wag kang magbitaw ng salita, kung hindi mo kayang gawin. Miss... At saka, lumayo-layo ka na sa lalaking yan, baka hindi na kita matantya." babala ni Vladimyr. Malamig ang tinig niya at maotoridad. Wala ako sa mood ngayon makipag tarayan sayo.

"Sa tingin mo ba matatakot mo ako sa banta mo? Go to hell!" Sigaw ni Lily Jasons at buong lakas na lumipad ang palad nito patungo sa mukha ni Vlad. Mabilis na nabasa ni Vladimyr ang gagawing iyon ni Lily.

Kaagad umigkas ang kamay ni Vladimyr. Nahuli niya agad ang braso nito bago pa lumapat sa mukha niya ang palad nito. Marahas na hinablot ni Vladimyr ang braso ng babae na may mariing higpit, sabay hawak sa malambot nitong buhok saka walang pav-aalinlangan na ibinalibag ito sa sahig ng walang kahirap-hirap.

Malakas na bumalandra sa malapit na mga lamesa si Lily Jasons dahilan para maagaw ang pansin ng ibang mga naroroon at mapunta sa kanila ang atensyon.

"How dare you! B*tch!" Gigil na sigaw ng babae. Saka inutusan ang mga tauhan nito na sugurin si Vladimyr.

Blangko ang mga mata ni Vladimyr nang dumako sa mga tauhan ni Lily ang tingin niya. Her eyes is burning with unmeasurable anger like hellfire thats ready to devour them heartlessly.

The men rushed towards Vladimyr's direction with a murderous glare. They strode towards Vladimyr with their massive blows of kicks and punches. But Vladimyr dodged and blocked it easily. Her moves are quick and smooth.

When the men throw their punches to her, Vladimyr quickly crouches and kicks their calves, with deadly force. Causing them to stumble roughly on the ground. Vlad's body is very flexible like a professional gymnast. She aims at the weak part of the body to immobilize her enemy, putting all her force in every strike.

Naririnig niyang umaawat si Lucien, pero hindi niya ito pinansin. Napansin din niya na pinigilan ni Lucien ang isa pang tauhan ni Lily pero hindi ito nagpatinag.

Muling sumugod ang isa pang tauhan ni Lily at tangkang susuntukin si Vladimyr pero kaagad na humakbang si Vlad pakanan, umikot sabay hawak sa braso nito. Binuhat at buong lakas na ibinalibag sa sahig. Napangiwi ang lalaki habang kapit ang balakang nito.

Hindi makapaniwalang napanganga ang babae kay Vladimyr dahil napatumba nito ang apat na skilled bodyguards niya. Nang walang kahirap-hirap.

Lily starts to tremble as her fear eaten her. Trying to sound tough, but her voice is shaking. Which made Vladimyr smirk victoriously.

"Bwisit ka! Paano mo nagawa yon? Mga inutil!" gigil na gigil na sigaw ni Lily sa mga tauhan niya at kay Vladimyr. Galit nitong pinagsisipa ang isa sa mga iyon saka tinitigan ng masama si Vlad.

Maya-maya pa may dalawang bouncer na lumapit sa pwesto nila, hawak ang dalawang batuta at taas noong sinita si Vladimyr. Malalaki ang mga katawan ng mga ito. At sa unang tingin, siguradong hindi mo susubukang hamunin sila. "Umalis ka na Miss, kung ayaw mong magkagulo lalo dito." anang isa.

Tinaasan ni Vladimyr ng kilay ang lalaki.

"Sa tingin mo ba, wala pang gulo?" sarkastiko niyang balik tanong dito.

"Maangas ka ah! Umalis ka na Miss. Baka mapatulan kita."

Nginisihan ni Vladimyr ang bouncer at naiiling na humalukipkip. Dahilan para mainis lalo ito at tangka siyang susugurin ngunit biglang humarang si Lucien.

"Subukan mo siyang hawakan babaliin ko yang braso mo." malamig na banta ni Lucien sabay tulak palayo sa lalaki.

Inis na sinamaan nito ng tingin si Lucien at tangkang aatake ngunit naunahan siya ni Vladimyr. Bigla na lamang bulandra ang lalaki palayo. Nang tamaan ng tatlong malalakas na sipa ni Vladimyr sa mga mukha nito, kasunod ang mabibigat at solidong suntok. Walang malay na bumalanra ang bouncer sa sahig. Duguan ang mukha nito dahil sa mga suntok na tinamo mula kay Vladimyr.

Pero hindi pa siya nasisiyahan. Galit na galit siya ngayon at nais niyang ilabas lahat ng galit na iyon.

