The Fall of Thorns 1: Alano McClennan -
Chapter 12
"WHAT are you doing?" nakakunot ang noong tanong ni Clarice kay Alano nang bigla na lang itong humarang sa harap niya. Hindi niya tuloy makita NAng maayos ang paglubog ng araw dahil sa laki ng bulto nito. "Umalis ka diyan, Alano. You're blocking the view."
Pero nagmatigas si Alano. Mapang-akit na ngumiti pa ang binata kasabay ng bigla na lang na paggiling ng katawan nito. "I'll never gonna dance again. Guilty feet have got no rhythm. Though it's easy to pretend, I know you're not a fool..."
Naitakip ni Clarice ang palad sa bibig habang gulat pa ring nakatitig sa binatang patuloy sa sintunadong pag-awit at paggiling sa kanyang harap. Mayamaya ay napangiti siya hanggang sa mauwi rin iyon sa malakas na pagtawa. "My goodness, Alano," amused na nasabi niya. "You are driving me crazy."
"What?" painosenteng tanong naman ni Alano habang patuloy sa paggiling. "You once told me you wanted a man who can sing and dance for you. So, here it is. Pinagsabay ko ng gawin para minsanang kahihiyan lang," naaaliw rin na sagot nito bago muling bumirada sa pagkanta.
Kasabay NAng tuluyang pagtatago ng haring araw ay ang paghinto rin ni Alano sa kalokohan nito. Humihingal na naupo ito sa tabi ni Clarice sa buhanginan mayamaya ay malambing na niyakap siya. "It's all worth it," bulong nito.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Seeing you smile and laugh like that, the craziness... It's all worth it, Clarice."
Nahinto sa pagbabalik-tanaw si Clarice nang sa wakas ay makita na si Alexandra at Benedict sa veranda. Mag-isa siyang nagpunta sa Olongapo NAng araw na iyon. Nabigla pa siya nang hayaang makapasok ng mga gwardiya sa loob ng bahay.
"Clarice." Kaagad na tumayo si Alexandra nang makita siya. Iniwanan nito na nakaupo sa stool si Benedict na gaya ng dati ay nakatulala lang sa paligid. "I am so, so sorry-"
"For what? For keeping your lips sealed the past years?"
Tumulo ang mga luha ni Alexandra kasabay ng pagkuha nito sa mga kamay ni Clarice. "Mahal na mahal ka ng anak ko. Please spare my son."
"Kung makapagsalita ka naman, parang ako ang kontrabida rito." Mapait na natawa si Clarice. Kinalas niya ang mga kamay ni Alexandra na nakahawak sa kanya. Malamig na tiningnan niya ang ginang. "Can you give me a moment with Benedict? I promise I won't kill him or hurt him. Ipinapangako kong hindi ko siya ihuhulog o itutulak sa veranda," may bahid-sarkasmong sinabi niya nang makita ang pag- aalinlangan sa mukha ng ginang. "The killing is just Benedict's forte. Not mine."
Hindi na nakapagsalita pa si Alexandra. Para bang mabibigat ang mga paa na tumalikod na ito at naglakad palayo habang si Clarice ay lumapit sa kinauupuan ni Benedict. Muling umatake ang kirot sa kanyang dibdib nang makita itong nakatitig lang sa sahig. "Hi. Do you remember me?" Mayamaya ay natawa siya. "Oh, of course you don't. How stupid of me. Pero hindi mo man ako maalala, ikaw, hinding- hindi ko malilimutan.
"You took my dad's life, my mom's sanity, you took my life. You took every thing away from me. Ang damot-damot mo. Wala ka nang itinira sa akin. Iyong kompanya, sa `yong sa 'yo na iyon. Pero 'yong buhay na kinuha mo, damn it, McClennan!" Napahagulgol si Clarice. "Bumalik ka na sa dati! Fight fair for once, damn you!"
"Clarice."
Natigilan si Clarice nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang mga matatag na brasong yumakap sa kanyang likod. Muling pumatak ang mga luha niya. "I was as good as dead when your father ruined my life, Alano."
"You love me. Hindi mo maitatanggi `yon. I felt your love and I love you. Let our love for each other bring you back to life, Clarice," nakikiusap na bulong ni Alano.
Muling humagulgol si Clarice. Hindi niya na alam kung ano ang iisipin o kung ano ang gagawin. Pakiramdam niya ay tumigil ang lahat ng bagay simula nang malaman niya ang tunay na sitwasyon ni Benedict. Ni hindi niya maipaalam kina Maggy at Yalena ang nangyari. Clarice knew that those two would never hesitate to torture Benedict more.
