The Fall of Thorns 1: Alano McClennan -
Chapter 11
"HINDI mo ba ako susumbatan man lang? Dapat magalit ka sa 'kin dahil ginamit lang kita para matagpuan si Benedict. Say something." Isinandal ni Clarice ang pagod na pagod na katawan sa marmol na dingding ng banyo. Unti-unti na siyang nakadarama ng panlalamig dala ng matagal na pagkakababad sa tubig. Pero hindi niya iyon ininda. Dahil walang-wala ang panlalamig niya kumpara sa pagkalunod na nadarama na dulot ng sakit sa natuklasan sa araw na iyon. "Distract me from the pain. Magalit ka. Please."
"Paano ba?"
Napahawak si Clarice sa kanyang dibdib sa pagragasa ng tumitinding sakit nang mapakinggan ang pait sa boses ni Alano. Mahal siya nito. Hindi niya pinagdududahan ang bagay na iyon. At alam niyang nasasaktan din ang binata dahil base sa mga sinabi nito ay nakasisiguro siyang may alam na ito sa nangyari labinlimang taon na ang nakararaan. Kung paano at kanino nalaman ni Alano ay ayaw niya nang alamin pa. It was strange how despite the countless things that were shattering her right at that very moment, she still wanted to reach out, hold Alano and take away what hurts him.
lyon ang isa sa mga rason kung bakit ayaw ni Clarice na magmahal noon. Bukod sa makasisira iyon sa mga plano niya ay para bang nagiging masokista ang sinumang tamaan niyon. And tonight, she proved she was right. Love really was a complicated thing.
"My pain is nothing compared to yours. Ni wala pa nga ako sa one fourth ng mga pinagdaanan mo sa nakalipas na mga taon. So, I urge you to use me more, Clarice. Hurt me more. Do that for the rest of my life, you have my permission."
Clarice bit her lower lip to control her sobs. "Stop it—"
"Believe me; I've been dying to put some sense into my thick head for several hours now. Gusto kong magmarunong at masaktan dahil sa ginawa mo at lumayo na lang sa `yo dahil sa ginawa ng Papa ko. Pero mahal kita. Mahal na mahal kita, Clarice. And that's the reason why I'm staying."
Hindi sumagot si Clarice. Naipilig niya ang ulo bago sinikap na tumayo kahit na nanlalambot pa ang kanyang mga tuhod. Malakas na tinabig niya ang mga kamay ni Alano nang tangkang aalalayan siya ng binata. Lalabas na sana siya sa banyo nang biglang lumuhod ang binata sa kanyang harap. Pilit na inabot nito ang mga kamay niya.
"Pagkatapos ng mga nangyari, alam kong wala na akong karapatang manatili pa rito. You don't know how much will power I'm gathering just to be able to look at you right now and to hold you like this. Clarice, I am so, so, sorry for what happened. I couldn't speak for my father. Ang dami ko ding tanong. And what pains me the most was the fact that even if he's still alive, I would never be able to hear his explanation. All I have are my Mom's confessions and Dad's diaries." Gumaralgal ang boses ni Alano kasabay ng pagpatak ng luha nito.
"Pero handa akong magpagamit sa 'yo, Clarice. Gamitin mo ako nang paulit-ulit, okay lang. Handa din akong saluhin ang paghihiganti mo. Nakahanda akong masaktan huwag ka lang mawala sa akin. I will transfer all my shares in the company under your name first thing tomorrow, I promise. Ibabalik ko sa yo ang lahat ng mga ninakaw sa `yo-"
"Alano-"
"I also have my own money in different banks here. Give me your account number so I can also transfer them to yours. Alam kong hindi sapat na kabayaran 'yon para sa buhay na-" "Stop it—"
"I'm really, really sorry. Hindi namin alam ang nangyari sa kompanya noon. Ang buong akala naming magkakapatid, nabili talaga ni Papa ang shares sa naging business partners niya. There were
ગા
documents that he showed us when we reviewed years ago the company history. I didn't know where the heck he got those documents. Nang makilala kita, hindi ko rin alam na ikaw pala ang anak ng dating
business partner ni Dad at—”
"I said stop it, Alano!" Nagtaas na ng boses si Clarice dahil hindi niya na alam kung paano pa pahihintuin ang binata. Every single word that he utters just breaks her heart all the more.
"I'M SORRY." Napayuko si Alano.
"Aayusin ko pa rin ang kasal natin,
katulad nang naiplano na natin
noon. Ako na ang bahala sa lahat ng proseso, wala ka nang kailangang gawin pal will just inform you the details. And at the end of it all, whether you show up or not show up or not will all be up to you. Anuman ang gawin mo, umasa kang maiintindihan ko." Nagtaas ng mukha si Alano at masuyong ngumiti pero hindi matatawaran ang lungkot at sakit sa mga mata nito. "Ipinapangako kong wala kang gagawin na hindi ko maiintindihan."
Tumayo na si Alano at maingat na hinalikan ang noo ni Clarice. "Magpalit ka na bago ka pa tuluyang magkasakit. I will talk to my lawyer to prepare the necessary documents and have someone bring them to you tomorrow." Ikinulong siya ng binata sa mga braso nito. "Don't hurt yourself anymore, please, if you want someone to listen, to yell at or to punch, call me. At ipinapangako kong darating kaagad ako."
Humiwalay si Alano kay Clarice at tuluyan nang lumabas ng banyo. Sumunod siya rito. Palabas na ang binata ng kwarto nang tawagin niya. Pinigilan niya ang sariling takbuhin ang kinaroroonan nito at yakapin hanggang sa mabura ang hapdi sa kanyang puso. "I know you're hurting, too. I'm so sorry."
"Don't be," kahit pa mahina lang ay nakaabot pa rin sa pandinig ni Clarice na sagot ni Alano. "You have nothing to apologize for. Ako lang naman ito, Clarice. I'm just a son of a thief, of a murderer. I have my mom who had kept this nasty secret through the years and brothers who have no idea about this. You really shouldn't be sorry... I should be."
Nang tuluyang umalis si Alano ay mariing naipikit ni Clarice ang kanyang mga mata.
If she can only save both of them from misery, God knows she would.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report