Bumaling ang tingin ni Vladimyr kay Lily. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit habang nagtatagis ang mga ngipin at mariing nakakuyom ang mga kamay. Nagsimulang humakbang si Vladimyr palapit kay Lily.

"Hindi ba't gusto mo akong itapon palabas ng bar na ito kanina lang? Bakit hindi mo subukan ngayon?" Vladimyr's tone is calm as her posture. But her eyes screaming in extreme anger.

Lily starts to step back. She is shaking and trembling as she feels the fatal threats from Vladimyr.

"Don't dare touch me!" she trembled and screamed.

Vladimyr chuckled. Glaring coldly at the woman in front of her. Who just has the guts to kiss her man and dirty his lips. "Touch? Who says I'm gonna touch you? I don't even have a plan. I just wanna talk to you." she said in a sweet tone.

Mas lalong kinabahan si lily sa tinuran ni Vladimyr. This woman act like an understanding angel but she is actually a wicked devil.

Vlad's glare became sharper and deadlier as she began to strode towards Lily, Lucien is quick to move. And the other bouncer who steps in to protect the damsel behind.

"Vladimyr!" Dinig niyang awat ni Lucien ngunit hindi niya ito pinansin. Pinaulanan niya ng sunod-sunod na suntok ang isa sa mga bouncer na mayabang, sa sobrang liksi ng kamay ni Vladimyr, halos hindi iyon na salag ng lalaki at lahat tumama sa mukha nito ang mabibigat na suntok. The man fell on the floor with bloody face caused by Vlad's merciless strikes.

Tinangka ni Lucien na hawakan si Vladimyr. Ngunit nagulat siya at napadaing ng bumalabag ang katawan niya sa sementadong sahig. Kasunod ang buong pwersang suntok mula sa kamao ni Vladimyr patungo sa mukha niya. Bigla itong huminto bago pa lumapat sa mukha niya ang kamao nito.

Hingal na hingal si Vladimyr habang nag-aapoy sa galit ang mga mata na tila na nilamon na ng galit ang katinuan.

"Vlad!"

"Vlad!"

"oh shit! Vladimyr tama na!"

Biglang natigilan si Vladimyr pagkakita sa lalaking nasa harap niya. Pagkatapos magblangko ang isip niya dulot ng bugso matinding galit at selos. Na hindi na niya nagawang pigilan tulad ng madalas niyang gawin, ilang ulit na napakurap si Vladimyr na tila nagising siya mula sa kadiliman ng puso niya.

"L-Luvien?" naguguluhan niyang anas. Tila napaso siya mula sa pagkakaupo sa sikmura ni Lucien.

"Vladimyr!"

Napalingon si Vladimyr sa mga lalaking tumawag sa kaniya at nagsalubong ang kilay. Bakas ang pagkagulat sa mga mata ng mga ito ngunit sa isang iglap napalitan ng pagkabahala.

Nagmamadaling lumapit sina Ethan, Leon at Noah kay Vladimyr para ilayo ito kay Lucien. Nag-aalala sila sa kalagayan ni Vladimyr. Hindi ito maaring ma-stress dahil maselan ang kalagayan nito. Natatakot sila na baka maylit na naman ang nangyari noong nakaraang linggo.

Maingat na binuhat ni Noah si Vladimyr paalis sa pagkakaupo sa sikmura ni Lucien at hindi makapaniwala nang makita ang anim na lalaking nakabulagta sa sahig. Mariing nakakuyom ang kamao ni Vladimyr na tila gigil na gigil ito sa galit. Malalim at naghahabol ng paghinga ngunit sa pagkakataong iyon, nahimasmasan na si Vlad.

Ang ibang mga costumer ng bar ay nagbubulungan at pinagmamasdan sila. May ibang nagpapakita ng takot at ang iba naman at tila nasisisyahan sa nasaksihang gulo. "Are you okay, Vlad?" nag-aalalang tanong ni Ethan kay Vladimyr. Sinubukan pa niuong sipatin ang mukha niya, pero nanatili siyang tahimik at pilit ikinakalma ang sarili. "Ano ba ang nangyari? Nag-alala kami sayo." Anas ni Leon.

Mariing napapikit si Vladimyr nang maramdaman na naman niya ang pag usbong at Sidhi matinding kirot mula sa kaniyang sinapupunan. Nahigit niya ang kaniyang paghinga at kaagad siyang napahawak doon at hindi inaasahang mapahulod dulot ng kirot, kasabay ang pag-aalala.

"A-ahh!"

Nahihirapan daing ni Vladimyr.