At hindi niya makakaya iyon. Dahil sa kabila ng matinding galit sa puso niya, hindi niya pa rin maatim na saktan ang ama ng lalaking pinakamamahal niya.
Pagkalipas ng ilang sandali ay kinalma ni Clarice ang sarili. Bigo pa ring inalis niya ang mga braso ni Alano sa kanyang baywang. Humarap siya sa binata. Buong pagmamahal na hinaplos niya ang mga pisngi nito. He had lost weight. Halata ring hindi ito gaanong nakakatulog sa nakalipas na mga araw dahil nangangalumata ito. And she wanted to reach out. But she... just couldn't. "I don't know why I'm feeling like this and why to you of all people."
"Why?" Rumehistro ang sakit sa mga mata ni Alano. "Is it so wrong to love me?"
Clarice looked at Alano with all the pain in her heart. "Yes," she whispered before she kissed him hard on the lips.
Ang sabi ni Mama noon, may iba't ibang uri daw ng pagmamahal, Alano. Some are selfless, some are greedy. Benedict had you. He had your mom who still loves him so much. He had Austin and Ansel, too. Kung sana ay nakuntento na ang Papa mo noon, kung sana buhay pa si Papa, ang mag-asawang de Lara, at maayos ang kalagayan ni Mama, hindi sana tayo nasasaktan ngayon. I would never have let you go. Hindi tulad ngayon. We are victims of your father's greedy choices.
"I CAME here to say good-bye. I'm going back to Nevada today, Mom. And I don't know when I'll be able to visit you again." Pinagmasdan ni Clarice si Carla na nakatitig lang sa kalangitan nang may matamis na ngiti sa mga labi. Sa loob ng labinlimang taon ay nabuhay siya na dala ang matinding hinanakit-sa puso para sa ina. Nang bumigay ang Katinuan nito, pakiramdam niya ay hindi na siya inisip ng ina. Kasabay ng pagsuko sa realidad ay ang pagsuko rin nito sa kanya noon. Kaya kahit minsan ay hindi niya ito dinalaw. Nag-aabot na lang si Clarice ng pera sa personal
assistant niya at ipinapadala iyon sa Pilipinas, sa mismong center ng ina para sa maintenance ng mga gamot nito at iba pang kailangan.
But now, here she was. Pakiramdam ni Clarice ay naliligaw siya at wala nang iba pang mapupuntahan sa bansa at ang ina ang naisipan niyang puntahan.
Ang laki na nang ipinagbago ni Carla. Marami nang puti sa buhok nito pero maganda pa rin tulad ng dati. And her eyes looked at ease now. Napasigok si Clarice, mukhang dahil doon ay nakuha niya ang atensiyon ng ina. Umangat ang mga palad nito at hinaplos ang mga pisngi niya nang makitang lumuluha siya. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi kasabay ng patuloy na pag-agos ng mga luha niya. It felt so good to feel her mother's warm hands against her cheeks, especially at a time like this.
"Hindi ko na alam, 'Ma. Hindi ko na alam kung tama pa rin ba ang mga ginagawa ko ngayon. I feel like I'm committing a huge mistake to you and Dad for being swayed like this but believe me, I'm trying so hard to fight this feeling. It's just that, since I got to know Benedict's second son, pakiramdam
marami na sa mga pinaniniwet
Koang hindi na sigurado, All I know right now is that I will be leaving my heart here, `Ma," namamaos nang sinabi ni Clarice. Napatitig siya sa
suot na engagement ring. It was such a lovely ring and under normal situation, she would have
appreciated it and loved it. She
would have flaunted it to the world.
Pero hindi ganoon ang nararamdaman niya.
Hindi alam ni Alano ang plano niyang pag-alis. Nitong mga nakalipas na linggo ay ipinaayos niya na kay Radha ang kanyang passport.
Apat na araw na lang bago ang nakatakda nilang kasal ni Alano. Araw-araw ay pinupuntahan si Clarice ng binata sa townhouse niya at ipinapaalam ang mga detalye tungkol sa kanilang kasal. Ito pa ang personal na nagdala sa kanya ng wedding gown niya. He was such a dedicated groom-to-be. Nanikip ang dibdib ni Clarice. Sa araw ng kanilang kasal ang katuparan ng kanyang paghihiganti sa pamamagitan ni Alano, sa oras na hindi niya ito siputin. Nasa kanya na ngayon ang lahat.