Halos magkakasabay na napasigaw ang apat na lalaki at nang matumba si Vladimyr sa sahig.

Dahil sa matinding pag-aalala, hindi alam ni Lucien kung paano siya nakatayo at ngayon ay nasa mga bisig na niya si Vladimyr habang nagmamadaling tinatahak ang daan palabas ng VIP Bar. Kasunod ang tatlo nitong mga kasama na natataranta rin sa pagsunod sa kanila.

"Casper!" Malakas na sigaw ni Lucien sa assistant niyang nakatayo sa gilid ng kotse. Kahit nagtataka, mabilis na binuksan nito ang pinto sa backseat para kay Lucien nang makitang buhat nito si Vladimyr.

"Ano po ang nangyari, Boss?" pakli ni Casper sa amo.

"What the fck? Wag na kayong magkwentuhan she needs to be taken to hospital!" Leon angrily sneered.

Sinenyasan ni Lucien si Casper na magdrive.

Hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nakikitang namimilipit si Vladimyr at nakayakap sa sinapupunan niya.

"Baby? Hey calm down... breathe..." He gently said, caressing her hair.

Lalong nag-alala si Lucien dahil sa panlalamig ng katawan ni Vladimyr. Nanginginig ito at pinagpapawisan ng sobra. Hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin para matulungan si Vladimyr. Mataas ang tolerance ni Vladimyr sa kirot kaya nagtataka siya at nababahala.

Base sa nakikita niya ngayon, sigurado siyang matindi iyon para magkaganito si Vladimyr.

Mahigpit na niyakap ni Lucien si Vladimyr, nagbabaka sakaling kahit kaunti maibsan ang nararamdaman nitong kirot.

"Casper bilisan mo!" naiinip niyang utos. Pakiramdam niya parang pagong sa bagal ang kotse kahit halos lumipad na ito sa sobrang bilis.

Pagdating nila sa ospital ng St. Benedict. Ang pinaka malaking ospital sa Southland. Pinatayo ito ni Vladimyr kasabay ng iba pa niyang negosyo.

Nagmamadaling binuhat ni Lucien si Vladimyr papunta sa emergency entrance, sinalubong siya ng mga lalaking intern na may dalang stretcher. Maingat na inilapag ni Lucien si Vlad sa stretcher at tumulong na rin sa pagtulak nito. Kaagad kinabitan ng oxygen resuscitator si Vladimyr dahil halos hindi na ito gumagalaw at tanging daing at ungol na lang ang nagagawa. Her breathing is weak. It was obvious that she is extremely in pain.

Hindi maintindihan ni Lucien kung bakit biglang nagkaganun si Vladimyr. Labis siyang nag-aalala pa rito lalo na kapag naa-alala niya ang hirap sa mukha nito.

Pagdating sa tapat ng emergency room, hindi na hinayaan ng mga nurse na pumasok si Lucien. Sinara agad ng mga ito ang doblehang pinto.

Walang nagawa si Lucien kundi ang maghintay sa labas. Kahit para na siyang mababaliw dahil sa sobrang pag-aalala.

Nanlulumo na napasandal si Lucien sa pader, kaharap ng emergency room, nang humahangos na dumating sina Ethan, Noah at Leon. Matalim ang tingin na pinukol niya sa mga ito. Kulang na lang ay durugin niya ang mga mukha ng mga ito dahil sa nangyari kay Vladimyr.

"What happen to her, huh? Anong nangyayari kay Vladimyr, bakit siya nagkaganoon?" Gigil na gigil niyang singhal sa tatlo. Paglapit ng mga ito sa pwesto niya, pero sinalubong siya ng kamao ni Noah.

Bahagyang napa-atras si Lucien at agad dumugo ang bibig niya dulot ng malakas ng suntok nito. Tangka niyang susugurin si Noah pero agad pumagitan sina Ethan at Leon para awatin sila. "Ikaw ang nandoon! Bakit hinayaan mo siyang makipaglaban sa mga lalaking yon? Wala ka na ba talagang pakialam kay Vladimyr? Anong klase kang tao? Wala kang bayag hayop ka!" Nanggagalaiting sigaw din ni Noah kay Lucien habang dinuduro siya sa mukha.

Lalong tumindi ang tensyon sa pagitan nina Noah at Lucien. Para silang mga mababangis na leyon na handang pabagsakin sa bawat isa.

Pareho silang matangkad at may malaking pangangatawan. Malakas din sumuntok si Noah pero higit na malakas ang kamao ni Lucien.

"How dare you!" gigil na sikmat ni Lucien at pilit kumakawala mula sa pagkakahawak ni Ethan sa kamay niya, para sugurin si Noah.

"Tumahimik na kayong dalawa! Nasa ospital tayo at nandun si Vladimyr sa loob. Stress na stress na siya, wag na natin dagdagan." Iritadong saway ni Leon.

"You two should calm down. Hindi makakatulong kung maririnig kayo ni Vlad ngayon na nagtatalo dito sa labas." dagdag ni Ethan.

Lucien shook his hands off from Ethan's grasp. He was trying to suppress his anger towards Vladimyr's friends. Hindi pa nawawala ang inis niya para sa tatlong ito dulot ng selos.

Nalalambot na napasandal si Lucien sa gilid ng pader habang naghihintay sa Doctor na tumingin kay Vlad.

Sina Leon at Ethan ay tahimik na nakatayo sa tabi ng pinto at si Noah naman ay nakasandal sa pader habang nakatanaw din sa pinto.

Lahat sila doon tahimik na naiinip at nababahala pero wala ni isa ang bumasag sa katahimikan. Halos kalahating oras silang naghintay at agad napabalikwas nang bumukas ang pinto ng emergency room. Iniluwa niyon ang babaeng doctor at dalawang nurse.

"Sinong pamilya ng pasyente?" Bungad na tanong ng doctor habang isa-isa silang tiningnan. Kaagad na pumagitna si Lucien at nagsalita. Bago makasingit ang tatlo.

"I'm her fiancé. I'm Luc-Luvien Ezquillon. How is she?"

Muntik nang madulas si Lucien pero agad din niyang binawi.

"Oh. Mr. Ezquillon, I want you to know that the patient is fine and the baby is safe. Buti na lang naagapan, I guess this is the second time na nangyari ito sa pasyente. Maselan ang pregnancy ni Ms. Dela Claire. Please take care of her." dere- deretsong sabi ng doctor.

Tulala at bahagyang umawang ang bibig ni Lucien habang nakatingin sa doktor na nagsasalita. Hindi na niya narinig ang iba pa nitong sinabi, nang marinig niya ang tungkol sa kalagayan ni Vladimyr. Tila na-blangko ang utak niya at tumigil ang mundo niya sa pag-ikot. 'V-vladimyr is... p-pregnant? H-how come? W-whos the father?'

Sunod-sunod na tanong niya sa isip habang pilit pinoproseso ng utak niya lahat ng mga natuklasan. Malakas ang tibok ng puso ni Lucien. Sari-saring emosyon ang lumukukob sa katinuan niya. Tuwa, lungkot, takot at pagkalito. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman sa mga oras na ito.

Ilang ulit na napalunok si Lucien hanggang sa makolekta na niya ang sarili mula sa pagkalito. Nilingon niya ang tatlo habang sinusubukan basahin ang mga nilalaman ng isip nito, kung sino sa tatlo ito ang ama ng baby ni Vladimyr. Kaagad napalitan ng matinding galit ang kanina lang ay kaguluhan sa isip ni Lucien at tinapunan ng matalim na tingin sina Ethan, Noah at Leon. Mariing kumuyom ang mga kamao ni Lucien habang nagtatagis ang mga bagang dulot ng galit na sinusubukan niyang pigilin.

"Sino sa inyo?" malamig na tanong ni Lucien, "Sino ang ama ng pinagbubuntis ni Vladimyr? Sino sa inyo?" Nagbabanta niyang pakli.

"Sa amin? Anong sino sa amin?" takang sagot ni Leon. "Hindi ba dapat itanong mo sa sarili mo yan? Dapat alam mo yan? Wag mong sabihin na hindi mo ginagalaw si Vladimyr kapag magkasama kayo? Bro, wala sa hitsura mo ang gentleman kaya wag kami ang tanungin mo dahil may kaniya-kanya na kaming dapat buntisin. At hindi si Vladimyr yon." Naiiling na wika ni Leon. Halata ang pinipigilang iritasyon para kay Lucien.

"Wag mo kaming itulad sayo, bro. Pagkatapos buntisin si Vladimyr basta na lang nang-iiwan? Hindi kaya iyan ang dahilan kaya niya sinusubukan na ilihim sa amin ang tunay niyang sitwasyon? Napaka pathetic ng rason." dagdag pa ni Leon. "He's right. I have my wife. Kung nagka-anak man kami ni Vladimyr, it was seven years ago." kalmadong sabat ni Ethan.

At si Noah naman at tumikhim lang dahil nasa mansion ang asawa niya at apat na rin ang mga anak nila.