Ilang linggo nang nailipat ni Alano sa pangalan ni Clarice ang lahat ng shares nito sa kompanya pati na ang ilang milyon na pera nito sa bangko. Nasa kanya na ang mga pinirmahan nitong papeles. She was probably three times richer now than she was before. Pero nakiusap si Alano na ito na muna ang tatayo sa kompanya para sa kanya. Dahil ayaw nitong ipaalam sa mga kapatid ang totoong sitwasyon, sa pakiusap na rin daw ni Alexandra para maisalba pa ang magandang pagtingin ng magkapatid kay Benedict.
Somehow, Clarice had accomplished her mission. She had no reason not to leave the country. Napabagsak niya na ang isa sa mga anak ni Benedict. This was her life-long dream. She should be happy. In fact, she should be celebrating. Pero malayo sa kasiyahan ang nadarama niya.
Pumasok sa isip niya ang naging usapan nila ni Alano nang minsang bisitahin siya nito sa townhouse niya ilang araw bago ito nag-propose. Along with the flowers and her favorite snacks, he brought something that really surprised her.
"A bible? Really, Alano?" Naalala ni Clarice na gulat na bulalas niya matapos niyang makita ang laman ng paper bag na ibinigay nito sa kanya. Parang napapasong nabitiwan niya iyon na maagap namang nasalo ni Alano. "I can't accept this. This is crazy. You know that I don't believe in-"
"No problem. I will teach you how to believe again. Every day, I will tell you about my God, Clarice. For sure, you would love Him, too." Inabot ng binata ang mga kamay niya at muling inilagay doon ang bible saka ngumiti. "Isn't it sad having nothing positive to believe in? If you can't read it alone, it's okay. We will read it together. After all, it's been a long time since I had someone to read this with. Noong mga bata pa kami, sabay-sabay kaming pinagbabasa ng bible ni Mama. You may replace it hard to believe but ever since meeting you, it's been my dream to read this with you. We will do it one step at a time together, baby. And it's going to be exciting, believe me."
"Kakaiba si Alano kay Benedict,
Mama. In fact, kakaiba siya sa lahat
ng mga lalaking nakilala ko. Alam
mo bang tinuruan niya akong magdasal? He was just like Dad when he was still alive. Alano made me read the bible, he made me hold the rosary, and he introduced me to his God." Pumasok sa isip ni Clarice ang mga panahong matapos nilang kumain ng mga iniluto ni Alanozay hindi pwedeng hindi siya nito paghahawakin ng bibliya. He was that persistent. Every time he would visit her, he would make sure that they would read a chapter a day. Muli siyang napangiti sa naalala. "The faith in his eyes urged me to believe in the good things as well. There was even a time when I almost made myself believe about the healing he was talking about. But just when I was about to do that, his father's face crossed my mind and it woke me up. Dahil kahit anong gawin niya, anak pa rin siya ni Benedict." Nawala ang ngiti niya. "Si Benedict na siyang sumira sa buhay natin na kahit kailan ay hindi ko na magagawang gantihan pa. He doesn't deserve the Alzheimer's, `Ma. He deserve more than that."
Umihip ang malakas na hangin. Doon na sumunod na tumutok ang atensiyon ni Carla. Buhay na buhay ang naging pagtawa nito nang makita ang pagsayaw ng mga halaman sa hardin na iyon ng Center. Sabagay, ano ba ang inaasahan niya? Hindi niya alam kung nakinig kahit paano ang kanyang ina. But at least, Clarice was able to tell her mother what she feels just like what she used to do when she was stil a little girl. Mapait na ngumiti si Clarice bago tumayo.
Hinalikan niya sa noo ang ina. "Be safe, mom." Bulong niya rito saka tuluyan nang umalis. Siguradong matatagalan pa uli bago sila magkita.
Sumakay na si Clarice sa kotse ni Radha. Ito ang maghahatid sa kanya.
"Tara na," mahinang sinabi niya nang maupo na sa passenger seat. Dederetso na sila sa airport. She was about to go back to her old life. But she was not even excited about it. What did you do to me, Alano? Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang nagbibiyahe sila para lang maimulat din ang mga iyon nang marinig ang sunod-sunod na tensiyonadong pagmumura ni Radha. Bihira nitong gawin iyon. "Why? What's going on-"
Hindi na naituloy pa ni Clarice ang sasabihin nang biglang sumalpok sa kung ano ang kanilang kotse kasabay niyon ay humampas ang ulo niya sa kung saang matigas na bagay.
Biglang umahon ang takot sa kanyang puso. Bago tuluyang mawalan ng malay ay naglaro pa sa isip niya ang gwapong mukha ni Alano.☐☐☐☐☐☐
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report