Hindi makapaniwalang bumaling ang tingin ni Lucien sa nakasaradong pinto ng emergency room. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya matapos marinig ang pangangatwiran ng dalawa. Gusto niyang magalit dun sa kaibigan ni Vladimyr na Leon ang pangalan pero hindi niya magawa dahil hindi siya ang nang-iwan. Kundi ang kakambal niyang si Luvien.

Desperadong napahilamos ng palad si Lucien sa mukha at unti-unting lumapit sa pinto ng silid.

"Kung ako ang ama ng baby ni Vladimyr, then I should do the right thing." He uttered. His tears began to fall on his cheeks. His smile slowly formed on his lips as he felt the excitement of being a father. "Kung nalaman ko lang kaagad. I won't let her experience this kind of stress. I'll take care of her with all my heart..." nakangiting wika ni Lucien sa ay lingon sa tatlo. "Bakit hindi niya sinabi kaagad sa'kin?" Napailing na lang ang tatlo.

"I-I'm gonna be a father... fuck! I'm gonna be a father!" He mumbles with a smile and tears of joy in his eyes.

TULAD ng nakaraan, nagising na naman si Vladimyr sa amoy ng ospital. Nanunuot na ito sa ilong niya at nagdudulot ng pagpintig ng sintido niya. Tahimik ang kabuuan ng silid, pagmulat niya ng mga mata. Purong puti na naman ang nakagisnan niyang paligid.

Dismayadong napabuntong hininga si Vladimyr at sinubukan gumalaw para umupo Nakasuot siya ng kulay purple na patient gown at may IV drip na nakakabit sa kanan niyang kamay.

Sumandal siya sa dalawang malambot na unan na pinagpatong niya saka nababagot na gumala ang paningin sa kabuuan ng silid.

Wala siyang kasama ngayon, pero hindi naman patay ang malamlam na ilaw.

"Nandidito na naman ako?" napabuntong hininga siya. "Nagiging tambayan ko na yata ang lugar na ito." tumikhim siya saka lumingon sa pinto.

"Nakakaumay na ang lugar na ito..." bulong pa ni Vladimyr.

Inangat niya ang kamay na may naka kabit na swero saka isa-isang tinanggal ang paper tape na nagpapanatili dito sa kamay niya. Saka niya hinugot ang maliit na karayom na nakatusok sa balat niya diretso sa ugat. Walang gana na tumayo si Vladimyr mula sa kama habang punakikiramdaman ang sarili. Nang walang kakaiba, tumayo siya at tumungo sa maliit na banyo para mag-ayos ng sarili.

Paglabas niya ng banyo, dumeretso siya sa labas ng silid at walang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga nakakasalubong na nurse at pasyente.

Dumretso sa hagdan si Vladimyr, hindi alintana ang mga tao sa paligid niya na naguguluhan. Kaagad siyang sumakay ng taxi paglabas niya ng ospital, noon niya lang nakita na madilim na at walang gaano g tao sa paligid. At nagpahatid sa bahay niya, ilang kilometro ang layo mula sa S City.

Wala siyang gana tumagal sa ospital na iyon dahil pakiramdam niya lalo siyang magkakasakit.

Pagbaba niya sa tapat ng gate, sinenyasan niya ang dalawang guard na bayaran ang driver. Hiningi niya ang jacket ng isa at ang extra nitong baril, dahil hindi siya sanay na walang bitbit. "Anong oras na ba, Danny?"

"alas diyes na po ng gabi, Madame."

"Ganun ba?"

"Opo."

"Pahiram muna ng phone mo."

Binigay agad ng guard na si Damny ang phone niya kay Vladimyr.

Pagkatapos ng ilang pag-ring sa kabilang linya, sinagot agad iyon ni Vlex.

"Andito na ako sa bahay, wag ka na mag-alala." walang gana niyang sabi. Natawa na lang siya dahil halos maiyak ang kapatid niya mula sa kabilang linya.

"Ano ka ba? Ayos lang ako. Sige, hintayin ko kayo dito. Bye."

Binalik kaagad ni Vladimyr ang cellphone kay Danny bago dumeretso sa parking ng electric cart.

Pagdating niya sa pinto, sinalubong siya ng mga maid at magalang na binati.

"Magandang gabi din sa inyo. Bakit gising pa kayo? Tapos na oras ng trabaho niyo diba?"

"Napag-utusan lang po kami na asikasuhin ang inyong mga bisita, Madame." magalang na sagot ng katulong.

Nangunot ang noo niya sa pagtataka. Otomatikong lumihis ang tingin niya sa direksyon ng salas niya habang magkasalubong ang mga kilay na nakatutok ang mga mata sa direksyong iyon. "Bisita ko? Sino?"

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report